圓形、三角和四方 BILOG, TATSULOK AT PARISUKAT

 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 圓形、三角和四方 BILOG, TATSULOK AT PARISUKAT

👤 Barwin Dophet Labita

 

BILOG, TATSULOK AT PARISUKAT
(“Isang Buhay, Maraming Pangarap”)
sa panulat ni Barwin Dophet

Sabi nila “Life is a journey, life is a quest.” pero sa akin “Life is so much obstacles”. Masalimuot ang mundong ating ginagalawan. Hindi mo alam kung saan tayo tutungo at hahakbang papunta kung saan. Isang buhay na punong-puno ng pangarap. Isang adhikain na kailangan mong linangin. At sa mundong ginagalawan ng bawat isa sa atin ay may mga hugis, pangyayari na hindi natin maiiwasan at makakalimutan. Pilit man nating iwaksi at kalimutan ang nakaraan ay lumilikha pa rin ito ng pilat o marka sa ating pagkatao.

Minsan isang panahon ay bigla na lang tayong magpapaimbulog sa karakter na hindi natin ginusto at kusang dumarating. Katulad ng isang drama sa teatro o maging sa mga teleserye at pelikula na pinapanood natin sa araw-araw, hindi natin napapansin tayo na pala ang gumaganap sa istorya ng buhay.Sa isang iglap, ako na pala ang bida sa samu’t saring kwentong ito.

Ito ang kuwento ko…….
Napilitan ang aking ama na pumunta sa ibang bansa dahil nalugi ang coco-lumber na negosyo namin sa probinsya. Lumaki akong wala din ang aking ama sa aking tabi. Mahirap lumaking wala ang haligi ng tahanan. Noong una lagi ko siyang hinahanap pero nakasanayan ko na rin na wala sya sa amin.Sabi ko na lang para sa aming lahat ito at para sa kinabukasan ng aming pamilya.Lahat naman ng ginusto namin ay naiibigay ng aking ama. Itinuon ko sa pag-aaral ang lahat ng lungkot at pangungulila sa aking ama.Hindi ko rin naisipang magrebelde kagaya ng ibang mga anak ng OFW.Mabuti na lang andyan din aking ina na nag-aruga,gumabay at nagsilbing ilaw ng aming tahanan.Nakagraduate ako ng highschool na may honor at Model Student of the Year. Hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo ay bigla ko na lang naramdaman ang pangungulila sa aking ama. Kaya sabi ko noon sa sarili ko, pag nagkapamilya ako hinding-hindi ako mag-abroad.

Pero ngayon OFW na rin ako…
Ano nga bang naghihintay sa akin sa bansang aking pupuntahan?
Ang bansang di man lang sumagi sa utak ko na makakarating ako dito…ang bansang TAIWAN. Na-aalala ko pa ng sabihin sa akin ng aking ina…”Anak mag-iingat ka doon… Huwag kang makakalimot na magdasal. ‘Yan lamang ang magigi mong kasangga doon.Nawa’y magtagumpay ka.” Hindi ko mapigilang ikubli ang aking kalungkutan. Tumango lang ako at sabay yakap sa aking ina. At sa pagtalikod kong iyon bigla na lang pumatak ang luha sa aking pisngi. Marahil ganito rin ang naramdaman ng aking ama ng pumunta sya ng Saudi.Maraming sumasagi sa aking utak noon. Dapat ba talaga akong umalis at iwan ang pamilya ko at ang bayan kong nililiyag? Paano kung di ako swertehen? Paano kung kagaya pala ako ng ibang mga OFW na walang nangyari? Paano ang mag-isa sa lupang hindi mo tinubuan? Nakatulog na pala ako na parang may namuong luha sa aking mata.Di ko namalayan na dalawang oras na pala ang nakakaraan at nandito na ako sa bansang Taiwan.

Narinig ko na kaagad ang sabi ng stewardess Welcome to Taiwan….Hindi ko maipaliwang aking nararamdaman, pakiramdam ko ay nanginiginig ang aking mga tuhod at kalamnan.Unang tapak ko sa bansang Taiwan ay naramdaman ko na ang pagpasok ng lamig dahil buwan ng Oktubre noon ng dumating ako dito.At kinabukasan din ang araw ng aking kaarawan. Na tuwing sasapit ay nandyan lahat ang mga barkada, pamilya at katropa ko na nagdiriwang. Pero sa araw na iyon ako yata ang pinakamalungkot dahil pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Sayang at hindi ko man lang naabutan ang aking kaarawan sa Pilipinas.Pagdating namin sa dormitoryong aming tutuluyan ay napapunta agad ako sa room 105.Dito nagsimula ang panibagong yugto at PARISUKAT ng aking buhay.Dito ko nakasalamuha ang iba’t-ibang tao na magigi palang parte na ng aking buhay. Ang mga ka-roommates ko ang nagsilbing aking pamilya, kapatid, katropa at kasangga.Sa room 105 din nagsimula ang aming kalokohan, kulitan, tampuhan, tawanan, kwentuhan ng aming mga buhay at dito rin namin nalaman ang istorya ng bawa’t isa. Dito ko sinulat ang isa sa pahina ng buhay ko.. ang istorya na hindi ko alam kung saan makakarating..ang istorya ng isang OFW na katulad ko..

Makalipas ang mga taon ay nararamdaman ko na napapamahal na sa akin ang bansang Taiwan, naka-adapt na rin ako sa sistema ng buhay.Nagpapasalamat din ako at ang napuntahan kong kumpanya ay isa sa pinakamaayos magpasahod. Maayos din ang pakikitungo ng mga kasamahan kong Pinoy at Taiwanese.Marami ang nagbago, hindi na rin ako masyadong na-ho-homesick at marami na rin akong mga kaibigan. Higit sa lahat nabili ko na rin ang pangarap kong DSLR camera.Ito ang naging BILOG ng buhay ko. Dito uminog ang mundong aking ginagalawan. Sa paglipas ng araw ay lalong pasidhi ng pasidhi ang aking pagnanasa na matutunan ang DSLR na ito. Maraming magagandang ala-ala ang camera na ito, dito ko nabuo ang “LETRATO at LENTE” at potograpiya. Higit sa lahat dala ko ang camera na ito sa bawat lugar na aking pupuntahan. Pakiramdam ko nga ay isa kong turista lamang kapag hawak ko ang camera na ito. Maraming magagandang tanawin ang bansang Taiwan na halos ay napuntahan ko na rin.Nariyan ang Taipei 101, Queens Head,Tamshui, Flower Farm, Taipei Zoo, Cable Car,Janpusan, Windows of China, Nanliao, bukod pa sa malinis na kapaligiran at maraming magagandang parke. Isa rin sa ikinakatuwa ko sa bansang ito ay walang security guard ang mga malls at dagdagan pa ang disiplinadong mga tao. Masarap ang pakiramdam ng hindi ka stress at walang masyadong pressure.Pero hindi pala nagtatapos doon ang lahat.

Malapit na akong umuwi ng Pilipinas noon. Di ko akalain na ito ang TATSULOK ng buhay ko. Ilang buwan na lang at magkakasama-sama na kami ulit ng pamilya ko.Hindi ko namalayan na napakarami na palang text messages at calls sa cellphone ko. Agad akong tumawag sa kapatid ko ngunit ipinasa nya ang telepono sa mommy ko.May sasabihin ako sa iyo otoy “huwag kang mabibigla , iniwan na tayo ng daddy mo.” Bigla parang may umagos sa aking pisngi. Paano nangyari iyon? Wala namang sakit ang aking daddy. Hindi ko man lang siya nakausap noon sa telepono. Sabi ko pa nga sa kanya noon, ako naman ang gaganti sa mga pinaghirapan mo noon. Kasi alam ko na ngayon ang naramdaman mo sa Saudi. Patuloy ang pagpatak ng aking luha habang nakamasid ako sa cargo box na papasalubong ko sana sa aking ama… mga t-shirts, sapatos at chocolates pero magigi na lang itong bahagi ng nakaraan. Sa isang iglap din ay parang naglahong bula ang lahat ng aking pinaghirapan at ang aking mga pangarap. Hindi ko akalain na ganun na lamang kabilis ang lahat.Kasing bilis ng pintig ng aking puso. Ngayon nga’y ako na ang magiging tanggulan ng aking ina at kapatid.

Sa una hindi ko maunawaan kong bakit maraming gustong pumunta ng ibang bansa pero sa puntong ito nauunawaan ko na kung bakit.Naramdaman ko na rin ang pangungulila sa pamilya, lungkot, pagod, mag-isa, magkasakit at hirap.Pero higit sa lahat , ngayon nauunawaan ko na ang bawat indibibwal ay may kanya-kanyang hangarin. Hindi lamang makatulong sa pamilya at isakripisyo ang pansamantalang kaligayan.Para makilala rin natin ang ating mga sarili at hanggang saan ang mararating ng pisi ng ating tagumpay.

Kapag natapos na ulit ang aking kontrata at sa wakas ito rin ang araw na aking hinihintay. Baon ko ang karanasan, ang aking perang naipon at higit sa lahat ang matibay na pananalig sa Poong Maykapal.Sabi ko nga hindi ko ipagpapalit ang bansang Taiwan… ito ang naging pangalawa kong tahanan. Dito ko natutunan ang maraming bagay at dito rin nabuo ang kwento ko…BILOG, TATSULOK AT PARISUKAT (“Isang Buhay, Maraming Pangarap”).

Kaya sa lahat ng OFW, saludo ako. Tayo nga ang mga bagong bayani ng bagong henerasyon. Dala natin ang pangalan ng bansang ating minamahal at hawak natin ang bandila ng bansang Pilipinas.Mabuhay tayong lahat…

At para sa bansang Taiwan… salamat sa pagtanggap…hanggang sa muli…


 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 圓形、三角和四方 BILOG, TATSULOK AT PARISUKAT

👤 Barwin Dophet Labita

 

圓形、三角和四方 (一個生命、許多夢想)

曾幾何時,我們不知不覺地變成我們喜歡的角色,就像一場舞台劇,或者是我們天天收看的電視連續劇和電影,無意間我們飾演了其中一個角色。在一瞬間,我成為另一個故事中的英雄。

這是我的故事……

我父親被迫到國外謀生,因為他在省內經營的椰子木材生意虧本。我成長的過程中,父親都不在身旁陪伴。家中少了支柱,成長不易。剛開始,我經常想找他,但後來已經習慣,無所謂了。我想這一切都是為了我們一家人的幸福,為了我們美好的未來,我們所要的東西,父親一定會給我們的。

我把所有思念父親的悲傷和寂寞,轉而投注在專心念書。我也不會像其他外籍勞工的子女那般叛逆。好在母親像燈光一樣照亮我們的家庭,陪伴、照顧和指導我們。我以優異的成績和年度模範生從高中畢業。直到大學畢業後,我才突然感覺到父親的孤單寂寞。我告訴自己,等我也有自己的家庭時,我絕對不會出國工作。

但,我現在也是個外勞……

在我要去的國家,有什麼在等待著我呢?

我從來沒想過我會到這個國家.,台灣。我還記得母親擔憂地叮嚀我:「孩子,在那邊要謹慎…不要忘了祈禱,那是你唯一的支柱,願你成功。」我強忍悲哀,點點頭擁抱我的母親。轉身離去時,眼淚突然滴下來。或許,父親去沙烏地阿拉伯時,也是這樣的感受吧。當時我腦海裡出現很多問題:我真的要走嗎?離開家人和祖國?如果我運氣不好怎麼辦?如果我像其他沒出息的外勞一樣怎麼辦?獨自一人在異國要怎麼過活?不知不覺眼角含著淚睡著了。兩個小時就這樣過去,飛機已抵達了台灣。

隨即聽到空姐說:「 歡迎來到台灣。」我無法解釋我的感受,只覺得膝蓋和肌肉都在發抖。剛下飛機,踏上台灣土地的第一步時, 我感受到冷風迎面而來,那時剛是十月秋天,而隔天正是我的生日。以往過生日,一定有家人跟好友歡歡樂樂地慶祝。但是那一天,我覺得或許是最悲慘的,因為只有我孤單的一個人。可惜我等不及在菲律賓過生日。

到公司的宿舍,我被安排到105室。在這裡,我開展一段正方形的新生活;在這裡,我遇到了各式各樣的人,他們將成為我生命的一部分。室友成了我的家人,就近的兄弟、好友和同伴。在105室展開我們的嬉鬧、小脾氣以及笑聲,一一吐露彼此所經歷的喜怒哀樂,發現每個人的故事。在這裡,我寫下了我人生的一頁。一個不知去向的故事,一個像我這樣一名外籍勞工的故事。

過了幾年,我漸漸愛上台灣,也相當適應這個國家的生活方式。我非常感謝我所屬的公司,它很優秀,它公平地對待外勞。思念家鄉的心也平衡了,因為我結交了很多朋友,而且也買到我夢想中的數位單眼相機。這象徵生命中的圓形,我的一切繞著它旋轉。

我熱衷學習如何使用這台單眼相機,它儲存很多美好的時光。我利用它組合「相片和鏡框」及攝影技術。重要的是,我會帶著它到我去的每個地方。當我拿著相機時,就覺得自己像個觀光客。台灣的風景名勝我幾乎都去過, 例如台北101、 野柳女皇頭、 淡水、 公路花園、 台北木柵動物園、貓空纜車、劍湖山、小人國、南寮。 除了許多美麗的公園與整潔乾淨的環境,我也很欣賞這裡沒有警衛的購物廣場 (譯注:菲律賓商場裡的警衛都荷槍實彈),人人守規矩。沒有壓迫感,也沒什麼壓力,生活很舒適。但一切到此為止。

那時,我快回國了。我生活裡的三角形出現了。再過幾個月,我就可以跟家人團聚在一起。當我發覺手機短訊和未接來電變多了,我趕緊撥打電話給兄弟,但他卻把電話遞給母親。我媽媽說:「我有話要跟你說。你不要驚訝,你父親留下我們了。」忽然間有什麼東西從我臉龐流下來。發生什麼事了?我父親沒生病呀。我來不及跟他講電話。我以前跟他說過,我會報答他的養育之恩,因為我知道他當時在沙烏地阿拉伯工作時的感受。我望著準備要送給父親的大箱子流淚。裡面有襯衫、鞋子、巧克力,但這一切都成了過去式。一瞬間,我的願望和一切辛勞像泡沫似的消失了,出乎預料、來得太快,如同我的心跳一樣快。現在我得保護母親和兄弟姊妹了。

起初,我不明白為什麼那麼多人想到國外去。但此刻,我理解這是為了什麼。我覺得想家、寂寞、疲倦、孤獨、辛苦、崩潰以及艱困。但更重要的是,現在我明白每個人都有他或她的願望。不僅是為了幫助家庭,犧牲暫時的快樂,也是為了更認識自己,考驗自己邁向成功的能力。

當我的合約已期滿,這也是我最等待的日子。我會帶著累積的經驗、積攢的金錢,以及最主要的,堅強的信念回家。我說過,我不會拿這些去和任何東西交換,同時這也構成了我的故事……圓形、三角形和四角形(一個生命,許多夢想)。

因此,我對所有海外菲律賓勞工致敬。我們是新一代的英雄,我們代表敬愛的祖國,高高舉起菲律賓國旗。大家萬歲…..(We all live …)

台灣,謝謝接納我們,再次感謝。

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *