七月 Hulyo

 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 七月 Hulyo

👤 Jaona

 

Hulyo 3. Araw ng magandang balita. Nakatangap ako ng tawag mula sa aking ahensya. Pinapaalam nila na maayos na aking mga papeles para sa pag alis at pagtratrabaho sa Taiwan. Napuno ako ng galak. Ito na ang araw ng aking pag alis ang araw na ako ay tutungo sa ibang bansa. Bansa na di ko alam, bansang huhubog sa akin bilang isang mangagawa.
Kelangan kong bumyahe ng mahigit na anim na oras upang marating ko ang Maynila. Kasabay ng pag andar ng bus ay ang pagpatak ng ulan. Wari’y namamaalam, wari’y nalulungkot sa aking pag alis. Narating ko ang Maynila at umuulan pa. Wala akong dalang pananga sa ulan kaya’t ako ay nakisilong muna. Nalungkot ako – nadismaya dahil ang ulan na ito parang nais pigilan ang mga pangarap ko. Ngunit ako ay di nagpapigil. Buo na ang loob upang iwan ang Pinas at tahakin ang bagong landas na ihahain  sa akin ng pagiging mangagawa sa ibang bansa.
Hulyo 4. Araw ng paglipad. Gaya ng isang batang sasama sa isang paglalakbay, napuno ako ng saya at labis na pagkasabik. Pinanood kung umangat ang eroplano. Namangha ako sa kagandahan ng ulap at ng himpapawid. Likas na napakarunong ng Panginoon dahil sa mga likha Nyang ito. Napatingin ako sa baba nakita ko ang mga polo na paliit ng paliit. Naisip ko ang aming tahanan, ang aming lugar. Naisip ko nung ako’y bata pa na may munting pangarap na makasakay ng eroplana. Ngayon nandito na ako. Napalitan ang pangungulila ng saya dahil sa aking mga nakikita. Hangang sa makalapag na ang eroplano, ako ay puno ng pananabik at saya. Ngayon nga ay nandito na ako. Wala ng balikan, wala ng urungan.
Hulyo 5. Araw ng trabaho. Pitong matatanda ang aking aalagaan. Sila ay kumakain sa pamamagitan ng tubo sa ilong, di sila makagalaw, di makasalita, di makayang umupo ng walang tulong. Ako ay nahabag sa aking nakita. Sila ang aking mga bagong pamilya mga bagong makakasama sa aking trabaho. Habang sila ay aking pinagmamasdan ako ay taimtim na nagpasalamat sa biyaya ng aking tinatamasa sa mga kamay na gumagalaw,  sa mga paang nakakalakad at sa maayos na katawan. Gaya nila, alam kong ramdam din nila ang lungkot at pangungulila sa kanilang pamilya gaya ng aking nararamdaman. Ang kaibahan nga lang ang pamilya nila pwedeng dumalaw samantalang ako milya milya ang layo ko sa pamilyang aking kinagisnan.
Hulyo 6, Araw ng pangungulila. Kakatapos ko lang magpaligo ng aking mga naynay. Dala ng subrang pagod, napaupo muna ako at biglang napaisip kakayanin ko pa ba? May lakas pa ba ako para sa mga araw pang darating? Nakatingin ako sa kawalan. Natigil ang aking pag-iisip ng may sumilip sa pinto at biglang nagsalita. “Magandang umaga!! Mabuhay!” nagulat ako at napangiti. Siya si Susu isang Taiwanese na nagtatrabaho bilang tagalaba ng mga damit ng mga alaga nandito siya para kuhanin ang mga damit ng aking mga alaga. Tinanung niya ang akin pangalan at bago umalis ngumiti siya at sinabing “Jayo”. Sa mga katagang yun naramdaman ko ang pagdamay, naramdaman ko ang pagpapalakas niya ng aking loob. Si Susu ay malapit sa mga banyagang mangagawa kaya may mga piling salita siyang alam na Tagalog. Matanda na din ngunit siya ay palaban pa din sa hamon ng buhay gaya ng ibang mga Taiwanese na nakikita ko sa Nursing Home na eto. Pinipili nila ang magtrabaho kesa maupo at hintayin na lang ang paglubog ng araw. Mga palaban sila sa hamon ng katandaan. Mga taong malalakas at handang makipagsapalaran. Ito ang isa sa mga katangian na aking tinitingala sa kanila ang pagiging masipag.
Ang Hulyo ay nagiging Agosto at Agosto ay nagging Septembre, nakakaya ko na din ang trabaho dito. Nakakaya ko ng sumabay sa mga galaw ng mga kasamahan ko nakakayang tumawa at tumayo mag isa. Minsan habang papauwi na ako, napadaan ako sa isang matanda na tumutugtug gamit ang kanyang harmonica. Luma at malungkot na himig ang kanyang tinutugtug.  Ako ay saglit na nakinig at naupo sa kanyang tabi hangang sa siya ay matapos. Nais ko siyang kausapin pero ako ay nag aalangan dahil di pa ako nakakasalita ng Mandarin. Ngunit siya na mismo ang naunang nagsalita sa wikang Ingles. Natuwa ako at nasabing sana ay patuloy pa din siya sa pagtugtug khit siya ay matanda na. Dahil sa tugtug na ito kahit malungkot pa ay tumatagos at waring yumayakap sa puso ng taong pagod at nangungulila. Napawi ang pagod ko sa aking bagong kaibigan- si Mr. Peter.
Sina Susu at Mr. Peter ay ilan lamang sa mga taong bumubuo ng mga masasayang araw ko dito sa Taiwan. Sila ang mga taong lubos na tumangap at nagpatuloy sa akin sa lugar na di ko alam- sa lugar na puno ng pagsubok. Sila ay ilan lamang sa mga taong tinuring akong kapamilya kahit na ang aming lahi at salita ay iba. Patuloy akong magkakaroon ng lakas ng loob para mgtrabaho, at makipagsapalaran dito sa Taiwan dahil alam kong may mga taong gaya nila na aking maasahang magbibigay ng dahilan para magpatuloy. Mga taong titignan ang aking kakayahan at tutulong upang lumaban sa buhay. Jayo!


 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 七月 Hulyo

👤 Jaona

 

七月三日,這天有了好消息。我接到仲介公司的電話,他們通知我赴台灣的證件已經完成了。 我好快樂,我終於可以坐飛機離開到外國去,去一個陌生的國家,去一個能培養我成為技術員的國家。

我需要坐六小時的公車才能到馬尼拉。車子開動時,雨也開始下,彷彿向我告別,彷彿為我的離開而流淚。我到馬尼拉時,雨還在下。因為我沒帶雨傘,我就暫時避雨。我覺得悶悶不樂,雨好像想阻止我實現夢想,但我不會讓任何事阻止我。我已經下訂決心離開菲律賓,走向在外國上班的菲律賓勞工的路途。

七月四日,今天我要搭飛機了。像被帶出門的小孩一樣,滿心喜悅和興奮,望著飛機起飛,好驚訝看見漂亮的雲層和無垠的天空。上天才識卓越,造出多采多姿的世界。往下看,我見到許多越來越小的島。我想起家,我們的故鄉。我年紀小的時候,就有個坐飛機的夢想。現在我真的坐上飛機了,歡喜愉快的心情沖散了思念的悲傷。好飛機降落了,我終於站在台灣土地上,走不了回程路也不能逃避脫離。

七月五日,今天開始上班。我負責照顧七位老人家,他們不能講話不能動,需要人幫忙才能坐下,利用鼻管進食,看了好可憐。他們是我的新家人,工作的新夥伴。凝視著他們,我默默感謝上帝,我有健全靈活的雙手雙腳和身體。我知道他們和我一樣都想念著家人,但他們親人可以來探訪,而我的親人卻遠在它國。

七月六日,想家日。剛給奶奶們洗完澡,我累得坐下來,心想我撐得住嗎?再來的日子我受得了嗎?沉思中突然被打斷,有人伸了頭進來門內,大聲用菲律賓語講話:「早安,你好」。我嚇了一跳向來人微笑。她是秀秀,一個台灣人來這裡幫奶奶她們洗衣服。她把奶奶們的髒衣服拿去洗。她問我的名字,微笑地說:「加油!」然後離開。我聽出她話中的勉勵和鼓舞。她對外勞很好,很有人緣,所以會講幾句菲律賓語。年紀蠻大了,但她不認老。每天忙來忙去拼生活,對年齡不服老,寧願勞累也不想默默坐著等夕陽西下。我真的很敬佩她們勤奮的精神。

日子過得快,七月變八月,八月又變九月。我也慢慢地適應我的工作。我漸漸跟同事們有說有笑,可以獨立幹活。有次在回宿舍的路上,我看見一位長者吹口琴,古老悲哀的樂曲。我停了一會兒,坐在他旁邊聽。等他吹完口琴,我想開口和他聊天,但我不會講台語,他卻開口講英語。我好興奮地告訴他要繼續吹口琴。雖然他吹的是首悲傷的歌,但是對一個孤獨、工作辛苦的人來說,就好像是被溫暖太陽擁抱著,消除一切的疲勞。這是我的新朋友比德先生。

秀秀和比德先生是我在台灣愉快日子裡的一部分。他們全心全意地接受一個陌生人,在一個陌生且充滿考驗的地方。雖然來自不同種族,語言也不同,他們依舊待我如親人。有了他們的支持和鼓勵,我才有力量繼續做下去,他們對我能力的讚賞,也幫助我面對生命中的挑戰。加油!

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *