遠方的一顆星 BITUIN SA DULONG SILANGAN

 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 遠方的一顆星 BITUIN SA DULONG SILANGAN

👤 Darlene Manabo

Napakadilim ng kalangitan na tila nagbabadya ng mabigat na pagbuhos ng ulan. Isinaayos ko na ang lahat ng aming mga gamit upang iiwas ito sa posibleng pagkakabasa. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ang pagpasok ng mga bagay sa aking isipan. Ako ay isang taong nabubuhay lamang nang payak kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Isang taong kontento na sa kanin at ulam na pagsasalu-saluhan, tatlong beses sa isang araw. Isang taong masaya na sa isang kilo ng kasiyahang nagmumula sa aking pamilya. Ngunit tulad ng iba, ako’y nangangarap na mapaibabaw rin sa gulong ng buhay—at aking gagawin ang lahat upang magkaroon ng sariling mga pakpak na aking magagamit upang ilipad at iparanas sa aking mga minamahal ang mamuhay nang magaan at malayo sa kahirapan.

Sa paglipas ng panahon, kaalaman ko’y naging sapat upang ibalanse ang marahang pagdaloy ng isang basong tubig at isang kutsara ng langis sa aking buhay. Tinahak ko ang daang nasa aking harapan. Ako’y hindi tumigil. Sa kabila ng pagod na aking nadarama, na halos pasanin na ang mundong ginagalawan, ako’y nagpatuloy pa rin. Hanggang isang araw ay dinala ako ng aking kapalaran sa lugar kung saan ko nadama ang magagandang bagay sa aking buhay. Dito ay naranasan ko ang mga bagay na hinahanap ko para sa aking pamilya. Lahat ng tao rito’y pantay-pantay. Batid ko sa kaibuturan ng aking puso ang saya habang nakapamumuhay kasama ang mga taong buong lakas na nagtatrabaho upang sa kanilang pamilya ay may maialay. Napakagaan ng pamumuhay.

Magmula nang ako ay tumungtong dito sa masaganang lupain ng Taiwan, isang ihip ng hangin ang bumago sa amin. Akin ngang unti-unting napapaangat ang batong humahadlang sa pag-usad ng aming pamumuhay. Sa kabila ng mga panahong ako’y lugmok sa pangungulila, pilit kong iginuguhit sa aking puso ang katotohanan na ang paghihirap ko ay para sa ikabubuti ng aking pamilya naman. Sila, na naging tatag ko para ipagpatuloy ang pakikipagsapalaran upang mapaikot nang paibabaw ang gulong ng aming buhay.

Malinaw pa sa alapaap na pinagkaitan ng ulap ang pagnanais kong makapiling na ang aking pamilya. Minsan nga sa aking pagod at hirap , ay tila pag-agos ng tubig sa ilog ang pagtulo ng aking mga luha—marahil na rin sa sobrang pangungulila sa kanila, iba’t ibang anino na ang mabilis tumatakbo sa aking isipan. Subalit kung aking iisipin na kung kami’y makapagsasama-sama sa aming tahanan, kapalit nito’y pagbabago ng ikot ng aming pamumuhay at kami’y maaaring bumalik sa dati naming kinalalagyan. Masakit man, ngunit ito ang totoo. Isang katotohanang hindi maikukubli ng kahit ano mang sanggalang na bato o metal na sombrero— ito ang tunay naming nararanasan sa bawat pag-ikot ng mundo.

Minsan sa aking pag-iisa, larawan ko ang aking nakikita. Mga tanong na nagmumula sa aking isipan ang dumarami at unti-unti, sa akin ay lumulunod. Paano kung sa isang pag-ikot ng buwan, ako’y magkaroon na rin ng sariling pamilya? Darating ang panahon na ako’y makatatagpo rin ng taong mayroong tangan na tamang hugis ng pusong bubuo sa kung anong mayroon ako ngayon. Totoong kasing gaan ng dahong bumababa sa lupa mula sa pagkakapitas sa punong pinagmulan ang mangarap ng magagandang bagay para sa aking sarili. Aking susuungin ang lahat huwag lamang maranasan ng aking magiging pamilya ang bangungot ng aking nakaraan. Nais kong maibigay sa kanila ang masaganang buhay at magandang kinabukasan. Ako’y biglang napatigil at nakapag-isip—sa aking pag-iisip ay wala ng alinlangan kung bakit mayroon akong mapapalad na mga kababayan ang nakapag-asawa ng mga Taiwanese at pinili nang dito ay manirahan. Batid ko na nadama nila ang tunay na pagmamahal mula sa mga taong may lahing tumatanggap sa kahit na anong uri ng nilalang.
Ngunit sa ngayon, ang pangarap mula sa aking pinagmulan ay ang akin munang pinagtatrabahuhan at pinagsisikapan. Ang nais ng aking puso’y maiparanas muna ang magaan na pamumuhay sa mga bungang nakasama ko sa aking paghihirap—ang aking mga kapatid. Kaalinsabay nito ang pagtatyaga upang masuklian ang walang katulad na paghihirap ng aming mga magulang.

Mabuti na lamang at narito pa ako sa bansang nagpaunlad ng aking kaalaman at patuloy pa ring nagsisilbing aking kaagapay sa pagginhawa ng aking buhay. Kay sarap pagmasdan ang paligid ng nagtatayugang mga magagandang gusali—isang paraisong may angking ganda. Mga tanawing nagpapagaan ng aking mga dalahin sa buhay. Malinis ang sariwang hangin na malalanghap dahil sa disiplina ukol sa kalinisan—ito’y isang lugar ng pagkakabuklod ng bawat isa. Isang maunlad na lupain na kahit sumusukat lamang ng hindi pa lalagpas ng 14,000 square miles ay mistula kahariang kompleto sa lahat ng bagay—mayroong mga ospital o pagamutan na hindi bubutas ng bulsa at hahayaang makapagparanas ng magandang serbisyo. At tila isang babasaging palasyo ang erodromo na bumungad sa akin nang lumapag ang eroplanong kinalulanan ko. Wala na talaga akong mahihiling pa. Mga pambansang imahe na kahanga-hanga. May pagmamahal sa kultura. Kailanma’y hindi magiging kasalanan ang mapamahal sa bansang ito. Ito’y bukod tangi at karapat-dapat na maipagmalaki. Dito ko lahat naranasan ang saya, ginhawa at mabuting pagtanggap sa gaya kong dayuhan sa bayang ito. Ang panahong inilagi ko rito ang siyang nakapagbukas ng kandado ng positibong pagtanaw ko sa aking buhay—dito sa ilalim ng kalawakan.

Kung ang lupang aking kinatatayuan ay makapagsasalita lamang, ano kaya ang kaniyang maituturan kung sa kaniya ay aking sabihin ang mga katagang: “Para sa iyo, na bumago sa takbo ng aking buhay, maraming salamat sa mga bagay na naiparanas at naibigay mo sa akin. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana ay magkasama pa tayo ng matagal. Salamat sa lahat. Salamat sa iyo Taiwan, ako ay iyong pinasilong sa iyong bayan. Ikaw ang naghahanay at patuloy na tumutupad sa aking mga pangarap. Nang dahil sa iyo, ang bawat araw ko dito sa lupa’y nagiging magandang kabanata patungo sa aking mga pangarap. Mabuhay ka!”

Maraming dahilan kung bakit sinisikap ng tao na makamit ang isang bagay kahit na gaano man ito kahirap. Kung ang isang minero nga ay mula sa puso ang pag-aalay ng kaniyang buhay para sa di tiyak na pagkakahanap ng isang butil ng ginto, ay gayundin ang isang tulad ko. Sa kabila ng katunayan na limitado ang aking kakayahan, pilit ko pa ring hinahangad na magkaroon ng mga bagay na aking inaasam. Alam ko na bawat tao ay mayroong mga bituin na nais abutin; kabilang rito ang pagkakaroon ng kasiyahan, prestihiyo, kapanatagan ng loob, kaginhawahan ng buhay at marami pang iba. Sa dami ng bituin sa kalawakan, ano sa mga ito ang iyong pinapangarap? Basta ako, natitiyak ko na nagningning ang aking bituin na nasumpungan ko dito sa dulong Silangan sa bansang ito dahil sa awa at tulong ng Panginoon!


 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 遠方的一顆星 BITUIN SA DULONG SILANGAN

👤 Darlene Manabo

 

天空烏雲密布,彷彿事先通知要下大雨了。我把家裡的物品整理整齊,預防被雨淋濕。隨著冷風吹進來,許多事情也進了我的腦海裡。我們一家簡單樸素的過活,一天三餐吃著單色的飯菜,只要一起吃就能滿足,並以家庭和樂自豪著。但是和大家一樣,我也會夢想哪一天能「出人頭地」。我要努力,獲得一雙可以讓我飛的翅膀,讓我能帶家人過著較富裕輕鬆的生活,遠離貧窮與困難。

隨著時間流逝,我漸漸懂得調整自己,適應生活的各種挑戰。我沒停止向前走,雖然累得幾乎全世界的重擔都在我肩膀上,但我從沒停過我的腳步。直到有一天,命運帶我到一個美好的地方。在這裡,我看到我想分享給親人的一切。這裡每個人都是平等的,我知道在我心底,是多麼高興能和充滿奮發精神的朋友一起生活,我感到愉快和輕鬆。

自從我到達繁榮肥沃的台灣土地以後,一帆風順改變了我們的生活。慢慢地抬起本來壓在我們生活上,阻止我們生活改進的那顆大巨石。那段因想家而悲哀的生活烙印在我心中,這些痛苦和煎熬換來的是我一家人的幸福。家人是我的精神支柱,讓我繼續冒著風險,努力讓家庭生活的輪子轉到頂端。

我的夢想是想要和親人在一起,這是非常清楚的。偶而因辛苦而勞累不堪,淚水如河流,可能也因為思念的關係,重重黑影閃過腦海。但只要想起,如果我回去和全家生活在一起,我們又可能回到以往的狀況。心裡很痛但事實就是這樣,沒有任何石盔鐵帽擋得住,這是我們真實生活轉動的經驗。

某天當我獨自一人時,我看見自己的模樣。好多問題從腦海裡浮出來,使我覺得慢慢被淹沒。但歲月如流,如果我自己也要成家了,會怎麼樣? 將來我必定也會見到心目中的另一半。為自己夢想美好的事,輕鬆得像落葉從樹上慢慢飄下來的感覺。我會勇敢地面對所有的一切,只要不讓我的家人再歷經過我以前的痛苦與困難。我想給他們豐盛的生活與美好的未來。我忽然愣住,我想起一件事。我無疑了解為何很多幸運的菲律賓人嫁給台灣人,選擇在台灣定居住下來。她們在這寶島感受到另一半的真愛和接納,無論她們從哪裡來的人。

但是目前,我只想先努力工作。我想讓跟我在一起經歷艱難的時期的兄弟姊妹,過個較舒適的生活。同時,持之以恆,耐心默默地耕耘,報答養育我們長大、無怨無悔的父母親。

好在,目前我還留在台灣,這個國家培養了我的知識,支持讓我提升我的生活水準。望著這漂亮美麗的環境,高樓大廈林立,一個美麗的天堂,使我有勇氣面對生命的挑戰。這裡呼吸的空氣清新,因為人人對整潔有紀律。這是因為人人互相合作團結,一個小小島國,不大於14000平方公里,可是非常發達先進,彷彿一個健全的帝國。好多醫院,醫療費用也不會挖破人民的口袋,服務品質非常好。當我乘坐的飛機降落時,機場大廳如玻璃皇宮出現在眼前。我沒有可以再要求的吧。人人敬仰的國家級形像,愛護文化,愛上這個國家是不會錯的。這裡很特殊,值得驕傲。我在這裡感受到快樂、解脫,身為外國人也被好好的對待與接受。這段時間在這裡生活,開放我正面的人生觀,在這廣闊的天空下。

如我現在站著的這塊土地會講話,不知它會怎麼回答。假如我告訴它:「謝謝你,給我的一切物資享受和所有體驗。有了你,我的命運有改變。我永遠不會忘記你。希望我們可以再相處一陣子。感謝大家,感謝台灣,你讓我暫時居住在你的屋簷下。你實現而繼續成就我的願望。因為有你,我每天過著美好的日子,向我的夢想往前走。祝你萬歲!」

雖然很艱苦,我們每個人都有很多種原因,會使我們很努力去想得到一樣東西。如同礦工,獻出生命為了還不一定找得到的金礦。我也是一樣。 雖然我的能力有限,我還是盡力想去達到我的願望。我知道每個人都想得到天空上的星星,例如快樂、名譽、聲望、心平氣和、繁榮富裕的生活等等。天上那麼多星星,那一顆是你想要的?然而我,我確定我在這個東方國家,選中的星星都在閃亮,因為上天有保佑我!

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *