外籍勞工的故事 Kwentong OFW

 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 外籍勞工的故事 Kwentong OFW

👤 Eddie G. Vanguardia

“Tatay, kamusta na po kayo dyan? Sana lagi po kayong mag-iingat at wag nyo po pababayaan ang sarili nyo. Ayos naman po kami nina nanay at Alvin. Grade 6 na po ako sa pasukan at si Alvin naman po ay grade I na. Miss na miss ka na namin tay.” Sulat ng aking anak na panganay na halos paulit-ulit kong binabasa. Na halos hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha sa tuwing ito ay aking bubuklatin. Ito ang huling sulat nya na aking natanggap.

Kamusta na kaya ang mga anak ko ngayun? Asan n kaya sila? Ano na kaya ang kanilang ginagawa? Kung hindi ako nagkakamali 38 anyos na ang aking si Mila ngayun, ang panganay kong anak at 33 naman si bunso.

Maibahagi ko lng sa inyo kung bakit kami nagkalayo….. tawagin nyo na lang akong Tata Kanor tubong Quezon isang dating nakipagsapalaran sa ibang bansa. Taong 1984 nang nagbakasakali akong mangibang bayan at sinuwerteng mapadpad sa Saudi. Nang mga panahong iyon sulat lamang ng aking anak ang tangi kong komunikasyon sa kanila. Na paminsan-minsan ay sinisingitan din nman ng aking asawa ng kanyang maikling liham na pangangamusta sa akin. Halos naka limang taon din ako sa abroad, tiniis ko ang hirap, pagod, init, puyat, at pangungulila sa aking pamilya. Sinikap kong padalhan sila ng panggastos buwan-buwan, bukod pa ang aking padala tuwing may okasyon. Lalo na kung sasapit ang araw ng pasko at ang kaarawan ng aking mahal na asawa na si Benilda. Pinilit kong huwag makalimot sa mga binitawan kong pangako sa aking pamilya.

Sa pang-apat na taon ko sa saudi, ay wala na akong natanggap na sulat mula sa aking anak at asawa. Kaya’t sa tuwing ako’y liliham sa kanila ay wala akong natatanggap na tugon. Diretso pa din ang aking pagpapadala ng pera buwan-buwan. Dahil noong mga panahong iyon ay wala pang telepono o cell phone upang sila’y aking matawagan. Kaya’t sa aking pag-aalala, sa 8 buwang lumipas na wala akong natanggap na liham mula sa aking anak, nagdesisyon na akong magbakasyon muna. Sobra na din ang pananabik ko sa aking pamilya, lalo na sa aking asawa. Araw-araw akong nag-iisip na baka ano na ang nagyari sa kanila. May mga gabi na hindi na talaga ako makatulog ng dahil sa pag-iisip sa kanila.

Hindi ko talaga malimutan ung sinabi ng aking asawa bago ako umalis at iyon ay aking pinanghawakan, “Daddy, (tawag nya sa akin) iyo lang ako, at akin ka lang habambuhay. Ingat ka doon ha, hihintayin ka nmin ng mga bata.” Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tuwing iyon ay aking naiisip. Mas lalo akong naiinip sa bawat oras na lumilipas, kaya’t dali-dali akong nagpaalam upang magbakasyon ng kahit isang buwan. Naisip ko sapat na siguro ang konting pera kong dala at tiyak namang may ipon ang aking mahal na asawa.

Gabi na ng ako’y dumating sa aming baryo, medyo madilim na.. palibhasa’y liblib ang aming lugar at malayo ng bahagya sa mga kapitbahay. Habang ako’y naglalakad pauwi sa amin, nasalubong ko ang isang halos bulok nang trisikel na may sakay sa loob na isang babae at isang lalaki na animo’y hindi na makapaghintay ng hotel.
Hindi ko iyon pinansin, nagmamadali na ako at medyo may kabigatan din nman ang dala ko. Pagpasok ko sa bahay laking gulat ko sa biglang pagyakap ng aking panganay na anak saba’y iyak ng malakas at ang bunso ko naman ay tahimik at ako ay kinikilala na tila natatakot. “Diyos ko!” aking nawika, “Ang papayat nyo, ano ang nangyari sa inyo? nasan ang nanay nyo?” Biglang sumagot ang bunso kong anak, umalis po, kaalis lng kasama ni Gaston, sakay ng trisikel. Nagdilim ang aking paningin, at bigla akong nakaramdam ng galit. “Sinong Gaston?” tanong ko kay Mila. Hindi agad siya nakasagot at bagkus ay umiyak pa ng malakas. At napansin ko ang kanyang mga braso na puro pasa at ang kanyang mga binti ay may mga galos. “Si Gaston po ang nakatira dito sa atin na katabi ni nanay sa pagtulog, lagi nya po akong tinatakot at sinasaktan kapag nagsasabi ako na magsusumbong sa inyo. Lahat ng pinapadala mo tay, siya ang kumukuha. Kung saan-saan sila pumupunta ni Nanay lalo n kapag gabi na. Takot na takot po kami ni Alvin, hindi n kmi nakapag-aral, pinatigil na kmi ni nanay. Dito lng daw kmi sa bahay at wag n wag daw lalabas.” Sa kwentong iyon ng aking anak, hindi ko mapigilan ang mahabag para sa knilang dalawa ni bunso at ang magalit ng todo sa aking asawa at sa lalaking iyon. “Anong oras sila kung umuwi?”, tanong ko kay Mila. “11 na po ng gabi.”, wika niya. Sa mga oras na iyon, walang ibang bagay sa aking isip kundi ang maghiganti sa panlolokong ginawa ng aking asawa. Nagtiis ako ng hirap sa ibang bansa, pagkatapos ito lang ang igaganti nya.” Ipinasya kong pakalmahin muna ang aking mga anak sa pamamagitan ng aking mga pasalubong sa kanila, hanggang sa sila’y makapagpahinga na.
Pasado alas diyes nang mghintay ako sa may labas ng bahay, nakatago ako sa likod ng puno ng mangga. Halos isang kahang sigarilyo ang aking naubos. Wala akong ibang nararamdaman ng mga oras na iyon kundi galit at ang plano kong paghihiganti.
Nang bigla ko namataan ang parating na trisikel, na sinisiguro kong sila ang sakay. Hinintay kong makaalis muna ang sasakyang naghatid sa kanila at bigla akong bumungad sa kanilang harapan hawak ang isang matalas na palakol. Para akong sinaniban ng masamang espiritu nang bgla ko silang palakulin na magkahawak pa ang mga kamay na mas lalong nag-udyok sa akin upang sila ay patayin. Oo, pinatay ko sila sa aking mga kamay, isang asawang manloloko at isang lalaking mapanira ng pamilya.
Pagkatapos ng sandaling iyon, tuliro ang isip ko at ewan ko ba kung bakit naglakad-lakad pa ako sa baryo na hawak ang palakol na may tutulo-tulo pang dugo. Ang hindi ko alam may nakakita pala sa akin ng gawin ko iyon dahil alam nilang magiging kaabang-abang daw ang tagpong iyon sapagkat batid nila ang aking pagdating.
Agad akong nahuli ng mga pulis at hinatulan akong mabilanggo ng pang habambuhay. Mula noon wala na akong naging balita sa aking mga anak magpahanggang ngayun. Tanging liham na lang ng aking panganay na anak na lagi kong binabasa at tangi kong ala-ala sa kanila.

Eto ako ngayun nagdurusa. Nagdurusa sa kasalanang hinding-hindi ko pinagsisihan, sapagkat para sa akin kung sakaling maulit muli ang pangyayaring iyon sa aking buhay, muli akong sisikil ng buhay.

Sana maging aral sa inyo ang kwento ng aking buhay. Sana kahit papaano ay tumimo sa inyong isipan ang isang pangyayari na pwede palang mangyari sa totoong buhay at hindi sa isang pelikula lamang o tele-serye. Sa mga may asawa na nakikipagsapalaran ang kanilang mga kabiyak sa ibang bansa, huwag nyo sanang tularan ang aking asawa. Huwag nyo sana siyang pamarisan. Igalang at irespeto sana ninyo ang paghihirap at sakripisyo na ginagawa ng inyong asawa. Mabuting halimbawa sana kayo ng isang mabuting asawa. – TATA KANOR


 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 外籍勞工的故事 Kwentong OFW

👤 Eddie G. Vanguardia

「爸爸,您那邊好嗎?請您多多保重。媽媽、阿爾文(Alvin)和我們這兒一切都好(一切平安)。開學後,我就要上六年級了,而阿爾文將讀小學一年級。爸,我們好想念您。」這是我大女兒寫的信,我一遍又一遍的看,每次翻閱時我都忍不住的流下眼淚。這也是我收到她寄來的最後一封信。

我的孩子們現在過得好嗎?他們目前在哪裡?他們在做什麼?如果我沒記錯,大女兒米拉(Mila)現在38歲,而老么阿爾文33歲。

我只是與你分享為什麼我們會分離。你們可以稱呼我為達達(伯父)卡諾。我來自菲律賓奎松市(Quezon),也曾經到國外打工。1984年我試著出國,到沙烏地阿拉伯碰碰運氣。那時,孩子寫的信是我們唯一的聯絡方法。偶爾我太太也會寫一小段信慰問我。在國外快五年的時間,我忍受艱辛疲勞、悶熱高溫、睡眠不足、以及思親之苦。我努力盡責,每個月寄生活費回家,尤其是當聖誕節來臨時,以及我親愛的妻子Benilda的生日。我盡量不忘記我給家人的承諾。

在沙烏地阿拉伯的第四個年頭,我就再也沒收到老婆和孩子們的來信了。雖然我寫了好幾封信寄回菲律賓,還是沒收到任何的回音。我每個月依然繼續準時寄錢給她們花用。那時還沒有電話或手機可用,我沒辦法聯繫他們。過了八個月,還是沒有收到孩子寫的信,我開始擔心,便決定請假回去。我超渴望我的家人,特別是我的老婆。我日夜想念他們,憂慮是否發生了什麼事,有天根本睡都睡不著,心裡十分掛念。

我一直忘不了老婆在我臨走時告訴我的話:「爹地(她總是這樣叫我),我永遠是你的;而你也是永遠我的。你好好保重,我和孩子們會等你回來。」每當我想起這些,都會忍不住地微笑。我覺得時間過得好慢,所以我趕緊請一個月的假。我心想,我帶的一點點錢應該還足夠,我親愛的老婆一定會有儲蓄的。

那天晚上,我抵達我們的村莊時,天色已黑。因為我們那個地方偏僻,又離鄰居有一段路。走在路上,我看見一輛破爛的三輪車,載一對熱情擁抱的男女。他們倆幾乎等不到旅館去。我因為趕路又帶著稍重的行李,就沒有加以理會。

我一進家門就嚇一大跳。我的大女兒抱著我大哭,而老么靜靜地望著我,害怕似還在慢慢地辨認我。「天呀!你們怎麼變得這麼瘦?發生什麼事?你媽媽在哪裡?」一個意想不到的回答,我的老么突然說:「她剛離開,和喀斯頓一起坐三輪車。」我的眼前突然一黑,我怒氣沖天。「誰是喀斯頓?」我問米拉。 她沒回答我,就放聲大哭。我那時注意到她手臂上的瘀青,還有腳上的傷痕。

「喀斯頓是住我們家、睡在媽媽旁邊的男人。他常常恐嚇我,還打我,如果我說要告訴你。你寄回來所有的錢和東西,都是被他拿走的。他和媽媽到處去玩,每晚都要出門。我和阿文都很害怕。我們沒有去上學了。媽媽叫我們輟學,待在家裡不要出門。」我聽了女兒講的話,真可憐我的孩子們,同時很氣恨我的妻子和那個野男人。「他們幾點回來?」 我問米拉 。「晚上11點。」她說。當時我頭腦裡只有報仇的意念,我的妻子給我戴綠帽。在國外我受盡了所有苦楚,然而她卻這樣回報我。我決定先安慰孩子們,拿出我帶回來的東西給他們,直到他們去休息。

十點鐘一過,我就在家門外等著,躲在一棵芒果樹背後。我抽了快一整盒的香菸,我沒時間去思考其他的事,我怒氣衝天,只不斷想著如何報復。突然,看見一輛三輪車漸漸靠近,必定是他們回來了。我等三輪車離開以後,便手持利斧,出現在他們面前。

我像是被惡鬼操縱,看見他們手牽手,更激怒了我,發狠地殺害了他們。是的,我確實用我的雙手,殺死了那個辜負我的妻子,以及那個毀了我的家庭的男人。

事件過後,我失了魂似的在那裡走來走去,我手裡握著血淋淋的斧頭,鮮血一滴一滴的流。當時我不知道有人目睹我所做的事,因為他們知道我已經回來了,一定會有好戲可看。

我立刻被警察逮捕,並且被判處無期徒刑(長期監禁)。從那時候起,我沒有孩子們的任何消息。我經常讀昔日大女兒寫給我的信,那是我唯一的紀念品,也是我對他們唯一的記憶。

現在我關在牢裡受苦,但我絕對不懊悔我所做的事。因為對我來說,如果事情再重來一遍,我還是一樣會殺人。

希望你們聽了我的故事之後,有所心得。希望你們記得這是個真實故事,一個不只是電影或電視連續劇上演的故事。那些有伴侶在國外打拚的人,希望你不要學我的妻子。請你們敬重你的另一半所承受的苦難與犧牲。希望你們做一個好配偶該有的榜樣。- 卡諾伯父

One thought on “外籍勞工的故事 Kwentong OFW

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *