Kahirapan:Sakripisyo ng Magulang

 2018 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 Kahirapan:Sakripisyo ng Magulang

👤 Jeanylyn Estopia

 

Mga mahal kung tagapakinig at mambabasa, magandang araw sa inyong lahat lalo na sa lahat ng pamilyang Pilipino. Ano po ba ang sanhi ng kahirapan na ating natatamasa ngayon? Bakit kailangan mag hirap sila inay at itay kung ang ating misyon sa mundo ay ang tumira lang ng matiwasay. Bakit ky hirap makamtan ang kaligayan?

I-ilan lang yan sa mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan at hindi ko lubos maintidahan ang lahat ng mga ito hanggang sa ito ay aking naranasan .Kaya nais ko po sana ay pakinggan niyo ang talumpating ito at nawa’y maliwanagan ang marami sa inyo at makapagtanto kung bakit nga ba tayo ganito nag sasakrapisyo.

Ako ay nabubuhay sa isang payak na pamumuhay. Ang aking ina at ama isang ordinaryong magsasaka at ang nasa hapag kainan ay kanin at isda, ngunit kahit na ganyan ay ang saya saya ng pamilya walang lungkot sa mga mata. Bawat umaga ay isang pag asa at bawat gabi sa piling nila ama at ina ay isang gintong lumiliwanag sa dilim habang kami ay nagpapahinga na. Ang aking buhay ay parang nakalutang sa ulap sa sobrang sarap ng aking pakiramdam habang nasa piling ko aking mga magulang. Ngunit sa buhay ay may unos na darating tila bawat patak ng minuto,oras,araw,buwan at taon ang buhay ay unti unting ng pumapait .

Pagbabago sa lipunan ay sadyang napaka alimoot parang isang ulap na kinulayan ng itim imbis na puti nang isang batang mosmos. Si inay at itay para isang ibon na naputulan ng pakpak at hirap na maka angat sa buhay, ang mga matang noo’y kumikislap ay napalitan ng luhang pumapatak. Kay hirap! Oh sadyang kay hirap. Hindi ako sanay sa ganitong pangyayari pero laging sinasabi ng mga magulang ko na “tiis tiis lang anak balang araw giginhawa din tayo” ,yan ang laging tumatatak sa aking isipan kaya nilalakasan ko ang aking kalooban dahil alam ko buo kaming pamilya.

Nang dahil sa kahirapan sa lipunan napilitang umalis ang ilaw ng tahanan upang matustusan ang pamilyang kumakalam ang tiyan. Bakit ba kailangang umalis ni inay? Iyan ang tanong na pabalik-balik sa aking isipan hanggang sa namulat ako sa katotohanan na kailangan niyang mag sakripisyo upang matustusan ang aming pangangailangan sa buhay gaya ng pag-aaral at sa pang araw-araw na buhay. Masakit isipin ang lahat ng ito at hindi ko kayang makita si inay na nag iimpaki ng damit at maiiwan kaming luhaan, ngunit kailangan, dahil sa kahirapan iyan ang laging tugon ni nanay.

Ang aming tahanan na dati ay may liwanag ngayon ay unti-unti ng nawawala at si itay ang nagsakripisyo rin na maging ilaw sa bahay habang wala si inay. Hirap tanggapin bilang isang anak paano pa kaya sa mga batang wala pang muwang,di ko lubos maisip nakakababag ng damdamin.

Gusto kung ilista sa tubig ang mga bagay na ito at isiping walang nagbago pero ang katotohanan ay di pweding takasan. Ako ay anak dalita kaya siguro ganito kahirap at wala ng tutumbas sa lahat ng ito.

O kay raming mga ilaw sa tahanan ang pumunta sa ibang bansa ubang mag trabaho para sa pamilya nila. Si ina na sana ay nag aalaga ng kanyang sariling anak ay sadyang nag aalaga ng anak ng banyaga ,pinapakain,pinapaliguan at higit sa lahat pinapahiran ang luha kung ito ay nasasaktan. Tila’y isang dilubyo kung iisipin bakit may ganito? Bakit kailangang maranasan ng mga batang Pilipino ang ganitong buhay. Saklap sa damdamin parang isang pakong matulis na pilit pinupokpok sa iyong puso.

Kay daming mga masasayang okasyon na sana ay nandiyan sila inay at itay tulad ng pasko,kaawaran at higit sa lahat ang paglalakad sa entablado at kukuha ng diploma kung saan kasama kayong pamilya sa isang litratong puno ng ligaya ngunit laging may kulang,si inay o di kaya si itay. Bakit kailangang may kulang hindi pa pweding ma kompleto kami sa bawat masasayang okasyon sa buhay?

Sa aming paaralan di ko lubos ma isip na tuwing umaga makikita ko ang mga kaklase ko na hinahatid ng kani-kanilang magulang ngunit ako ay hinahatid ng sarili ko lang.

Asan ba si itay? Asan ba si inay? Kung nandito lang sana sila di sana may humahawak sa aking kamay pagkatawid sa daanan at may nagdadala sa aking mabigat na gamit pang skwela na halos ma baluktot na ang likod ko sa kakapasan ng libro na mabigat ngunit tila mas mabigat pa ang naramdaman sa aking puso.

Si itay na kailangan kumayod para pang dagdag sa kita dahil ang sahod ni inay kulang na kulang pa. Ang isang daang kita na pagkakasyahin sa boung araw.Mga bilihin na sobrang mahal na halos sa kita ni itay sa isang araw ay isang kilong bigas lang ang pweding pasukan. Utang dito utang doon kaya naman ang aking napakamahal na ina ay hindi maka uwi ng basta basta dahil sa mga utang na tila ba ay isang halaman ng ampalaya na mapait at walang sawang kumakalat at kumakapit. Kay pait,oh kay pait.

Silang mga naka upo sa gobiyerno ay kumakain ng mansanas at ubas na sobrang tamis mas matamis pa sa asukal at kami ay kumakain ng kanin at asin ,sobrang saklap. At ito ang tunay na dahilan kung bakit maraming mga ina at ama dito sa perlas ng silangan ang pumupunta sa banyagang bansa at magtrabaho dahil sa isang malawak na karagatan ng korapsyon na walang tigil.

Korapsyon ang salot sa lipunan. Gumagawa ang mga naas itaas ng mga proyekto na sana para sa mga dukha ngunit ang kinalabasan isang proyektong para sa bulsa lang. Naasan na ang hustisya? Hustisyang para lang sa mayayaman at kulungan na para sa mahihirap lang ang mayroon tayo. Sila ang isang dahilan sa pag hihirap ng mga mamayang Pilipino. Imbis na pondo para sa mga mahihirap ay nagiging pondo ng mga korap. Sila’y mga buwaya sa lipunan na dapat pukasain subalit tayo’y isang mahirap at walang boses sa lipunan dahil ang katotohanan sila ay may armas at tayo ay walang lakas. Bahay nila ay bato bahay natin ay kubo,pera nila ay libo at sa atin ay peso. Bakod sa kanilang bahay ay singtaas ng tore at napakatayog na parang natatakot makita ng boung bayan ang nakatagong katotohanan na sila ay kawatan at mapagsamantala.

Kaya nag sakripisyo si inay.

Si inay na walang tigil ang pagluha dahil sa puyat at pang mamaltrato ng amo ngunit tinitiis ang bawat hapdi at sakit para sa magandang buhay na ninanais. Ang puso ko’y unti-unting nadudurog kapag narinig ko ang hagolhol ni inay sa sobrang lungkot at pangungulila habang kausap kami ni itay. At sumagi sa isipan ko mga karanasan na sana nandito ka inay para malaman mo ang mga naramdaman kong ito dahil alam ko na isang haplos mo lang lahat ay napapawi mo. Nais ko sanang sabihin kay inay na “inay miss ko na mga luto at yakap mo” ngunit tila ba may pumipigil sa aking mga mata iyon pala ay luha, luha ng kalungkotan na hindi ko nais maipakita ky inay dahil ako ay takot na baka kung sakali makita niya na nahihirapan at umiiyak ako sa lungkot baka madoble ang sakit ng nararamdaman ni inay at ni walang sinuman ang magpapagaan ng loob niya doon sa malayo kaya mainam ng wag sabihin. Kay ama ko nalang sinasabi ang lahat at sya nalang ang magpapawi nito para kay ina. Ako ay nangungulila sa ngiti ni inay kapag nakakakuha ako ng malaking marka sa eskuwela. Miss ko na ang yakap at halik nya bago matulog. Dahil sa bawat araw ng ginawa ng panginoon ay isang malaking puwang sa amin ang aking ina. Kay sarap isipin kung nandito lang si inay, araw araw ko sanang matitikman ang masarap niyang gulay na kahit ampalaya ay matamis pa din ang lasa dahil sa presenya ni ina.

Mahal ko ng lubos ang aking magulang.Ang gusto lang naman na bawat pamilyang Pilipino ay magkaroon ng magandang buhay at matiwasay na lipunan sapagkat ang buhay ay mapaglaro kailangang mag sakripiso muna bago ka aasinso. Ngunit labis na labis na ang sakripisyo ng maraming ina at ama sa mundo, nagpakalayo at nagtrabaho, kuskus dito walis doon, punas dito hugas doon hindi pa kasali ang pagmumurang naririnig nila sa mga amo nila. Ang dating magandang katawan niya ay nagbago ng sobra marahil sa bigat ng trabaho na pinapasan niya araw-araw. Kulang sa tulog at walang saktong pagkain. Alam ko nahihirapan na sya ngunit hindi lang niya sinasabi dahil ayaw niya na mag alala kami. Kung pwede lang sana naming tulungan sya kasama ang itay para gumaan ang paghihirap niya ay matagal na naming ginawa ngunit sa reyalidad ay hindi pwede. Sana lahat ng bagay sa mundo ay madali lang para hindi na namin maranasan ang lahat ng ito.

Kung totoo lang sana sila superman at ang mga karakter sa mga pelikulang napapanood ko ay di sana’y humingi na ako ng tulong para puntahan si inay. Lahat ng ito ay imahinasyon lang ng isang batang nag hahangad ng boung pamilya iba pa rin kasi ang buhay pag kumpleto dahil kahit na mahirap basta sama sama parang nasa langit pa rin ang pakiramdam na puno ng pag asa.

Pero ang tanong bakit hanggang ngayon tila walang asinso at halos dumaraming pamilya ang nagkakahiwalay, ito ba ay sinyales na dumarami din ang mga salot sa lipunan na kung tawagin ay mga buwaya ng pamahalaan?. Habang tumatagal pahirap ng pahirap ang buhay gayun pa man kailangan pa rin magsakripisyo ni inay at ang tanging mai-ambag ko ay mag aral ng sa ganon ay mapauwi ko si inay para mabuo na ang pamilyang matagal kong inaasam.

Maraming ina rin ang nag sasakripisyo dito sa ating lupang sinilangan. May naglalako ng ibat ibang uri ng pagkain,tinitiis ang init ng araw na tila ang bawat hapdi na nararamdaman sa katawan ay isang lamang pahiwatig na nagsasabing “sige pa kaya mo yan” kahit na walang kasiguraduhan na kung may bibili ba sa paninda o wala. Isang mag hapong paglalako sa kalsada na habang na lalakad ay nag iisip kung ano na naman ang gagawin upang kumita ng pera pang tustus sa mga gastusin sa pamilya. Ang iba ay nag lalabada upang kumita kahit maliit ang kita pwede na basta makabili lang ng pagkain para sa pamilya. Marami ang isang kahig isang tuka dito sa atin. Kaya ang iba ay kumakapit na sa patalim na kahit alam nilang labag sa loob at batas kailangang gawin sapagkat nasa isip nila na kailangan at dahil wala ng paraan sa isip nila na kahit meron pa ngunit ito ay natatakpan ng hangin na ayaw magpakita kaya gagawin nalang ang sa tingi’y madali . Mas marami ang mahirap na nakukulong kaysa mayayaman. Isang pagkakamali lang mga maralita ay pasok agad sa kulongan sapagkat walang mag tatanggol sa iyo at kahit na anong sabihin mo ito ay isa lamang itong hangin dahil silang mga dapat magtanggol ky nagtaingang kawali dahil wala ka kahit singko sintimos na maibigay sa kanila hindi tulad ng mga mayayaman na kahit kasing laki at taas ng mga pader nila ang mga kasalanan ay natatakasan pa rin ang rehas ni kamatayan, sa katotohanang sila ay maimpluwensya at may kapit sa taas na pweding ipagwalang bahala ang lahat, oh kay saklap ng lahat.

Pang aapi sa puso at damdamin ang tunay na saloobin. Gusto mong sumigaw ngunit walang isang salitang lumalabas sa iyong bibig. Gusto mong kumilos para sa pagbabago ngunit tila ay may malaking bagay na nakaharang sa harapan mo at ayaw kang pakilosin dahil takot sila na malaman mo ang tunay na dahilan at takot silang matulad sa atin na maghirap at magsakrapisyo.

Bakit nga ba ganito? Dahil ito sa hindi pantay-pantay ang uri sa lipunan. May nasa taas,gitna at sa ibaba at dyan halos lahat tayo nabibilang sa ibaba at iba sa atin ay nasa sobrang ibaba na.

Ang reyalidad sa mundong ating ginagawalan ay ang mahirap ay laging mahirap kahit gaano kapa mag sakripisyo dahil may mga taong nasa itaas ang pilit kang pinapababa kahit nasa ibaba ka na. Sa tingin nila wala tayong karapatan na mamuhay ng tulad

sa tinatamasa nila.Wala kang opportunidad na umasenso dahil sa laganap na ang pangingikil sa kaban ng bayan na walang humpay at walang katapusan.

Si itay na nagpapakahirap din na ang dating matipunong katawan ay ngayo’y mahina na dahil sa paghihirap at sakripisyo na ginagawa niya para pamilya. Nabanas ako sa tuwing eleksyon, na ang tingin nila sa ating mga dukha ay isang tutang sumusunod kapag may pain na buto o pagkain. Sa tingin nila tayo ay mukhang pera kaya napaisip ako paano kaya ang mundo kung lahat ng galaw mo ay nag babasi sa pera? Kawawa ang mga kawawa.

Mga pangakong napapako at isa siguro sa mga pangako na sinabi ng isang kandidato na nasa itaas ay ang ” wala ng mangingubang bansa at mapapakahirap dahil magbubukas tayo nga mga opportunidad sa lahat” at “puksain natin ang kahirapan labanan ang korapsyon” lahat ng ito ay isa lamang kwento at salita wala sa gawa. Kung ang lahat ng pangako ay tinutupad nila sana ang paghihirap at sakripisyo ng bawat pamilyang Pilipino ay magbunga at matigil na dahil hindi madali ang buhay kung hindi sama-sama ang buong pamilya. Mga buwaya sila na nagiging mabait at kunwari’y bukas ang palad para sa mga mahihirap na kahit marumi ang iyong kamay ay kanila pa rin itong hahawakan at sasabihing “wag mo akong kalimotan sa eleksyon” ngunit tuwing naloloklok na sila sa pwesto tila tayo ay kinakalimutan at ang dating mabait at bukas palad ay naging mailap na sa mahihirap. Gaano ba kahirap ang sundin lahat ng pangako sa lahat kahit simpleng programa ay kami’y sobrang saya na. Mapagkait at mapanglinlang sa buhay ang lahos lahat sa kanila.

Ang mga kabataang napagkaitan sa karapatang makapag aral dahil kahirapan at imbis na sa eskwelahan ang patutunguhan ay sa lansangan na ang pinupuntahan at imbis na matuto ng magandang asal ang kanilang natutunan ay ang asal sa lansangan. Natutong gamamit ng ipinagbabawal ng gamot dahil sa walang kaalaman at walang sinoman ang nagpapayo dahil ang mga magulang ay nagsasakripisyo upang mabuhay ang pamilya at ito ang mabigat na parusa ang mapariwara sa landas ang marami sa mga kabataan dahil maraming tukso sa lipunan. Tukso na kahit anong gawin mo ay sunod ng sunod sa iyo.

Ganyan ba ang nais nating lahat? Ang mag sakripisyo si ina at ama ng sobra? At maapektuhan ang mga anak? Samantalang ang iba ay nagpapakasarap sa yaman na ni minsan ay hindi sa kanila. Dugo at pawis sakripisyo ni ina at ama sa labas ng mahal kong bansang Pilipinas at hanggan saan ang lahat ng ito? Pagbabago sa lipunan ay simulan upang buhay ng pamilyang Pilipino ay gagaan. Palakasin natin ating mga sarili,bata man o matanda.

Magkapit bisig tayo at sama samang harapin at banggain ang mga nasa matatayog na pader. Huwag magpaka bulag at pipi sa katotohanan at sa mga pangakong na kahit pumuti na ang uwak ay hindi magkakatotoo. Ang dating boses na hindi naririnig ay bigyan ng diin upang kahit ang nasa malayong dapit ay makakarinig. Ang dating walang lakas bigyan ng lakas para humarap sa araw araw na buhay. Kahit nakatira sa kubong tagpi tagpi at ilang gasera lang ang meron huwag mawalan ng pag asa dahil bawat tagpi ng kubo ay isang pagsubok na kayang lampasan at bawat liwanag ng simpleng gasera ito ay isang pag asa sa buhay.

Huwag kalimutan ang pagkakaroon ng matinding kapit sa maykapal na syang nakakaalam kung ano ang kinabukasan. Manalangin na sana ang lahat ng taong mapanghusga at mapangsamantala ay magbago at maging modelo ng boung Pilipino at boung tao sa mundo.

Nais kung sabihin sa aking mga magulang na nagsasakripisyo para magkaroon kami ng magandang buhay maraming salamat. Sa bawat pawis mo at bawat lakas na ginugol mo sa pag tatrabaho kulang ang isang simpleng pasasalamat kaya ako ay nag susumikap ng maayos sa pag aaral para kahit papaano mapasaya ko kayo sa mga narating at mararating ko pa sa buhay at kahit na tumanda na kayo ni itay ako ay laging nandito sa inyo upang alagaan tulad ng pag aalaga niyo sa akin noong ako ay wala pang alam sa mundo. Alam ko na walang ni isang singko ang tutumbas sa sakrapisyo niyo sa amin. Salamat inay at itay.

Sa lahat ng mga magulang na nag sasakripisyo malayo sa pamilya at magtrabaho sa dayuhang bansa kami ay may malaking respito at pasasalamat na kung hindi dahil sa inyo tiyak ko ay maraming pamilyang Pilipino ang lubog sa kahirapan. Mas mainam na ang malayo at magsakrapisyo keysa buo ngunit kumakalam ang sikmura at magdildil ng asin at unti unting nawawalan ng pag asa na makapag tapos ng pag aaral dahil salat na salat at walang kita. Nais ko lang ipagbigay alam sa lahat na ang mga batang Pilipino ay may karapatang mamuhay kasama ang kanilang magulang at nawa’y balang araw lahat ng bata ay hindi na mangungulila sa pagmamahal ng isang ina o ama.

Sa mga anak na malayo sa kanilang ina o ama wag kang malumbay sapagkat ninais nila ang kumayod sa ibang bansa upang ikaw ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Wag mong isipin ang araw at taon dahil hindi mo lang mamamalayan na bukas ay magsasama na kayo ng iyong mahal sa buhay. Hindi nila kagustuhan ang malayo sila sa iyo dahil mahal ka nila ngunit dahil sa kahiharapan kailang nilang gawin na magsakripisyo. Dapat mong isipin na maging mabuting anak ka at sumunod sa kung ano ang makabubuti sa iyo lalo na ang pag aaral ay tiyak na malaking gantimpala ang maibibigay mo sa iyong ina at ama na nagpakahirap.

At sa mga buwayang nagpapalaki ng mga bulsa nawa’y matauhan kayo at makita ang mga paghihirap at sakripisyo ng bawat ina at ama para sa kani-kanilang pamilya upang makatilim ng ginhawa sa buhay. Ang pera sa bayan ay pera sa lahat.

Maayos na pamumuhay ay may

maayos na pamilya.

Sana’y sa lahat ng mga bumasa ay mabigyan nila ng halaga ang bawat sakripisyo nila ama at ina sapagkat bawat pera pinapadala o binibigay nila sa kanila pamilya ay dugo’t pawis ang naging puhunan ng lahat ng paghihirap nila. Maraming mga anak ang hindi makaintindi sa lahat ng pangyayaring ito kaya sila ay nag tanim ng galit laban sa kanilang magulang na nag trabaho sa ibang bansa at iniisip nila mas mahal ng magulang nila ang pera kaysa kanila subalit ang lahat ng bagay ay may kaakibat na sitwasyon kung may sakripisyo at tiyaga may nilaga sa pamilya. At sana magkaroon pa ng maraming trabaho na may malaking kita sa ating bayan upang hindi na muling aalis pa ang mga magulang nang sa ganitong paraan ay magkaroon ng masaya at buong pamilya ang bawat Pilipino.

Maayos na lider sa bayan ang kailangan hindi kawatan upang maipatupad ang mga proyektong pang masa at sama sama tayong umunlad ng walang naiiwan sa ibaba samahan natin ng panalangin sa maykapal na sana’y malapasan ng bawat pamilya ang unos na darating at ito ay nagsisilbi lamang na pagsubok upang tayo ay maging isang matatag na tao upang pagdating ng araw kaya na nating tumayo sa ating sariling paa at makagawa tayo ng desisyon sa buhay. Kahit minsan nagkakaroon ng hindi pagka intindihan ang anak at magulang dahil sa ibang bagay ay hindi parin maikukubli na ang mga dugung dumadaloy sa anak at magulang ay iisa kaya sa pagdating tamang panahon ay magkakaroon din ng maayos na relasyon ang pamilya.

Ang buhay ay parang isang gulong minsan nasa itaas at minsan naa ibaba. Kaya ang pag sasakripisyo ay isang napakahirap gawin sa mundo.

Hanggang dito nalang ang aking talumapati at salamat sa inyong pag bigay ng oras at importansya lubos ko po itong pinapasalamatan. Nawang magbigay daan ito sa lahat ng Pilipino na magkaisa para sa pagkakaroon ng magandang buhay. Maraming salamat.


📝 Komento mula sa tagasuri|Tony Cruz

From the personal to the political, from one to many. An OFW examines self and society. Tries to find links and connections. Attempts to ask the right questions for the writer and others.

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *