農田彼端 Sa Dulo ng Bukid

優選 Choice Award &🏅青少年評審獎 Teen Choice Award

📜 農田彼端 Sa Dulo ng Bukid

👤 Carla F. Padilla

 

Isang umaga habang nag-aalmusal sa bukid, itinanong ko sa aking lolo kung nasaan ang Taiwan, lugar na pinagtata-trabahuhan ng tito ko. Gusto ko rin kasing makarating sa Taiwan dahil doon galing ang mga laruan at tsokolate na ipinadadala niya.

Walong taong gulang ako noon, larawan ng kawalang muwang at kawalang malay. Itinuro ni lolo ang dulo ng bukid na abot-tanaw ng aking mga mata, naroon daw ang Taiwan. Sabi niya sasamahan niya akong maglakad papunta roon kahit malayo para kumuha ng mga laruan.

Matagal pa bago ko nalaman na kahit marating ko pa ang dulo ng bukid, hindi ko pa rin makikita ang Taiwan. Mas malawak ang mundo sa abot-kayang makita ng mga mata ko.

Tuwing magbubukas ng balikbayan boxes galing Taiwan ang mga pinsan kong kapitbahay din namin, palagi akong nanghihingi ng tsokolate. Kaya sinabi ko sa sarili ko, gusto ko na sa ibang bansa mag-trabaho para magkaroon ako ng maraming tsokolate.

Minsan, tinanong ko sina Nanay at Tatay kung bakit hindi na lang sila sumunod sa tito ko para magkaroon din kami ng mga pasalubong. Sabi nila, hindi na raw kailangan dahil may trabaho na sila at walang mag-aalaga sa amin pag umalis sila. Naisip ko, oo nga naman, malulungkot ako pag nawalay sila kaya paglaki ko, ako na ang mangingibang bayan para makabili ng mga masasarap na pagkain para sa amin.

Tindera ng isda sa palengke ang aking Nanay. Araw-araw dumadaan ako sa palengke suot ang puting-puti kong uniporme upang humingi ng baon na kinita niya pa mula sa pag-gising at pagtatrabaho simula alas-dos ng madaling araw hanggang hapon. Sa tuwing pupuntahan ko si Nanay, ipinagmamalaki niya ako sa mga kapwa niya tindera.

“”Ito ang anak ko, matalino, maganda at masipag yan.”” Ang laki ng mga ngiti niya palagi kahit naliligo na siya sa pawis at halos makuba na sa kabubuhat ng mabibigat, tila sulit naman sa kanya ang lahat maiayos lang ang pag-aaral ko.

Ang kalagayang iyon ni Nanay ang nagtulak sa akin upang ipangako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat maipatikim lang kay Nanay ang ginhawa sa buhay. Hindi niya kasalanang tumanda na mahirap. Masipag siya pero sadyang kulang lang talaga ang oportunidad sa aming bansa para sa mga ordinaryong mamamayan.

Ang tatay ko naman ay tricyle driver. Utang lang na hulugan pa ang traysikel na iyon para may maipantawid sa aming apat na magkakapatid kung saan ako ang panganay.

Sabi ng mga teacher ko, mahirap na bansa ang Pilipinas kaya’t karamihan sa mga Pilipino ay nangingibang bansa upang makaahon sa kahirapang tila iginuhit na sa aming mga palad. Alam kong walang kasiguraduhan ang ginhawa ng buhay sa pagtatrabaho sa ibang bansa pero gusto kong subukan. Gusto kong sumugal para hindi na rin danasin ng maliliit kong kapatid ang hirap ng buhay na kinamulatan ng aking mga magulang.

Naitawid ng aking mga magulang ang aking pag-aaral at natupad ang pangarap kong maging manunulat. Naging manunulat ako sa isang lokal na pahayagan. Natural ang hilig ko sa pagkukwento ng buhay ng tao sa pamamagitan ng pagsusulat. Nakakapag-interview rin ako ng mga pulitiko at mga negosyante. Madalas kong isulat ang tagumpay ng mga taong nagsimula sa hirap pero nakamit ang ginhawa sa pamamagitan ng sipag at tiyaga. May pagkakataon pa nga na nailathala ang artikulo ko sa isang diyaryo sa buong Pilipinas. Isa iyon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Naging masaya naman ako sa napili kong propesyon pero kulang pala iyon para mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. Gusto kong ipasa sa mga kapatid ko ang nag-iisang kayamanang kaya kong ibigay, ang edukasyon. Hindi na sumapat ang kinikita ko lalo na nang magkaroon ng sakit ang aking nanay. Pansamantalang naparalisa ang kanyang kaliwang braso na banat na banat sa trabaho kaya’t hindi na siya makakapagtrabaho sa palengke. Kailangan din ng sapat na pera para sa kanyang therapy. Parang guguho ang maliit naming mundo sa problemang ito dahil mahihinto na rin sa pag-aaral ang iba kong mga kapatid.

Ang mga totoong problema sa buhay ay iyong mga hindi mo inaasahan. Nakabuntis rin ng di sinasadya ang kapatid kong mas bata sa akin. Kailangan naming akuin ang buong responsibilidad nito.

Ito na ang nagtulak sa akin para pansamantalang iwanan ang propesyon ko sa Pilipinas upang maging manggagawa sa Taiwan. May mga kaibigan akong tumulong para sa perang kakailanganin upang makaalis ako.

Bitbit ang kaunting damit, malaking pangarap at pangako ng magandang buhay para sa aking pamilya, pumunta ako sa Taiwan sa edad na dalawampu’t dalawa.

Pinangarap ko noon na malibot ang buong mundo. Hindi ko inasahan na trabaho pala ang pupuntahan ko sa unang beses kong tatapak sa banyagang lupain. Sinalubong kami ng malakas na ulan sa pagbaba ng eroplano. Kinabahan pa nga ako dahil unang beses ko rin sumakay ng eroplano. Malamig na klima ang dumampi sa balat ko nang gabing iyon.
Nuon ko naramdaman na malayo na ako sa init sa Pilipinas, malayo sa init ng yakap ng aking mga minamahal. Gusto nang tumulo ng luha ko tuwing maiisip ko ang ngiti ni Nanay tuwing pumupunta ako sa palengke pero kailangan kong magpakatatag para hindi na rin siya mahirapang muli.

Sa unang araw ko sa trabaho, hindi ko inasahan na ganoon pala kahirap maging factory worker. Pagpasok ko, parang lahat ng tao ay nagmamadali. Lahat ay abalang-abala sa pagpapatakbo ng mga makina na isa na yata sa pinaka nakalilitong bagay na nakita ko sa tanang buhay ko. Ang pinaka mahirap sa lahat ay intindihin ang salita ng mga Taiwanese. Bihasa ako mag-Ingles pero pagdating sa Chinese, para akong itinapon sa nagyeyelong dagat. Hindi ako makasabay sa agos dahil hindi ko sila maintindihan.

Mabuti na lang at Pilipino rin ang binigay sa akin na magtuturo, mahusay siyang magsalita ng Chinese. Limang taon na rin kasi siyang nagtatrabaho sa kumpanya na iyon. Tinulungan niya akong matutunan ang pagpapatakbo ng mga makina sa aming trabaho. Sa tuwing may sasabihin naman ako sa aking lider, kailangan ko itong i-drawing o i-mostra. Habang tumatagal, natututo na rin ako ng mga simpleng salita kagaya ng pagbigkas ng mga numero at pagsagot sa mga karaniwang tanong.

Hindi naging madali ang mga unang buwan ko sa trabaho. Nagkaroon ng impresyon ang aking lider na mabagal akong matuto at naikumpara rin ako sa ibang Pinoy na mahusay na sa trabaho sa kumpanya kahit baguhan pa lamang. Madalas ay naririnig ko na pinagtatawanan ako ng aking mga ka-trabaho sa tuwing ako ay nasisigawan.

Kaya ko namang tiisin ang lahat ng iyon ngunit nabigla na lang ako nang isang araw habang pinagagalitan ako ng lider ay pinagbantaan niya akong pauuwiin na lang ng Pilipinas kung hindi ako magbabago.

Napaluha ako habang nagtatrabaho. Dalawang buwan pa lang ako noon at baon pa sa utang. Naisip ko na parang walang puso ang lider ko dahil hindi niya naisip na may pamilya akong umaasa sa akin.

Pinagaan ang loob ko ng isang Pinoy at doon sinabi niyang ganun lang talaga magsalita ang aming lider. Nananakot lang daw siya para pagbutihin ko. Ikinuwento niya na noong baguhan pa lang din siyang gaya ko, hindi rin siya nagustuhan ng mga kasama niya sa trabaho. Palagi siyang minamaliit. Ito ang nagtulak sa kanya upang doblehin ang kanyang pagpupursigi. Nag-aral siyang magsalita ng Chinese at naging magaling sa trabaho upang patunayan na kaya niyang makipagsabayan. Sa kwento niya, kumuha ako ng lakas ng loob upang magpatuloy pa.

Tuwing gabi, kapag ipapahinga ko na ang aking pagod na katawan, puso at isip ko naman ang ayaw magpatulog. Sa tuwing maiisip ko ang iniwan kong pamilya sa ‘Pinas at kung ligtas ba sila at nakakakain ng maayos, hindi na tumitigil ang patak ng aking luha.

Kaya naman tuwing may pasok, itinutuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral kung paano maisasaayos ang trabaho ko. Sinubukan kong intindihin ang personalidad o ugali ng mga Taiwanese. Bilang manunulat, natural sa akin ang pagiging mapagmasid. Nalaman ko na subsob at seryoso talaga sila sa kanilang trabaho kaya’t ganoon din ang inaasahan nila sa amin. Labindalawang oras ang aming shift pero lagi pa rin silang alerto. Napansin ko rin na kahit minsan ay tumataas ang kanilang boses at mabilis silang magsalita ay hindi naman sila nagagalit. Gusto lang nilang naipapaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Kahit madalas ay napakaseryoso nila sa oras ng trabaho, nakukuha pa rin naman nilang tumawa at ngumiti. Palagi rin silang nakikipagbiruan sa mga Pinoy. Dito na siguro sila nahawa ng ugaling Pinoy na pagiging masayahin. Dinoble ko rin ang aking sipag upang makuha ang tiwala ng aking lider.

Hindi nagtagal ay nagkaroon ako ng kaibigang Chinese sa trabaho. Tinawag ko siyang “mommy” dahil “baby” ang tawag niya sa akin dahil bago raw ako. Taga mainland China siya at nakapangasawa ng Taiwanese kaya’t napunta siya ng Taiwan. Paunti-unti, ikinukuwento niya ang kanyang personal na buhay. Ang nanay niya sa China ang nakagusto sa personalidad ng Taiwanese niyang napangasawa. Mahirap lang din sila noon kaya’t kailangan niyang pumili ng responsableng mapapangasawa. Madalas ay kumakanta siya ng Chinese songs para magising ang aming diwa habang nagtatrabaho. Hindi ko man naiintindihan ng eksakto ang kanyang mga awitin, nadarama ko sa boses niya na punong puno ito ng pagpamamahal at pangungulila na rin sa kanyang ina na naiwan sa China. Pareho kaming nawalay sa aming mga magulang kaya siguro kami naging malapit sa isa’t isa.

Isang araw, tinanong niya kung bakit hindi ako bumibibili ng mga bagong damit. Sabi ko, lahat ng sweldo ko ay ipinadadala ko sa ‘Pinas para sa pag-aaral ng mga kapatid ko at gamot ng nanay ko. Ang ibang natitira naman ay ibinabayad ko sa utang na ginamit kong placement fee sa pagpunta ng Taiwan. Nasorpresa ako na isang araw ay binigyan niya ako ng mga damit. Marami raw kasi siyang damit na hindi na ginagamit at yung iba ay bago pa, tumulo na muli ang luha ko dahil unang beses sa buhay ko rito napagmalasakitan ako ng ibang lahi. Nakaramdam ako ng pagmamahal kahit malayo sa aking pamilya.

Naging kaibigan ko rin ang isang Taiwanese broker na siyang nag-asikaso sa akin nang unang beses akong nagkasakit at tatlong araw hindi nakapasok sa trabaho. Wala akong kuya sa aming pamilya kaya’t tinawag ko siyang Kuya. Pililipina ang kanyang nanay at ipinanganak siya at nagbinata sa Pilipinas kaya naman magaling siyang mag-tagalog. Nang siya ay nasa hustong gulang na, bumalik sila ng Taiwan upang dito na manirahan. Kaya naman pala kapatid ang turing niya sa aming mga Pilipino.

Sa tuwing nagkakaroon ako ng problema sa trabaho, pumupunta si Kuya upang ipaliwanag kung bakit ako nahihirapan. Palagi niya akong ipinagtatanggol at pinaaalalahanan na huwag susuko.

Dahil sa hilig ko sa pagpapakwento sa buhay ng aking mga katrabaho, nadagdagan pa ang aking mga kaibigan. Isa na rito ang isang Burmese na inakala kong Taiwanese dahil sa kanyang bihasang pagsasalita ng wika dito. Ipinanganak siya sa Myanmar at napilitan ang kanyang pamilya na lumipat sa Taiwan dahil sa giyera. Dalawampu’t dalawang taong gulang na siya noon. Kinailangan niyang mag-aral, magsalita at magsulat ng Chinese para makahanap ng trabaho. Marunong din siyang magsalita ng kaunting Ingles kaya’t madalas niya akong turuan mag-Chinese. Natutuwa ako dahil habang tumatagal ay mas nagkakaintindihan kami.

Lahat ng kabutihang ipinapakita sa akin, ikinukwento ko sa aking pamilya tuwing makakausap ko sila sa Skype. Dito ko ikinukubli ang kalungkutang nararamdaman ko sa pangungulila sa kanila gabi-gabi. Ayokong maramdaman nila na nahihirapan pa rin ang puso ko sa malayo sa aking bayan.

Sa tuwing lumalabas ako kapag day-off, tumutuklas ako ng mga lugar na pwedeng puntahan. Nakakatuwa kasing maglibot at mamasyal sa Taiwan dahil bawat lingon ko ay may nakikita akong Pilipino at mga kainang naghahain ng putaheng Pinoy. Natutunan ko rin ang pagsakay sa kanilang libreng pink bus at sa tuwing may gusto akong puntahan, inaabangan ko lang ito para makatipid. Mura at mabilis rin ang biyahe sa train. Minsan hinihiling ko na may ganito ring kakomportableng transportasyon sa Pilipinas.

Paborito kong hintuan ang isang magandang Buddhist Temple malapit sa aming dormitoryo. Pinaka maganda itong puntahan bago sumikat ang araw dahil tahimik at makapigil hininga ang mga tanawin bukod sa malayo sa ingay ng factory. Sa tuwing pakiramdam kong hindi ko na kakayanin ang kalungkutan, doon ako nagdarasal at nag-iisip isip. Iniisip ko ang libu-libong Pilipino na matagal nang pabalik-balik sa Taiwan at sa iba pang parte ng mundo upang makapagtrabaho. Bawat isa sa kanila may anak, asawa, magulang at mga kapatid ring tinitiis na hindi makasama dahil mas mahalaga ang makaipon muna ng sapat na pera para sa pangmatagalang pagkukunan ng pangkabuhayan. Kung kaya nila, dapat kayanin ko rin.

Iniisip ko rin ang mga ibang lahi na nangingibang bansa hindi dahil mahirap sila kundi dahil itinulak sila ng mga hindi magagandang pangyayari kagaya ng giyera. Mas maswerte pa rin ako dahil may bansa pa akong uuwian. Samantalang sila, kinailangang baguhin ang buong buhay nila para lang mabuhay ng maayos at disente.

Dumaan ang mga araw at naranasan ko rin kung paano magdiwang ng mahahalagang okasyon ang mga Pilipino dito sa Taiwan. Sumapit ang Pasko kung kailan masarap sanang makapiling ang pamilya sa Pilipinas. Pero kailangan ko muna itong ipagdiwang kasama ang bago kong pamilyang natagpuan sa Taiwan, ang aking mga ka-trabaho. Nagkantahan at nagsayawan kami sa dorm upang libangin ang aming mga sarili at mapigilan ang kalungkutan. Nakatanggap rin ako ng mga tsokolate galing sa mga Taiwanese sa pagpasok ko sa trabaho. Alam nila na espesyal ang okasyon na iyon para sa mga Pilipino.

Isa naman sa mga pinaka kinagiliwan kong okasyon dito ay ang pagdiriwang ng Chinese New Year. Bukod sa marami akong natanggap na regalo ay naimbitahan pa akong kumain at lumibot sa labas ng aking mga Taiwanese na ka-trabaho. Isinama nila ang kanilang mga maliliit na anak na ikinatuwa ko naman dahil sadyang mahilig ako sa mga bata.

May kaunting kurot din ito sa puso ko dahil hindi ko pa nasisilayan ang una kong pamangkin na kapapanganak pa lang sa Pilipinas. Masarap magkaroon ng kaibigang tulad nila. Hindi man kami lubusang nagkakaintindihan ng lenggwahe, nagkakaintindihan naman na ang aming mga puso at damdamin at iyon ang mas mahalaga.

Sa ilang taon na rin na magkakasama ang mga Taiwanese, Pilipino, Vietnamese at Indonesian sa trabaho, natuklasan ko na nakabuo na kami ng samahan na pinagbuklod ng iisang hangarin na mabigyan ng magandang buhay ang aming mga pamilya. Isang pagkakaibigan ito na nabuo upang maibsan ang pangungulila sa aming mga minamahal na naiwan sa iba’t ibang parte ng mundo.

Malaki na nga ang ipinagbago ng pananaw ko mula nung unang beses kong nakarating at nagtrabaho rito. Kung dati ay puno lang ako ng takot at kalungkutan dahil sa problema sa trabaho, ngayon nakatuon na ang isip ko sa mga bagong pamilya na natagpuan ko. Nagkaroon ako ng “Kuya” at “Mommy” na palaging nandiyan upang palakasin ang loob ko.
Sa tingin ko, hindi lang para sa magandang buhay ang dahilan kung bakit ako nangibang bansa. Maraming bagay ang hindi ko matututunan kung hindi ako nakipagsapalaran sa Taiwan. Dito ko natutunan kung gaano kahalaga ang oras: ang pag-gising ng maaga at pagkilos ng mabilis dahil kung hindi ako kikilos mapag-iiwanan ako sa trabaho. Sa isang araw kong day-off, nagagawa ko na ring magbasa ng mga libro dahil gusto ko pa ring napagyayaman ang kaalaman ko kahit lagi akong abala sa trabaho. Natutunan kong mag-pokus sa mga bagay na mas mahalaga dahil iyon naman ang ipinunta ko rito. Balang araw, pangarap ko ring mag-apply para makapag-aral dito dahil maganda ang kanilang sistema ng edukasyon lalo na sa research. Pero sa ngayon, kailangan ko munang aralin ang kanilang salita.

Ang pinaka mahalagang aral na natututunan ko sa lahat ay ang hindi pagsuko nang basta-basta sa hirap ng buhay sa ibang bansa. Kung hinayaan kong malunod ako sa kalungkutan, hindi ko sana mararanasan ang mga magagandang bagay sa paninirahan rito. Hindi ko rin sana makukuha ang tiwala at kompiyansa ng aking lider. Hindi ako magkakaroon ng mga bagong kaibigan at makakapunta sa mga magagandang lugar.

Gusto kong maging hinog sa karanasan sa buhay dito upang maibahagi ko rin ang aking kaalaman sa aking mga kababayan sa Pilipinas. Babalikan ko rin ang pagsusulat. At sa pagkakataong ito, sarili ko namang kwento ang isusulat ko. Ang mga karanasan ko ay pinagyaman na ng iba’t ibang kulturang natutunan ko.

Ang puso ko ay pinagtibay na ng hangaring matupad ang aking mga pangarap at mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. Kung hindi ako umalis ng aking bansa, hindi ko matutuklasan na dito sa Taiwan, marami rin akong kapatid na Pilipino na dito na nakahanap ng pag-ibig at bumuo ng sariling pamilya. Na pwede pala na magkaibigan ang dalawang lahi magkaiba man ang kanilang kulturang kinagisnan.
Malayo pa ang biyaheng tatahakin ko rito ngunit kampante na ang puso ko sa pangalawang tahanang nahanap ko sa bansang ito. Lahat ng pangarap ko ay matutupad kahit paunti-unti at mabagal lang. Wala naman ng mas sasarap pa sa katas ng iyong pinaghirapan matagal man ang kailangang hintayin.

Hindi man ako nakakuha ng propesyonal na trabaho rito, naging saludo naman ako sa lahat ng mga ordinaryong manggagawa dito sa Taiwan. Hindi biro ang aming trabaho. Balewala ang talino kung hindi ito sasamahan ng tiyaga at pasensya.

At sa tuwing nalulungkot ako, iniisip ko na bawat araw na lumilipas ay isang araw na palapit nang palapit sa oras na makikita ko nang muli ang ngiti ng aking ina at mahahagkan ang aking pamilya.

“Lolo, nakarating na ako sa dulo ng bukid. Hindi ko ito nilakad kagaya ng pinag-usapan natin. Natuklasan ko kasi na kaya ko pa lang lumipad. Salamat sa’yo na unang nagturo sa akin na kaya kong gawin ang lahat ng kaya kong isipin. Natuklasan ko rin na sa dulo ng bukid ay may panibagong mundo pang naghihintay. Na sa bawat katapusan ay may panibagong simula.”



 

優選 Choice Award &🏅青少年評審獎 Teen Choice Award

📜 農田彼端 Sa Dulo ng Bukid

👤 Carla F. Padilla

 

有天早上在農田吃早餐時,我問爺爺:「臺灣在那兒?」 叔叔在那邊上班,我也想去臺灣,因為他寄回來的玩具與巧克力都從臺灣那兒來。

當時我才8歲,年幼無知。爺爺指著我視線可及的農田遠方說:「臺灣就在那裡。」他說不管多遠都會陪我走到那邊,去那兒拿玩具。過了許久,我才曉得就算走到農田彼端,還是看不到臺灣。我也因此知道外面還有一個更遼闊的大千世界。每當鄰居的堂兄妹打開從臺灣寄來的箱子時,我都向他們討巧克力吃。我告訴自己,長大後我要去國外工作,這樣我就會有很多很多的巧克力。

有一次我問爸爸媽媽,他們為何不像叔叔一樣去國外工作,我們就能定期收到國外寄來的貨物。他們說沒必要,因他們目前有工作,而且假如他們出國的話,就沒人照顧我們兄弟姊妹。我想也是。若要和爸媽分離,我也會覺得傷心,所以等我長大,我要出國,就能買好吃的食物給大家吃。我的母親是市場的魚販,每天凌晨兩點就要出門,下午才會回到家。我的父親是三輪車司機,車子是分期付款買來的,靠著這份工作維持我和三弟妹的生活所需。我在家裡排行老大。

「這是我女兒,聰明、美麗又充滿活力。」每當上學前,我穿著整潔的白色制服到市場跟母親拿零用錢,她都會驕傲地向其他攤販這樣說。她總是笑得滿面春風,儘管全身汗如雨下,脊椎因長年擔重物而駝背,但她絲毫不以為意,只要我能順利受教育。

母親的模樣,迫使我承諾盡一切努力,來滿足她這項生活唯一的安慰。老來貧窮不是她的罪過。她精力充沛,也很勤勞,可是在菲律賓,平民翻身的機會不太多。老師說過,菲律賓是個窮國家,所以大多數的菲律賓人會到海外謀生,企圖擺脫命運的困境。明知到國外工作不一定能改善生活,但我就是想嘗試一搏,因為我不願見到我的弟妹重蹈父母親與生俱來的艱辛。

父母親供我求學,讓我順利實現作家夢,我後來成為地方性報紙的一名作者。我天生喜歡通過寫作講述人生,我訪問過政客和商人,更樂於書寫那些在困頓中堅持不懈獲取成功的事蹟。其中有一篇發表在菲律賓全國性報紙上,刊登出來那天,是我生平最快樂的日子之一。我很滿足於我選擇的行業,但我終究發覺,它不足以替我們一家換來良好的生活條件。

我想把我最寶貴的資產,傳給我弟妹們,也就是受教育,可是我的收入湊不齊學費;甚至後來母親因過度勞累導致右手臂癱瘓,無法繼續在市場買魚,我們也沒有足夠的資金支付醫療費用。我們小小的世界幾乎要崩解,弟妹也面臨輟學。雪上加霜的是,弟弟出了更嚴重的問題,他侵犯人家閨女,而我們必須負起所有責任。

接踵而來的事件催促我暫時離開文字工作的本業,赴臺灣工作。許多朋友幫忙湊錢讓我得以成行。帶著少許衣服、遠大的夢想、以及給家庭一個美好生活的許諾,22歲,年輕的我出發前往臺灣。我曾經夢想環遊世界,沒想到第一次踏上異鄉的土地是為了工作。

下飛機時剛好碰上傾盆大雨,我還沒從緊張害怕中回過神來,因為這是我第一次坐上飛機。當夜寒冷的氣溫觸摸到我的肌膚,頓時,我才感覺到自己已真正遠離熱帶的菲律賓,遠離家人溫暖的擁抱。憶起每天去市場找母親時她對我展露的微笑,我的眼淚便禁不住想流淌下來,但我必須堅強以對,母親才不會再像以前那樣需要勞碌拚命。

我沒想到當一個工廠作業員是一件這麼困難的事情。第一天進廠上班,彷彿所有人都在趕時間,大家忙著操作機器,這是我畢生以來看過最混亂的場面之一。但最困難的還是聽不懂中文,我習慣英語,可是中文對我來說,就好比將我丟進冰凍的海洋,我沒辦法跟上潮流,因為不明白他們的話。

幸好他們派一位能說一口流利中文的菲律賓人來指導我,教我如何操作機器,因為他在公司上班已經5年了。剛開始,每次我有話對領班說,我們都要比手畫腳好一陣。久而久之,我也慢慢學會簡單的會話,例如數字的發音或常用的應答。

前幾個月過得很煎熬,領班覺得我學習緩慢,比起其他新進的外勞差得多。當我被領班罵的時候,常常聽見同事們的嘲笑聲。但我可以忍受這一切,直到有一天,生氣的領班警告我,說我的工作表現再不改善,就要將我遣返回菲律賓。我一邊工作,一邊流淚。我才來2個月,背上債務累累,心想領班真是無情,她完全沒有想到我還有家人仰賴我過活。

後來,有一位菲律賓同胞跑來安慰我,他說,領班這樣講,只是為求改進的激將法。同事說,他自己過去還是個初學者時,也跟我一樣,其他同事不喜歡跟他一起工作,常常小看他,這促使他加倍努力工作,並且勤奮學習中文、操作機械,來證明自己是個有能力的人。他的故事激勵了我,鼓起繼續做下去的勇氣。

到了晚上,卸下工作的我,身軀疲累,需要休息,但心思又不讓我睡著。每每想到留在菲律賓的家人,不知她們是否安然無恙?是否有好好吃飯?總叫我以淚洗面。上班時,我專心學習並學著如何分配自己的任務。做為一個寫作者,自然會習慣觀察周邊的人事物,我試圖從中了解臺灣人的性格。我發覺他們相當投入工作,12個小時輪班一次,而且從頭到尾嚴謹專注,所以他們預期我們每個人也都要像他們一樣。

我還注意到,他們雖然講話習慣提高聲量、講得又急又快,但那並不代表他們在生氣,只是想很有效率地把我們該注意的地方交代清楚。雖然工作時間非常認真,但是也會開心微笑。尤其他們老是喜歡和我們這些菲律賓人開玩笑,也許,這份輕鬆快樂的氣氛是幽默的菲律賓外勞傳染給他們吧!我現在加倍的努力,來取得領班的信任。

不久,我結交了一位工廠裡的同事。我稱呼她「媽咪」,因為她叫我「貝比」,理由是因為我是工廠新生的關係。她來自中國大陸,嫁給臺灣人之後,再來到臺灣居住。漸漸地,她開始會對我講述她的生活。她說她的母親欣賞女婿的個性,因為自身也是貧窮家庭,所以選擇嫁給有責任感的另一半。

上班疲憊時,她喜歡唱家鄉的民歌來振奮大家的精神,雖然我無法理解歌詞的涵義,但從她的聲音裡,我可以感覺她對母親的愛與思念。也許,正是這份同樣失去雙親在身邊陪伴的心情,才讓我們彼此吸引、如此親近。有一天,她問我為何不買新衣服。我告訴她,我的薪資幾乎全數都匯回去菲律賓,支付弟妹的學雜費和母親的醫藥費,剩下的就是支付為了來臺灣而負債的仲介費。過幾天,她拿了一些衣服給我,有一些是她已經不再穿的舊衣,其他都是全新的。我驚喜流淚,因為這是遠離家人之後,第一次感受到不同國籍的人對我如同家人的關愛。仲介公司的人員也變成我朋友。

我第一次在臺灣生病,缺勤3天,是他負責照顧我的。因為我沒有兄長,所以我叫他大哥,他母親是菲律賓人,生長於菲律賓,因此會講他加祿語,成年後全家才返回臺灣定居,所以他視我們外勞如兄弟姊妹。每次我在工作上出狀況,大哥總會來公司替我辯解,再分析給我聽。他始終維護我,並時時提醒我不要放棄。我因喜愛傾聽同事的生活故事,結交了不少朋友。其中有位朋友能說一口流利的閩南語,讓我誤以為他是臺灣人,後來才知道他是在緬甸出生。他們一家人因為戰爭被迫移居到臺灣,他當時22歲,必須學習中文的聽說讀寫才能找工作。他還學會了一些英語,所以可以時常教我中文。久而久之,我們彼此便溝通無礙了,對此,我很感激。

所有這些友好的行為,我都會利用Skype分享給家人聽。我隱藏在臺灣每個夜裡的孤單寂寞,不想讓遠在家鄉的他們察覺我內心的思念與痛苦。

每次休假我都會外出,我會事先研究一下有哪些可以走走的路線。在臺灣逛街漫遊很有趣,到處都看得到菲律賓人,也有賣菲律賓餐點的小餐廳。我也學會乘坐免費的粉紅巴士,每次有我想去的地方,我就耐地心等待它以節省開支。另外,坐火車也是便宜又快速。偶而我也會想:「真希望菲律賓也能有這樣舒適又方便的交通設施。」我最喜歡逗留的地方是宿舍附近的一座美麗寺廟,天亮之前到這裡是最佳時間,環境清幽,風景如畫,且遠離工廠煩悶吵雜的噪音。

每每覺得悲傷難耐,我就會來這邊禱告,想著心事。

我認為成千上萬的菲律賓人反覆來台工作,還有的在世界各地打拼,每個都有他們的子女、配偶、父母、和手足,他們犧牲闔家歡聚,各居世界一方,只為了積累足夠的財富,為長遠的生活安定打底。如果他們有辦法做到,我也應該能做得到。

我也想起其他種族因為貧窮之外的因素被逼迫移居,比如戰爭。我算起來還滿幸福的,有國家可回。而他們必須重頭開始,建立一個新的生活。時間慢慢過去,我也認識了菲律賓人在臺灣如何慶祝重要節日。

聖誕節來臨,這個神聖日子如果能和家人一起過,那該多美好,但是目前我只能和我在臺灣找到的新家人一起慶祝,也就是我的工作夥伴。我們在宿舍唱歌跳舞排遣寂寞,上工的時候,臺灣的同事們也紛紛送我們巧克力,她們知道這個日子是對菲律賓人來說,是多麼特殊的節日。

在臺灣的節慶中,我最喜愛春節。我收到了臺灣同事們送的眾多禮物,她們還邀請我吃飯與出遊。讓我更歡喜的是,她們會把孩子帶來一起玩,因為我一向喜歡小朋友,但心中也不免因此小小傷懷,因為遠在台灣的我,無法見到在菲律賓剛剛出生的第一個小侄子。

有這些同事與朋友真是我的福氣,雖然語言上彼此無法完全溝通,但心靈上互相了解更重要。

這幾年,我發覺臺灣人、菲律賓人、越南人、和印尼人混居在一起勞動,我們為了給家人過上更好生活而遇見彼此,而這個共同目標也讓我們團結起來成為共患難的夥伴,這份友誼,也減輕了我們親情離散的痛苦。

我的人生觀,從到達臺灣那一天到現在,已經有大大的改變。當初我心中塞滿的是對工作的憂懼,而如今,我滿心關注的都是臺灣的新家人。我有了「大哥」與「媽咪」,他們時常在我身邊給我鼓勵。我認為,我出國的原因不僅僅是為了更美好的生活。如果我沒有來臺打拚,很多事情我可能學不到。

在這裡,我學到時間很寶貴,早上要起得早、動作快,否則工作會落後。雖然工作忙碌,但若有休假,我還是會看想書充電。我也學會將注意力集中在更重要的事上,將來有一天,我想申請來臺留學,這裡的教育系統非常完善,尤其是研究所,但我必須先學習語文課程。

我學到最重要的教訓是,人在國外,不要輕易對生活的困難投降。如果我允許自己被悲傷淹沒,我就無法得知居住在臺灣的優點,我不會有新的朋友、不會得到領班的信任、也不會有機會旅遊臺灣的名勝景點。我隨時準備好體驗在臺灣的生活,這樣我就可以分享我的經歷給菲律賓的鄉親們。我會重拾寫作。這次,我要書寫自己的故事,一個被不同文化背景所豐富了的生命故事。

為了達成願望,送給家人美好的生活,我的心也變得更堅強。如果我沒有離開我的國家,我不會發現在臺灣有許多菲律賓人在此締結良緣。有一個妹妹,在這裡找到愛,他們用事實證明,即便是國家、種族、文化等等背景不同的兩個個體,還是可以合而為一,建立自己的家庭。

在臺灣的旅程還很長,但我會安心地和我的第二個家庭住在這裡,慢慢地,我所有的願望會逐漸完成。沒有什麼比得上勞動所得的果實更加甜美,雖然會有漫長的過程必須等待。雖然我從來也不是技術性勞工,但我要向臺灣的所有外勞致敬。我們的工作不是開玩笑的,如果不是時時憑著毅力與耐力,再多的聰明才智也派不上用場。

有件事情每當我想到,就讓我對第二個家的家人感到不好意思。那就是,隨著時間一天一天過去,離我回鄉重新看見「真正的」母親微笑與家人擁抱的那一天也會越來越近,我為此期盼雀躍…

「爺爺,我已經到達農田的彼端。我沒有像當初我們約好的那樣,走路過去,因為我發現,我可以飛。謝謝你的啟蒙教導,告訴我,我可以做我想做的一切。我還發現,每個彼端都有一個新的世界在等待,每個結束就是為了另一個開始。」

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *