窮人的呼聲 Panaghoy Ng Maralita

🏅青少年評審獎 Teen Choice Award

📜 Panaghoy Ng Maralita

👤 Joseph Christian P. Aranas

Panaghoy Ng Maralita.
Mula sa aking ninuno hanggang sa aking pagsilang,
Ang kahirapan ito ba’y kadikit na sa aking buhay.
Anu ang dapat at nararapat gawin ng tulad kong maralitang alipin sa bayang lusak ng kahirapan.
Sinong hindi mananaghoy sa pagmulat ng iyong mga mata at pagsalubong ng bukang liwayway alingawngaw ng bala ang gigising sa tuwina.
Sa pagsapit ng dapit hapon mga katawang nakahandusay naman ang iyong makikita.
Gustohin ko mang umalis ngunit hindi ko magagawa.
Sapagkat kailan man wala ka nang babalikan ito’y kakamkamin ng Borgis ng lipunan.

Kailan nga ba matatapos panaghoy sa aking kalooban.
Madarama ko pa kaya ang kapanatagan.
Kung ang sarili kong lupain ito’y kakamkamin ng ganun-ganun na lamang.
Sarili kong bakuran pilit babarakadahan,papalayasin sa lupang aking sakahan.

Naitanung ko sa aking sarili anu bang kapakinabangan na ipinaglaban ng mga bayaning ng buwis ng buhay para sa bayan.
Kung ang makikita ko’t masisilayan ang kalayaan sa pangangamkam ng iilang matatas sa pamahalaan.
Mga buwitre sa kaban ng bayan walang ginawa kung hindi kalayawan.
Ako’y nahahabag at nababagabag paano na ang bukas para sa aking pamilya.
Kakarampot ko na ngang kita itoy aagawin pa nila.

Kaya umuusbong ang kaguluhan dahil sa kanilang mga mapanglinlang.
Kapwa Pilipino naglalabanan makamtan lamang ang kasaganaan.
Kapwa Pilipino nagpapatayan at nag aagawan dahil sa mga salot sa lipunan.

Sino nga ba ang tunay na bayaning maituturing,
Mga sundalo na sumusunod sa kanilang tungkulin dahil sa utos ng borgis sa pamahalaan, o
Mga maralitang mandirigma na tinutugis sa kabundukan para ipaglaban ang kanilang karapatan.

Ikaw,ako,tayo mga Kristiano o Muslim iisa lang ang hangarin ang kapayapaan sa ating lupang Sinilangan.
Lahat tayo may magagawa isigaw natin ang panaghoy ng maralita,
Hindi mamaya,bukas o makalawa kung hindi ngayon na upag marinig ang boses ng masa.


📜 窮人的呼聲

👤 Joseph Christian P. Aranas

從我的祖先到我出生的年代,
貧窮的命運始終伴隨著我。
我應該且必須做什麼,才可以逃離這個住在骯髒沼澤區的可憐奴隸。
從你睜開眼睛的剎那,任誰不感嘆,唯有流言子彈才能吵醒這個曙光。
到了傍晚見到的是一具具屍體。
就算我想逃離這個地方,但我不能。
因為你在這方面沒有社會肯接納你。

到底何時可以結束我這絕望的心情。
何時可以感到知足。
我的土地就這樣輕而易舉地被沒收。
連我辛苦耕田的後院也被圍欄擋住而驅離。

我問自己,那些為人們的生活稅抗戰的英雄們,而我得到了什麼。
我只看到的,是高層政府官員的不法收取。
就像禿鷹貪圖錢財為樂。
我同情和困擾我家人以後的生活。
我微薄的收入,還要被他們搜刮收取。

導致社會混亂,因為有這些自私自利的人。
自己菲律賓人互相鬥爭以利自己獲益。
社會的瘟疫,造成殺害自己菲律賓同胞和互相競爭。

誰被認為是真正的英雄,
所有士兵謹遵守政府交代的職責,和
可憐的戰士在山上打獵,以爭取自己的權益

你,我,我們是基督徒或是穆斯林,只有一個和平的願望能安逸在我們生長的土地上。
我們所能做的是大聲喊出我們窮人的呼聲,
不是待會兒,明天或後天,而是現在,能聽到群眾的呼聲。


 

📝Komento mula sa tagasuri|Jhesset Thrina Enano

Among the poems, this work stood out to me. The writer was able to address the root of poverty and forced migration in the Philippines, as well as show the diversity of its people who long for peace.

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *