海外勞工 BANYAGANG MANGGAGAWA

 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 海外勞工 BANYAGANG MANGGAGAWA

👤 Aling

Ito ay tula na may malayang taludturan.
Ukol sa manggagawang apuhap ay kaginhawaan.
Lahat ng balakid ay hindi iindahin.
Makamit lamang ang kanyang mga adhikain.

Banyagang manggagawa ikaw ay dakila.
Saan ka man nagmula, ikaw ay pinagpala.
Baon mo ay gabay ng Poong Maykapal.
Habang binabagtas mo ang lansangang di ka pamilyar.

Linisan mo ang pamilya mong aba.
Upang kahit paano’y buhay nila’y guminhawa.
Lulan ka ng sasakyang panghimpapawid.
Na sa sulok ng mata’y, mga luha’y nanggigilid.

Bitbit mo ay barcode, mula sa pautangan.
Paglilikom sa isang taon, upang sila’y mabayaran.
Labing dalawang pirasong papel na iyong kinasusuklaman.
Ngunit batid mong ito’y dapat mong panagutan.

Wika at klima ay sadyang banyaga.
Salita at kultura ay kamangha-mangha.
Kulay ng aking balat ay kanilang pinupuna.
Ganda ng aking mata ay kanilang sinasamba.

Iba’t ibang trabaho para sa mga dayuhan.
Pagka’t batid nilang sila’y mapagkakatiwalaan.
Tagapagaruga man o mangingisda, trabahador sa pabrika o sa opisina.
Sila’y tulad ko ring nakagapos sa tanikala ng kahirapan.
Karalitaang natamasa sa sariling inang bayan.

Tulak mo ay ang silyang de gulong,
Lulan nito ay si ama o di kaya’y si akhong.
Hawak mo ay lambat upang itapon sa alon,
Along pumipigil sa iyong mabilisang pag ahon.
Sa makina ikaw ay nakatutok maghapon,
Upang mapuno ang itinalagang kahon.

Iba’t-ibang gawain, pati na mga mithiin.
Iba’t-ibang storya animo’y pelikula.
Subalit itong tula ay ukol sa may akda.
Isang banyagang manggagawa at dakilang tagapagaruga.

Pangarap mo’t ambisyon ang siya mong inspirasyon.
Bahay kubong laon, butas butas na bubong.
Kaya’t sa sarili’y isa lang ang ibinulong.
“Ako’y babangon sa pagkakalugmok, bago maubusan ng panahon.

Pinilit mong kumawala sa gapos ng kahirapan.
Karalitaang naging dahilan upang pamilya’y pansamantalang di masilayan.
Pangungulilang animo’y batingaw na patuloy na umaalingawngaw.
Ala-ala ng abang mahal sa balintataw ay kaulayaw.

Patuloy mong winaksi ang iyong agam-agam.
Pagkat itong busilak na puso ay merong nais makamtan.
Sakit na nararanasan ay dagok sa buhay lamang.
Kailangan mong kumayod upang pamilya’y guminhawa man lang.

Sa tuwing bukang liwayway ikaw ay babangon.
Upang humarap sa panibagong hamon.
Hindi mo alintana pabago bago man ang panahon.
Sapagkat batid mong ikaw ay may mga obligasyon.

Banaag sa iyong mukha ang walang kahulilip na kaligayahan.
Nang makausap na ang anak mong nilisan.
Ang bungad niyang tanong “Inay, kumusta ka po riyan?, ikaw po ba ay ayos lang?”
Magulang mong nanghihina, pautal-utal na nagwika “anak, mukha mo’y humpak na, ikaw ba’y nangungulila?”
Ang tanging sagot ko “ako po ay ayos lang”.
Pilit itinago ang pangungulila’t karamdaman.
Pagkat batid mong sila’y mababalisa lamang.

Pagkaing ipinagdamot, mas pinili pang itapon.
Kaya’t napilitang bawasan ang iyong ipon.
Upang kahit paano’y maibsan ang iyong gutom.
Katawan mong napapagal, alaga mong umaatungal.
Amo mong madaldal na minsa’y di maintindihan
Meron ding pinagpala at meron ding sinawing palad.
Bulyaw dine, bulyaw diyan, trabaho rine, trabaho riyan.
Ngunit kahit anu pa man ang iyong maranasan.
Hindi yun dahilan upang ika’y sumuko na lang.

Mga oras, araw at linggo’y bilang mo.
Kapag hindi kayo masilayan araw ay animo’y taon.
Lumipas ang kaarawn, pasko at bagong taon.
Salaping padala mo’y panakip sa nawala mong atensyon.

Sapatos, relos, gadgets at mga damit.
Iyong ipinadala, upang kanila’y magamit.
Subalit tanong ng anak mo’y Bakit?.
Ang nais ko ang inay, at hindi mga gamit.
Inang aaruga sa tuwing ako ay may sakit.
Oh inay, oh inay, kelan ka muling makakapiling.
Tanong ng paslit habang sa langit ay nakatingin.

Sa tuwing naririnig ko ang tinig ng paslit.
Puso ko’y naghihinagpis, mata ko’y tumatangis.
Tama nga bang ikaw ay lisanin at pansamantalang di makapiling?
Tanong sa isipan habang sa hangin ay humihiling.

Lumipas ang araw, linggo at taon ng hindi namamalayan pagkat sa trabaho nakatuon.
Inang may sakit ay iyong nakapulong, pagkat batid mong siya’y nangangailangan ng atensyon.
Sino ka, sino ka? Pautal utal niyang tanong.
Ako po to inay, ang anak mong mahal, nagugulumihanan kong tugon.

Matapos ang pagsusuri doktor ay nagsabi.
Ang iyong ina ang nagiging mkakalimutin meron siyang Alzheimer mariin niang diin.
Ako ay napatangis at mariing nagsabi.
Panginoon panginoon ina ko po’y pagalingin pagkat nais ko pa po na siya ay makapiling.

Iyong tinitigan ang alaga sa higaan.
Batid mong kailangan ka ng inang may karamdaman.
Ano nga ba ang mas mahalaga, ang pera o pagkalinga?
Siya’y gagaling kaya kung ako’y makapiling na.

Mas pinili mong manatili at pera’y iapadala.
Habang ang puso’y punong puno ng pagdurusa.
Pagkai’y hindi malasahan, tulog ay hindi mo makamtan.
Ngunit sa Diyos ay nagdasal na lamang, na sana’y matapos na ang hirap na nararanasan.

Minsan sa buhay ang tangin tanong ko.
Hanggang kelan ako magbabanat ng buto?
Sapat na bang kabayaran ang dolyar sa panahong ninakaw ko?
Mapapalitan nga ba ng materyal na bagay ang yakap ko pra sa anak ko?
Hindi kaya sumapit ang panahong ako’y uuwing magulang ay naka kabaong?
Mga tanong na walang sagot saan man ako tumuon.
Ngunit bago pa mahuli’y kailangan ng magkalikom.
Pagkat batid mong hindi ito panghabang panahon.

Bilisan mo! Bilisan mo! Nagpagising sa diwa mo.
Bulyaw ng iyong amo na siyang gumising sayo sa pagbabalik tanaw mo.
Iyon pala’y tapos na ang tula mong inakda.
Para sa mga DAKILANG BANYAGANG MANGGAGAWA.

06/04/2017


📜 海外勞工 BANYAGANG MANGGAGAWA

👤 Aling

這是一首自由式的詩
關於想改善家境的勞工
不在乎所有阻礙
只要達到他的生活目標

海外勞工,你很偉大
無論你從何方來都是有福氣的
你帶者老天的保佑
航向不熟悉的陌生之路

遠離你那貧窮的家庭
無論如何要讓家人的生活更好
你搭上飛機
淚水在眼眶裡打轉

帶著向他人借款的借據
省吃儉用一年才能償還帳款
十二張討厭的紙
心知肚明需要還債

語言氣候如此不同
文化口音大相逕庭
我的膚色,被他們注意
我的大眼睛,被他們羨慕

人們把各種工作給外籍人士
因為知道他們可以信任
看護工或漁工、在工廠或辦公室工作
他們如我,困於貧窮的生活
來自遠方的窮鄉僻壤

妳推的是輪椅
阿公阿嬤坐在這
手拿著要撒向大海的漁網
浪濤禁止你順利收回
整天面對運作的機台
要寄回家鄉的箱子才可以裝滿

各種行業,各樣夢想
每個故事如同電影般
但這首詩是作者的故事
一位海外勞工,一位偉大的看護工

夢想和願望都是我的靈感
舊草屋的屋頂破了洞
對自己默默說
「我要遠離貧窮,趁時間還沒用完」

妳努力從貧困掙脫
窮途末路使妳離鄉背井
思念親人如同響不停的鐘聲
心繫家人,卻看不見他們

妳不斷拋出憂慮
一心想得到願望
痛苦是人生旅途的曲折
要勤奮賺錢家人才會好過

每天早晨起床
面對生活新挑戰
天氣變化與我無關
因為知道身負重任

妳面無表情,沒有笑容
妳和孩兒交談時滿臉愉悅的表情
他開口就問:「媽您好嗎?您那邊還好吧?」
家長微弱的問:「孩兒妳臉消瘦了妳淒涼嗎?」
我只能回答:「我還好」
盡量隱藏憂愁和病情
因為知道他們會掛念

食物寧願丟掉也不給妳吃
所以儲蓄被迫減少
買食物充飢、肚子填飽
自身勞累疲倦,被看護者吵鬧不停
雇主還囉唆嘮叨不明瞭
有好雇主,也有壞雇主
這邊吼、那邊吼,這裡做、那裡做
但不管遇到什麼事
這都不是妳可以放棄的理由

時間算得很清楚,一小時、一天、一星期
沒看見家人一日彷彿一年
生日、聖誕節、新年過去
匯款用錢彌補沒在他們身邊的遺憾
鞋子、手錶、電玩還有衣服
寄回家給他們用
但孩兒問為什麼?
我喜歡的是母親不是物品
我生病時照顧我的母親
母親、母親呀,妳何時回我身邊
孩兒問蒼天。

每次聽見孩子的聲音
心底好悲傷,雙眼不停流淚
離開你,暫時無法陪在你身邊
不斷想著這決策對嗎?
忙於工作,沒注意時間過得真快
妳知道生病的母親需要照顧
「妳是誰?妳是誰?」 她口吃的問
「媽,是我,您心愛的孩兒!」我錯愕回答

醫生檢查後說
妳母親已健忘,她得老年癡呆症
天啊!我不禁大聲哭
請您醫治我母親,我還想陪她
妳凝視躺著的被看護人
妳知道生病的母親也需要照顧
什麼比較重要?金錢還是照顧?
我陪伴她就會康復嗎?

妳選擇待留台灣賺錢匯回家
心裡充滿痛苦
傷心到吃東西沒味道、夜不成眠
只能禱告祈求上天,趕快結束妳的痛苦

偶然問蒼天
我要做到何時?
金錢可補滿失去光陰嗎?
物資可換取擁抱孩子的機會嗎?
會不會等我回家母親已入棺?
這些問題無法回答
但在契約未到期前必須要存錢
因為知道這不是永遠的事

快!快!雇主喊叫
喚醒妳空想的頭腦
原來這首詩已告完成
獻給偉大的海外勞工

06/04/2017


📝Komento mula sa tagasuri|Jhesset Thrina Enano

This poem was also a well-written piece about the universal hard work and sacrifice of migrant workers everywhere. Using evocative and strong words, the writer was able to paint a strong picture of an overseas Filipino worker, from his/her foreign looks to his/her variety of jobs in a foreign country.

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *