我是一個漁夫 Isa akong Mangingisda

 2016 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 Isa akong Mangingisda

👤 Oliver Dangculos

Sino ang may sabi na ang pangingisda ay napakadaling gawin?
Nariyan na pagod na pagod ka dahil kailangan mong manatiling gising sa buong magdamag sa panghuhuli ng isda.
Nariyan na wala kang makain dahil gusto ng kapitan ay matapos lahat ng gagawin bago kumain.
Nariyan na kahit tapos na kayong magtrabaho pero kakarampot naman ang ibinibigay na pagkain sayo.
Nariyan na kung pagdumaong na kayo ay kailangan mong ikaw pa ang mag ayos ng lahat ng bagay sa pagtitinda ng isda.

Minsan, naiisip mo nalang na umuwi ng Pilipinas dahil sa hirap ng mga nararanasan at pakikibaka mo sa araw araw sa pangingisda.
Minsan naman ay kahit may bagyo papalaot pa rin dahil sa hangarin ng amo mo na makahuli pa ng maraming isda.
Minsan din ay lumulutang na ang isip mo dahil sa walang maayos na tulog at pagkain.
Tunay nga bang ganito kahirap ang maging mangingisda o sadyang may mga taong mapagsamantala?

Pero bilang isang mangingisda dito sa Taiwan ay pinananatili ko ang aking katatagan para sa pang araw araw na gawain.
Hindi dapat mawalan ng pag asa at manatiling matatag sa hamon ng buhay.
Ito ay isang pagsubok na kailangan mo lang malampasan.
Ganon nalang lagi ang iisipin para hindi panghinaan ng loob.

Ang dalangin ko lang sa Poong May Kapal ay bigyan pa ako ng lakas ng loob at katatagan para sa mga darating na mga pagsubok sa buhay naming mangingisda.
Poong May Kapal bigyan Mo kami ng lakas ng loob para hindi matakot sa bagsik ng alon.
Patatagin mo pa ang kalooban namin para manatili kaming pursigido sa pangingisda para may mailapag sa hapag kainan ng bawat pamilyang gutom.
Bigyan nyo po kami ng katatagan para maipahayag po namin sa namumuno sa bansang ito kung ano rin ang mga hinaing at pangangailangan naming mga mangingisda.

Tulang Akda ni Oliver Dangculos


📜 我是一個漁夫 

👤 Oliver Dangculos

誰說,釣魚是一件容易的事?尤其當你睡不飽還必須保持清醒工作必須一夜通宵認真的捕魚。當你肚子咕嚕咕嚕叫,還聽老闆的話,釣魚完才能吃飯。當你要開飯時,看到食物怎麼那麼少,可又不能跟任何人抱怨。當你的船隻靠岸,以為終於可以休息了,但必須賣魚等待老闆一切安排。

有時候覺得,還是回菲律賓好了,這裡生活這麼困苦又要面對每天捕魚的壓力。有時候甚至暴風圈逼近,老闆還會逼你上船,強迫你面對強風暴雨,捕更多的魚。有時想想,我們始終沒有適當的睡眠和充足的食物,捕魚真的需要那麼克難嗎?還是只是因為我們這種人善於被利用?

但作為在台灣的漁民,我要一直保持我的活力,好面對日常生活作息。不應該失去希望,應該保持堅定的信心迎接每天的挑戰。這是一個你必須要克服的考驗。我一直認為只要不氣餒,就不會失去信心。

我只祈求全能的上帝,讓我堅韌不拔,讓我們這些漁民有足夠的勇氣和力量迎接困難的挑戰。我全能的上帝啊!賜給我們勇氣,讓我們面對再強烈的波濤也不畏懼;堅強我們的信心,讓我們面對千萬險的捕魚過程也不怕。這樣也才能夠餵飽我們在家鄉的家人。

希望藉這篇文章,讓我們機會表達心聲給這個國家的領導人,讓她知道,我們這些在台漁民所做的貢獻,聽到我們微薄的需求。

 

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *