LABAN NG BUHAY

 2018 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 LABAN NG BUHAY

👤 Mona Tinosan

 

Simulan ang umaga sa panalangin, mag pasalamat sa panibagong buhay at bagong biyaya. Ganito ang umpisa ng aking araw. Umaga na naman kailangan ng bumangon para harapin ang trabaho, ako nga pala si mona isang tagapangalaga dito sa Taiwan. Mag asawang matanda ang inaalagaan ko at pangalawang kontrata ko na sa kanila bilang dayuhang mangagawa.

Panimulang gawain kay lola:

Ika anim ng umaga, pag mamasdan ang matamlay na muka na may nakakabit na tubo sa ilong. Susuklian ng matamis na ngiti at babatiin ng magandang umaga ang 82 taong matandang babae na nakaratay ng mahigit anim na taon sa kanyang sakit. Susuriin ang temperatura at presyon ng katawan, paiinumin ng tubig papalitan ang lampin at lilinisin ang katawan.

Sa ika pito ng umaga ipag titimpla ng gatas at mag dudurog ng gamot para sa kanyang agahan at saka itoy ipaiinom.

 

Panimulang Gawain kay lolo:

Pag katapos ko asikasuhin sa unang Gawain si lola, sasamahan ko naman si lolo upang alalayan mag lakad at mag ehersisyo sa labas.

At Ipag luluto ng kanyang almusal na lugaw na may kasamang itlog at gulay kasabay ihahanda ang mga gamot at bitamina para mainom ito pagkatapos nyang kumain.

Habang sa libreng oras ko naman sa umaga akoy mag wawalis , mapupunas at mag lilinis ng kapaligiran ng bahay. pagkatapos ay mag aalmusal.

Ganito tumatakbo ang oras namin sa unang yugto sa umaga.

Ika siyam ng umaga babatiin uli si lola at kakamustahin at ipapa-alam sa kanya na kailangan uli siyang palitan ng lampin, pag katapos ay papainumin uli ng tubig gamit ang tubo na nakakabit sa kanyang ilong.

Pagkatapos ay gagawi naman ako sa gawaing pang kusina, mag papaalam kay lolo at hihingi ng pambili ng mga gulay prutas karne at isda para sa buong araw, oo araw araw ang pamimili sa palengke para sa sariwang pagkain. Dahil napaka importante’ng ingatan ang kalusugan, kailangan maging maingat. Dahil ang kalusugan ay kayamanan ika nga.

Dalawang gulay isang putaheng karne ng baboy, pritong isda, itlog at sabaw yan ang inihahanda ko para sa aming tanghalian. Pineprepera ko ito pag kagaling sa palengke hinuhugasan maigi at hinihiwa hinahanda ang mga sangkap at pampalasa.

Ika sampu ng umaga:

Babalikan ko si lola upang palitan uli ng lampin at bubuhatin patungo sa kanyang silyang digulong, ipagtitimpla ng gatas paiinumin. ganun pa man isang matamlay na reaksyon pa rin sa kanyang muka ang lumalabas, kakausapin patatawanin, pagagaanin ang kanyang araw.

Pag tapos ko asikasuhin si lola, balik sa pag alalay kay lolo, sasamahan ko naman siyang dalawin ang kanyang mga kaibigan patungo sa palengke, handa na siyang makipag saya , makipag kantahan at huntahan. Iiwanan siya don at babalikan makalipas ang isang oras. pag balik ko ng bahay, ilalabas ko naman si lola itutulak ang silyang digulong patungo sa labas ng bahay mag papa-araw kami ng kinse minutos mag lilibang at lalasapin ang sariwang hangin sa labas.

at babalik muli dahil oras na para harapin ko ang Gawain pang kusina,sisimulan ng buksan ang kalan at handa ng isalang ang mga hiniwang rekado para sa pananghalian. Hangang sa makatapos na sa pagluluto at pag prepara sa paghahain.

Makalipas ang isang oras..

Babalikan si lolo upang sunduin at alalayan pabalik galing sa pakikipaghuntahan at pag sasaya sa kanyang mga kaibigan.

Ika alasdose ng tanghali ililipat si lola mula sa silyang digulong patungong kama bubuhatin , papalitan ng lampin at paiinumin muli ng tubig.

Oras na ng tanghalian nakahanda na ang mga niluto ko para sa amin , hihintayin dumating ang aking amo isa sa anak ni lolo at lola dito siya nananghalian mula sa kanyang trabaho babatiin at titignan ang kanyang mga magulang At pag tapos ay babalik muli sa kanyang trabaho.

Sabay naman kaming kakain ni lolo ng pananghalian , ipaghahain ko sya kasabay na ihahanda ang gamot para tanghaliang oras. maghuhuntahan habang kumakain . buhat ng akoy manilbihan sa kanila hindi na iba ang turing nila sa akin. Dama ko ang pag trato nila bilang isang myembro rin ng pamilya, kaya sa sinusuklian ko rin ng katapatan at kabutihan ang trabaho ko para sa kanila.

Alauna ng tanghali, matapos ang Gawain pang kusina, ipag titimpla ko ng gatas si lola para sa kanyang tanghalian. Papalitan ng lampin at paiinumin. Pag katapos…

Oras na ng siesta , oras na ng pahinga. Si lolo ay aakyat na patungo sa kanyang kwarto matutulog at gigising ng hapon.

Ganun din ako , mahaba pa ang araw kaya kailangan ko rin mag ipon ng lakas , kaya igugol ko ang oras ko sa paghiga sa kama at matutulog. Gigising makalipas ng isang oras paiinumin ng tubig si lola. At iidlip muli.

Ikatlo ng hapon :

Babangon muli, oras na para paliguan si lola, bubuhatin ililipat silyang digulong at tutungo sa banyo.

Matapos asikasuhin si lola, si lolo naman ang susunod kong paliliguan.

Ika apat ng hapon:

Papalitan muli ng lampin si lola, bubuhatin at ililipat sa silyang digulong at paiinumin muli ng gatas.

Si lolo naman ay ipag titimpla ng tsaa. At pag tapos gagawi uli sa kusina para mag hiwa ng prutas at gulay para sa hapunan.

Ikalima ng hapon:

Ilalabas si lola para mag pahangin at mag paaraw muli mag lilibang dadamahin ang sariwang hangin sa labas.

Ika anim ng gabi:

Ibabalik sa kama si lola. Papalitan ng lampin at paiinumin muli ng tubig gamit ang tubong nakakabit sa kanyang ilong. Pagkatapos iiwan sila sa sala si habang nanonood ng palabas sa telibisyon. Ako naman ay babalik muli sa kusina para mag luto ng hapunan. Pag katapos ay aabangan ang sasakyan ng basura para magtapon.

Ikapito ng gabi:

Papalitan muli ng lampin si lola bibihisan, bubuhatin patungo sa silyang digulong at paiinumin muli ng gatas para sa kanyang hapunan.

Dadating muli ang amo ko, sasalubungin ng ngiti at babatiin ang kanyang nanay at tatay at tutungo sa kusina para mag hapunan.

Matapos ay sabay muli kami mag hahapunan ni lolo ipag hahain ko siya sabay ihahanda ang gamot nya para inumin pagtapos ng hapunan. Pag katapos sa gawain pang kusina aalayan muli si lolo patungo sa labas para mag lakad ng dalawang ikot o dalawang beses.

Ika walot kalahating minuto ng gabi:

Ililipat muli si lola patungo sa kanyang kama , bubuhatin sa kanyang silyang digulong papalitan ng lampin at sisimulan masahiin ang mga paa, binti at likod. Makalipas ang tatlumpong minuto ng pag mamasahe paiinumin muli ng tubig si lola at mamahinga sandali , ihahanda ang gamot ni lolo para itoy inumin bago matulog.

Ika sampu ng gabi:

Papalitan muli ng lampin si lola , ipag titimpla ng gatas at paiinumin ng gamot para sa huling araw. Babatiin ng magandang gabi, hahalikan sa noo at hahayaan ng matulog. Si lolo naman ihahatid ko sa kanyang silid tulugan at papatakan ng gamot sa mata at babatiin ng magandang gabi naway makatulog ng mahimbing.

Tapos na ang araw. Oras na para mag pahinga , at oras na para sa aking sarili. Isang panibagong araw na naman para sa kinabukasan mag dadasal ng taimtim at matutulog ng taimtim.

Haharapin muli ang araw na may bagong lakas at ngiti sa mga labi.

Sa tatlong taon at kalahating buwan bilang dayuhan mangagawa Ganito tumatakbo ang bawat araw at oras namin isang simple at tahimik na buhay.

Para kay lola at lolo:

Maraming salamat sa tiwala pagkupkop ninyo sa akin sa lahat ng malasakit at pag trato ng maganda bilang isang tunay na kapamilya, alam ko na sa kabila ng kalagayan ninyo hindi madali ang maging Masaya ang makulong sa karamdaman ng ilang taon, ramdam ko ang bigat sa inyong dibdib kaya andito ako para pag silbihan at alagaan kayo ng tapat.

Ano man ang hirap na dinaranas, ako ang magiging paa at kamay nyo handa ko ibigay ang lakas ko maalagaan lamang hangang sa bumuti ang mga pakiramdam, handang ibigay ang tinig para awitan para bumalik ang mga ngiti sa labi.kayo ang magiging inspirasyon ko ano mang pagsubok magiging matatag ako at haharapin naten ng sabay sabay ang kinabukasan at lalaban para sa buhay!


📝 Komento mula sa tagasuri|Tony Cruz

What’s a day like for a caregiver? This is an eye-opener for those who think migrant workers live a great life while abroad. It shows how a caregiver faithfully knows and performs her duties, and the minute details in taking care of a ward

 

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *