生命的挑戰 Hamon ng Buhay

 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 生命的挑戰 Hamon ng Buhay

👤 Jill. J

Walang sinuman ang di naghangad ng magandang buhay lalo na kung para sa kapakanan ng mga anak.  Maliit pa lang ako nasaksihan ko na ang mga pagsisikap ng aking mga magulang para itaguyod kaming 6 na magkakapatid.  Parehong di nakatapos ng elementarya  ang aking mga magulang, ngunit sa tiyaga,  diskarte at walang kapagurang pagtatrabaho, nairaos nila ang aming mga pangangailangan hanggang napagtapos kaming lahat sa pag aaral.  Nag aangkat lang sila ng mga paninda kung kani kaninong mga may pwesto sa palengke (gulay, pagkain,prutas,sopdrinks, at kung anu ano pa na pwedeng pagkakitaan) hanggang makaipon sila ng konting halaga para makapag umpisa ng sarili nilang negosyo.  Nagba bayan-bayan sila kung saan merong tinatawag na “Market Day””.  Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay umaalis na sila para magbyahe at gabi na umuuwi habang naiiwan kami sa pangangalaga ng aming lolo at lola na nasa poder din ng aking mga magulang(side ng aking nanay)  Maaga naming natutunan ang  klase ng kanilang hanapbuhay dahil tumutulong kami pag walang pasok sa eskwela . Ganun ang takbo ng buhay nila sa araw araw.
Nang matapos ko ang kursong  Bachelor of Science in Business Administration, pinili kong mag negosyo kaysa mag opisina. Binigyan nila ako ng konting puhunan . Nagkaroon ako ng grocery store sa palengke. Lumago ito noong ako’y mag asawa. Isang lalaking walang maipagmamalaki, lumaki sa ibat ibang tao sa pagtatrabaho. Maagang naulila sa mga magulang at walang pamilyang nasisilungan.  Awa ang nagtulak sa akin para tanggapin sya sa aking buhay.
Sa pagtutulungan naming mag asawa madaling umunlad ang aming kabuhayan. Nagkroon kami ng maliit na poultry at piggery. Nagtitinda na rin kami ng sako sakong bigas. Meron na rin kaming mga palayan na inaasahan tuwing tag ani.  Masagana ang aming pamumuhay hanggang biyayaan kami ng tatlong anak na lalaki.
Kuntento na ako sa aming pamumuhay.  Masayang pamilya at sapat na kabuhayan.  Hindi ko naisip na hindi lahat ng bagay na gusto natin ay nangyayari ayon sa mga plano natin.
Kalamidad ang humadlang sa mga pangarap na aming binubuo.  Malaking dagok sa aming buhay nang salantain ng bagyo ang aming mga kabuhayan.  Nabaon kami sa utang, hanggang di nakayanan ng asawa ko ang responsibilidad. Umalis sya at iniwan kami ng 3 kong anak.
Taong 1997, unang pakikipagsapalaran ko sa bansang Taiwan. Hindi pa masyadong uso ang cellphone at computer sa mga OCW noon.  Sulat at 100nt IC card for 10mnts sa 7 Eleven ang tanging gamit na komunikasyon para kumustahin ang 3 kong anak na naiwan sa pangangalaga ng aking ina at nakababatang kapatid.
Pangalawang hamon sa aking katatagan ang pagtatrabaho ko sa isang Textile Factory sa Neihu District.  Maraming Pinoy at Lokal ang mga kasama ko sa trabaho.
Hindi sinusunod ng may ari ng kompanya ang nakasaad sa aming kontrata. May sarili siyang batas at patakaran sa factory. Mababa ang basic salary at ang overtime pay ay halos kalahati lang.  May salary deduction din kapag nakadamage ka.  Tatlong division ang factory, Quality control, taga gawa ng sinulid at finishing na tela.  Bentekwatro oras ang takbo ng makina at shifting ang mga manggagawa. Naassign ako sa finishing.  14 na makina ang binabantayan ko at sa 12 oras, wala na akong ginawa kundi ikutin ang lahat ng mga makina. Dalawang beses lang kaming bigyan ng pagkain, lunch at dinner, bahala na kami sa almusal. Kapag na late ka ng 3 beses, equivalent to 1 absent at isang libo ang penalty.  Minsan mahaba pa ang oras naming  inilalagi sa factory kaysa sa dormitory lalo na pag naghahabol ng quota. Ang dose oras ay nadadagdagan pa.
Kaya hindi ako nagtataka kung bakit halos replacement ang mga kontrata . Maraming umuuwi na di makayanan ang trabaho. Ang masaklap, binabawasan pa ang sasahurin dahil breach contract daw.  Wala din kaming lakas ng loob na magreklamo dahil basta ka na lang pauuwiin. Wala din kaming alam kung sino at saan hihingi ng tulong lalo at mga first timer pa. Hindi rin kami basta basta nakakalabas dahil may time in and out. Maaga din ang curfew. Tanging 7 eleven sa kalapit na factory ang aming nasasaglitan. Carrefour ang tanging mall na kilala namin dahil isang beses sa  isang linggo dinadala kami ng van para mamili ng aming mga pangangailangan . Isang beses sa isang linggo ay may pumupunta rin para sa mga gustong magpadala ng pera sa pamilya. Sa ganun tumatakbo ang buhay namin sa loob ng 2 taon. Ang hirap at pagtitiis ay sinarili na lng. Matira ang matibay.  Nakapagpahinga lng kami kapag nagkatrouble ang makina.  Gusto kong isigaw sa kanila na” hindi kami mga makina, tao kami na kailangan ding magpahinga at ikondisyon ang mga katawan para sa susunod na mga araw na pagtatrabaho. Hindi kami pwedeng magkasakit at maraming umaasa sa amin”…
Pagkatapos ng kontrata, umuwi akong force savings na 5000/month at tax refund lang ang dala. At dahil wala pang extension noon, di ko na rin hinangad na mag aplay sa ibang bansa. Ang perang dala ko ay pinuhunan ko uli sa negosyo. Nakipagsosyo ako sa supplier ng diesel at crude oil, binalikan ko uli ang pagtitinda ng bigas. At dahil marami na rin ang kapitalista sa aming bayan, naging mabagal ang pag usad ng aking negosyo.
Naging inspirasyon ko ang mga pinagdaanan ng aking mga magulang. Hindi ako nakitaan ng pagsuko. Patuloy ang aking laban. Nakipagsabayan ako sa kompetisyon ng negosyo, kahit nandun ang pag alala na habang lumalaki ang mga anak ko ay lumalaki din ang gastusin.
Nang magkaroon ng batas na pwede na uling magtrabaho ang mga ex-taiwan, hindi ako nagdalawang isip na makipagsapalaran uli.
Malaki na ang ipinagbago ng Taiwan. Marami ng English billboard. Pati sa bus ay may English na rin. Hindi na gaanong mahirap ang komunikasyon , di tulad noon na lagi kang nangangapa kung paano kayo magkaintindihan at kailangan pa ng interpreter.
Wala pa rin akong swerte sa napasukan kong trabaho.  Caregiver ang nakasaad sa kontrata pero all around pa rin ang aking gawain.  Hiwalay sa asawa ang amo kong babae at laging nasa china sa pag aasikaso ng negosyo.  Matandang lalaki at 3 bata ang lagi kong kasama na inaasikaso.  Walang disiplina ang mga bata. Walang mga manners at spoiled brat na tinotolerate ng ina at lolo.  Nasa high school na ang dalawa at elementary naman ang bunso.  Halos wala ng kapaguran ang pagtatrabho sa pagsunod sa lahat ng kilos nila. Parang masama pa ang loob nila pag nakikita kang walang ginagawa. Madamot sila, mas gustuhin pa nilang magtapon kaysa ipamigay. Walang privacy. Sa isang storage room ang tulugan ko kung saan nakatambak ang sari saring gamit. Walang orasan ang kanilang tulog kaya habang gising sila ay dilat din ang yung mga mata. Wala ding orasan kung gisingin ka nila pag may kailangan.  Wala ka man lang maramdaman kahit kaunting pagpapahalaga o respeto.  Kahit ganun ang trato nila sa akin, hindi ako nagrereklamo. Tahimik ko pa ring ginagampanan ang tungkulin ko sa kanila. Masakit lang minsan isipin na sarili kong mga anak ay di ko maalagaan, pero kailangan ko silang isakripisyo para sa maganda nilang kinabukasan. Tinanggap ko na rin sa sarili ko na ganito ang kapalaran ko sa pag aabroad, pero di ako susuko, alam kong mahirap pero kakayanin ko. Lagi ko na lang dinadasal sa Poong Maykapal na bigyan pa ako ng lakas at tibay ng loob sa pagharap sa mga darating pang pagsubok.
Ang tanging konsolasyon ko sa kanila ay ang ilang oras na dayoff tuwing linggo.  Alas sais pa lang ng umaga lumalabas na ako ng bahay para mag abang ng bus para makahabol sa unang misa sa simbahan.  Pagkatapos kong maghanap ng almusal mamimili na ako ng mga kakailanganin ko para sa isang linggo. Kapag may oras pa, nakikipag umpukan ako sa mga kapwa ko OFW sa parke. Doon na rin kami nagsasalo salo ng mga pagkaing dala habang nagpapalitan ng mga hinaing tungkol sa mga kinasadlakang trabaho. Tawanan, iyakan, tuksuhan. Sa ganung paraan na lang namin nailalabas ang mga sama ng loob na kinikimkim.
Naisip ko, marami din pala ang katulad ko na walang swerte sa amo. Yung iba, mas masahol pa ang nararanasan. Merong tinatakot, sinasaktan, hinihiya kahit sa publiko at merong di pinapasahod.  Ang kagandahan lang, marami ka ng malalapitan para hingian ng advise o tulong. Dahil sa mga Pilipinong Organisasyon at mga NGO local, Nasosolusyunan at  nababawasan ang paglala ng mga problema ng migranteng manggagawa.
Kung sana maramdaman at maunawaan ng mga amo ang hirap na pinagdaanan namin bago makarating dito. Ang pabalik balik na pag aaplay sa mga agency at kung paano makalikom ng sapat na pera  pang placement fee. Kung gaano kalaki ang naitulong namin sa kanila para mapagaan ang kanilang mga trabaho kahit pa sabihing binabayaran kami.  Malayo kami sa aming mga mahal sa buhay, ngunit di namin hinangad na ituring na kapamilya o magkaroon ng importansya dahil alam namin kung saan kami nakalugar. Ang mabigyan lang ng konting konsiderasyon at pagpapahalaga bilang tao ay sapat na.
Lingid sa kaalaman ng aking pamilya ang lahat ng mga hirap na pinagdadaanan ko. Ayokong mag alala sila sa akin. Batid nila kung gaano ako katatag. Naging saksi sila kung paano ko hinarap mag isa ang mga trahedyang dumating sa akin noong akoy nasa pilipinas. Ramdam ko ang kanilang paghanga at respeto kaya gusto kong manatili sa isipan nila yun saan man ako makarating.
Isang buwan kong nakapiling ang aking pamilya bago uli ako bumalik ng Taiwan.  Panibagong kontrata, panibagong amo.  At last, God is Good! Nakatagpo ako ng butihing amo.  Masasabi kong nasa average lang ang kanilang pamumuhay pero may ugaling makatao.  Itinuring nila akong isang kapamilya na tumutulong sa kanila sa pang araw araw na gawain. Engineer ang lalaki.  Walang trabaho ang babae na syang nag aalaga ng 2 nilang anak.  Nakapisan  sa kanila ang lolo at nanay ng lalaki. Sa kanila din nakatira ang 2 kapatid na pawang may mga trabaho.  Hindi ko maramdaman ang bigat ng trabaho dahil lahat sila nagtutulungan. Hindi ko rin problema ang pagkain at pamamahinga. Ramdam ko ang kanilang pag aalala lalo na sa aking kalusugan. Maluwag din sila sa day off ko, walang curfew at may sarili akong susi. Sabado pa lang pinapayagan na nila akong matulog sa mga kaibigan.  Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makasali sa mga organisasyon ng mga Pilipino. Nagagawa ko ring makapag participate sa mga sayaw at sports.
Sa kabila ng lahat, di ko magawang samantalahin ang privilege na binibigay nila sa akin, bagkus ay lalo kong pinagbuti ang trabaho ko. Gusto ko ring maramdaman nila kung gaano kalaki ang aking pasasalamat at hindi ko sisirain ang kanilang pagtitiwala.  Isinasama din nila ako kahit saan sila magpunta . (mamasyal man o kumain sa labas)
Namangha ako sa kagandahan ng Taiwan.  Salusalungat na mga  tulay, nagtataasang gusali at naglalakihang mga Mall. Marami na ring Asian Restaurants. Hindi na rin mabilang ang dami ng turistang nagbibisita sa bansa. Hangang hanga din ako sa mga klase ng transportasyon  na nagpapabilis ng byahe. Maliban sa mga bus at pribadong sasakyan merong High speed train, LRT, MRT, motorbike at bicycle.
Maunlad ang bansang Taiwan, kaya hindi nakapagtataka na maraming lahi ang naghahangad na dito magtrabaho. Sa kabila ng maraming issue tungkol sa harassment, discrimination, maltreatment at marami pang iba, mas pinili pa rin ng mga OCW na makipagsapalaran.
Ang batas ng extension na manatili pa ng ilang taon ay malaking tulong hindi lng sa mga migranteng manggagawa kundi pati na rin sa mga among pinapasukan, dahil hindi lahat ng worker na makukuha nila ay makapag adjust sa mga trabahong kanilang ibinibigay .
Nasaksihan ko rin minsan ang protesta ng mga lokal. Walang pinag iba sa Pilipinas at sa ibang bansa. “Pagbabago” ang laging isinisigaw.   Sa aking pananaw, mas mabilis makita ang pagbabago sa kapaligiran kung uumpisahan natin sa ating mga sarili. Mababawasan ang problema sa mundo kung huwag na nating idagdag ang ating mga sarili.
Parang kailan lang, kung ibabalik tanaw ko ang aking pakikibaka para mabago ang takbo ng buhay ko kasama ng aking mga anak. Mga katagang lagi kong sinasambit, “Konting tiis lang mga anak, makakaraos din tayo, pangako ko, matutupad ang mga pangarap nyo”.
Naging inspirasyon nila at gabay ang mga pangaral ko sa palagiang komunikasyon. Salamat sa makabagong teknolohiya, hindi naging hadlang ang pagitan ng dagat. Ang pangungulila sa bawat isa ay naiibsan.
Maraming ring temptation na nasa paligid lamang na pwede sumira sa iyong katinuan at pangarap na binubuo.  Lahat tayo ay may kahinaan, determinasyon lng ang kailangan. Kung maging focus ka lng sa mga priorities mo at maging pursigido  para matupad ang mga layunin  sa pakikipagsapalaran sa kahit aling bansa, lahat yan ay hindi mahirap iwasan.
Nakapagtapos na ng ComputerEngineering at Business Administration ang dalawa kong anak. Magtatapos na rin sa kursong Turismo ang bunso.  Ngayon, musika sa aking pandinig ang mga katagang, “Konting tiis na lang Ma, malapit ka ng makapagpahinga, Pangako namin, sa iyong pag uwi, ikaw naman ang aming pagsisilbihan”. Masarap damhin na nagtagumpay ka sa sariling pagsisikap. Na walang sinisisi o sinasagasaan para lang makamit  ang mga minimithi. Ngayon ko napatunayan na walang imposible kung gugustuhin mo. Ang pagbabago ay nasa atin at wala sa iba.
Salamat sa Diyos Ama na tangi kong sandalan,  sa pagbibigay Niya sa akin ng lakas at tibay ng loob para malagpasan ko lahat ng pagsubok. Salamat din sa bansang Taiwan na naging instrumento para  ako maging matatag at maipanalo ko ang aking Hamon ng Buhay!


 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 生命的挑戰 Hamon ng Buhay

👤 Jill. J

 

沒有任何人不想尋求美好生活,尤其是為了孩子的幸福。小小年紀的我,目睹了父母親勤奮工作來養育我們六個兄弟姊妹。他們兩人雖然連小學都沒有完成,但不懈地工作,充滿毅力耐勞的精神,還有犀利靈活的頭腦,讓我們每一個小孩都能順利長大,直到畢業。

我的雙親向市場批貨(蔬菜、水果、飲料、食物和任何可以獲利的商品),直到他們存了一點儲蓄,可以開創自己的事業。他們從一個城鎮到另一個城鎮,奔跑於各個村莊擺攤。其中有個所謂的「市場推廣日」,凌晨四點鐘就要出門,三更半夜才能回家。我們依賴外祖父母的陪伴照顧。兄弟姐妹們很早就學會父母的生計模式,因為學校沒上課時,我們也都會陪同父母親去做買賣。他們日以繼夜,馬不停蹄地為我們謀生。

我在大學就讀商業管理系。畢業後,選擇去做生意,不坐辦公室。父母親給了我一點本錢, 讓我在市場裡擁有一家小雜貨店。我結婚了,婚後店舖也慢慢的發展。一個一無所有的男人,生長於無數工作場所,以粗工幹活。他早年喪失雙親無家可歸。因為憐憫和同情,促使我接受他成為我生命的另一半。

夫妻倆互助合作,我們的生活漸漸地好轉起來。我們有了小型養雞場和養豬場,我們也批發賣米。還有了幾塊稻田,到夏季收割的季節也能收獲作物。我們過著寬裕穩定的生活,而且有了三個小男孩。

我對我的生活方式心滿意足。有快樂美滿的家庭,有足夠的資產。但我沒想到,並不是所有的事情,都會按照我們想像中的計劃在運行。

災難來臨,打擊了我們所有的夢想。狂風豪雨損壞了我們一切的財產。一時間,我們陷入債務中。我的老公無法承受沉重的責任,他遠走高飛,遺棄了我和三個兒子。

1997年,我第一次到台灣試試我的運氣。當時的手機和電腦這類時髦3C,都還不是外籍勞工必備的用品。手寫信和7-11賣出的台幣一百元打十分鐘電話的IC卡,是我聯繫家人和三個孩子的方法。我的母親和妹妹,代我照顧三個孩子。

我在內湖區的一家紡織廠工作,這也是我的第二考驗。我在這裡與許多菲律賓移工和本地的勞工一起工作。雇主沒有按照簽約的內容去做,他有自己的一套規則。基本薪資比法定低薪還低,加班費不到一半,損壞物品也要扣錢。紡織廠分三個部門:品管、紡織線製作與成品加工。工廠機器24小時運作,工作採兩班制。我被派到成品加工部,負責看管14台機器,所以在12小時之內,我得不停地照顧這些運轉的機器。其中,雇主只給兩餐,午餐和晚餐,早餐我們得自己處理。遲到三次等於缺席一個工作天,還要罰一千塊錢。趕工的時候,我們待在工廠的時間要比待在宿舍的時間多,工作遠超過原本的12小時。

怪不得我們的合約幾乎都是遞補的。很多人受不了工作條件就離職回去。可悲的是還會被扣違約金,我們也都不敢去申訴抱怨,因為他們最簡單的解決方式,就是遣送你回家。我們都是初次來台灣,求告無門。而且我們也不能隨意出門,進出都要打卡,有門禁,規定回宿舍的時間算滿早的。我們只能到工廠附近的7-11便利商店逛一會兒。每個星期會有一部車,帶我們到家樂福去採買日常用品。每個星期也有一次,會派人來收匯給菲律賓家人的錢。我就在這種生活模式下度過兩年的日子。所有的艱辛委屈只能往肚子裡吞,優勝劣汰,堅強者才能留在崗位。我們只能在機器故障的短短時間裡稍微休息。我很想大聲告訴他們:「我們不是機器,我們也是人,也需要放鬆調養身體,才有力氣繼續做下去。我們不能生病倒下去,故鄉有許多人依賴著我們。」

等到合約期滿時,我只攜帶每月強制儲蓄的五千元和退稅款回菲律賓。當時合約還不能延期,我也不想到其它國家去。我就利用這些存款再經商,和柴油供應商合夥,又做稻米的買賣。但是因為我們鎮上已經有不少同行競爭,生意情況並不理想。

父母親的生活經驗啟發我的想法與態度。我不會放棄,我要繼續努力奮鬥。我全心全力投入商業競爭,雖然心中有疑慮,而孩子慢慢長大,家裡的開銷費用也漸漸增加。

當我再度聽聞台灣重新開放菲律賓勞工返回職場時,我毫不猶豫地趕快繳交申請書。台灣變化很大。到處都看得到用英文字幕的看板與廣告牌,連公車上也有英文字幕,溝通無障礙,不像以前都不知要怎麼去跟別人溝通,還需要一位翻譯者。

我二度回到台灣工作,還是沒有好運氣。我簽的合約是註明當老人看護者,但正確來說是包辦一切的家庭幫傭。女雇主是離婚,經常在中國大陸經商的老闆娘。我負責照顧一位老爺爺和三個小孩。三個小孩可說是沒規矩、沒教養,被爺爺和母親溺愛寵壞。兩個讀國中,老么讀國小。他們在家時,需要我不停地服侍他們。如果碰見我沒事做,他們還會生氣。他們寧願把東西丟到垃圾桶,也不給別人食用。我在他們家毫無隱私可言,在儲藏室和一大堆雜物共眠。他們沒有正常睡覺時間,隨時隨地呼喚我,不管是夜晚或白天。我得不到任何尊重或肯定,但即便如此,我從無怨言,依舊默默地扮演好我的角色。

偶然想起自己的兒子都沒照顧,反而來照顧別人的孩子時,我的心就好痛好悲傷。但我很清楚,我得犧牲這點來換取他們美好的前途。我已接受命運的安排,我不會屈服。再艱苦,我也要撐得住。我只能不斷祈求,萬能的上帝給我力量與勇氣去面對未來的挑戰。

這期間,唯一的安慰是我在每週日可休假幾個小時。早上六點,我很早就出門,搭公車去教堂參加最早的第一場彌撒。吃過早點,我就趕緊去買一週所需要的物品。如果時間允許,就和其他外勞在公園裡分享食物,談天說地,互相交換關於命運,有歡笑也有哭泣。

透過這種方式來舒緩心裡的壓力,證明了我不孤獨。很多菲律賓同胞也跟我有一樣的遭遇,運氣不好,遇不到好雇主。有些人還更糟,被雇主欺負、毆打,在公眾前受羞辱,還有拿不到薪資的。還好目前有很多管道可申訴。有些菲律賓組織和非營利民間團體,到處援助外勞,至少移工的狀況減輕,不再繼續惡化。

如果雇主們能體會與了解我們來台所必經的艱辛,不斷地在好幾家仲介公司和公家機關之間來回奔波,處理所需要的文件,還有如何籌備龐大的仲介費。雖然我們被雇用,有薪資可領,但倘若雇主能感受到我們給他們的貢獻,幫助他們減輕自己的責任就好了。我們是離鄉背井,遠離親愛的家人,無須雇主待我們如家人一樣或多看重我們,但至少給我們一點體貼和尊重也就足夠。

在菲律賓的親人都不知道我在台灣的經歷,我不想讓他們為我操心煩惱。他們知道我有多堅強,曾經目睹我在菲律賓如何孤單地面對生活的挑戰。我想保留他們心目中對我的佩服和尊敬,永不改變。

我在菲律賓陪家人一個月,再回台灣。新契約、新雇主。終於上帝看顧我,我找到一個好雇主。一個小康的家庭,但很有人性,他們待我如自家人,幫忙他們天天做家事。男雇主是位工程師,女雇主沒上班,自己照顧兩個小朋友。男雇主的爺爺、母親和兩位弟妹,都跟他們同住在一起。弟妹倆雖然有上班,但大家都會互助合作。膳食跟休息也沒問題,他們都很關心我,尤其是健康方面。每週有休假、也沒有宵禁,我有自己的家門鑰匙。星期六晚上就讓我出門到朋友家過夜,所以我有機會去參加菲律賓團體,也能參加跳舞和體育活動。

無論如何我不敢利用特權,反而更加倍把家事做得周全。我想讓他們知道,我真的很感謝他們對我的友善和信任。他們總是會帶我和他們一起出門,不管是遊玩或出去吃飯。

我對台灣的美麗是目瞪口呆。來回穿梭的橋、林立的高樓大廈、寬闊的大賣場、眾多的亞洲餐廳,各國來的觀光客不知有多少。更值得羨慕是各種運輸工具,加快交通來回的時間。除了公車和私人轎車,還有火車、高鐵、捷運、摩托車和腳踏車。

繁榮先進的台灣,許多外國人嚮往這裡打工不奇怪。雖然很多議題如種族歧視、性騷擾、不公平的待遇及其他事件,但是菲律賓外勞還是選擇來台灣討生活。

契約可延長對我們外勞的利益很大,對雇主也是個很大的幫助,因為不是每個人都可以適應這裡的工作狀況 。

我曾經見過台灣本國人在馬路上示威與抗議,和菲律賓和其他國家沒兩樣。「改變」是他們的口號。大家要的是改造變化,依我個人的看法,應從自身開始改變。世界上的煩惱和許多的問題才會減少。我們不要再加入自己個人的問題。

回顧往日,曾幾何時,我奮勇地要改變我和三個孩子的生命。這句話常掛在我嘴邊:「孩子們,稍為忍耐吧,我們應該可以度過這一切。我答應你們,你們的夢想願望都會實現。」

感謝先進的科技。雖然海洋阻隔,但這沒有阻礙我們之間的溝通。我常陪著三個兒子,教導他們、鼓勵他們,減少對彼此的思念。

我們周圍環繞著許多的誘惑,它們可能破壞我們的理智和願望。每個人都有弱點,只要堅強有決心,專心一意地追求你的夢想,不管在哪一國,任何事情就不能左右你。

我的兩個孩子各自畢業,完成電腦工程系和商業管理系,老么也將畢業於觀光系。現在聽到他們告訴我:「媽,再忍一下,妳也快退休了。我們答應妳,等妳回來,我們會好好孝敬你。」這麼動聽的話讓我很感激,自己辛苦耕耘,能獲得幸福,沒有得罪他人,沒有責怪他人。只要一心想要,必定做得到。沒有任何不可能的事。我們要改變時,只能靠自己,不等別人。

感謝上天,我唯一的支柱,祂給我力氣和堅強意志來克服所有艱難。感謝寶島台灣給我機會,讓我更堅強地勝過生活的艱難!

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *