黑暗中的光束 Sinag sa Takip silim

 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 黑暗中的光束 Sinag sa Takip silim

👤 M .E. Osan

Ang kwento ng aking buhay ay maihahalintulad ko  sa mga napapanood ko sa Teleserye o di kaya sa mga Pelikula, kung saan ang Bida ay api at naging tagumpay sa huli. Dati din akong manggagawa dito sa Taiwan bago ko narating ang maginhawang buhay ngayon, umalis ako sa amin dahil sa maling desisyon at pagsuway ko sa aking mga magulang. Maalwan ang aming pamumuhay, tatlo lamang kaming magkakapatid may yaya at maid sa bahay dahil kapwa nagtatrabaho ang aking mga magulang, ang Tatay ko ay isang dating Tagapangasiwa sa isang Departamento ng nooy sikat na “National Steel Corporation “ sa Iligan City Lanao del Norte (Mindanao), at ang Nanay ko naman ay isang dating Guro sa pampublikong Paaralan ng Suarez High School. Pinalaki kaming magkakapatid ng may takot sa Diyos, maging mapagkumbaba at maging magalang kahit kanino man.
Subalit sa kabila ng mga ito, magulo ang aming tahanan, kami itong tinatawag sa Ingles na “dysfunctional family” o di normal. Nakakahiya mang sabihin, ”Alcoholic” o Lasenggero ang aking Ama noong siyay nabubuhay pa, kasama sa pag-iinom niya ay ang pambababae , na naging kalbaryo ng aking Ina at ng buong mag-anak. Na-aalala ko pa mula ng ako’y tatlong taong gulang hanggang sa magdalaga lageh nalang nag aaway ang aking mga magulang, minsan pa nga dinala ng Tatay ang kanyang babae sa aming bahay, muntik ng masiraan ng bait si Nanay noon, buti nalang at nadala sa dasal at tinablan yata ng hiya ang “the other woman” ng aking ama dahil doon daw sana patitirahin sa amin, Diyos na mahabagin!!! di pa pinapalabas ang “the legal wife, two wives at my other woman” showing na kami. Dahil dito nawalan na ako ng ganang maging seryoso sa pag aaral at mas gusto ko pang laging nasa labas kaysa nasa bahay, tumigas ang ulo ko sa pamamalo ng aking Ina hanggang sa akoy magKolehiyo palo pa rin ang inaabot ko tuwing lalagpas ng alas singko ng hapon ang aking uwi at bawal dumalo sa kahit ano mang party.
Hindi ko rin masisisi ang aking Ina sa pagiging strikto at mainitin ang ulo kaya siya namamalo, dahil na rin siguro sa problema sa Tatay ko. Kaya noong magkaboyfriend ako ng seryoso, sumama na akong makipagtanan sa kanya at nagpakasal sa Huwes, ng malaman ng aking mga magulang galit na galit sila dahil kahit galing sa angkan ng mayayaman ang aking napangasawa, hindi nila gusto ang pag uugali nito at ng kanyang pamilya na kilalang matapobre at magulang sa negosyo (dati kasi naming Arkitekto sa isa naming bahay ang kanyang Ama noon, at tagapangalaga sa Konstruksyon na nagkaroon ng problema).
Hindi din ako naging masaya, siguro parusa ito sa pagsuway ko sa aking mga magulang. Tumakas nga ako sa magulo naming Tahanan mas lalo namang naging impyerno ang buhay ko sa aking napangasawa na seloso, at Uuuuubod (prolonged U) ng batugan, umaasa lang kung ano ang binibigay ng kanyang Ama. Lageh kaming nag- aaway at may kasama pang bugbogan (kung hindi tungkol sa pagseselos niya, ay sa mga walang kakwenta kwentang bagay), sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos puro pambubulyaw at insulto ang naririnig ko sa kanya. Ang dating Senyorita at Prinsesa ng Tatay ko ay naging Alila na, patang pata ang katawan ko sa maghapong trabaho. Maaga akong gumigising para makapamalengke, nagtitinda kasi ako ng pagkaing pang-ulam at kakanin sa Kantina ng Tennis Court na pag- aari ng pamilya ng asawa ko. Kusinera, Tindera, Kahera at Serbidora, wala pa diyan ang pagiging Sekretarya ko sa Papa niya sa Opisina na 50pesos sa isang araw ang sahod, kung minsan nagpapart time din ako sa pagtuturo ng Ingles sa gabi para doble kita, dahil ako lang ang kumakayod. Habang ang maluho at tamad kong asawa ay pinoproblema kong anong oras makapaglaro ng Tennis o kung kailan ang susunod na Architects Convention na pagkakagastusan.
Kakayanin ko naman sana kasi paninindigan ko ang aking desisyon, ang kaso, hindi lang ang asawa ko ang aking kalbaryo kasama pa yung aking mga Biyenan, na hindi ako matanggap dahil walang titolo na nakadikit sa aking pangalan. Lageh nalang akong ikinukompara sa mga anak niyang Interior Designer, Piloto, Inhinyero, Abogado etcetera. Lalong lalo na sa manugang niyang babae na pinag aral sa U.S.,  dapat daw kasi kumuha din daw ako ng “Law” “naluko na , hirap pa nga sa pang araw- araw na gastusin eh mag aaral na naman ulit???? buti sana yung anak nila na batugan ay tinutulungan ako susme! Kaya, kung mata matahin ako ay ganoon-ganoon nalang at kung utos utusan ako parang katulong nila dahil ang liit ng tingin nila sa akin, ito pa, Sir at Ma’am ang tawag ko sa aking mga Biyenan hindi Mama at Papa ( ambisyosa pa ako ng lagay na yun huh! ). Halos di nga ako ipinakikilala bilang kapamilya at hinihiya pa ako sa harap ng mga bisita. Kahit anong sipag at pagpapakumbaba ang gawin ko para lang matanggap nila, wala pa rin, langaw lang ako na nakatuntong sa kalabaw daw nilang anak. Yun nga eh, kung sino pa yung minsang edukado sila pa itong parang walang pinag aralan kung umasta. Sa isip isip ko; hindi naman nasusukat ang pagkatao mo sa mga diploma, medalya , tropeo at kung ano ano pa, kundi kung paano ka makikipagkapwa tao, subalit kahit ano pa man sabihin ko sa mga taong nasa paligid ko , walang nakikinig, dahil habang wala kang napapatunayan, wala kang sinabi.
Labing-tatlong taon ko tiniis lahat yun pero noong isang araw na mag-away kami ng asawa ko, muntik ko ng matusok ng stick ng barbecue ang kanyang mata dahil sinuntok niya ako sa ulo, gutom ka na’t lahat ayaw ka pa niyang pakainin kasi hindi pa kumpleto ang kondimento (suka,toyo,sili at kung walang sili maghanap ka!!) para sa hapunan ng Hari, may kasama pang sigaw kasi ang bagal bagal ng kanyang “Aliping sagigilid” . Sagad na sagad na ako, naubos na ang kahit konting pasensya meron ako. Ang ingay ng bahay at napagod na ako sa walang katapusang bangayan,buong buhay ko puro nalang ingay at  walang katahimikan, kaya nagpasya na akong makipaghiwalay, salamat nalang at wala kaming anak dahil ayaw niya daw ng responsibilidad, kaya di kami nag anak.
Ayaw kong matulad sa Nanay kong nagtiis ng sobra, na wala ng itinira sa sarili, ayaw kong habang buhay akong luhaan. Sa kagustuhan kong magpakalayo layo at magsimula muli,  umalis  ako sa amin at nagtrabaho dito sa Taiwan bilang “Caregiver”, sabi ko; bahala na, basta makaalis lang ako sa Pilipinas kahit anong trabaho. At di ko akalain na dito din pala magbabago ng tuluyan ang aking buhay, dito ko nakilala ang lalaking tunay akong minahal, hindi kung sa ano pa man, kundi bilang ako.
Dumaan din sa maraming pagsubok ang aming pag-iibigan ngunit hindi niya ako sinukuan. Minsan ako ay nagkasakit at wala halos nagbabantay sa akin sa Ospital, dahil ang aking mga kaibigan  at kakilala ay di magkatugma ang “day off”, siya lamang talaga ang nagtyaga na magbantay sa akin at nag alaga  hanggang sa akoy gumaling. Inayos ni Antoine ang aking mga papeles papuntang Pinas at pinatigil na ako sa pagtatrabaho dahil naging sakitin din ako, pinag-aral din niya ako sa Switzerland ng kursong German Language at  Hotel and Business management at ng ako ay makatapos , nakapagtrabaho sa isang prestihiyosong Carlton Hotel bilang VIP Coordinator. Nakapaglibot libot din ako sa Europa sa pamamalagi ko sa Switzerland ng tatlong taon. Talagang “360 degrees” ang pag ikot ng aking buhay. Hindi nga natutulog ang Diyos, kailanman sa lahat ng pinag daanan ko hindi ako nawalan ng pag asa, dahil lagi kung sinasabi sa sarili ko; matatapos din lahat ng ito, may bukas pa at may bukang liwayway sa takip silim. Hindi ako natatakot lumaban sa buhay , habang may hininga sige lang”push mo yan”.
” I am nothing without God” wala ako kung di dahil kay Hesus. Sa hangarin ko na mapabuti ang aking buhay at magsimula muli hindi ko nakakalimutan ang magdasal, naging suwail man ako noon binabawi ko ngayun sa tuwing may mga problemang dumarating o may hihingin ako, itinataas ko lageh sa kanya, sinasabi ko; ang kalooban niya ang masusunod hindi ako ,dahil noong ako ay nasunod ay puro pasakit naman ang dinanas ko.
Ngayun ako ay isang masayang maybahay ng Italyanong Piloto ng China Airlines dito sa Taiwan. Masasabi kong masaya, kasi natuto akong makontento ang kung anong meron ako,mas napapahalagahan ko ang kahit na anong biyaya na dumarating sa akin munti man o malaki, lalong lalo na ang biyaya na pagmamahal. Minsan naiisip ko, ang layo ng buhay ko ngayon kaysa noon, kung magbigay ng biyaya ang Diyos sobra sobra. Iba talaga pag ibibigay mo lahat kay God at hindi yung nagdedepende ka lang sa sarili mong pang unawa sa buhay na wala siya.
Noong umuwi nga ako sa probinsiya namin galing ng Europa halos hindi nila ako nakilala , kasi wala pang Facebook noon at saka konti lang ang may Friendster ( hahaha tunay ngang ang tagal na noon), dati kasi akong patpatin at ngayon nagkalaman na. Feeling ko tuloy mag ala Nanette Medved sa pelikulang “Hiram na Mukha” sa madramang  “hindi niyo ba ako nakikilala???  Pero kasi hindi ako nakakalimot sa  aking pinanggalingan kaya walang naganap na ganitong eksena. Iniisip ko nalang kung hindi din dahil sa pinag daanan ko, hindi ko mararating ang Taiwan at matagpuan ang aking “Forevermore” hihihihi.
Nagpapasalamat ako na laging pina-aalala ng Diyos na kung ano man meron ako ngayun dapat nakatapak pa rin ang aking mga paa sa lupa,di ko nakakalimutang mamahagi ng aking biyaya, lalo na sa aking pamilya , sa Nanay ko na gusto kong maging maginhawa at  masaya sa mga huling yugto ng kanyang buhay at kalimutan ang mapait na nakaraan. Kailan man hindi ako nagtanim ng galit sa mga taong nagpahirap sa akin bagkus naging matalik na kaibigan ko pa ang aking dating hipag na babae sa dati kong asawa, sa katunayan  noong pagkatapos ng Chinese New Year 2015 dito sa Taiwan ay binisita nila ako at inikot ko sila sa mga magagandang lugar dito at isa na rito ang Yehliu Geopark, napatawad ko na rin ang aking dating asawa at okey naman kami pati na rin ang aking mga dating Biyenan. Nakakatuwa nga minsang nagpang abot kami ng aking dating Biyenan at dating asawa sa “Carwash Center” na may Restawran,  habang nag-aantay ako na matapos malinisan ang aking kotse at sila din ay naghihintay sa kanilang kotseng pinacarwash habang kumakain,  kinawayan nila ako at inimbitang makisalo sa kanila, noong una di ko alam ang gagawin, tawag ng kagandahang asal lumapit ako, pero di ako sumabay kumain dahil nakapananghalian na rin ako, ang ikinagulat ko lamang ay ng tinanong ako ng dati kong Biyenang lalaki ; kumusta ka na Madame? …Madame??? Nakakaasiwang pakinggan kaya sinagot ko siya ng; Miles nalang po Sir buhay lang ang nagbago, pero hindi po ako. Ganun pa man, masaya lang akong wala akong kinikim kim sa dibdib at nakakaharap ako sa kanila na nakangiti. Magaan sa dibdib na wala kang kaaway, maaliwalas ang buhay.

Tunay na ang  Diyos at ang aking “Amore” ang Sinag sa aking Takip-silim.


 2015 Preliminary 菲律賓文初選  

📜 黑暗中的光束 Sinag sa Takip silim

👤 M .E. Osan

 

我的故事彷彿是連續劇或電影裡的情節。主角被無情壓迫,但在劇終成功出色。當我正享受著此刻的富裕生活前,我也是在台灣工作的外籍勞工,因錯誤的決定和父母親賭氣而離家。我小時候的生活品質比一般家庭好,三個兄弟姊妹有保母和傭人照顧我們,替我們做家事。爸爸和媽媽兩人都在上班,父親在菲律賓民答那峨島的國家鋼鐵公司當主管。母親曾經是公立學校的導師。父母教我們三個兄弟姊妹要虔誠、要謙卑和對人有禮貌。

儘管如此,家裡的情況還是一團糟。我們不是一般正常的家庭。父親在世時是位嗜酒的風流公子。母親和我們一家人為此抬不起頭來。記得從我三歲起到青春期時,父母經常鬧得全家雞犬不寧。有次爸爸還帶了他情婦回家,害得母親幾乎失去理智。好在情婦羞恥的離開,天啊!電影「正房,兩個妻子與我另外一個女人」 (The Legal Wife, Two Wives and My Other Woman)都還沒演出,我家就在上演。因此我失去讀書的興趣,整天在外頭混就是不想回家。母親越是罵我打我,我就越不聽話也變得更叛逆。進了大學以後,假如下午五點還沒回到家,還是會被母親打罵,她也不准我去參加任何聚會或派對。    

我也不能怪母親管教嚴格,可能是因為父親的問題,讓她怒氣衝天,想洩恨才會打我。我交了男朋友後就跟者男朋友私奔結婚。父母親得知消息時憤怒不已,雖然我嫁給一位很有錢的人,但他們不喜歡他的人格。夫家雖有錢高高在上,可他們會瞧不起別人,生意也做的不老實。他的父親是建築師,曾負責蓋一棟房子但施工時出了問題。

可能因為我違背父母親的關係而被懲罰,我結婚卻不快樂。我逃避亂糟糟的家庭卻陷入地獄。丈夫非常懶惰、忌妒心又重,是個「靠爸給的支援族」。我們幾乎天天為些小事吵架,甚至有家暴。他不斷侮罵凌辱我。

我老爸的往日公主千金小姐現在變成他人家奴。一身疲憊,一大早就起床上市場買菜。要洗煮賣收銀、還要當侍者,在丈夫家擁有網球場的小賣部裡。還要當他爸辦公室的秘書,一日領菲幣五十元薪資,偶而晚上兼職英文家教,收入才會雙倍。只有我在賺錢,我賺錢他花錢。他負責看時間打網球,或參加建築師的座談會。

我應該可以忍,要堅持我的決定,可是連岳父岳母都看不起我,因為我沒有職稱頭銜。不如他們的子女,有設計者、飛航者、工程師、法律師等等。他們常拿我跟他們比較。別人的媳婦是美國念書畢業的,他們就說我應該再去讀法律系。糟糕…日常生活費都不夠用,哪來的學雜費?除非他們那懶惰的兒子能幫我。他們現在視我如眼中沙粒,待我如家傭一樣,在親戚好友前羞辱,無時無刻無盡無休地做,他們就是無法接受一隻小蒼蠅飛上他們大牛一般兒子。我不能用爸爸媽媽叫她們,只能稱呼先生太太夫人。

 

為什麼受過教育的人卻不懂得做人的道理,我腦海裡想。文書獎狀文憑無法衡量一個人, 要怎麼對待人才重要,但是講歸講,沒有實際的佐證,沒人聽你講。十三年的虐待酷刑直到一天我們又吵架,他兇猛地打我的頭,我氣得差點用烤肉用的竹籤插進他的眼睛。當時「皇帝」要吃晚餐,我肚子也很餓。他吵著不讓我吃,因為調味料還沒配齊 (醋、醬油、辣椒,沒辣椒自己去找),罵我動作慢吞吞。我受夠了,家裡吵吵鬧鬧,我一生就是無止盡的吵鬧聲,沒有平靜和睦。我決定跟他離婚。謝天謝地,我們沒有生小孩,因為他說過他不要責任,不要有孩子。

我不願意和母親一樣忍了一生,放棄自己的幸福,不願意一生以淚洗面。我要遠遠的離開菲律賓,重新開始。我申請到台灣去做看護工,任何事我都願意做,只要能離開菲律賓。沒想到過來台灣完全改變了我的命運。我在這裡認識了我的真愛,也認識了真實的我。

我們倆相戀,也歷經過很多的考驗,但他不屈不撓地愛護者我。有次我生病住進醫院,因為認識的朋友無暇日照顧陪伴我,安頓(Antoine) 耐心的照顧,陪伴我至我康復出院。又因為我常常生病,安頓叫我停止工作,再幫我安排手續回去菲律賓。他也幫我辦手續赴瑞士讀德語和旅館企業管理。我畢業後在一家聲望很高的卡鄧旅館當客服助理。我在瑞士住了三年的時間,也到歐洲其他國家去遊玩。真正生活360度大轉變。上帝沒睡著,上帝保佑我。我從頭到尾,沒失去希望。我常對我自己講,所有煎熬會過去,明天會更好,黑暗中曙光會來。我不屈服人生,我要勇敢奮鬥到底。

「沒有上帝沒有我」為了改變我的生活,我不忘記祈禱。之前我是個不孝順的孩子。現在的我,如果有祈求或遇到煩惱問題時,我就禱告,找上帝幫我解決問題。因為過去我的決定帶來的只有痛苦和悲傷。

現在,我是一位任職於台灣華航的義大利籍航空飛行員的人妻,也當個快樂的家庭主婦。幸福快樂因為我懂得珍惜我擁有的一切,不管是大是小,我都是心滿意足,尤其是被關愛的感覺。回憶往日的生活和目前相差很多。上帝給我特別優厚的待遇。我把一切都交給祂,比只靠自己要好得多。

當我從歐洲返回家鄉時,幾乎人人認不出我。那時還沒有臉書,少數人用Friendster 全球首家社交網站 (哈哈,那貌似好久以前了)。我以前長得瘦小,現在稍有肥肉了。我想模仿電影「借來的面貌」情節裡的「你們不認識我了嗎?」但我心知肚明,沒有這樣做。我心裡想,要不是有我經歷的苦難,我也不會到台灣來,也就不會碰到我永恆的愛。嘻嘻嘻 …

萬分感謝上帝時時讓我記得要腳踏實地。我也沒忘了要分享我的福氣,給家人、給母親,讓她晚年過得愉快與忘了過去的艱難。人家給我的苦命,我從來不記恨。反之,我在上一段婚姻的小姑,現在是我的好友。2015年的春節後,他們來台灣玩。我帶他們到處環遊台灣的美麗景點,如野柳地質公園。我已原諒往日的丈夫,現在和前任岳父岳母和睦相處。

很有趣的是,有一次我們在一家附有餐廳的洗車中心見面。那時我剛好在等車子洗完。他們在餐廳裡用餐,就招呼我和他們一起吃飯。我本來不知道要怎麼辦,但出於禮貌我就過去了,不過沒有用餐,因為已經吃過飯。

往日的岳父開口問:「妳好嗎,夫人。」 我嚇一跳,「夫人?」好尷尬。我馬上回覆:「叫我麥師(Miles) 就好,生活改變,我人還是一樣。」我非常開心,心裡無恨地微笑面對他們。我覺得輕鬆,沒有仇人,生活燦爛。

說實在的,上帝和我的愛人,是我在「黑暗中的光束。」

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *