翡翠與水泥 Luntian at Kongkreto

 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 翡翠與水泥 Luntian at Kongkreto

👤 May

 

Sa iisang larawan ay mapayapang nagsanib ang naglalakihang kongkretong mga gusali at ang maaliwalas na luntiang kagubatan. Maririnig ang ugong ng mga kotse, bus, at mga motor na nagdaraan habang nalalanghap ang preskong hangin. Isa na namang maulan na Abril sa makulay na tagsibol.

Umpisa ng Moon Cake Festival noong ako’y unang dumating mahigit dalawang taon na ang lumipas. Namangha ako noon sa dami at iba’t ibang uri ng pagkaing nakahanda. Nasabi ko sa sarili ko, ganito kaya talaga dito? Hindi ko naman maintindihan ang mga klase ng pagkain at alam kong hindi ko kayang tikman lahat, pero nakakatuwa lang talagang isipin. Mahilig din pala sa pagkain ang mga Taiwanese! Hindi lang dinarayo ang mga Night Markets dahil sa iba’t ibang gamit na mabibili sa murang halaga kundi dahil din sa sari’t saring klase ng pagkain na mabibili. Malalaman mong andyan ka na dahil sa amoy ng “smelly tofu”. Tama, totoong kakaiba talaga ang amoy nito, pero masarap naman daw. Inaamin kong hindi ko talaga gusto ‘to. Marami namang noodles, lalo na ang beef noodles, mga tinapay, mga pagkaing dagat, mga prutas at minsan may gulay din. Samahan mo pa ng kamote, siguradong  nakain mo na ang lahat ng uri ng pagkain sa isang gabi! Pero ang paborito ko talaga sa lahat at nakakapagpapasaya sa akin ay ang “tan ping”; na sinamahan ng keso, pinahiran ng espesyal na sauce, at binudburan ng paminta! Iniisip ko pa lang ngayon, natatakam na ako!

Katulad sa Moon Cake Festival, marami pa silang mga okasyon dito na nagpapahalaga sa kanilang mga diyos at mga ninuno. May mga espesyal na mga araw kung saan nagdarasal at nag-aalay sila ng mga pagkain. Pinaghahandaan talaga nila ito. Marahil ang pinakamahalaga sa lahat ay ang Lunar New Year . Mahaba at may iba’t ibang araw kung saan ginagawa ang mga ritwal na pagdarasal at pasasalamat para sa masaganang taon. At syempre pa, kasunod nito ay ang napakakulay at napakaliwanag na Lantern Festival!  Nakakabilib talaga ang dedikasyon ng mga Taiwanese sa kanilang paniniwala. Sa mga panahon na sinusulat ko ito ay buwan ng pagsibol ng mga puno ng Tung. Sa aking mga nabasa, ang punong ito ay mahalaga para sa mga taong Hakka sa Taiwan dahil ito ang kanilang pinagkukunan nuong unang panahon. Ang pagdiriwang na ito ay pagbabalik tanaw at pagpapasalamat sa tulong na nagawa ng mga Tung Trees sa kanilang pamumuhay. Bukod dito, talaga namang napakagandang tingnan  ang mga bulaklak ng Tung Trees. Maswerte ako at nakapaglakad ako sa daang nasabuyan ng mga nalagas na bulaklak nito.

Mapalad ako at isa akong migranteng manggagawa na nakatira sa Taipei. Ito ay napakaunlad at punong-puno ng buhay. Napakaraming magagandang lugar ditto na maari mong mapuntahan sa pamamagitan lamang ng MRT. Simula ng dumating ako dito ay parami ng parami ang mga lugar na may linya nang tren. Sinadya daw talaga ito upang mabilis na marating ng mga tursista at mga tagarito ang iba’t ibang pasyalan. Naranasan ko ring matakot na  baka mawala ako  dahil hindi naman ako kagalingan magsalita ng lenggwahe dito; at lalong hindi ako nakakabasa ng Chinese characters. Subalit nakita ko kung gaano ka disiplinado ang mga taong sumasakay sa mga pampublikong sasakyan. Nakapila talaga sa mga escalator at nagbibigay daan sa mga nagmamadaling tao. Naghihintay ng maayos sa abangan ng tren at walang nagtutulakan upang makapasok. Kaya naman noong nasubukan ko nang umalis mag-isa, alam kong hindi ako kalian man mawawala sa lungsod na ito.

Mahilig talaga akong gumala at bumisita sa iba’t ibang lugar. At dahil hindi naman kami maraming libreng oras o araw at hindi palaging mayroong pwedeng sumama sa akin, natuto akong tuntunin ang iba’t ibang magagandang tanawin ditto ng mag-isa. Hindi naman talaga mahirap ang pagsakay dito sa Taipei, at isa pa, matulungin din ang mga tao. Pwede ka pang makiusap na magpakuha ng litrato. Hinahanap ko lang ang mga lugar na ito sa internet; dinownload ko din sa aking cellphone ang mapa ng ruta ng MRT; at higit sa lahat, natutong magkabisa ng mapa. Nasasabik ako sa tuwing may nabubuo na akong plano o kahit wala talagang plano at pupnta lang sa kung saan dadalhin ng aking mga paa. Isang beses ay nalaman ng isang anak n gaming residente sa nursing home na balak kong magpunta sa Jiufen. Binigyan niya ako ng tagabulin na nakasulat pa sa salitang intsik upang may maipakita daw ako kung sakaling sa tingin ko ay nawawala na ako. Piliin ko daw  na pagtanungan ang mga Nanay at huwag sa kung sinu-sino lang. Nakarating naman ako nang walang problema at masayang pinagmasdan ang animo’y mahikang kislap ng Jiufen!

Ang isang lugar na aking binabalik-balikan ay ang Xinbeitou. Una, gustong-gusto ko ang halimuyak ng hot spring. Mistulang nakabalot din sa ulap ng usok ang buong lugar. Siguro nga ay may nakatirang mabait na dragon sa ilalim ng Thermal Valley at siya ang nagdudulot ng malapantasyang kapaligiran. Meron din ditong mga gusali na nagpapakita ng kanilang kasaysayan at kultura at mga munting gubat. Higit sa lahat, para sa isang dalagang nagnanais na magkaroon ng sariling aklatan balang-araw, ay napakalaking inspirasyon ang kaayusan, kaanyuan, pati na ang lokasyon ng kanilang aklatan dito. Hindi mo na gugustohing umalis pa!

At ang mga parke! Parang ang lahat ngmga maliliit na espasyo, mga gilid ng daan, at mga ilalim ng daanan ng tren ay oportunidad upang paglagyan ng parke! Hindi mo maaaring sabihin na wala kang lugar upang mamasyal o maglakad-lakad, tumakbo at mag-ehersisyo, at kahit magbisikleta. Bilib ako sa pagpapanatili nilang malinis, maganda, at punong-puno ng naglalakihang mga puno at makukulay na mga bulaklak ang mga parke dito. Kung gusto mo pa ng hamon, maari kang maglakad sa Yanmingshan. Napakaganda dito tuwing tagsibol lalo na kung kakasimula pa lang dahil maraming namumukadkad ditong Sakura (cherry blossoms). Isa pang paborito ko ay ang Yuanshan. Siguro na rin sa dito ako madalas na dumadaan pag nagpupunta ako sa simbahan. Sinasadya ko talagang dito bumaba at maglakad-lakad muna upang makita kung may mga bagong tanim na bulaklak o mga dekorasyon. Nakakatuwa at nakakainggit ang mga Lolo at Lola na kayang-kaya pang maglakad-lakad sa mga ganitong lugar. Talagang napaka-aktibo pa nila at malulusog ang pangangatawan. Naniniwala akong makabubuti sa iyong katawan at isipan ang mga ganitong gawain. Nagiging mas malapit ka rin sa kalikasan at mas mapapahalagahan ito.

Mas mahusay na akong magsalita sa kanilang lenggwahe ngayon kesa noong kararating ko pa lang dito. Hindi rin naman maiiwasan na meron paring hindi nakakaunawa sa akin at ganun din ako sa kanila. Ngunit sa kalahatan, sila ay isa sa mga mabubuti at masayahing taong nakasalamuha ko. Mainit ang kanilang pagtanggap sa akin dito. Nagpapasalamat ako at natapos din ang isyu dati nang magkaroon ng di pagkakaunawaan ang ibang mga Taiwanese at mga kapwa ko Pilipino na nagtatrabaho sa dagat. Isa ito sa mga naging pagsubok namin dito sa mga panahong iyon. Sana ay nakamit ang hustisya sa kung sino man ang dapat na makatanggap nito. Nang dahil din sa aking pagliwaliw, may nakakuwentuhan din akong estudyanteng Taiwanese na nagbahagi sa akin kung gaano siya nasisiyahan sa mga nakamit ng kanyang bansa. Ngayon ay kinikilala na ito sa buong mundo at nakakapaghikayat na rin silang gamitin ang kanilang sariling natatanging mga katutubong lenggwahe. Kahit ang ibang mga dayuhang bumibisita lamang dito at aking nakakausap ay nagsasabing ang Taiwan ay isa sa mga bansang dapat na pasyalan sa iyong buong buhay.

Hindi ko naman masasabing palaging masaya ang naging buhay ko dito. Noong una ay nahirapan din ako sa trabaho. Sumasakit din ang aking katawan at nasubukan ko ring mangulila sa aking pamilya. Ngunit kung matututunan mong tingnan at pahalagahan ang mga magagandang bagay na nandito, sigurado akong maiiwan mo rin ang iyong puso tulad ng mangyayari sa akin iilang buwan mula ngayon. Pinapangako kong babalik ako upang mamasyal sa iba pang lungsod. Higit sa lahat, muli kong aakyatin ang Elephant mountain upang pagmasdan ang paglubog ng araw sa Taipei 101 at sa nakapalibot ditong mga luntian at kongkreto. Hanggang sa muli.


 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 翡翠與水泥 Luntian at Kongkreto

👤 May

 

春暖花開的四月又是個下雨天。可以聞到新鮮空氣,聽到外頭轎車、公車、機車來往的聲音,一幅畫中高樓大廈佇立於翡翠茂盛的樹木中。

兩年前我到達台灣時,剛好是中秋節連續假日的第一天。我看見琳瑯滿目的食物擺放著,我問我自己,這裡真的是這個樣子嗎?那麼多種陌生不認識的食物,我的確沒辦法品嘗全部,但是真的很好奇。原來台灣人酷愛吃!他們前往夜市不只為了買便宜的平價物品,也是為了各色各樣的美食。聞到臭豆腐的味道,就知道夜市在那兒。的確味道特別噁心但聽說很好吃,本人我是不喜歡它。夜市有各種不同的麵,如牛肉麵,各色各樣的麵包土司、三珍海味、蔬菜水果,還有地瓜,一夜就可以吃盡各種各樣的美食。而我,我最愛吃的是蛋餅加乳酪,淋上一種特別的醬,再撒上辣椒粉。現在想想就直流口水!

和中秋節一樣,台灣還有更多節日會慶祝,祭祀神明和祖宗。每當有特別日子,他們會在神桌上供奉食物,特地為這些日子準備。可能最重要的節日是春節,感謝這一年的豐收和祖先對這一家人的平安護佑,祈求神明及列祖列宗對未來新的一年的庇佑。接著,是色彩艷麗光鮮輝煌的元宵節。我真佩服台灣民眾虔誠的信念。

我寫這篇文章時,適逢油桐花開放的季節。我看過文章,桐花樹無止境的貢獻在早期台灣客家人的生活。桐花節是回顧往事和感謝桐花樹的表達。桐花的確很美麗,我很幸運有機會散步在滿地油桐花瓣的步道上。

我覺得非常幸運,因為我是居住台北的一位外籍勞工。台北高度發達,是個充滿活力的城市,鄰近到處是捷運可到達的旅遊勝地。自從我到這裡來,捷運的路線越來越多,越來越密,四通八達的路線才能鼓勵民眾遊客到處走。我曾經也怕走丟了,因為有語言障礙,只能講幾句話,更看不懂漢字。但我看到台灣人搭大眾運輸交通工具的紀律,連上下電扶梯都會整齊排隊,還會讓左邊的路給趕時間的人。等候火車也不亂來,沒有推擠。我單獨自己出門時,我知道我在這個城市是不會迷路的。

我喜歡逛街到處走走,所以雖然假日少,也不一定有人有空陪我,我學著單獨到各旅遊勝地去遊玩。在台北搭車不難況且人人友善。他們還會幫你拍照。我利用網路找景點,手機下載捷運路線,看懂地圖。無論有沒有安排路程,我都好興奮能到處走走。有次養老院裡一位長者的孩子得知我想去九份,他就寫了一張字條給我,上面寫著「九份」兩個漢字,讓我如果真的走失了,可以拿給人家看。他教我找像阿嬤級的人問路,不要隨便問任何人。最後我安全的到達目的地,快樂地凝視神秘的九份。

新北投是我時常去的地方。那溫泉的味道,煙霧蒙住整個地帶,熱河谷底下真的可能住著慈悲善良的一條龍,使這個地方覆蓋著夢幻似美景。這裡也有歷史性的建築物,充滿文化氣質,還有小型的森林。最主要的是,這裡就有一座圖書館。地點優美,特色建築,書籍整潔,使我這位想擁有自己的書房的書呆子,一進去就不願再離開!  

還有那些公園!幾乎所有空隙的路旁,鐵軌底下,都設有公園。你不能說你沒有可以散步跑步運動或騎腳踏車的場所。我好佩服這裡既清潔又美麗,種滿花草樹木的公園。樹木繁茂,花紅柳綠,特別是春季的陽明山。花花絮絮,櫻花綻放特別漂亮。我也很喜歡圓山,可能因為去禮拜堂常常路過這邊,我特地在這裡下車走走晃晃。我喜歡看身體健全的爺爺奶奶,我為他們慶興,身體健康勤奮運動,親近大自然,有助身心愉快。

目前我比較懂得講他們的語言。偶爾還是有人聽不懂我講的話,我也聽不懂他們說的話。總之,他們都很友善與樂觀,熱情地接受陌生的我。感謝台灣和菲律賓之間漁船衝突已擺平,這期間考驗了大家的能耐。希望該受到的司法正義已得到公道。

在我遊玩的期間,我和一位台灣學生聊天。他告訴我,他以這個出生地自豪。現在全世界的人都知道世上有個台灣寶島,年輕人也慢慢的講祖籍方言。無論如何連外籍遊客都說台灣是必經的旅遊勝地。

我不能說在台灣的日子全是歡樂,當初我也做得很辛苦。全身痠痛又思念家人,但是你如果懂得看開,重視環繞你的一切,你也必定跟我一樣,會愛上這寶貴土地。再過幾個月,我就要回菲律賓。我答應我一定會回來,還要到其它的都市去玩。還有,我還要再上象山看101大樓和這裡的夕陽,以及這裡環繞的翡翠綠山與水泥大樓。再見。

 

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *