一張紙 KAPIRASONG PAPEL

🥉 優選 Choice Award

📜 KAPIRASONG PAPEL
👤 MELINDA M. BABARAN

Sa kapirasong papel na ito
Ibubuhos ko’ng lahat ang nararamdaman ko
Maibsan man lamang kahit na sandali
Ang lahat ng bigat at pagdadalamhati

Ako ay nagtrabaho sa ibayong-dagat
Bitbit ay pag-asa at pangakong magsisikap
Para umunlad ang buhay at nang may maipagmalaki
Makapagpundar ng mga bagay na masasabi kong sarili.

Anong hirap talaga ang kumita ng pera
Ngunit kailangan magsipag at sa lahat ay makisama
Itinigil ang mga bisyo nang sa gayon ay makaipon
At nang umalwan ang pamumuhay pagdating ng panahon.

Pero ang buhay sa abroad hindi lamang puro trabaho
May oras din naman para sa laro at ehersisyo
At sa liga ng basketball doon ako may nakilala
Isang simpleng dalaga na ang pangalan ay Anna

Nagsimula kami bilang magkaibigan
Madalas magtawagan at sa chat ay mag-asaran
Hindi ko namalayan,nahuhulog na pala ako
Isang araw nagising akong mahal ko na ang kaibigan ko

Hindi ko malaman kung paano ako magtatapat
Iniisip ko kasi baka magalit na lang siya at sukat
Kapag andiyan na siya,hindi ko alam paano ba magsimula
Natotorpe ako at nauumid ang aking dila.

Ngunit isang araw, ay nasabi ko din
Ang pagmamahal na matagal ko nang kinikimkim
Hinawakan ko ang kanyang kamay at aking nausal,
Anna wag kang magalit,kasi matagal na kitang mahal.

Siya ay nagulat pero dagli ring napangiti
Kamay niya na aking tangan, hindi niya binabawi
At sa mahinang boses na tila ba nahihiya
Sinabi niyang mga puso namin ay iisa ang binabadya.

Anong tuwa ko nang makamit ko ang kanyang OO!
At sa lahat ng bagay ako ay naging laging inspirado
Ang aking paligid nagkaron ng kulay at buhay
Ito pala ang nagagawa ng pag-ibig na tunay!

Pagkatapos ng dalawang taon ako ay nagpasya
Sinabi ko sa aking sarili, si Anna na at walang iba
Kaya’t ‘di na nag-atubili, lumuhod ako sa harap niya
At ang tangan kong singsing, inialay ko sa kanya.

“Anna mahal ko, alam mong nag-iisa ka,
Di ko makita ang sarili ko na may kasama pang iba.
Kaya’t sana ay tanggapin mo ang singsing na ito,
Sana ay pumayag kang maging asawa ko.”

Siya ay nagulat at nabigla, maya-maya pa ay lumuha
Nakatitig lang sa akin na para bang hindi makapaniwala
Maya-maya pa ay ngumiti, at yumakap sa akin ng mahigpit
“Oo,mahal ko,pumapayag ako at di kailangang ipilit.”

Sabay kaming umuwi sa aming lupang sinilangan
Sabay naming hiningi,basbas ng aming mga magulang
Di nga nagtagal, kasal namin ay itinakda
Nangakong magmamahalan,ito ang aming sumpa.

Kapirasong papel ang naging katunayan
Na parehong nilagdaan ng aming mga pangalan
Simbulo ng aming wagas na pagmamahalan
Nagbibigkis sa amin maging hanggang kamatayan.

Napuno ng ligaya ang mga sumunod na taon
Maayos ang aming pagsasama at hindi nga naglaon
Dalawang anak na lalaki ang sa amin ay ipinagkaloob
Na aming pinalaki ng may takot sa Diyos at kababaang loob.

Sa katulad kong kasal at pamilyado na
Wala nang dapat inuuna kundi ang anak at asawa
Palagi kong nasa isip ang mga binitawan kong sumpa
Sa babaeng minahal ko at iniharap kay Bathala.

Dahil sa lumalaking pangangailangan ng aming mga anak
Kailangan kong magpursige at magdoble sikap
Nagdesisyon akong bumalik at magtrabaho sa ibang bansa
Upang pamilya ay masuportahan, iyan ang aking nasa.

Dinoble ko ang aking sipag, ginawang araw ang gabi
Upang sa gayon ang aking kita ay lumago at lumaki
Tanging larawan ng mag-iina ko ang nagsisilbing lakas
Upang harapin nang may ngiti ang mga darating pang bukas.

Iniisip ko na lang mabilis na lilipas ang araw at panahon
At sa aking pag-uwi dapat sapat ang aking ipon
upang di na muling maiwanan ang aking pamilyang naghihintay
at kailanman ay hindi na sa kanila ay mahiwalay.

Isang araw na pahinga, nakausap ko ang aking anak
Ang dami niyang kwento,maya-maya ay may tito siyang tinawag
Ako ay nagtaka at pilit na inaalala
Sino ba ang tito Robert na sinasabi niya?

Kaya’t tinanong ko ang mahal kong asawa
Isa daw niyang kababata doon sa probinsya
Lumuwas ng Maynila upang doon magtrabaho
Madalas nilang makita kasi nakatira lang sa may kanto.

Para sa akin sapat na ang paliwanag niya
Kaya ang bagay na ito, hindi ko na inalala pa
At dahil malaki rin ang tiwala ko kay Anna
Mahal niya ako, at ako ang pinakasalan niya.

Nagpatuloy ang buhay para sa akin dito sa abroad
Trabaho at pahinga pagkatapos ay muling kakayod
Ang lahat ng aking kita ay aking ipinapadala
Ang pagbabangko at pag-iimpok,pinamahala ko kay Anna.

Hanggang sa dumating na ang araw na aking pinakahihintay
Makakauwi na rin ako sa tunay kong bahay
HIndi na larawan ng aking mag-iina ang aking yayakapin
Sa wakas ay muli ko na silang makakapiling!

HIndi ko ipinaalam ang araw ng aking pagdating
Dahil naisip ko,gusto ko silang sorpresahin.
Ang aking ticket pauwi,gabi ang aking pinili
Habang nasa daan,di ko mapigilan ang mapangiti.

Sarado na ang bahay at patay na lahat ang ilaw
Tahimik na ang paligid, wala nang gumagalaw
Isinuksok ko ang susi sa pintuang nakapinid
Ako ay nabigla, at ang dila ay naumid.

Ang aking mahal na asawa, andoon sa aming kama
Payapang natutulog,nakahilig sa balikat ng iba
Magkayakap at magkasiping,parehong mga walang saplot
Kaya’t dagli ang dating sa akin ng galit at poot!

Dagli kong dinamba at pinaulanan ng suntok
Walang habas ang ginawa kong sipa at sapok
Sa kalaguyo ng aking asawa na tila rin ba ay nabigla
Ang aking pagdating hindi nila inakala!

Nagsisigaw si Anna,” tama na, tama na!”
Ngunit ang apoy ng aking galit ay lalo lang nagbaga
Naputol na ang aking natitirang katinuan
Dahil pati na rin siya ay aking inambaan.

Itinulak ko sya palayo at akmang susuntukin
Nang marinig ko ang tinig ng aking anak na nagising
Na tila tubig na malamig na pumatay sa aking apoy
At lahat ang aking luha di ko na napigilang dumaloy.

Ang walanghiyang lalaki ay agad na tumakas
Habang si Anna ay paghingi ng tawad ang binubulaslas
Niyakap ko ang aking anak at kami ay lumabas
Na parang sa kanya ako kukuha ng lakas.

Bakit, Anna? Iyan ang tanong ko
Paano mong nagawa sa akin ang lahat nang ito?
Ginawa kong lahat bilang mabuting ama at asawa
Nagpakabuti ako dahil mahal kita..

Nagsikap ako para maibigay sa ‘yo ang langit
Kaalwanan sa buhay at mamahaling gamit
Lahat nang ginawa ko,sobra-sobra sa sapat
Kahit hindi mo nakikita, nanatili akong tapat.

Tapat sa pangako ko noong tayo ay ikinasal
Sa sumpang hanggang kamatayan ang aking pagmamahal
Saksi ang kapirasong papel na ating nilagdaan
Wala na bang halaga sa yo, iyon ba’y ganun na lang?

Kapirasong papel na lang na wala nang halaga?
Na dapat nang lukutin at itapon sa basura?
Nakalimutan mo na ba lahat ng nangyari sa dambana?
Nakalimutan mo na ba ang pangako mo kay bathala?

Wala siyang naisagot sa lahat ng nasabi ko
Tahimik lang na lumuluha habang nakayuko ang kanyang ulo
“ Patawarin mo sana ako kung naging mahina ako
At sa kaway ng tukso ay nagpadala ako.”

“Noong umalis ka upang sa abroad ay magtrabaho
Sobrang kalungkutan ang naramdaman ko
Hindi ko alam paano solong magpalaki ng mga bata
Lagi kong naiisip kung nandito ka lang sana.”

Dumating si Robert at sya ang nagpuno
Sa pakiramdam kong kulang, siya ang bumuo
Huli na para umiwas dahil mahal ko na siya
Patawarin mo ako dahil sa puso ko’y napalitan ka na niya”

“Alam kong walang paliwanag ang katanggap-tanggap
Para sa tulad kong sa iba ay naghanap.
Hindi ka nagkulang, ako lahat ang may kasalanan
Patawad dahil ang kasal natin ay hindi ko napahalagahan.”

“Gustuhin ko mang maayos ang ating pagsasama
Alam ko sa sarili ko na sadyang huli na
Hindi ko maaatim na ipaako sa iyo
Ang sanggol na sa ngayon ay nasa sinapupunan ko.”

“At isa pang bagay na dapat mong malaman
Siguro pagkatapos nito, isusumpa mo na akong tuluyan
Pasensya ka na kasi ang perang ipon mo
Nagalaw ko noong nagkasakit ang tatay ko.”

“Pero wag kang mag-alala, unti-unti ay babayaran ko
Ibabalik ko sa yo hanggang kahuli-hulihang sentimo
Ang tanging hiling ko ay ang pagpapatawad mo
Sana balang-araw makita mo sa puso mo.”

Ang bawat salita niya,animo’y bagong hasang patalim
Na dahan-dahang humihiwa at sumusugat sa akin,
Daig ko pa ang pinatay sa sakit na nararanasan
Ano bang kasalanan ko,bakit kailangan ko itong pagdaanan?

Ako ay napaupo, parang nauupos na kandila
Matagal-tagal din bago ako nakapagsalita
Pinilit kong kalmahin, ang alon-alon kong damdamin
Tinitigan ko si Anna ng buong galit at diin.

Umalis ka na sa harap ko, duon ka sa lalaki mo
Bilisan mo habang nasa katinuan pa ako
Wala kang karapatan na dalhin ang mga anak ko
Bago mo sila makuha,dadaan ka sa ibabaw ng bangkay ko!

Dagli siyang umalis, hindi na nagpaalam pa
Tumingin lang sa mga bata at siya’y tumalikod na
Ang aming bunsong anak tinangkang habulin siya
Ngunit hawak ng kuya niya, pigil-pigil ang kamay niya.

Pinalaya ko na ang lahat ng aking mga luha
Noon ko naramdaman ang pagod kong katawang-lupa
Niyakap ko ang mga anak ko, sila ang magiging lakas ko
Gagawin ko ang lahat para sila ay maitaguyod ko.

Hindi naging madali ang aking naging pag-ahon
Dumating ako sa puntong puro ako pag-iinom
Naisip ko rin ang gumanti,sirain ang kanilang mga buhay
Ngunit naisip ko,para saan pa,wala na ring saysay.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon
Unti-unti akong nakabawi sa mapait na kahapon
Itinuon ko ang lahat ng aking atensyon
Sa aking mga anak na aking inspirasyon.

Humupa na ang lahat ng aking poot at galit
Pero ang puso ko, nagdudugo pa rin sa sakit
Kaya ang pagpapatawad di ko pa maibigay
Kahit na nakita kong nagsisisi si Anna ng tunay.

Sa tuwing nakikita ko ang kontrata ng aming kasal
Naaalala ko, na minsan ako ay nagmahal
Kapirasong papel na ngayon ay wala ng halaga
Dahil ang babaeng minahal ko, may mahal nang iba.

Napaisip ako, ganoon na nga ba ang panahon ngayon?
Na ang kasal ay hindi na tulad noong unang panahon?
Kapirasong papel na lang kung ituring ng iba
At sa paglipas ng taon ay wala na ring kwenta.

Sa karamihan ngayon, ang kasal ay basta na
Obligasyon na lang lalo na kung may bata nang dinadala
Kapirasong papel na dati ay panghabambuhay
Simbulo ng wagas at pag-ibig na tunay.

📝  Komento mula sa tagasuri|Amiel Pascual

Kapirasong Papel or A Small Piece of Paper is a poem of love and heartbreak of a Filipino OFW. Falling in love is sweet but discovering a betrayal is bitter. In the end the writer chose to move on.


📜 一張紙 KAPIRASONG PAPEL
👤 MELINDA M. BABARAN

在這一張紙上我要傾吐我所有的情緒,
即使短暫緩解內心沉重和悲傷。

我在海外工作,攜帶著希望及努力的承諾
讓生活提升,可以自豪,可以擁有自己的財產。

賺錢不容易,需要勤奮、要配合大家,
壞習慣戒掉才可以多存一點錢,將來生活更好一些。

到海外生活不只工作,有空可打籃球練身體,
我在籃球比賽時,認識了一位單純女孩名字叫安娜。

當初開始做朋友,常在電話聯絡閒聊,
我不知不覺墜落,有一天醒來,我已愛上我的朋友。

不知道要怎麼說出口,心裡想又怕她生氣,
她來了,我又無法開口,舌頭啞口無言。

但有一天,我終於告白長久藏於心裡的愛,
我握住她手輕聲說:安娜,不要生氣,我愛你很長一段時間。

她震驚一下但也微笑了,我握著她的手也沒收回去,
聲音輕輕,害羞地說:原來我們心中的感覺一樣。

得到她點頭,我好開心,做什麼事都有動力,
生活變得更精彩,有靈感,原來真愛可以怎麼做。

過兩年我心意已決,無其他人,只有安娜,
不再考慮,跪在她面前拿戒指獻給她。

「安娜,我心愛的,妳是我的唯一,我想像不出自己和其她女孩過一生,
請接收我這個戒指,並答應成為我的妻子。」

她驚訝又興奮,一會兒流眼淚望著我,彷彿難以置信
一會兒微笑,緊緊擁抱我說:「是,親愛的,我答應,也不需要勉強。」

我們一起回菲律賓,向雙親求祝福,
不久訂定結婚日期,發誓永遠相愛,這是我們的承諾。

一小張證明,簽上我們兩人名字的紙,
代表我們兩永久的愛情,將我們結合直到死亡。

結婚後我們和睦相處,日子過得蠻幸福,
上帝賜給我們兩個男孩子,我們燃起對上帝的敬畏和謙卑。

已結婚有家庭的我,主責以妻子孩兒優先,
我牢牢記住在上帝和妻子面前的盟誓。

養孩子開銷越大,我需要更加努力,
我決定回國外工作,負擔家庭所需,那是我的願望。

加倍勤奮,晝夜上班,薪資隨之多一倍,
母子三人的影像鼓勵我,面帶笑容迎接來日。

我安慰自己光陰似箭,回國時必有足夠的儲蓄,
從此不再留下家庭等待,永遠不離開我家人。

有一天休息日和兒子聊天時,他講了很多,後來叫一聲叔叔,
奇怪,我想不起來他稱呼叔叔羅伯特是哪一位?

於是我問親愛的妻子,她回答說是小時候同鄉來的朋友,
遠行到馬尼拉工作,住附近轉角處所以很常相見。

她這樣解釋已足夠,這件事情我沒再多想,
我非常信任老婆,她愛我,她選擇嫁給我。

繼續在國外生活,上班、休息、繼續賺錢,
工作所得全匯回給安娜處理,存入銀行儲蓄。

終於我等待的日期到達,我可以回去我的家了,
不再擁抱三母子的照片,終於可以和他們一起過日子!

我沒告訴家人我哪一天回國,我想給他們驚喜
機票選擇晚上班機,在回家路上我忍不住微笑。

門窗電燈已關掉,四周靜寂無聲響。
我插入鑰匙開門,驚訝到說不出話。

愛妻安穩躺在我們的床上睡覺,頭靠別人肩膀,
兩人赤裸裸互相擁抱,生氣、憤怒立刻湧上心頭。

我立刻出手打、用腳踢,不斷毆打妻子的男人,
他們兩人萬萬也沒料到我會回家。

安娜叫喊:「夠了!夠了!」但我激怒的火焰已爆發,
最後理智也沒了,連安娜我也準備打。

我將她推出去作勢用拳頭打,忽然聽見被驚醒孩兒的聲音,
像冷水撲滅火一樣,無法止住淚水流出來。

惡男人乘機迅速逃走,安娜乞求原諒說對不起
我抱起孩子走出去,彷彿他能給我力量。

為什麼,安娜?我問
妳怎麼可以這樣對待我?

我盡可能擔起好父親、好丈夫的責任
我作個好男人,因為我愛妳。

我勤奮工作給妳天堂,昂貴物品榮華生活
我所作所為太多太多,即使妳沒看見,我仍對妳保持忠誠。

忠誠於結婚那天的發誓,永遠愛你到我死,
有一張紙我們兩人簽字見證,對妳不重要了嗎,就只有這樣了嗎?

一張沒價值的紙,揉起來丟到垃圾是嗎?
妳忘了禮堂的事嗎?妳忘了妳給上帝的承諾嗎?

她無法回答我,她低著頭靜靜地哭,
「原諒我身心脆弱,無力抵抗誘惑。」

「你離開去國外工作時,我非常寂寞  
我不懂怎麼獨自養大孩子,我時常想如果你在這裡就好。」

「羅伯特來時他填滿我所感覺的空虛,要離開他為時已晚,
我已愛上他,對不起,在我心裡你已被他取代。」

「我知道我去找新歡,任何解釋都無法被接受。
你沒有做得不夠,是我辜負你,原諒我沒珍惜我們的婚姻。」

「如果我想修復我們的關係,也已經太晚了,
我沒辦法再要求你認養目前我懷裡的胎兒。」

「還有一件事你該知道,也許在這之後,
你會永遠詛咒我,我父親生病時,我動用了你存下來的儲蓄。」

「但請你別擔心,我會慢慢還給你,
最後一毛錢都要歸還你,我只要求你的原諒寬恕,希望有一天你會在心裡看到。」

她每一句話像尖銳的刀,慢慢地劃傷我,感到的痛比死更慘
我那裡做錯,我為什麼要經歷此事?

我無力地坐下,好比快熄滅的蠟燭,過了很久才講出話,
我試著冷靜下來緩和情緒,充滿憤怒凝視著安娜

妳趕快從我面前離開,去找妳的男人,趁我還沒失去理智
妳沒權力帶走我的孩子,妳要帶他們走,我先死給妳看。

她無聲無息地走,只看一下孩子們就轉身離去,
老么想追著她,但他哥哥牽住他的手、阻止他。

眼淚如水流下,身體疲憊不堪,抱緊孩子們
我將竭盡所能扶養他們,他們是我的支助。

對我而言很難再站起來,我到了只想喝酒的地步,
我想報仇破壞他們的生活,但想一想何必,也沒有什麼用。

光陰荏苒,我漸漸走出過去的痛苦,
我全心全力專注照顧孩子們。

怒氣已消去,但是心裡的痛繼續滴血,
我無法原諒安娜,即便我看到她是真心後悔。

每當我看見我們的結婚證書,我記得曾經愛過,
這張紙目前已沒有價值,因為我曾經愛的女人已愛上別人。

現在想起,現代婚姻已不像往日,
有些人認為只是一張紙,時間過了也就沒有用了。

現在大部分人認為婚姻只是一種義務,特別是當小孩出生時 
往日一張紙是一生有效,純潔以及真愛的象徵。


📝  評語|Amiel Pascual

一張紙是敘述一位菲律賓勞工的愛情故事及婚變。談戀愛時多甜蜜,但發現被背叛欺瞞是多麼的痛苦。作者卻勇敢地繼續生存。

發佈留言