PAG-ASA AT PANGARAP

 2018 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 PAG-ASA AT PANGARAP

👤 Irene N. Malbog

 

Ang istoryang ito ay hango sa aking totoong buhay. Mula noong ako ay nag-aral, huminto ng pag-aaral, nakapag trabaho ng part-time, full-time hanggang sa magkaroon ng sariling pamilya at nag desisyon na mag trabaho bilang domestic helper.

Taong 2004 noong ako ay huminto sa pag-aaral. sa kadahilanang pinansyal. Ang aking kurso ay Electrical Engineering Techonology. Nakapag trabaho ng full time, part time, at may pag kakataon pa na ako ay naging working student, dahil pinipilit ko pa ring tapusin ang aking pag-aaral pero hindi talaga kaya. Tumulong rin ang aking kasintahan sa aking pag-aaral noon sa pinansiyal at sa emosyonal dahil pinipilit ko pa ring tapusin ang aking nasimulan pero hindi ko pa rin natapos ang aking pag-aaral, isang taon at kalahating buwan na lang sana graduating na ako. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, mas pinili ko na lang na mag-trabaho para maktulong sa magulang. Lima kaming mag-kakapatid, ako ang pangatlo. Ako lang din ang pinalad na umabot ng 3rd year college. Wala sa amin ang nakatapos ng kolehiyo, yung iba hanggang highschool ang tinapos. Ako third year college at ang panganay namin ay nakapag first year college rin.

Taong 2008 nang ako at ang aking kasintahan ay mabiyayayan ng anak ng. Bagaman hindi pa kasal, nagsama na kami dahil sa may anak na kaming dalawa. Isinilang ko noong ika-5 ng Hunyo 2008 ang isang napakalusog at magandang anak na babae. Ang aking kasinatahan ng anim na taon ay isang magaling na barbero, nagsimula ang relasyon naming noong taong 2002, maganda naman ang aming samahan kahit labag sa mga magulang ko noon ang aming relasyon, pero sa kalaunan wala na rin silang nagawa. Nang magkaroon na kami ng anak, naging supportive naman ang aming mga magulang lalo na ang aking tatay. Tumulong siya mula sa ospital, hanggang sa binyag ng bata at sa pang araw-araw na gastos. Tuwang-tuwa siya sa apo niya. At dumating na nga ang panahon na talagang kailngan ko na rin na mag-trabaho. Sa Pilipinas kasi ang pag ta-trabaho ay kontraktwal lamang. Pakatapos ng anim na buwan tapos na ang kontrata mo at kailangan mo na maghanap ulit ng trabaho. Hindi sapat na iisa lang ang nag tatrabaho lalo pa at may anak na kami na binubuhay. Hindi rin ako sanay ng walang trabaho. Dumating ang panahon na nakapagdesisyon na ako na mag abroad na lang bilang domestic helper. Pumayag naman ang aking kasintahan, nanay at mga kapatid. Ngunit ang aking tatay ay ayaw pumayag. Dati rin kasi siyang OFW sa Brunei, kaya alam niya ang hirap na maging malayo sa pamilya. Ayaw niyang maranasan namin ang dinanas niya noon habang malayo siya sa pamilya niya. Sinabi niya noon na hindi daw siya papayag na isa sa amin ay mag abroad. Pero sa tulong ng aking nanay at panganay na kapatid, na papayag namin siya na payagan ako na makapag abroad. Kaya pakalipas ng isang taon ng anak ko, June 2009 nag apply na ako sa agency papuntang Singapore. Doon kailangan naming mag stay sa loob ng agency araw-araw, uuwi lang kami kapag sabado at balik ulit ng linggo sa kanila. Ang dahilan nito ay para daw masanay kami na malayo sa pamilya. Napakahirap, lalo sa akin na isang taon pa lang ang baby ko ng iwan ko. Sa loob ng agency, itinuturo doon ang mga gawaing bahay, pagluluto, at paghugas ng sasakyan.

Kinukumpiska nila ang aming cellphone, kung merong pera na dala kukunin din nila. Para masanay at maging handa kami sa lugar na pupuntahan namin. Hanggang sa merong isang employer na nag interview sa akin. Siya ay si Mrs. Anne Pakir, isa siyang director sa National University of Singapore o NUS. Ang pangunahing trabaho ko ay mag alaga ng asawa niya na may Parkinsons disease, high blood at diabetes at gawaing bahay. Pumayag na ako. At noon nga na July 2009 ako lumipad papuntang Singapore, hindi nabigyan ng oportunidad ang aking pamilya na maihatid ako sa airport dahil lahat kami ng mga kasama ko ay nanggaling ng agency. Gayunpaman, laking pasasalamat ko sa kanila sa suporta na binigay nila sa akin. Lalo na sa aking tatay. Masakit lumayo sa kanila pero alam kong kakayanin ko ito lalo na sa aking baby.

Pagkadating sa agency sa Singapore, sinundo kami ng staff ng agency, at dumirecho na sa agency, at mula noon abala na sa medical, sa pag process ng work permit, sa seminar ng mga first timer na helper. Meron pang kaming isang pagsusulit na kailangan ipasa para malaman kung may kaalaman kami tungkol sa mga safety sa pag tatrabaho sa loob ng bahay.

Laking pasalamat ko at naipasa ko naman iyon. Dumating na ang araw na ako ay kukuhain na ng aking employer sa agency. Gabi noon noong kami ay nakarating sa bahay ng aking amo.

Ang laki ng bahay nila, bigla akong napaisip kung paano ko lilinisin ang bahay at ang pag-alaga sa matanda. Sabi ko na lang sa srili ko. “kaya ko yan”, “kaya ko ito”. Nagkataon na noong araw na yon ay kaarawan pala ng aking among babae, naabutan namin ang aking Sir na si Pakir Singh malapit sa hagdan nakaupo nag-aantay sa amin, at ako ay kumanta ng Happy birthday song sa kanila dahil halos magkasunod lang pala ang kanilang kaarawan. Pagkatapos noon kinausap na ako ng amo kong babae para ipaliwanag ang aking magiging trabaho sa loob nga bahay. Kasalukuyang meron rin silang isa pang helper na matagal ng nag tatrabaho sa kanila. Magiging salitan ang aming schedule sa loob ng dalawang lingo. Isang pang-araw at isang pang-gabi.

Ang pang-araw ay dahil siya ang naka toka sa pag asikaso sa matanda, pag lilinis ng bahay habang tulog ang matanda, pagpapakain at pagbibigay ng gamut sa matanda, pag check ng vital signs ng matanda gaya ng pag check ng blood pressure ng matanda, temperature, sugar, oxygen level at ng sugar. At kung ano-ano pa habang ang pang-gabi naman ay ang naka toka sa pamamalengke, pagluluto, pag-alaga at pagbantay sa matanda sa gabi. Pag palit ng damit, diaper, pagsipilyo. At itong lahat ay isinusulat naman para merong record ang pamilya sa day to day or daily activities ng matanda. Pinalad ako na makakuha ng amo na mabait. Kinagabihan noong ako ay dumating, pinagpahinga na ako. Pero sa bawat araw na lumipas halos araw-araw akong umiiyak. Minsan nakikita ako ng alaga ko na umiiyak, hindi ko mapigilan eh. Na ho-homesick na ako.

Kaya nagdesisyon ang amo ko na tawagan na aking pamilya gamit ang kanilang telepono at doon masaya ko silang nakausap, ipinaalam ko sa kanila na maayos ang aking kalagayan. Nakausap ko rin ang aking magulang. Pinaalalahanan nila ako na magpakabait at palaging sumunod sa amo, gawin ko ng maayos at tama ang aking trabaho. Nag iyakan na kaming lahat. Lumipas ang isang taon, home sick pa rin ako, madalas umiiyak. Isang beses lang sa isang buwan ang aking day off pero kinakaya ko.  Ginagawa ko yung bilin nila, ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko, inaalagaan kong mabuti ang matanda. Nakakatawag na ako sa aking magulang noon, dahil pumayag na ang aking amo na gumamit akong cell phone. Minsan ang madalas kong kausap ay ang aking tatay, nanay. Pero tatay talaga ang madalas kong kausap kasi direkta ako sa opisina niya sa trabaho natawag. Halos maubos ang $10 na load sa tatay ko lang. Si nanay ko kasi ay abala sa aming munting business na canteen malapit sa trabaho ng aking tatay. Minsan naman ang anak ko kausap ko pero dahil bata pa, hindi siya makausap ng matagal. Pero gayunpaman, masaya ako na nakakausap ko sila. Kahit sa konting oras nawawala ang lungkot ko. Lalo na kapag sinasabi ng tatay ko sa akin na bilib daw siya sa akin dahil matapang daw ako, malakas ang loob. Dahil na kaya kong lumayo sa anak ko. Kaya proud sa akin ang tatay ko. Kaya lalo ko pang pinagbubuti ang aking trabaho.

Makalipas ang dalawang taon, tapos na ang kontrata ko. Pinili ko na munang umuwi ulit para naman makasama at makilala ang baby na iniwan ko. Sa pagkakatong ito ang baby na iniwan ko ay tatlong taon na.  Nakakaiyak at na miss ko silang lahat. Lalo na ang aking anak. Naging full time nanay muna ako sa loob ng isang taon ko sa Pilipinas. At nag desisyon din ako na mag-apply ng trabaho para may katuwang ang aking kasintahan sa mga gastusin. Naiiwan ang anak ko sa biyenan ko habang wala kami. Walang kasing saya na kasama ang pamilya. Nag simula ng mag-aral ang anak ng kinder at prep. Na enjoy ko ang pagiging ina at asawa sa kanilang mag tatay. At pagiging anak sa aking mga magulang, ngunit ang pagsubok ay palaging nandiyan, at talaga naman kami ay sinusubukan. Nakapag trabaho sa isang fast food pero hindi parin sapat ang aming kita na mag-asawa. At nagkataon din naman na kinontak ulit ako ng aking unang amo noon sa Singapore, kung gusto ko pa rin daw bumalik. Ang sagot ko ay oo. Pinadalhan ako ng amo ko ng pera na pang gastos sa paglakad ng mga papeles. Laking pasasalamat ko talaga at hindi nila ako nakalimutan. At nagustuhan nila ang aking pagtatrabaho sa kanila. Sa pagkakataong ito, ang aking anak ay limang taon na. Aalis na ako ulit. Iiwan ko na naman sila. Masakit, malungkot, mahirap pero kailangan para sa pamilya.

Lumipas ang ilang taon ko sa kanila hindi na naging maganda ang lagay ng matanda, labas pasok na ng ospital minsan sa bahay na lang. Noong mga panahong iyon ang aking tatay din ay naospital. Hanggang sa taong 2015, ika-10 ng Pebrero namatay ang aking tatay sa sakit na heart attack. Para akong nabagskan ng langit at lupa.

Kinailangan kong umuwi para Makita ko ang aking tatay sa huling sandali. Mahirap mawalan ng magulang. Para kaming napilayan nawalan kami ng haligi ng tahanan, pero gayunpaman kailangan naming maging matatag para sa aming naiwang magulang. Ang aming ilaw ng tahanan, ang aming Ina


Makalipas ang apat na buwan, binawian naman ng buhay ang aking alagang matanda ang aking Sir habang nasa hospital. Grabeng pagsubok ang ibingay sa amin ng panginoon, pero alam kong may dahilan ang lahat ng ito. Sa bawat araw na nagdaan lagi parin akong nagpapasalamat sa panginoon sa mga biyaya na ibinibigay niya. Nawalan man ako ng dalawang tatay sa loob ng isang taon. Alam kong hindi naman pinababayaan ng panginoon ang dalawang ilaw ng tahanan na naiwan at pati na kaming mga anak. Sa pagkakatong ito, kinausap ako ng amo ko na wala daw problema sa kanya kung mag stay pa ako sa kanila para mag trabaho.  Nag stay pa ako hanggang matapos ko ang kontrata. Umabot din ako ng halos na anim na taon sa kanila. Dahil wala ng rason pa para mag stay pa ako dahil dalawa kaming helper. Kaya na nang isa lang ang trabahao sa bahay. Wala ng masyadong gagawin. Nagpasya ako na lumipat na ng amo. Pumayag naman ang unang amo ko at suportado naman niya ako.

Malaki ang naitulong ng Helpers choice sa akin sa paghahanap ng amo.  Nag-gawa lamang ako ng profile sa website nila at ito ay libre. Hindi ako masyado nahirapan sa paghanap ng amo. Makaraan lamang ang ilang araw ay may nag- contact na sa akin na employer mula sa England. Ang pangalan ay Mrs. Beth Dunnett nagkaroon kami ng madalas na komunikasyon doon hanggang sa nag-desisyon si Mrs. Beth na hingin na ang aking numero para mag video-call sa whatsapp. At doon na nagsimula ang aming usapan at pagkatapos ang una niyang interview sa akin. Sa unang interview maganda ang aming pag uusap dahil Nakita ko rin ang noo’y tatlong taong gulang na bunso niyang anak na si Sophie. Sinabi niya sa akin na kabilang ako sa lima na pinagpipilian nilang mag-asawa.

Sabado ng tanghali nang ako ay pumunta sa bahay ni Sir Ben, ipinakita niya sa akin ang buong bahay at ang aking magiging kuwarto at pagkatapos ay ininterview ako. Maayos naman aming naging usapan. Napakagaan talaga ng pakiramdam ko sa kanila. Kaya pagkauwi ng bahay, ako ay patuloy na nagdasal na sana ako ay mapili. Tumawag ulit si Mrs. Beth upang ipakilala ang panganay niyang anak at sabihin na tatawag ulit sila para sabihin kung sino sa aming tatlo ang mapalad na napili nila. Pakalipas ng ilang araw, tumawag na si Mrs. Beth, ako ay kinakabahan at nabulong na sana ako anag napili nila. Hindi nga ako nagkamali, dahil ako nga ang mapalad na napili nila na magsilbi sa kanilang pamilya. Napakasaya nang mga araw na yan.      

Pakalipas ng ilang buwan na pagproseso ng mga papeles at dokumento ko. Direct hire ang tawag sa akin, kaya si Mrs. Beth ang nag-asikaso lahat. Kailngan ma-ayos at kumpleto ang aking mga dokumento bago lumipat. Buwan ng Agosto 13, 2017 nang ako ay lumipat sa kanila. Wala akong ibang masabi kundi sobrang bait nila sa akin pati ang mga bata. Ipinaliwanag niya sa akin ang responsibilidad at mga gawain sa bahay, kung ano ang kanilang mga daily routine, sabado at linggo ang binigay niyang day off at public holiday. Sa totoo lang hindi ko na nga naisip kung magkano ang sashurin ko basta ang importante makapag trabaho ako sa kanila ng maayos. At sobrang swerte ko talaga at sila ang naging amo ko. Makalipas ang isang buwan, buwan ng setyembre nag paalam ako kay Mrs. Beth na ako ay mag-aaral ng HRM sa Aims Learning International. Pumayag naman sila at sinabi pang willing silang mag-bayad ng tuition ko, kahit sinabi ko na kaya ko naman bayaran. Nagpasalamat talaga ako ng lubos sa kanila at sinusuportahan nila ako sa aking pag-aaral.

Sa loob ng ilang buwan kong pag-tira sa kanila, bigla na lang lumabas ang mga sakit-sakit ko sa katawan, katulad ng carpal tunnel syndrome. Ibig sabihin ay nangyayari kapag ang sintomas ay nagaganap dahil sa pagpiga ng gitnang ugat sa pamamagitan ng pulso at daanan ng pulso o carpal tunnel. Ang pangunanhing sintomas ay sakit, pagkamanhid at pangingilig sa hinlalaki, hintuturo, hinlalato at ang hinlalatong bahagi ng palasingsinga na mga daliri. Nag-sisimula kadalasan ang sintomas ng unti-unti tuwing gabi. Maaaring lumawak ang sakit hanggang braso. Halos isang linggo akong nagigising sa madaling araw dahil sa pamamanhid ng kamay, noong una ay hindi ko pinansin dahil akala ko sa pwesto lamang ng kanang kamay ko yun. Sumunod na araw ganun na naman. Nagigising na lang ako sa madaling araw na namamanhid na aking kamay. ang ginagawa ko, shinashake ko lang ang kamay ko nawawala rin naman. Sa mga sumunod na araw, nakakaramdam na ako ng pananakit sa kamay sa may parteng hinalalaki, pamamanhid sa ibang daliri maliban sa hinliliit. Hindi na ako mapakali, nag tingin ako sa google ng self examination para malaman kung may carpal tunnel syndrome. Positibo ang lahat. Kailngan ko raw mag suot ng wrist splint pra pang suporta. Suot ko yun minsan sa araw at madalas sa gabi para hindi ako magising na namamanhid na naman ang kamay.


Awa naman ng diyos at mula nung mag suot ako ng splint sa gabi hindi na ako nagigising ng alanganing oras at hindi na nkakaramdam ng pamamanhid ang aking kamay. Pero sinamahan ako ng aking amo sa doctor para makasigurado kung may carpal tunnel nga ako. Na kompirma nga namin sa doctor na may mild carpal tunnel ako.

Sumunod naman ang pagsakit ng aking balikat, hanggang sa hindi ko na matiis, at ang sakit ay nakakaiyak na. Kasi kapag masakit hindi ko maiangat ang kanang kamay ko, kahit paghubad ng damit mahirap, magsuot ng bra masakit, kapag mag plantsa masakit. Nakakalungkot lang kasi hindi ako makapag trabaho ng maayos. Nahihiya man akong sabihin sa aking amo, pero sinabi ko na, pinagpahinga niya muna ako. Hiyang-hiya ako sa amo ko, kawawala pa lang ng mild carpal tunnel ko eto at meron na naman bago. Sa mga panahon na ito, ang dami ng pumapasok sa isip ko, stress na ko. Dahil sa hindi ako makapag trabaho ng maayos, sabayan pa ng hiya dahil ilang araw pa lang ako sa bago kong amo kung ano-ano na ang lumalabas na sakit sa akin. Humingi ako ng paumanhin sa aking amo at sabi ko pa na huwag niya akong pauwiin dahil kailangan ko pang mag trabaho. Sabi naman ng aking amo hindi naman daw niya ako pauuwiin, huwag daw akong mag-alala. Dumadating daw talaga sa buhay ng isang ang tao ang mga ganitong pangyayari o sitwasyon. Kaya naiintindihan niya daw ako. Ang importante daw ay gumaling ako. Nagpasalamat ako sa kanya at sa kanyang asawa. Hanggang sa may nakapag sabi sa akin, isa sa mga kaklase ko sa HRM, na mag patingin ako sa Osteopath ito daw ay libre sa mga helpers na kagaya namin. Sinabi ko ito sa aking amo, at agad naman niya akong tinulungan para makapag book ng appointment.

Unang punta ko sa osteopath, ang ikinunsulta ko ay aking balikat, maraming mga katanungan gaya ng ibang history na sakit, kaya binanggit ko ung mild carpal tunnel. Ang sabi niya ako raw ay posibleng may muscle tear o punit na muscle sa balikat at yung rotator cuff ko daw ay nagkikiskisan kung baga parang kulang sa langis, pinayuhan niya ako na kumain ng maayos at masustansiyang pagkain. Makalipas ang ilang session naging maayos ang aking balikat. Tinuruan niya rin ako ng mga Teknik kung paano ang tamang pag plantsa, pag mop ng sahig. Ang amo ko naman sinabihan ako na mag swimming. Magandang ehersisyo daw yun sa balikat. Ginawa ko naman baka sakaling makatulong. Pakatapos ng unang beses ko na mag swimming okay naman, nawala naman ng konti ang sakit. Pero patuloy pa rin ako sa pagpunta kay Mr. Jose isang beses sa isang linggo. Ang payo ni Mr. Jose ay huwag mag bubuhat ng mabigat.  Wag puwersahin ang kamay.

Isang beses pagkagaling ko sa palengke kasi bumili ako ng ilaw para sa living room kasi papalitan ko at pundido na at may dadating rin kasi na bisita. Masaya ako kasi nung mga araw na yun wala akong sakit na nararamdaman. Dahil palagi na akong nag-iingat sa mga gawin sa bahay. Pakiramdam ko ay isangdaan porsyento na akong magaling.  Masaya pa ako habang binubuhat ko yung hagdan na tuntungan para maabot ang kisame at para palitan ang ilaw sa dining room. Pagkatapos ko mapalitan ang ilaw at maisauli yung hagdanan sa stor room, pagkalipas pa ng mga labing limang minuto. Doon na ako nakaramdam ng pananakit sa tagiliran ng kamay ko. Sa may bandang baba ng hinliliit. Hindi ko lang pinansin ulit, habang kami ay abala sa pagluluto. Lumipas pa ang ilang mga oras, doon ko na nararamdaman na tumitindi na ang sakit. Nahihirapan na ako maghugas ng mga pinaggamitan sa pagluluto, at lalong nahirapan na ako magbuhat kahit plato lang, baso, at kahit na anong bagay.

Pero tiniis ko pa rin ang sakit, hindi ko pa rin sinabi sa amo ko kasi nga may mga bisita pa. Pinipigil ko lang umiyak sa sobrang sakit, sa isip-isip ko konti na lang matatapos na, pakatapos ko maghugas ng baking tray, sainabihan ako ng amo ko na pwede na daw akong magpahinga. Nag pasalamat ako sa kaniya at hindi nag atubili na pumasok sa kwarto at doon umiyak. Talagang sobra sobrang sakit na niya. Mga 100% na ang sakit at kirot at hindi ko na siya maigalaw. Literal na hindi ko na magamit ang aking kanang kamay. kaht sa pag sepilyo ng ipin, hindi ako makapag lagay ng tooth paste sa tooth brush. Mahirap kumilos kapag isang kamay lang ang gamit. Pakiramdam ko ako ay disabled. Iyak ako ng iyak ng gabi na iyon. Sinadya ko na hindi uminom ng pain killer dahil gusto kong pumunta kay Mr. jose kinabukasan. Nagkataon rin naman na kagagaling ko lamang doon bago mangyari yung sa wrist ko. Kinagabihan, hindi ako makatulog ng maayos. Sobrang iniinda ko talaga ang sakit. Ipinatong ko sa unan, hinahanapan ko ng maayos na pwesto kung saan magiging komportable ang kanang kamay ko kahit sobrang sakit. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko, paano na ako nito, pano na ako makapag trabaho, hindi pwedeng umuwi ako. Kailngan kong magpagaling. Madaling araw na gising pa rin ako, ang ginawa ko. Sinuot ko yung wrist splint ko baka sakaling may maitulong. Hinigpitan ko lang kaunti. Medyo nabawasan anag sakit. Sa isip-isip ko hindi naman ito carpal. Ano kaya ito?

Kinaumagahan ng biyernes, nag send ako ng text kay Ms. Hana, receptionist sa Osteopath clinic na pinupuntahan ko. Nag text ako na baka kung pwede na pumunta ako emergency. Hindi ko kako maigalaw ang kamay ko at sobrang sakit. Pumayag naman siya. Noong umaga rin na iyon, pinilit ko na kumilos kahit masakit ang kamay, naipaghanda ko pa ang amo ko at mga bata ng almusal, pero hindi ko na naitago sa amo ko, kasi may pinapakuha ang bata sa akin sa loob ng ref, buwan ng disyembre noon, at meron silang chocolate na calendar at kinakain nila ito tuwing umaga. Hindi ito maabot ng kanang kamay ko kaya kaliwang kamay ko ang ginamit ko. Napansin ng amo ko, kung okay lang daw ako, umiyak na ako. Sinabi ko na sa kanya na mula pa ito kagabi, nag sorry siya, sabi niya bakit hindi ko daw sinabi sa kanya nung gabi. Sabi ko kasi may mga bisita, ayoko naman masira ang gabi niyo sabi ko. Sabi niya mag pahinga na lang daw muna ako at siya na ang bahala. Sabi ko rin sa kanya na pupunta ako kay Mr. jose noong araw na ring yun.

Pagdating sa clinic, tinanong ako ni Mr. Jose kung anong nangyari. Ikuwento ko ang buong pangyayari. Sabi ko sa kanya sorry kasi nakalimutan ko na bawal ako magbuhat ng mabigat, akala niya sa balikat, nung sinabi ko na sa kamay, nagulat din siya, bago na naman. Kasi nung mga panahon na iyon ay okay na ang balikat ko. Karaniwang procedure sa clinic ay pinapahiga ang pasyente, pagkakuha niya sa kamay ko, konting diin napapa aray ako sa sakit, sabi niya light pa lang daw yung ginagawa niya dahil hindi rin naman daw niya pwedeng pisilin ng madiin kasi masakit. Tinanong niya ako mula sa 1-10, 10 ang pinakamatinding sakit. Sabi ko number 10, hindi niya daw masabi kung gaano kasama ang injury, possibleng soft tissue problem. May pinagawa siya sa akin na exercise para mg circulate ang dugo at para maigalaw ko na ulit ang aking kamay. Sabi niya sa akin na kumalma daw ako, kasi nagkakaroon na daw ng panic attack everytime na may masakit sa akin. Sabi pa niya kapag masakit hindi daw ibig sabihin na hindi ko na pwedeng hindi igalaw ang kamay ko, igagalaw ko parin pero dahan-dahan. At kailangan yun para dumaloy ang dugo ng maayos. Binalutan niya ng bandage ang kamay ko at pinaalalahanan na wag ituring na may major injury ako o kaya nabalian ng buto.

Mula noon nsgsusuot ako ng bandage habang nagtatrabaho. At sinabi ko rin sa sarili ko na mag pa kakatag. Malalagpasan ko rin ang mga pagsubok na ito. Pinag bakasyon ako ng amo ko sa Pilipinas, doon ako nag pasko at bagong taon at pagkakataon ko na rin yun para makapag pahinga ng maayos. Laking pasalamat ko sa asawa ko, at tinulungan niya ako. Hindi niya ako pinakilos sa bahay. Isang beses, sinubukan kong magwalis gamit ang walis tambo at ayun nga sumakit pa rin ang kamay ko. Kaya sabi ko hindi pa lubusan na magaling. Natapos ang aking bakasyon, nakabalik ako sa Singapore, may konting kirot at sakit ang kamay ko. Buwan ng Jnuary bumalik ako kay Mr. Jose, sinabi niya na maga pa rin daw ang aking wrist. Pinaalalahanan niya ako sa mga bagay bagay. At mahigpit ko naming sinusunod ang mga binibilin niya sa akin dahil gusto ko na rin namang gumaling. Napakabait at napakamaunawain din ni Mr. Jose kaya nakatulong yun ng Malaki sa aking pag galing. Pakalipas ng isang buwan tuluyan na akong gumaling. Masayang masaya si Mr. Jose sa akin at nagpasalamat ako sa kanya ng maraming beses.

Napaka-blessed ko talaga sa bago kong amo. Sobrang grateful at thankful ako sa kanila dahil hindi nila ako pinababayaan. Naka ilang session rin ako sa osteopath, halos inabot din limang buwan isang beses sa isang linggo. Hanggang sa last session ko, maga pa daw ng konti yung wrist ko pero hindi naman na nasakit, okay lang daw yun. Bumalik na lang daw ako ulit sa kanila kung sakaling saasakit ulit. Masaya akong ibinalita sa amo ko ang magandang balita. At sobrang nagpasalamat talaga ako sa kanila sa lahat lahat ng tulong, pasensiya, pang-unawa at pagmamahal sa akin. Sa sobrang tuwa niya binigyan niya ako ng laptop. Awa naman ng diyos hanggang ngayon hindi na ulit nasakit ang aking kamay. At pinagbubuti ko pa lalo ang aking pagtatrabaho dahil sa sobra sobra na tulong na binigay nila sa akin. Maging sa aking pag-aaral ay nakasuporta sila sa akin. Kaya naman pinagbubuti ko ang aking pag aaral. Kaya naman ako ay kabilang sa top 5. Kumuha ako ng kursong Hotel Restaurant Management o HRM sa Aims Learning International School kung saan ito ay aabot ng siyam na buwan, tatlong buwan sa HRM, talong buwan sa Culinary, tatlong buwan sa On the Job training o OJT sa isang kilala na restaurant at hotel. At sa nalalapit nga na ika-29 ng Abril magaganap ang aming graduation. Kung saan inimbitahan ko na umattend ang aking employer na si Mrs. Beth. Bilang isang pasasalamat na rin sa kanilang mag-asawa sa pag papa-aral sa akin.


Maging ang aking ina ay masaya rin para sa akin dahil hindi ko man natapos ang aking pag-aaral sa kolehiyo, nagawa ko naman makatapos ng pag-aaral sa Singapore. Hindi naman prestihiyosong eskwelahan, pero natupad ko naman ang aking pangarap na makatapos at makapag suot ng toga. Maraming pagsubok ang dumating sa buhayko habang ako ay nag-aaral. Pero hindi ito naging hadlang sa aking pag tatapos. Marami rin akong magandang karanasan habang nag-aaral. Bukod sa mga natututunan ko sa school. Ako rin ay nagkaroon ng maraming kaibigan. Sa loob kasi ng anim na taon ko na pag tatrabaho sa unang amo ko, wala akong naging ibang kaibigan o kakilala kung hindi yung kasama kong helper sa bahay. Sa paglipat ko ng bagong amo, nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-aral at magkaroon ng bagong mga kaibigan. Nalaman ko na napaka importante rin pala ang pakikipag socialize sa kapawa ko helper, kasi doon mo malalaman ang bawat istorya ng naging buhay nila dito sa Singapore. Iba’t-ibang istorya, may masaya, malungkot. Pero sa bandang huli ang nanagingibabaw ay pagiging matatag, malakas ang loob at ang patuloy na pagdadasal sa panginoon at pagpapasalamat sa mga biyaya, pagsubok, problema sa buhay na binibigay niya.

Dahil sa nagawa kong makapag aral. Alam ko na dahan-dahan nang natutupad ang aking mga pangarap. Alam kong magandang oportunidad ang makapag-aral dito sa Singapore. At isan yun sa unang hakbang para makamit ang aking munting pangarap. Hindi naman natatapos sa pagiging domestic helper ang aking trabaho, pangarap ko rin na makapag-trabaho sa isang restaurant at hotel o maging sa ibang bansa. Alam ko rin na hindi rin habang buhay andito ang bagong pamilya na pinagsisilbihan ko. Dadating ang panahon na babalik sila sa kanilang bansa.

At sa pagkakataon na iyon gagamitin ko ang aking pinag aralan at on the job training para makapag trabaho dito sa Singapore o kaya sa ibang bansa pero hindi bilang domestic helper.

Hindi masamang mangarap at mag ambisyon. Basta meron ka lang dedikasyon, pagiging masipag, matiyaga, pananampalataya, pakikitungo sa kapwa, kabutihang-loob lalo sa kapwa, respeto sa bawat tao. Hindi malayong makamit mo ang iyong mga pangarap.  Ang mga Pilipino na nakatira sa ibang bansa ay hinahangaan ng mga banyaga dahil sa pagtataglay ng maraming kaugalian na nakakatulong sa kanila upang mapagtagumpayan ang mag pagsubok sa buhay, para lumutang ang pambihirang katangian kagaya ng pagbayanihan, pagtutulungan, pagtanaw ng utang na loob, pagtitiwala sa sariling kakayahan, mahusay na ugali sa trabaho, pagiging marespeto, pagiging relihiyoso, sipag at tiyaga, madaling makibagay sa pagkakataon at pagiging malikhain.

Ang mga Pilipino ay kilala sa labis na may pagpapahalaga sa pamilya; makikita ito sa pagbibigay ng respeto sa mga magulang at sa matatanda, sa pangangalaga sa mga bata at sa pagyakap sa malaking sakripisyo para sa kapakanan ng pamilya. Sa pamilya kami humuhugot ng lakas at sila ang aming ginagawang inspirasyon sapag tatrabaho. Itinuturing namin na pamilya ang pamilya na aminig pinagsisilbihan. Sana po nagustuhan niyo ang istorya na ito na base sa tunay na buhay at pangyayari po dito sa Singapore.

Maraming Salamat po. Mabuhay.


📝 Komento mula sa tagasuri|Conchitina Cruz

This is an inspiring story of a domestic helper in Singapore. Told in a straightforward manner, the narrative details what it is like to cope with challenges like sickness, which can be doubly hard to face when one is alone in another country. It is also a story of triumph because the domestic helper pursues her dream of getting an education in Singapore and she succeeds in this endeavor.

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *