外籍勞工的生活 Buhay OFW

 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 外籍勞工的生活 Tula—Buhay OFW

👤 Angeline D.Pitogo

Propesyong kinabibilangang may dalang hirap at kaginhawaan
Paraang napagdesisyonan matustosan lamang pangangailangan
Maging kaginhawaang hangad ng bawat sinoman
Na kayhirap makamtan sa sariling bayan
Buhay OFW mapalad kung ituring ng karamihan
Ngunit di batid pagtitiis kapatid ng kaginhawaan
Pangungulila’t kalungkotan na kay hirap labanan
Minsan ito’y naging dahilan upang layunin ay malimotan
Kaybigat sa kalooban ibang anak at magulang inaalagaan
Subalit sariling anak iniwan kahit ito’y musmos pa lamang
Isinantabi ang naghihinagpis na kalooban
Maibigay lamang ang pangangailangan ng pamilyang mahal
Samot saring kasaysayan ating napapakinggan
Ilang mga kababayang umuwing bigo at luhaan
Sa kagustohang makalimot sa pangungulilang naramdaman
Nalugmok sa bisyo’t sa maling barkada’y napabilang
Ang ilan ay sadyang nakalimotan
Layunin ng paglisan sa pamilyang mahal
Pagkat ito’y nakahanap ng panandaliang kaligayahan
Kaya’t mithing pangarap naiwaglit sa isipan
OFW tinaguriang bayaning buhay ng Inang bayan
Pamilya’y isinaalang alang bago sariling kapakanan
Di alintana kung anong kahihinatnan sa kamay ng among dayuhan
Dugo at pawis ang naging puhonan mabigyan lamang magndang bukas ang pamilyang mahal
Kayat mahal kong kababayan sana’y ating pagnilayan
Mga pangyayaring nakakalungkot subalit iyon ang katotohanan
Ang pagpupunyagi’t pakikibaka sa bansang pinaglilingkoran
Huwag hayaang magwakas ng sawi at luhaan
Kayat huwag sayangin pagkakataong bigay ng Maykapal
Pagkat Buhay OFW propesyong panandaliang lamang
Mga layunin ng paglisan ay laging isapuso’t isipan
Pagkat ito’y gabay tungo sa tagumpay na inasam asam”、

 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 外籍勞工的生活 Tula—Buhay OFW

👤 Angeline D.Pitogo

 

所有的工作都有苦有樂
解決生活所需是唯一目標
每個人都夢想美好生活
但若留在家鄉就是一場空

成為外籍勞工人人稱羨
殊不知這需要多少犧牲
你必須力抗思念與悲傷
難免忘了最初始的夢想

一心照料他人的孩子與老人
即使自己年幼的孩子留在家鄉
快把憂傷丟到一旁
就將家人要的南北雜貨通通奉上

我們聽聞各式各樣的故事
有些同胞帶著挫折與眼淚歸鄉
有人為了逃避想家的哀傷
墮入酒國染上惡習萬劫不復

有人徹底遺忘了
當初離鄉背井的緣故
因為短暫的歡愉
理想志氣拋到九霄外

外籍勞工是祖國的現代英雄
總在考慮自己之前先考慮家庭
不管外國老闆耍甚麼手段
流血流汗只為了對家人的愛

盼望鄉親們好好想一想
這很悲哀,但也是事實
在國外打工賺辛苦錢
千萬不要讓失敗與眼淚收尾

珍惜上天給的機會
外勞生涯只是一時
牢牢記住當初離鄉的理由
這是我們通往成功的道路

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *