Mga Kuwento sa Likod ng kanilang mga Ngiti: Mga Hamon sa Buhay ng mga Overseas Filipino Workers

 2018 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 Mga Kuwento sa Likod ng kanilang mga Ngiti: Mga Hamon sa Buhay ng mga Overseas Filipino Workers

👤 汪馬雪麗

 

Alam mo ba ang buhay ng mga dayuhang manggagawa? May mga bagay na hindi sinasabi ng dayuhang manggagawa sayo. Ako kaya yon?

Alam nyo may ikukwento ako sa inyo.

Noong bata pa ako lagi kong ipinagdadasal na sana balang araw makapag abroad din ako. Hindi dahil sa hirap ng buhay sa bansang Pilipinas kundi naiinggit ako dahil may magagandang laruan ang kaibigan ko at may mamahaling chocolates. Sa mura kong edad ay natuto akong mangarap na makapag abroad pero sa pagdaan ng panahon hinubog ako ng pagkakataon at ng mga naranasan ko at pakikiba sa ibayong dagat.

Mula noon hanggang ngayon marami akong naririnig na nagsasabi ng “Sana balang araw makapag abroad rin ako” mula sa mga kakagraduate lang mula sa mga professionals o kahit nga ang mga nag aaral pa lang na mga kabataan.

Kung tatanungin mo naman ang mga kabataan ngayon kung ano ang gusto nila sa buhay nila. Ang ilan ay magsasabi ng gusto kong maging Seaman, gusto kong maging Lawyer, gusto kong maging Nurse, gusto kong maging Engineer at kung ano ano pang mga magagandang profession sa buhay. Nakarinig na rin ako ng gusto kong maging katulad ng Tita ko successful sa buhay pag aabroad. Pero ganon nga ba ang lahat?

Ayon sa talaan ng Bangko Central ng Pilipinas nakapag tala ng remittance record ang mga Overseas Filipino Workers ng 28.1 Billion US Dollar noong 2017. Sobrang laking pera diba? Hindi na nakakapagtaka na mas maraming umaalis ng bansa dahil sa magandang kinabukasan na hatid ng pangingibang bayan.

Marami akong mga nakilalang Kababayan na hindi iniinda kung anong klaseng trabaho ang nabagsakan nila sa ibang bansa basta ba kumikita sila ng Dollar.

Maraming mga bagay ang hindi ibinabahage ng mga OFW sa pamilya nila o sa mga kakilala nila. Ibabahage ko ang iba’t ibang mukha ng OFW.

  1. Hindi lahat ng OFW ay nabubuhay sa kasabihang “Who said OFW life would be a bed of roses?”

Nakakita na siguro kayo ng mga pictures ng mga OFW na nasa labas ng high class restaurant, o di kaya’y nagpipicture sa harap ng Chanel o Louis Vuitton na pinoPost sa Facebook o Instagram pero alam nyo ba na hanggang picture lang naman kami at hindi naman talaga namin kayang makaafford na kumain sa mamahaling High Class Restaurant o bumili ng bag at damit sa Chanel o Louis Vuitton. Ah o di naman kaya’y OFW’s na nagpipicture sa may tabi ng isang magarang sasakyan. Sa totoo lang hanggang pictures lang kami tapos ipopost sa Facebook at Instagram pagkatapos ng pictures maghahanap kami ng murang turo turo para makatipid dahil kailangan magbudget sa buong buwan.

Wala sa amin ang nagpipicture ng paghihirap sa trabaho, yong bang pinagagalitan ka ng amo o kayang mumurahin ka ng amo mo.

Wala rin ang magpipicture ng kung may mataas ka na lagnat, o di kaya’t homesick ka, yong bang umiiyak ka dahil nag iisa ka at walang makausap.

Wala ring magpopost o mag aUpdate ng status nila sa Facebook dahil nakaranas ng pang aabuso sa amo o di kaya’t inaapakan ang magiging ibang lahi mo. Walang nag popost ng mga ganyan dahil mas iisipin namin na ayaw namin mag alala ang pamilya namin kaya mas makakabuti na puro saya ang ipost sa Facebook kisa kalungkutan.

Kadalasan na pinopost namin ay puro mga pampa good vibes. Bakit pampaGood vibes lang ang posts namin? Dahil na rin siguro ayaw namin mag alala sa amin ang pamilya namin at mga kaibigan. Okay lang ikaw ang magdusa huwag lang ang mga mahal mo sa buhay.

  1. Kadalasan, ang tingin sa mga OFW ay parang ATM

Sa tuwing may problema sa financial sa Pilipinas ang laging unang naiisip ay ang mga nagtatrabaho sa ibang dagat sa paniniwala na ang mga OFW ay laging madaling mahihingian ng pera o di kaya’y madali lang para sa mga OFW ang pera.

Bilang isang OFW, tila ang lahat ay iniisip na para kang nanalo sa grand draw ng lotto dahil lang ba na nagtatrabaho ka sa ibang bansa. Kaya ang tingin sayo ay parang ATM na oras na kailangan nila ng pera para kang ATM machine na luluwa agad ng pera.

Lahat nalang ng tao na kilala mo at alam na nasa abroad ka nagtatrabaho lagi nalang hihingi ng special na pabor mula sayo tulad nalang ng birthday parties o uutang sayo dahil kailangan sa bagong negosyo o di kaya’y hihingi dahil kailangan ng bagong sapatos o damit para sa outing, simply lang dahil ang tingin nila sa OFW ay laging mayroong pera na kahit anong oras nila gusto humingi meron agad maibibigay.

Sobrang dami kong kaibigan at nakilala na dumaraan sa ganitong kalagayan pero walang magawa. Kahit nga sa mga sarili nila ay nahihirapan na silang budgeting ang sariling panggastos sa buwan buwan katulad nalang ng kailangan mong maglaan ng bayad sa broker na parang buwaya dahil ang bilis bilis kuhanin nang bayad mo sa salat naman nilang serbisyo, oras na kailangan mo hindi mo na mahagilap, sa lending mong parang papatayin ka na sa laki ng interest at budget mo sa tuwing lalabas ka pag off mo na wala ka naman ibang mapuntahan kundi ang magsimba at ang panghuli ang mga babayarin sa naiwan mo sa Pilipinas tulad nalang ng pangmatrikula ng bunso mong anak, bayad sa kuryente, bayad sa tubig, bayad sa renta sa bahay at kung ano ano pang samot saring bayarin na wala ng mapaglagyan.

Kahit anong budget ang gawin mo laging madaming dahilan para magpadala ka, bigla nalang tatawag o magmessage sa Facebook na syang pinakamabilis na paraan para mabilis kang makontak, bigla ka nalang imessage na may emergency at kailangan As Soon As Possible na maipadala agad ang pera na kakailanganin. para bang sa isang kisap mata meron ka na agad pera sa kamay mo at para kang si Superman o Wonderwoman na makakapunta agad sa Remittance Center. Nakakalungkot na katotohanan.

May narinig akong apat na Filipina na nag uusap sa isang tabi sa park.

Ang sabi ni Girl 1, “Nanghihiram ang tita ko ng pera, pero nireply ko sya na hindi ko sya mapapahiram kasi sabi ko wala akong pera. Nagalit ang tita ko at ayaw nyang maniwala na wala akong pera. Nakita ko nalang na pinost nya ako sa Facebook na ang damot ko daw at hindi ako nagpapahiram ng pera.” Sabi ni Girl 1 na parang mapapaiyak sa sama ng loob.

Pagpapatuloy ni Girl 1, “Nakita kong madaming nagcomment sa post na yon ng tita ko at karamihan ay personal kong kaibigan at mga malalapit pa naming kamag anak. Pati sila hinusgahan ako na madamot at hindi ko naman daw madadala sa langit ang pera ko. Nasaktan ako dahil hindi nila alam kung gaano ako nagtitiis dito para lang magtrabaho. Tinitipid ko ang sarili ko para lang may maipadala sa pamilya ko, wala nga akong savings na sarili ko.” Sabi ni Girl 1 na naiiyak na sa sama ng loob.

Dagdag pa ni Girl 1, “Nagpaalam ako sa Lady boss ko na payagan akong umuwi magbakasyon kahit 7days lang dahil malapit na rin naman akong mag 3 years sa paninilbihan sa kanila. Pero hindi ako pinayagan dahil wala daw magbabantay sa alaga ko kahit na sinabi ko na nasa kritikal na kondisyon ang Tatay ko sa Hospital pero hindi man lang nahabag sa akin. Pinilit kong hindi umiyak sa harap ni Lady boss nagpaalam na lang agad ako na pupunta sa CR at doon ibinuhos ang sama ng loob. Sobrang paghihinagpis ko kasi Father’s girl ako. Gusto kong alagaan ang Tatay ko, iniisip ko ng araw na yon na mabuti pa ang Nanay nila naaalagaan ko ng maayos pero ang sarili kong Tatay hindi ko man lang maalagaan ng maayos. Pero wala naman akong magawa kaya sumunod nalang sa amo ko. Kailangan kong magpatuloy na magtrabaho para may panggastos si Tatay sa therapy nya.”

Pagpapatuloy ni Girl 1, “Mabuti medyo okay na si Tatay ngayon nakahinga na rin ako ng maluwang. Medyo nakakalungkot lang kasi yong isang Filipina na kabitbahay ko, nagkwento sa akin na hindi rin syang pinayagan ng among nyang lalaki na umuwi dahil wala pa daw syang isang taon sa trabaho. Magbabakasyon sana sya kahit 2days lang kasi pumanaw na ang Tatay nya hindi nakayanan ang sakit. Nakakalungkot dahil kahit na pumanaw na ang Tatay nya parang walang pakialam ang amo nya.”

“Alam mo hindi lang ikaw ang nakakaranas nyan pati rin ako. Kahapon bigla nagmessage ang Kapatid ko nanghihingi ng pera para allowance daw nya sa Tour nila sa Boracay. Alam na alam nya na mag ooff ako ng linggo kaya padalhan ko daw sya ng allowance sa Boracay Tour nila. Ang sama ng loob ko kasi ako nga walang pera pang tour kahit sa Taipei 101 tapos sya nanghihingi ng allowance sa Boracay Tour nila? Masama talaga loob ko kasi sinabi ko na sa kanila na kailangan ko munang bayaran ang lending ko na ilang buwan ng delay dahil kakapadala ko lang ng pang opera ni Papa. Wala ng katapusang gastosin.” Malungkot na sabi ni Girl 2.

“Hay nako! Kailan ba tayo nawalan ng problema? Araw araw na nga tayong napapagalitan sa trabaho natin dahil hindi tayo marunong magmandarin tapos pati sa pamilya natin ganito pa ang mararanasan natin sa kanila? Buhay nga naman talaga oh! Alam nyo ba kahapon, pinagalitan na naman ako ng alaga ko dahil hindi daw ako makaintindi ng salita nila. Sabi eh ‘Hen Ben(Stupid) daw ako’ masakit pero anong magagawa natin eh pinagsisilbihan natin sila. Amo natin sila kaya kailangan lahat sundin.” Emosyonal na sabi ni Girl 3.

Ang sabi naman ni Girl 4, “Tiis lang tayo, mga bhe. Kasi nandito na tayo. Ako kunting kuskos nalang sa kubita at mapagtatapos ko na ang tatlo kong mga anak sa pag aaral, hindi ko naman maasahan ang batugan nilang Tatay kasi nangapitbahay na. Masakit kasi iniwan nya ako sa responsibilidad na dapat ay syang Padre de pamilya ang dapat na tumaguyod peor ganito ang nangyari. Ngayon, nakaatang na ang lahat ng responsibilidad sa akin bilang kanilang Nanay. Kahit caretaker lang ang trabaho ko dito sa Taiwan gagawin ko ang lahat huwag lang matulad ang mga anak ko sa akin, ayaw kong danasin rin sila ang paghihirap ko dito sa ibang bansa. Gusto ko makapagtapos sila dahil ayaw kong matulad sila sa akin na hindi nakapagtapos ng pag aaral at nag asawa ng maaga dahil akala ko ang Tatay na nila ang sagot sa dalangin ko na makawala sa kahirapan. Pero sobrang paghihirapan pa pala ang daranasin ko. Tama nga ang kasabihan na “Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo.” Alam ko pagsubok lang ito ng Poong may Likha sa atin, idadaan ko nalang ito sa dasal. Malaking papasalamat ko sa Diyos na binigyan ako ng mga anak na sobrang sisipag sa pag aaral. Hiling ko lang maging maayos ang pangangatawan ko para mapagtapos ko silang tatlo at hindi magbago ang mga amo ko sa akin kasi mahirap rin ang palipat lipat ng amo.” Mahabang sabi ni Girl 4.

Habang abala sila sa pag uusap ako nakatingin lang sa kanila at nakikinig, nakikita ko kung gaano silang apat na naaapektuhan ng mga nararanasan nila. Tunay nga naman talaga na ang buhay ng mga OFW ay puno ng samo’t saring drama sa buhay. Parang Telenovela na nakikita mo sa TV. Kailangan magdusa muna ang bida bago makamit ang tagumpay.

Hindi ko na nakayanan kaya minabuti ko ng umalis parang bibigay na ako sa mga naririnig ko. Habang papunta sa Minquan MRT Station. Nadadaanan ko ang mga Pinoy na nagkukumpulan sa tabi ng park, ang iba abala sa video call sa mga anak, asawa at sa kanilang mahal sa buhay, yong iba naman ay abala sa picture pictures(naisip ko, alam ko na pagtapos nilang magpicture ipost agad sa FB para maipakita sa pamilya nila na OKAY NA OKAY SILA kahit na hindi sasapat yon para maiparating nila sa pamilya nila ang tunay na nararamdaman at kalagayan nila), ang iba naman ay masayang nagkukwentohan habang nag iinuman. Kanya kanya talaga tayo ng problema at hindi na talaga ata yan maaalis sa buhay natin.

Naisip ko lang na, kahit gaano kalaki ng naipapadala namin para matustusan ang pangangailangan nila, mananatiling kulang na kulang parin.  Hindi lang kami ang nakakaranasan nito kundi siguro lahat ng mga OFW. May iba’t iba nga lang na porma ng sitwasyon at problema.

“Dahil mas mahalaga kami kaysa sa salaping aming ipinadadala.”

  1. Kalungkutan at pighati

Isa sa pinakamalungkot na buhay ng OFW ay tuwing kaarawan, Pasko at Bagong taon na hindi mo kasama ang mga mahal mo sa buhay para sa makasama mo sila sa pagcelebrate ng napakaimportanteng okasyon na yan, habang ikaw ay abala sa pagtatrabaho. Magkakasya ka nalang sa patingin tingin sa mga post nila sa Facebook, nakakahomesick talaga pagkaganoon, kompleto ang lahat ikaw lang ang tanging missing in action ika nga.

Imaginen mo ito…

Yong pamilya mo na kumakain sabay sabay ng Noche Buena at ikaw ay kailangan matulog ng maaga kasi may trabaho ka kinabukasan o di kaya ay abala ka sa pagtatrabaho dahil pinag overtime ka ng boss mo.

Yong bang feeling na hindi mo nakita ang asawa mo na kabuwanan na nong araw ng panganganak wala ka sa tabi nya para naman maibsan ang nararamdaman nyan sakit na kung pwde lang ikaw na lang ang aako ng nararamdaman nyang sakit.

Yong bang feeling na wala ka sa tabi ng anak mo para marinig ang una nyang salitang bibigkasin.

Pinapangarap natin na sana makasama natin ang pamilya natin sa napaka importanteng okasyon o di kaya’y pumunta sa mga magagandang lugar sa Pilipinas na hindi mo pa napupuntahan kasama ang pamilya mo. Wala ng mapaglagyan ang kalungkotan na namamahay sa puso’t isip mo.

  1. Ang mga OFW ay laging malapit sa panganib

Halos lang ng mga OFW hindi lang dito sa Taiwan ay halos walang insurance kung may insurance naman ay expired na kasi hindi na narenew. Maraming mga OFW na naaksidente at kailangan ng donasyon o kailangan ng tulong ng gobyerno para sa hospital bills nila o iba’t ibang pangangailangan.

Katulad nalang nong OFW na nasawi sa Earthquake sa Hualien. Magtatapos na sana sya ng 3years contract nya kaya lagn hindi pinalad at nasawi sya sa isa sa pinakamalakas na lindol dito sa Taiwan. Ayon sa OWWA paso na ang kanyang OWWA insurance dahil hindi sya nakapag renew after ng 2years at isa pa palipat lipat sya ng amo kung hindi dahil sa donasyon mula sa iba’t ibang concerned Citizen baka walang makuha ang pamilya ng OFW na nasawi. Ang kinagandahan, may tulong ang Taiwan Government sa pamilya ng nasawing OFW sa Hualien pero kung iisipin mo hindi lang naman yong OFW na yon ang nasawi sa iba’t ibang aksidente dito sa Taiwan marami pang mga OFW ang biglang namamatay pero walang nakukuhang insurance.

  1. Minsan may mga OFW na gusto nalang bumigay at umuwi nalang sa Pilipinas

Bawat OFW ay dumarating sa punto na bumibigay na o di kaya’y pinipili nalang na umuwi.

Kadalasan ang mga OFW ay tingin nila na masyado ng sobra ang mga pagsubok na pinagdadaanan nila dito sa Taiwan. Halos lang ng OFW ay sobrang laki ng isinakripisyo nila para lang marating ang kinaroroonan nila at ang iba pa ay nabaon nalang sa napakalaking utang para lang makapag abroad, umaasang sa paraan na yon sila uunlad at makakatakas sa kahirapan pero pagdating sa bansang paroroonan nila sobrang pagdurusa pa pala ang dadaranasin nila.

May iba namang OFW na hindi na nakayanan ang pang aabuso sa bansang pinagtatrabahohan kaya bumalik na agad sa Pilipinas, pero para lang madismaya sa kalagayan ng pamilyang naabutan kaya mapipilitan na naman mag abroad para parin sa pamilya.

“Marami na ang nasanay sa laki ng ipinapadala ng mga OFW sa pamilya nila o di kaya’y ang pinapadalhan wala ring maiipon. Kung uuwi ang OFW, magugulat nalang na walang kahit anong naipundar ang pinapadalhan mo at tanging si OFW lang pala talaga ang iniasahan sa mga gastusin, nasanay na masyado sa luho, kaya nga ba mapupuwersa ka talagang mag abroad, kahit na mahirap pa ang mag abroad. Wala eh, wala kang pagpipilian.”

Masaklap oo sobrang masaklap talaga, pero ano ba ang magagawa mo? tingnan nalang ba ang pamilya mong halos wala ng makain? Kaya nga madaming mga OFW talaga ang nauuwi sa ganitong pangyayari, parang paikot ikot lang naman ang buhay ng OFW eh.

Maraming mga OFW ang nakulong sa ganitong sistema.

Nakakahabag na eksena sa airport…

Nag uusap na dalawang OFW galing Middle East, tingin ko nasa over 40years old na ang dalawa.

OFW 1: Baby pa lang ng iwan ko ang anak ko dahil kailangan kong magtrabaho sa Middle East ng 15 years ago. Makikilala pa kaya nila ako? sa sobrang haba na ng panahon na hindi namin pagkikita?

OFW 2: Eh, ikaw ba kilala mo ang anak mo? Ilang taon mo rin na hindi sya nakita kaya kahit mahirap man na hindi sya malapit sayo kailangan mong tanggapin na hindi mo rin kilala ang anak mo.

Patuloy na nag uusap ang dalawa habang hila hila nila ang Balikbayan box nila na ang laman ay puro produkto ng Middle East, ika nga may kasabihan na ang balikbayan box daw ay laman ng pawis, dugo at pagmamahal ng mga OFW para sa pamilya nila.

Meron pa uli akong narinig na tingin ko OFW rin…

Nakita ko na sumisigaw ang batang lalaki na wag umalis ang Nanay nya, halos nakayakap na ito sa hita ng Nanay nya.

Naririnig ko ang batang lalaki na nasa 6years old ata

batang lalaki: Nanay, huwag nyo po akong iwan. Nay, mamimiss po kita huwag mo akong iwan. Sige na, Nay. Mas masaya kung nandito po kayo.

Nanay: Anak, kailangan umalis ng Nanay kasi para rin ito sayo. Magsasakripisyo si Nanay para may maganda kang kinabukasan. Di bale anak ko, tatawagan ka lagi ni Nanay. Huwag ka ng umiyak at pakawalan mo na si Nanay baka mahuli pa ako sa biyahe.

Batang lalaki: Nay, ikaw po ang kailangan ko. Huwag nyo po akong iwan. Ang pag aaruga nyo po ang kailangan ko wala na pong iba.

Wala na akong narinig na namutawi pa sa bibig ng nanay ng batang lalaki. Nakita ko nalang na tumutulo na rin ang luha. Kaya hinila nalang ng Tatay ang anak para makawala na ang asawa nya sa pagkakakapit ng anak nila.

Nakakahabag na eksena hindi ko makayanan.

Naiisip ko lang, siguro yong ganong tagpo ay hindi na bago sa airport ng Pilipinas kasi araw araw may umaalis ng mga Filipino para masipagpalaran sa ibayong dagat.

Naisip ko rin nong ako din nagpaalam sa pamilya ko kahit pangalawang balik ko na non, naiiyak parin ako pilit kong sinubukan na itago sa mga kapatid ko ang luha ko at pigil pigil ko ang hikbi ko na hindi nila marinig. Pero yong bunso naming kapatid umiiyak hindi ko na rin mapigilan at hindi ko na maitatago pa ang luha ko. Ang tangi ko lang nasabi sa kapatid ko mag aral silang mabuti at mag ingat sila.

Mahirap, masakit sa dibdib kung bakit kailangan namin maranasan ang iwan namin ang mahal namin sa buhay para lang mabuhay ng disente. Masakit tanggapin ang katotohanan na pilit namin itinatago sa mga larawang nakangiti sa post namin sa Facebook.

“Hangad namin ang isang lipunang hindi na mahahati o mabubuwag pa ng pangangailangan para lang mabuhay.”


📝 Komento mula sa tagasuri|Myan Lordiane

“Natural” ang pagkwento at nagbibigay ng datos at kaalaman sa mga patakaran ng pamahaalan. Maayos ang pagkakahati ng mga bahagi o puntos. Isang mahalagang puntong nilahad ng manunulat ay ang paggamit ng mga OFW sa Facebook – kung paanong ang masaya o nakangiting mukha (façade) lamang ang pinapakita nila. Interesante din ang paglakip niya ng mga huntahan ng ibang OFW tungkol sa kanilang mga karanasan sa buhay.

 

📝 Komento mula sa tagasuri|Tony Cruz

An interesting way to present the life of an OFW, using 5 points or 5 examples composed of other people’s experiences. Refreshing.

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *