Ang Munting Anghel 小天使

【2016年入圍作品】菲律賓文|小天使

Louie / Ang Munting Anghel / Phil-Tai / dayuhang asawa

Ang buhay ay parang dagat minsan maalon , minsan payapa o tahimik, minsan malalim, minsan mababaw. Eto ang buhay na tinatahak ng bawat isa , minsan maulan na puno ng kalungkutan, minsan maaraw na ng papahiwatig ng pag-asa at kaligayahan.

Pagdating ng gabi na nababalot ng dilim may isang ilaw na nagbibigay liwanag sa iyong dadaanan. Ang ina na ilaw ng tahanan, na gumagabay at nagbibigay liwanag sa kabahayan.

Ang isang Ina na nagdalang tao para makita ang liwanag ng buhay. Siyam na buwan nasa kanyang sinapupunan ang isang sanggol na kanyang kayamanan, kahit anong hirap o sakit ay kanyang tinitiis , dahil ikaw isang anghel na bigay ng Maykapal.

Dumating ang araw ng kapanganakan, isang malusog na sangol na lalaki ang kanyang iniluwal. Hindi mapigilan ang tuwa at saya sa kanya puso, ng makita at mayakap ang kanyang munting anghel na inaasam.

Ang iyong ama ay tuwang tuwa at giliw na giliw sa iyo. At ang iyong ina ay napupuyat sa gabi sa paghele at pagtimpla ng gatas mo.

Dumaan ang araw at buwan, katulad ng hangin na dumaraan. Napansin ng iyong mga magulang parang may iba ka nararamdaman. Dito nila nalaman na ikaw ay may karamdaman . Parang tinusok ang kanilang puso ng malaman na ikaw ay may sakit sa puso.

Dito na ng simula ang alon ng buhay dahil sa iyong karamdaman may bagay na ikaw ay kakaiba di tulad ibang normal na bata. Sa edad na dalawng taon di ka pa nakakalakad. Dahil hindi naman mayaman ang iyong mga magulang . At ang kinikita ng iyong ama ay sapat lang para sa inyong pang araw-araw na pangangailan.

Ang iyong ina di sumuko nagtiis at ikaw ay ginabayan para makatayo ka sa iyong sariling paa. Sa baybayin dagat , sa tanghali tapat mainit na buhangin ikaw ay pinalalakad para mabuhay ang ugat sa iyong mga paa.

At nalampasan mo ang pagsubok na eto sa musmos na gulang pa lamang. Sobrang saya ng iyong mga magulang na makita ka na tumatakbo at lumalakad , ang saya sa kanilang puso ay nag-uumapaw.

Ngunit ang saya at tuwa na kanila naramdaman may katuwang na kalungkutan. Unti unti lumalabas ang komplikasyon ng iyong sakit. Di ka rin agad natutong magsalita , ngunit ang iyong mga magulang ay walang sawa sa pagtuturo sayo , na tawagin mo sila na Inay at Itay. Sa simple salita na marinig nila sayo . Ang tuwa at kaligayahan hindi matumbasan ng ano man kayaman.

Hindi nila inisip na ikaw ay kabilang sa special child. Hindi nila pinadama saiyo na ikaw ay kakaiba at may deperensiya , ikaw ay kanila inalagaan parang babasagin na pigurin na hindi maaring tabigin. Hindi ka nila kinahihiya, at bagkus ikaw ay ipinagmamalaki pa nila, dahil sa iyong kabaitan at sa iyong lakas ng loob sa paglaban sa iyong sakit.

Nag-aral ka tulad ng ibang bata , pinag-aral ka kasama normal na mga bata. Ngunit di maiiwasan ikaw ay kutyain ng kapwa bata, lokohin at pagtawanan. Dahil ayaw ng iyong mga magulang na ikaw ay inaapi dahil sa iyong kapansanan, hindi sila sumuko, na humanap ng paaralan na ikaw ay nabibilang. Ikaw ay bata na pala kwento, pag-umuuwi ka sa bahay ninyo mula sa paaralan , walang patid ang iyong kwento. Ikaw ay isang masayahin bata, hindi nababakas sa iyong mukha na ikaw ay may karamdaman.

Lahat ginagawa ng iyong magulang para maibigay saiyo ang iyong pangangailangan. Sa abot ng kanilang makakaya. Kahit masakit sa kanila na makita ang kanilang munting anghel ay lumalaban sa kanyang sakit. Ngunit ikaw hindi nagpakita ng pagsuko sa hamon ng buhay. Pilit mo parin sila pinalalakas ng iyong mga ngiti sa iyong labi at ang iyong tawa habang ikaw ay nagkukwento. Ikaw ng turo sa kanila mapalapit sa Maykapal, ikaw nagbibigay ng pag-asa sa kinala huwag susuko sa anong hamon ng buhay.

Isang araw, dinala ka sa hospital, ang taas iyong lagnat , ang iyong tibok puso nanghihina, ang iyong daliri sa kamay ay nangingitim, ang iyong red blood cell nababa kaya kailangan ka salinan ng dugo. Ang iyong ama at ina hindi alam gagawin, wala silang sapat na pera para sa mga gamot na iyong kailangan.

Ilang araw na ang lumipas nalalapit na ang Bagong Taon ikaw ay nasa hospital pa rin, ang iyong tanging hiling makauwi sa bahay ninyo ngayong Bagong Taon, kaya napilitan ang iyong magulang na ilabas ka sa hospital, sila pumirma na katunayan na ano man magyari wala pananagutan ang hospital sa iyo.

Habang inaayos na iyong ina ang gamit ninyo para makauwi na kayo sa bahay, ang iyong ama lihim na kinausap ang Doctor , at sa hindi inaasahan pangyayari naring ng iyong Ina ang sabi Doctor. Parang isang kidlat na dinurog ang puso ng iyong Ina ng marinig ang sabi ng Doctor na mapalad ka, kapag nalampasan mo ang edad na labing dalawa, dahil dito ang baitang ng pagbabago ng iyong katawan, dahil ikaw ay magbibinata na , baka hindi makayanan ng iyong puso.

Ngunit malimit ka atakihin ng iyong karamdaman. Hinahapo ka kapag naglaro, o kahit sa simple paglalakad lang. May nakikita ka mga normal na bata na ng lalaro sa daan. Kahit anong gusto mo makipaglaro, hindi ka makasali sa kanila, dahil natatakot ang iyong ina na ikaw ay atakihin ng iyong sakit. Dahil ilang bese kang na hospital , isang tusok ng karayom, para maibsan mo ang iyong sakit, ay libong tusok naman ang sakit nararamdman ng iyong mga magulang. Makita ka na nasasaktan at nahihirapan.

Kahit sabihin na ang Maykapal lang ang nakakaalam ng hangganan ng buhay. Hindi mawala ang takot at pangamba ng iyong magulang na ang kanilang anghel ay mawawala sa kanilang piling. Dahil ikaw ang munting nilang kayaman at karugtong kanilang buhay.

Lumipas mga taon , nalalapit na ang iyong kaarawan sa edad ng labing dalawa. Tanging hiling at dasal ng iyong magulang malampasan mo ang edad na eto at madugtungan pa ang buhay mo at makasama ka nila sa mahabang panahon.

Tulad ng paghinto ng ulan, may araw na lulutang sa kalangitan, na nagpapahiwatig ng pag-asa, sa iyong mga magulang. Dininig ng Maykapal ang kanilang panalangin , na malampasan mo ang pagsubok na kanilang kinatatakutan.

Ngunit kada taon, na lumilipas ikaw ay naghihina dahil ng iyong sakit, wala magawa ang iyong Ina at Ama, sa iyong karamdaman. Pero hindi sila nawawalan ng pag-asa na makita ka masigla at masaya. Ikaw kanilang anghel , ang nagbigay kulay sa kanilang buhay.

Ngunit kahit anong gawin nila , hindi na maiwasan ang kanilang pangamba, hindi nila hawak ang iyong buhay, hindi nila alam kung hanggang kailan ka sa kanilang piling. Sa edad na labing lima lalo ka nanghihina, unti unti ka na nawawalan ng lakas, dahil ng iyong sakit pero ikaw ay lumalaban. Lumalaban na malampasan mo ang alon ng buhay. Ilang buwan bago ka tumuntong sa edad na labing anim.

Ang hindi inaasahan na dagat na tahimik , biglang umalon at dumaan ang bagyo na kay lakas. Eto na eto na, ang ulan at hangin . Tulad ng pagpatak ng luha sa mga mata ng iyong ina at ama.
Habang ikaw ay nakahiga sa kama na nagsasabi :
Ina, Ama, mahal ko kayo salamat sa iyong pagmamahal, sa pag-aaruga, paggabay sa akin, sa walang sawang pagbibigay ng ilaw sa aking dadaanan.
Habang hawak mo ang kanilang mga kamay. Ang iyong Ina naman walang tigil na sinasabi ikaw ang aming anghel, ang amin kayaman, at kadugtong ng amin buhay.

Ilang oras ang nakalipas bigla ka ng bumitaw sa pagkakahawak sa kanilang mga kamay. Ngunit bakas ang ligaya at kapayapaan sa iyong mukha.

Ang iyong pagpanaw ay puno ng ilaw , na maliwanag, tulad ng mga bituin sa gabing madilim. Mga kaibigan mo , kamag anak na ng mamahal sa iyo pumunta at inalala ang isang munting anghel simula ng musmos pa lamang ay lumaban sa kanyang sakit. Ang anghel na ng patawa at nagpaligaya sa kanila. Ang anghel na nagbigay kulay sa kanilang buhay. Ang anghel na nagbigay aral na huwag susuko sa ano man laban.

Ang dagat na maalon , naging tahimik ngunit malamin , sobrang sakit parang kidlat na dinurog ang puso nila, ngunit kailangan tanggapin ng iyong magulang na ang kanilang munting anghel ay pumanaw na at kapiling na ang Maykapal na lumikha.

Ang iyong Ina at Ama, panatag na namaalam kahit masakit, na wala ka na sapiling nila, wala na ang kanilang munting anghel. Kaya kahit masakit ang iyong pagpanaw, may konting ligaya sila nadarama sa kanilang puso , na hindi ka na maghihirap sa paglaban sa iyong karamdaman. Na hindi ka na masasaktan sa tusok ng karayom sa iyong katawan, at malalasahan ang pait na gamot na iyong iniinom. Na simula noong musmos ka pa lamang ito ang iyong nilalabanan, para mabuhay sa mundong ibabaw.

Ikaw ang kanilang munting anghel sa lupa pati sa kalangitan, na ngayon gumagabay sa kanila at bumubulong sa Maykapal na malampasan ng iyong mga magulang ang pagsubok ng buhay na kanila pagdadaanan.


【2016年入圍作品】菲律賓文|小天使

人生就像大海,時而平穩;時而深沉;時而淺波。這就是我們人生的寫照,有時陰雨憂傷,有時天晴充滿希望但是無論如何,每當夜幕低垂,總會有一明光指引我們前行的方向,就像母親,總是引導我們腳步,走向對的方向並帶給我們希望。一位懷胎九月的母親,為了能讓子宮裡的嬰兒見到光明,她願意忍受任何困難與疼痛,因為你是上帝賜予的天使。母親從你誕生,將你擁抱的那天起,心中就有止不住的喜悅。

你的父親是那麼歡喜你的出生,而母親,每個夜晚都為了你而輾轉失眠,只因需要餵食及陪伴在搖籃床的你。他們如同太陽和月亮輪番守護。時空飛逝,你的父母每一天都為你的成長感到喜悅。但漸漸地,他們發現你的身體有一些不對勁,他們發現,你先天有心臟方面的疾病,這事實宛如利箭刺穿他們的心。也是這時候開始,家裡逐漸入不敷出,你的父母並不富裕,父親的收入剛好只能應付家裡日常所需,這時,生活就像大浪般不斷起落。你的病也使身體開始其他正常小朋友有了明顯的不同,兩歲時,連走路都顯得困難重重。你的媽媽並沒有因此放棄希望,為了讓你的腳能行走,中午總是帶著你到海邊,讓你走在熱砂上,希望腳神經重新恢復知覺。皇天不負苦心人,你終於捱過這個難關。你的父母看到你跑步和散步的樣子,心中的喜悅是無法用言語代替。

但這些進步帶來的喜悅,不能讓他們得到足夠的慰籍。因為你身上有許多併發症,使你沒有辦法正常學會說話,但你的父母始終不放棄,辛勤的從早到晚教你發音,只希望有一天開口叫他們一聲爸爸、媽媽。聽到你的聲音,這些快樂和幸福是沒有任何貴重的寶物能取代。雖然你是一個特殊的孩子,但是父母待你的方式,讓你感覺到自己是獨一無二的,與其他人沒有不同。父母把你照顧的無微不至,也沒有絲毫看不起或輕視你的心。你的善良與勇氣,讓他們為你感到無比驕傲

你與正常的孩子一起接受學校教育。但不可避免,其他小朋友常常嘲笑愚弄。你的父母,不希望因為殘疾而使你受到不公平的壓迫,於是他們不放棄找尋能夠認可你的學校。你的天性開朗,從學校返家,總是有說不完的故事等著和家人分享。你是一個開朗的孩子,笑臉總是在你的臉上綻放,一點也感覺不出你與其他孩子的不同。你的父母親總是盡最大的努力,給你所需要的一切。雖然他們痛苦的目睹他們的小天使如何與他的病情搏鬥。但是你並沒有因此臣服於疾病帶來的挑戰。為了不讓他們感到緊張,你總是講故事給他們聽,讓他們感受到你的歡樂和笑聲。的開朗,使他們更接近上帝,你帶給他們希望,以及永不輕言放棄挑戰生活。

一回,你因發高燒緊急送進醫院。你的脈搏虛弱、手指鐵青,紅血細胞極少,所以需要輸血。你的爸爸和媽媽都不知道該怎麼辦才好,他們已經沒有足夠的錢,為你買所需要的藥品。幾天後,眼見新年就要到來,你還在醫院,所以你唯一希望的能返回家過年,你的父母準備把你接回家並簽署醫院的文件,表示無論發生什麼事,醫院都沒有義務承擔責任正當母親準備收拾行李回家,父親偷偷醫生詢問病情不幸的是,內容全被母親聽到。她一聽到消息,就像被雷擊中心臟般錯愕,醫生說,超過十二歲後,你的身體將會開始產生變化,邁入青少年階段心臟可能無法負荷。

你的病情持續嚴重,甚至只是簡單的散步,也常常讓你心臟病發。有時看到孩子們在路上玩耍,無論你多麼想加入他們,母親都會出面阻止,因為她擔心你會心臟病發。頻繁進出醫院,唯獨打針可以減輕你的痛苦。目睹你所承受的痛苦和難受疲憊的身體,對你的父母而言,就像幾千隻針頭刺同樣在身上般疼痛有人說,只有上帝知道生命的盡頭何時到來所以你的父母心中的恐懼與擔心是無法避免的,他們多麼害怕,有一天他們的天使會真正離他們而去。你是他們的心肝寶貝,你讓他們延續了生命,瞭解生命的真諦。

幾年過去,你的十二歲生日即將到來。父母對上帝的唯一請求,就是祈禱你能超越年齡限制、延長你的生命,與你一起生活。雨總會歇,陽光終會乍現上帝聽到你父母永不放棄的祈禱,讓你安然度過十二歲生日。但你的病情依舊存在,看到你總是病懨懨的樣子,你的母親和父親不知道該如何是好。但他們並沒有在你身上看到你失去對人生的希望,你是他們的天使,你為他們的生命畫上色彩。但是,無論他們付出多少,都無法避免對死亡的恐懼,他們無法掌握你生命的長度,他們也無從得知能與你一起生活多久。十五歲是你最虛弱的年齡,你正一點一慢慢失去生命的力量,但你依舊想戰勝病魔、克服人生的波瀾。終於,你順利熬過了十六歲。

出人意料之外,暴風雨襲擊了平靜的大海面臨風雨,淚水在你雙親眼中流了下來。你虛弱的躺在床上開口:「爸爸、媽媽,感謝你們對我的愛護、培育、引導我,你們是我人生崎嶇道路上的一盞光明。」直到最後,握他們的手,媽媽不斷的說你是我們的天使,豐饒的財富,生命的力量。

漸漸地,你的手再也沒有力氣,最後你帶著喜樂、平安的笑容離開。

你的旅程如此充滿光明,就像黃昏的星星綻放光芒最後一程,你的朋友和親戚都趕來探望你的最後一面。你的父母永遠都記得當你還是嬰兒,還是小天使的時候,就已經勇敢對抗病魔,一直帶給他們歡樂,你是教導他們不畏懼任何挑戰,不輕言放棄的天使。

海面如此波濤洶湧,乍現的閃電擊碎了他們的心,你的父母必須坦然接受他們的小天使消失了的事實。相信,現在孩子正與上帝一起你的父親、母親,雖然現在已經能接受你已經離開,不在身邊的事實。即使你的離開,讓他們感到痛苦萬分。但他們也明白,你將永遠不再為病痛纏身,這帶給他們一絲絲的慰籍。針頭傷害你,再也不用忍受吞嚥苦藥的痛苦從小到大,你努力與病魔鬥,現在,終於可以安心離開。

永遠是他們小天使,向與上帝訴說、請求幫忙,希望祈禱能讓你的父母克服一切面臨的挑戰。

 

3 thoughts on “Ang Munting Anghel 小天使

  1. I thought I had left this comment the other day – but I pailrcularity felt this chapter rang true from my experience. I thought it was spot on – I had heard many times that the way to a man’s heart is through his stomach.I had also heard the “leaving anonymous baked goods” theory – and I did take baked goods to a friend who was a boy that I was interested in, back when I was young.There was also some odd social things going on at dances – exactly what chanson mentioned. As I have mentioned before, I think this novel is a great read for someone unfamiliar with mormonism or leaving mormonism.

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *