淹沒的願望再有希望 Muling Nabuhay Ang Nakabaong Pangarap

 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 淹沒的願望再有希望 Muling Nabuhay Ang Nakabaong Pangarap

👤 ILYN PIKITPIKIT

Bata pa lamang ako ay puno na ako ng mga pangarap. Pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makapunta sa ibang bansa dahil iyon ang nakikita ko sa iba naming mga kamag-anak para kumita ng malaking pera. Bata pa kasi ako nang masaksihan ko ang lubos na paghihirap ng aking pamilya lalo na ang aking ina. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ngunit, labing-isang taon ang agwat namin ng ate ko dahil hindi pa lang ako naisilang ay nagkakasakit na ang papa namin at iyon ang dahilan kaya hindi muna sila nagdagdag agad ng anak.

Nagkasakit ang papa ko sa baga dahilan ng pag-iispray ng medisina sa palayan namin. Hindi daw niya namalayan kaagad na may tagos pala ang tangke ng medisina at ito’y unti-unting hinihigop ng likod niya na buong akala niya ay pawis lamang. Unti-unting nanghihina ang papa ko kaya nagpatingin sila sa doktor at iyon na ang resulta, malubhang naidulot ang medisina sa kanyang katawan. Simula noon ay hindi na pwedeng magtrabaho ng mabigat ang papa ko at nasa bahay nalang siya at iyong mama ko ang nagtatrabaho at nag-aasikaso sa palayan namin. Akala ng karamihan ay hindi na magtatagal ang papa ko dahil halos buto’t balat nalang ito. Kay bait parin ng Panginoon dahil binigyan pa ng mahabang buhay ang papa ko hanggang ngayon. Sabi nga nila, pangalawang buhay na raw iyon ng papa ko. Sa awa ng Panginoon ay unti-unti naring nagkakalaman ang kanyang katawan. Ngunit hindi na ito bumalik sa dati niyang sigla at lakas.

Sa kasawiang palad, hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo. Hanggang 3rd year ako sa kursong Education at 3rd year din sa Nursing. In demand kasi noon iyon kaya pinalipat ako ng ante ko sa Nursing. Subalit, sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis naman ako sa boyfriend kong estudyante palang din sa panahong iyon. Parang gumunaw ang buong mundo ko na para bang nawawalan na talaga ako ng direksyon at saysay sa buhay. Nabalot ako sa takot at hiya para sa aking mga magulang. Unti-unting humina ang loob ko. “ANG MGA MALALAKI KONG PANGARAP AY UNTI-UNTING NATUTUNAW AT BINABAON NA LAMANG SA LIMOT”.

Nagdasal ako ng mataimtim sa Panginoon at humingi ng guidance at kapatawaran sa aking pagkakamali, sa pagkaligaw ko ng landas. Unti-unti akong nahimasmasan sa bigat ng problema na aking sinapit. Unti-unti akong nagkaroon ng lakas na harapin ang sinapit ng aking buhay. Ang hanapan ng solusyon upang maisilang ko ng mabuti ang aking anak. Buti nalang at hindi naman nagagalit ang mga magulang ko sa akin. Pero alam kong nasasaktan din sila.

Doon ako tumira sa bahay ng aking asawa kasama ang kanyang dalawang kapatid na may mga asawa narin. Hindi niya ako pinakasalan. Saka nalang daw kapag may trabaho na siya. Matagal nang patay ang kanilang ina at ang kanilang ama ay pumanaw naman sa bansang Saudi Arabia noong tatlong buwan pa lang ang binubuntis ko at hindi niya ito alam sapagkat may sakit na siya sa panahon na iyon kaya hindi nalang binalita sa kanya baka lalo pa siyang manghina.

Habang unti-unting nagtagal ang aming pagsasama, dahan-dahan namang nagbago ang ugali ng aking asawa na tila ba’y hindi na siya iyong dati kong nakilala. Lagi nalang kaming nagtatalo hanggang sa lumala ang away namin. Madaming beses narin niya akong sinaktan at pinagbantaan pa na papatayin pati ang anak namin. Pagkatapos ay magsakal din siya para matapos na lahat. Nanginginig ako sa takot habang hawak-hawak niya ang kutsilyo. Pero tiniis ko parin iyon alang-alang sa aming maliit na anak.

Away bati ang relasyon namin. Nagpasya akong umalis nalang sa kanila ngunit hindi nagtagal ay nakipag-ayos din siya sa akin. Bumalik kami ng anak ko sa kanila ngunit ganoon parin ang sinapit ko. Ang lagi niya akong pagbubuhatan ng kamay hanggang sa hindi ko na makaya ang sakit at pangbabatok niya sa ulo ko. May nakapagsabi sa akin na magpa medical ako at mag report sa police station para ipa-blotter siya. Sumunod na pinagbuhatan niya ako ng kamay, sinipa at sinakal na halos mamatay na ako ay hindi na talaga ako nagdadalawang isip na mag sampa ng kaso laban sa kanya. Limang kaso ang sinampa ko at siya ay makukulong hanggang sa dalwampu’t limang taon. Grabe ang paghingi niya ng kapatawaran sa akin at nakikipagbalikan pero hindi pa talaga ako pumayag noon. Napupuno na ng puot at galit ang puso ko sa panahong iyon na ang tanging gusto ko ay ang maturuan din siya ng leksyon sa loob ng kulongan. Subalit, ginamit niya ang bata para maawa ako sa kanya. Nadala naman ako dahil naawa din ako sa anak namin at baka masasaktan din siya kapag natuloy ang pagpakulong ko sa ama niya.

Kaya ayon, muli na naman kaming nagkabalikan sa kasunduang mangingibang bansa kami para makapag-ipon ng sapat na salapi upang makapag bukod. Siya ang nauna at sumunod akong mag apply pagkaraan ng isang taon simula pag-alis niya. Sobrang hirap daw ng trabaho niya kaya inuobserbahan pa niya kung makakaya niya ito bago niya ako pinapasunod rito. Subalit, hindi rin ako nakaalis kaagad dahil pinapahanap pa niya ako ng Factory na malapit sa kanya. Umabot nalang ako ng dalawang buwan mahigit ngunit wala parin akong makita. Kaya nagpasya akong huwag nalang sumunod sa kanya dahil napagod na ako sa kakahanap at ayaw naman niya akong payagan na malayo sa kanya. Pumasa na sana ako agad sa ibang kompanya ngunit hindi siya pumayag dahil malayo ito. Apat na kompanya na ang napasahan ko pero ganun parin, puro malayo. Nagsimula na naman kaming mag-away. Sabi ko, kung ayaw niya akong payagan ay uuwi nalang ako sa probinsya. Kaya iyon, pumayag nalang siya. Sa Tainan ako napunta habang siya naman ay nasa Miaoli. Nag lending ako pang placement fee dahil ang pera niya ay ubos-ubos bayad sa utang at padala para sa anak naming naiwan sa mga magulang ko. Nagbibigay din siya ng suporta sa mga nakakatanda niyang kapatid na may mga sariling pamilya narin.

Pebrero 24, 2015, ang petsa ng aking pag-alis papuntang Taiwan. Ito ang unang pagkakaton ng aking pakikipagsapalaran sa ibang bansa bilang isang Factory Worker. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Masaya ako dahil sa wakas ay makakaalis narin, at unti-unti naring mabubuhay ang aking mga pangarap na binaon ko nalang dati sa limot dahil sa akalang malabo na talagang mangyari. Kasabay sa aking pag-alis ay ang malalaking pangarap para sa aking pamilya. Pangarap na makapag-ipon ng sapat na puhonan upang may pang kapital ako sa pag nenegosyo pagbalik sa Pilipinas. Masaya ako na may halong lungkot din sapagkat tatlong taon akong mawalay sa aking mga magulang lalong-lalong na sa nag-iisang anak namin na ngayon ay mag pipitong taong gulang na. Unang linggo ko dito sa Taiwan ay sobrang nahohomesick talaga ako. Iyong pakiramdam na tila ba’y wala na akong mapaglagyan. Mabuti nalang din at nandito sa Taiwan ang asawa ko.

Hindi madali ang buhay ko dito. Ito’y mahahalintulad ko sa isang sanggol. Tila ba’y para akong muling isinilang, sapagkat maliban sa bagong trabaho ay may bago ring salita na kailangan kong matutunan. Pati mga banyaga ay kailangan kong pakikisamahan na dinadaan ko na nalang sa ngiti tuwing may makasalubong ako dahil hindi ko pa alam ang makikipag-usap sa kanila. Machine operator ako sa isang textile company kung saan lace ang aming produkto. Unang tingin ko palang sa makina ay alam ko na talagang mahihirapan ako dahil halos magkadikit ang mga karayom. Hindi rin ako natuto agad sa trabaho at sabi pa ng iba ay puhaw ako. Nilakasan ko talaga ang loob ko. Lagi kong iniisip ang kinabukasan ng aking anak. Kahit na mahirap ang trabaho ay kinaya ko. Pati pagbubuhat ng mabibigat na rulyo ng lace na para bang malalaglag ang matres ko ay kinaya ko dahil wala nang ibang pagpipilian para mananatili dito. Minsan sumasakit ang puson ko sa kakabuhat ng mabibigat. Minsan bigla nalang din tumutulo ang luha ko dahil napagtanto ko na ganito pala ang realidad ng buhay. Ganito pala ang buhay abroad.

Pagkalipas ng tatlong buwan ay unti-unti narin akong nasanay sa trabaho. Ngunit kaunti lang ang natitira sa sahod ko. Hindi ako agad nagkaroon ng over time dahil mahina rin ang kompanyang napasokan ko. Ako lang ang nagbabayad sa aking utang at ang asawa ko naman ang nagpapadala ng suporta sa anak namin. Ngunit, nagpapadala parin ako sa mga magulang ko upang makabawi rin ako sa kanila. Napaisip ako kung paano ako makapag ipon ng malaki para sa negosyo kung kaunti nalang ang matira sa sahod ko. Kaya nang mag aapat na buwan na ako ay nakapag-isip akong subokan ang online selling dito gamit ang facebook. Dahil membro din naman ako dati sa Pinas sa isang Networking Company na Royale Business Club na ang mga produkto ay mga food supplements at pampaganda. Sa palagay ko, baka mabenta ito dito dahil kailangan naming mga OFWs ng mga food supplements upang mananatiling malakas at hindi magkakasakit. Aanhin ang madaming pera kung ang katawan naman ay humina.

Pagkalipas ng apat na buwan ay nagpasya akong magpunta sa Taipei kung saan andoon ang branch ng Royale upang makakuha ako ng mga produkto. Mag isa lang akong pumunta doon. May halo mang kaba at takot ang aking nararamdaman, nagpakatatag talaga ako sa kagustohang madagdagan ang aking income. Buti nalang din at ang babait ng mga staff nila at ginaguide ako sa phone kung ano ang sasakyan na bus simula main station ng Train sa Taipei papunta sa office nila. Nakakalito pa naman kung saan ako lulusot dahil ang lawak ng main station. Buti nalang at narating ko din ang Royale Branch at nakauwi din naman ako sa kompanya. Ayaw pa sana akong payagan ng lider namin na umalis dahil takot siyang baka maligaw ako. Sabi ko naman, magtanong-tanong lang din ako doon.

Simula noon ay unti-unti narin akong kumikita ng extra income. Para sa akin, mas maigi na ang sabayan ko ng pagbebenta ang pagfe-facebook kesa nakababad lang ang mata ko sa cellphone nang wala namang kikitaing pera. Pagka-out ko sa trabaho ay iyon agad ang ginagawa ko. Ang mag post nang mag post hanggang sa dumadami narin ang mga customers ko. Bawat oras sa akin ay mahalaga. Ang oras na dapat magpapahinga na ako pero nag popost parin ako para makadami ng benta. May iba ring sumai para kumita din ng pandagdag sa income nila. Hindi bali nang ako ang maghirap, wag lang ang aking mahal na anak. Gagawin ko ang lahat para hindi na mahirapan ang anak ko. Ayaw kong maranasan niya ang hirap at sakit na naranasan ko.

Hindi rin maiwasan na mayroon talagang maririnig na mga salita mula sa ibang mga kasamahan. Hindi na raw ako kumakain, hindi natutulog. Pero hinahayaan ko nalang sila dahil hindi naman totoo ang mga pinagsasabi nila. Patay na sana ako kung ganoon. Mayroon ding ibang mga kasamahan ko na may mga asawa na sa Pilinas at pagdating dito ay may mga kinakasama din. Gusto pa nila akong mapasama at sumabay sa mga gawain nilang hindi maganda pero hindi talaga ako nagpapadala. Madaming pamilya ang nawasak dahil ang ibang pamilyado sa Pilinas na nandirito ay may mga karelasyon din dito. Ayaw ko ng ganun. Ang pinunta ko dito ay para makapag-ipon ng pera hindi para magpasarap sa buhay sa piling ng iba at sa discohan. Pero nakapasok din ako ng isang beses sa discohan dahil gusto ko ring makita kung ano ba ang meron doon bakit may mga kasamahan ako na laging nag didisco. Nakita ko doon na halos mga Pinoy lang din pala lahat. Hindi ko lubos maintindihan na hindi man lang sila nanghihinayang sa pera na laging ginagastos sa mga hindi importanteng bagay.

Sabi rin ng iba na sobrang kuripot daw ako dahil hindi ako sumasama sa mga lakad nila. Hindi nila ako maiintindihan kasi magkaiba ang gusto namain sa buhay. Para sa akin ay mahalaga ang bawat dolyar na kinikita ko kaya may limitasyon talaga kapag gagastos ako. Hindi rin ako maluho. Iyong mga importanteng bagay lang ang binibili ko at pagkain. Sumasama din naman ako minsan sa mga gala kapag magaganda ang mga tanawin ang pupuntahan para makikita ko din ang mga magagandang tanawin dito sa Taiwan tulad ng Kenting Beach Resort kung saan doon ko naranasan ang sumakay ng Banana Boat at iba pa. Sobrang nag enjoy ako noon. Nalibot din namin ang Eda World sa Kaohsiung City at iba pang magagandang tanawin.

Gustong-gusto ko ang patakaran dito sa Taiwan lalo na sa katulad naming mga dayuhan dahil hindi talaga pabaya ang gobyerno at walang pang-aabuso. Gusto ko ang kultura dito. Safe pa kahit ginabihan pa sa daan. Hindi ka matatakot na baka merong hold upper o mga mamamatay ng mga inosenting tao. Ganito rin sana sa bansa naming Pilipinas. Saludo talaga ako sa bansang ito.
Malaki ang naitulong ng Taiwan para sa aming mga dayuhan na hindi pinalad na makapasok sa mga trabahong malalaki ang sahod sa Pilipinas dahilan din sa sobrang dami na ng populasyon at sa mga kwalipikasyon na hinahanap nila. Sobrang laki din ng pasasalamat ko sa aming kompanya at sa Panginoon na kahit hindi man madaming over time ay nagkakaroon parin ako ng extra income kahit paano. Maliban sa perang kinikita ko dito ay malaki din ang naitulong nito sa aking personalidad na dati ay mahiyain ako sa pakikipagsalamuha ng ibang tao, na ngayon ay malakas na ang loob ko. Dito ko rin lalong mas nahasa ang aking karanasan sa magnenegosyo online. Dito ko mas lalong nakikilala ang aking sarili na kaya ko rin pala gawin ang mga bagay na akala ko ay mahirap. Kapagka pala ang tao na may malalim na dahilan, kahit ulan at init pa ang kasama ay hindi talaga matitinag. Kahit sobrang init minsan ay tinitiis ko mapadala lang ang mga orders. At kahit minsan ay maabotan man ako ng ulan sa daan ay tuloy-tuloy parin ako. Pero nagbabaon din ako ng raincoat para hindi ako magkakasakit. Lalong lumakas at tumibay ang aking loob sa mga mahihirap kung karanasan. Sa ngayon ay hindi na ako takot humarap sa mga hamon ng buhay. Nagpapasalamat parin ako sa mga magaganda at hindi magagandang bagay na aking naranasan, sapagkat marami akong aral na napupulot na magagamit sa mga susunod pang yugto ng aking buhay. Mga aral na maari kong ibahagi sa aking anak at sa ibang tao. Mga leksyon na hindi matutumbasan ng pera.

Sa ngayon ay unti-unti ko nang nakamit ang aking mga pangarap. May maliit na negosyo narin ako sa Pilipinas. Sa pag aabroad ay hindi sapat ang matalino ka lang, masipag at matiyaga. Dapat sabayan din ito ng diskarte kung paano mo mapalaki ang perang kinikita mo. Madami akong mga kasamahan sa trabaho na matagal na dito ngunit wala paring sapat na naipundar. Dapat ay matutunan din ang pagnenegosyo para hindi na magtagal sa ibang bansa.

Para sa akin, hindi sapat ang mapadalhan ko lang ng malaking pera buwan-buwan ang aking pamilya. Hindi sapat ng mabili lang nila ang mga gusto nilang bagay. Hindi sapat ang makapagpatayo lang ng bahay. Hindi sapat ang mapapaaral lang sa maganda at mamahaling eskwelahan ang aking anak. Para sa akin ay dapat mag pundar ng pang negosyo upang hindi na lalayo pa sa pamilya pagkatapos ng kontrata. Dapat habang dito palang ay negosyo ang ibibigay sa pamilya para lalago ang pera at hindi iyong kakapadala lang ng pera at pagkatapos ng isang buwan, wala na. Ang pag aabroad ay dapat temporary lang at hindi dapat gawing long term goal. Madami akong naririnig at nababasang mga posts ng mga kapwa ko OFW dito sa Taiwan na gusting-gusto nilang umuwi at mag For Good. Subalit, wala daw silang sapat na ipon at iyong iba ay may mga utang pa kaliwa’t kanan. Kung gusto nating mabilis ang pag-unlad ng ating buhay ay dapat may tamang sistema din tayong dapat sundin. Dapat maghahanap din ng pandagdag sa kita basta’t ito ay moral at legal. Katulad naming sabik na makapiling ang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas, ganoon din ang nararamdaman sa mga naiiwan. Napilitan nalang din silang pumayag na malayo sapagkat nandito ang madaming oportunidad.

Kaya ako nagsusumikap na makamit ang aking pangarap na magkaroon ng negosyo dahil kung gaano kasakit ang aking nararamdaman at pangungulila sa anak ko, alam kong ganoon din ang nararamdaman niya. Batang sabik sa yakap at pagmamahal ng isang ina. Ang hirap malayo sa anak lalo na kung nagkakasakit. Parang gusto kung umuwi ngunit kay laki naman ng gagastosin. Tanging dasal na lamang ang aking magagawa. Kahit masakit ay kailangang magpakatatag upang hindi maaapektuhan ang trabaho. Hindi sapat ang edukasyon lang ang maipamana ko sa anak ko kundi negosyo. Para hindi na siya lalayo sa akin paglaki niya. Gusto kong baguhin ang struktura ng aming pamumuhay. Mahalaga talaga ang pera dahil kailangan natin ito sa ating buhay. Hindi naman pwedeng pagmamahal ang ibili sa mga masasarap na pagkain na gusto nila. O sa mga bagay at magandang lugar na gusto nilang puntahan. Bagamat kulang parin ang kaligayahan kung hindi buo ang pamilya. Magkasama dapat ang pera at oras para sa pamilya. Kaya kailangan na matutunan din ang pagnenegosyo. Sipag, tiyaga, diskarte, at tamang sistema ang kailangan upang uunlad ang ating buhay. Negosyo ang solusyon upang matuldokan ang kahirapan sa buhay. At ito ang pinakamagandang ipamana sa mga anak. Isa lang ang ating buhay kaya hindi natin ito dapat ubosin sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Napamahal na sa akin ang bansang Taiwan. Mananatili ito sa puso ko sa buong buhay ko. Dahil dito ko muling nabuhay ang mga pangarap na dati ay binaon ko na sa limot. May pag-asa pa pala. Naniniwala ako sa kasabihang, “WE ONLY LIVE ONCE, BUT IF WE DO IT RIGHT, ONCE IS ENOUGH”.


📜 淹沒的願望再有希望 Muling Nabuhay Ang Nakabaong Pangarap

👤 ILYN PIKITPIKIT

我小小年紀就有滿滿的願望。我的夢想是把書念完後出國到別的國家去,因為我看見有些親戚是這樣做才賺很多錢的。小小年紀就目睹家庭生活辛苦,特別是母親勞累。我是三個兄弟姐妹中的老么,我與姊姊相差十一年,因為我還沒出生時,父親生病所以母親無法生育。

家父是種米的農夫,在噴灑農藥的過程中,父親不知道噴灑器有漏洞,整個背後都濕透了,原本以為是汗水流下來。直到身體漸漸虛弱,去給醫生看才知道肺部嚴重受損。自從那次他只能待在家裡養生,換我母親到農地去工作。很多人都認為父親不會持久,因為他當時就剩皮包骨,但感謝主至今他還活著。別人都說,這是我爸的第二個生命。漸漸的,他身體慢慢長肉,但還沒回到過往的熱情及體力。

很可惜我大學沒畢業。讀了三年教育系又轉念護理系,當時護理畢業生很吃香,所以我阿姨叫我改念護理系。讀了三年,不料懷孕。我當時不知所措,對不起雙親恩養、對不起自己,夢想願望逐漸消失,埋沒腦海裡。

我誠懇地向天主禱告,指導我,原諒我的過失和迷失方向。慢慢地我有了勇氣面對事實和沉重的負擔。找到解決方法,把小孩安全生下來。父母親雖然沒生我的氣,但我知道他們內心好痛苦。

我與男友同居,和他已有家眷的兄姐一起住。我們沒辦結婚手續,他也是學生,沒有工作。他母親早已去世、父親有病,怕他老人家受不了打擊就沒告訴他。我懷孕第三個月他就去世了。

我們倆人在一起的日子越久,男友的性格也漸漸變,幾乎不是我以前認識的人。我們越吵越嚴重,他開始動手動腳甚至持刀威脅要致我與孩子於死地。我懼怕得直發抖,但為了孩子我還是容忍。

和好了又吵,吵完又好,我們兩人就維持這種關係。我決定離開他,但他不久就找我和好,被他說服後我就乖乖回去,但沒過幾天他依舊動起手腳打我。甚至還打擊頭部,打到我沒辦法忍痛,有人看不過去,叫我去驗傷報警。後來他又再次攻擊我,甚至踢我,還差點把我掐死。我就沒再考慮,報警提告,讓他坐牢二十五年。他屢次求饒但我無動於衷。我當時心裡滿是恨和氣,我要他去坐牢得到教訓。但最後他利用了孩子,讓我可憐他。我為了小孩,怕小孩也會受傷,就原諒他。

破鏡重圓,我們決定到海外謀生,求經濟獨立。他提出先走,過一年我也開始去辦文件。他說工作好艱苦,要先試看看他是否待得住再讓我去。何況他要我找個靠近他公司的工廠。我已試了四間工廠,兩個多月的時間,他都說離他工作地點很遠,要我再找別家。我們又開始吵架,後來我說累了要回鄉下去,他才同意讓我走。他在苗栗,我在台南。我借了錢付我的仲介費。他的錢大部分拿去付債款,除了孩子的養育費,也要幫助他自己的兄姐。

2015年2月24日,我離開菲律賓飛到台灣。這是我第一次到國外去當工廠勞工,那天的心情很複雜。快樂是因為我終於可以實現我已埋在腦海裡的夢想,離開菲律賓那天我也為家眷做了很多願望,我希望能存一筆錢讓我回菲律賓時可以拿去投資生意。悲傷因為在未來三年我和雙親還有七歲的獨子分居兩地。第一個星期我好想家,也不知道該如何是好,好在老公也在台灣。

初到台灣的生活很辛苦,我在紡織工廠擔任機械操作員,第一次看見機台我就知道工作不容易,許多針幾乎貼在一起。我像剛出生的嬰兒一樣摸索學習,新環境、新工作、新語言、新夥伴。每次與他們擦身過,我只能微笑點頭。他們嫌我學習慢,說我不好。我鼓起勇氣,心想一切是為孩子的前途,無可奈何,連笨重的雷絲捲團我盡可要搬動,無論身體痛到極點,痛到眼淚直流下來,原來生活的現實就是這樣。全部辛苦都要忍下來, 我沒有其他選擇,只要能留下來工作。原來外籍勞工在國外的生活如此辛酸。

經過三個月的時間,我也慢慢地習慣工作的狀況。我工作的工廠經營規模不大,所以我沒機會加班,因此每月剩下來的薪資不多,只會剩一點點。我獨自付債款也會匯些錢孝敬雙親,老公負責幼兒養育費。每月剩下來的薪資只有一點點,我要怎麼圓夢呢?我想起在菲律賓時曾經是一家網路連鎖公司的會員,專賣健康食物、補品及美容品。我認為這些東西可以賣,這些是外勞必須買的補品以保持健康身體,錢多但身體虛弱又何用。

過了四個月,我決定去台北補貨。雖然心裡害怕,人生地不熟,我鼓起勇氣為了能補貼我的收入。很幸運地,連鎖公司的人員滿樂意地指導我,指導我從台北車站坐什麼公車到達他們公司。龐大的台北車站已經夠我手忙腳亂,還好一切順利,我安全地拿了貨物、安全地回到我上班的工廠。我們班長本來還不想讓我出門,怕我迷路。我跟他說,我會向別人問路。

自此我的收入慢慢地增加了。我不甘心休息時間單純看臉書,我一面看一面賣。這樣顧客越多,進來的錢就越來越多。每分每秒對我來說是很寶貴,我本身辛苦不要緊,只是我不想讓孩子再體驗到我所經歷的艱難。也有別人加入我的行列,增加她們的收入。

同事們也難免注意到我,免不了聽到一些話,她們說我都不睡也不吃。我不理會他們,反正他們講的又不是事實。我不是好好地活着呢。哪像一些人,菲律賓有家庭 (有老公),來到台灣又有情郎。他們還要我跟他們一樣交男友,但我不仿照他們錯誤的行為。很多家庭被破壞,就是因為他們在菲律賓和台灣兩邊都需要負起責任。我不贊成這樣。我是來台灣賺錢,不是和朋友去舞廳享受。但我也有進去過舞廳,因為我想知道舞廳內有什麼、為何有些人常去舞廳。我去了才發現舞廳裡也都是菲律賓人,我不能理解為什麼他們可以捨得把錢花在一些不重要的東西。

有同事嫌我太吝嗇,因為我不常跟他們一起出去玩。她們不了解我。我們生活上的目標不同。對我而言,每一分錢是很重要,所以我消費有節制,我只買重要物品和食物。偶爾我也會跟他們一起出去,特別如果要去看美麗的風景。我也去過一些台灣景點,例如墾丁國家公園,在這裡有去搭香蕉船。我在這裡玩得很愉快。我也去過高雄義大購物中心等其他美景。

我喜歡台灣政府對外籍勞工的制度法規,萬般保護卻不濫用職權。我喜歡這裡的文化,治安又好,夜間在外也不怕強盜強姦。希望菲律賓亦如此。我佩服致敬台灣。

台灣幫助我們外籍勞工很大的忙,我們這些人在自己國家無法覓尋高薪,僧多粥少。我也很感謝天主和我任職的公司,雖然沒加班但也讓我賺點外快。我也很感謝來台灣的機會,讓我羞怯的性格變開郎,讓我有勇氣。我也在這裡學習和熟悉網路買賣,更認識自己的能力,去做了原本認為是困難的事情。人如果有決心和毅力,真是風雨無阻。雖然太陽很大、天氣很熱, 我忍著趕快把貨物送完。遇到下雨,也是一樣繼續走,但我自己也會帶雨衣。經過這些艱難的經驗,我變得更加堅強。現在我可以勇敢面對生活考驗,感謝我過去的經驗,因為我學到很多東西,在未來也都可以幫助我,也可以分享給我的孩子及朋友們。這些都是金錢無法替代的經驗。

目前我已慢慢實現我的夢想,在菲律賓有個小生意。去國外不但要聰明、勤勞、耐心,還要懂得利用錢、讓你的錢變更多。我有好多同事來台灣已經好幾年了,但是還沒有足夠的儲蓄。我們要懂得經營生意才不必永遠待在國外。

對我來講,每個月寄錢回去給家人用是不夠的。出國當外籍勞工不是長期的目標,它只是短期性的作法。它不是為了每個月有錢匯給家屬,讓他們買喜歡的物品、讓孩子們念高級昂貴的學校、讓我蓋個房子。要存錢做本金,做生意,要教家眷做買賣讓金錢變多,工作契約滿期可以回家鄉,不必再和家屬分居兩地。不要光等你每個月匯回去的錢給他們用,等過一個月後又就沒有錢用了。

聽聞許多外籍勞工的心聲,閱讀在網絡上的貼文,知道他們很想回家鄉,但都沒儲蓄,或者債務還沒還清。我們想生活進步就要設法開源節流,合法合理。我們都想和留在菲律賓的家屬團聚,同樣的,她們也想和我們在一起,只是她們無可奈何,機會在這美麗的寶島。

所以我加倍勤奮地想擁有一家事業,因為我知道我是如何想念孩子,同樣的,他也渴望母親的愛和懷抱。特別是他生病時我好想回家,可是機票又那麼貴。我只能禱告,堅強自己的意志,才不會影響到工作。我不想只給他好的教育。我要他有事業,他長大才不必離開我,我要改變我們的生活方式。

生活過程中錢財重要,要有錢才可以買到好吃的食物,買到好玩的物品。愛情買不到這些。錢與時間陪伴家人都重要,家人不在一起,愛情喜悅也不完整。人要勤奮、有毅力、懂把握時機、正確的做法,才會有進步。有事業才能杜絕貧窮的生活。這是傳給孩子最好的方法。人生只有這一次,我們沒必要把它消耗在國外謀生。

我已愛上台灣,會永遠記在我心裡。因為我在這裡將埋沒的願望重新復活。原來希望還存在。我相信俗語說的:「我們只活一次,但做對了,一次就夠。」


📝Komento mula sa tagasuri|Nene Ho

Full of hopes, the writer related all her dreams and almost have given up due to all disasters that happened to her family, studies, marriage, and after all she was able to stand up with all her patience and endurance plus her hard work in Taiwan. She was able to get through her dreams which she once have forgotten. With Taiwan she was able to fulfill all her dreams that’s why she is so thankful to Taiwan for everything that made her succeed in life.

 

 

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *