向星星許願 HUMILING SA MGA BITUIN

🏅青少年評審獎 Teen Choice Award

📜 HUMILING SA MGA BITUIN

👤 LIUMARIE

 

Punong puno ng mga bituin ang kalangitan, tila ito mga isinabog na perlas, bawat isa ay nagkikislapan at tila ngumingiti sa kalupaan upang mag bigay ng pag asa sa sinumang dito ay nakaka tanaw.
Huwag mawawalan ng pag-asa.
Ito ang mga salitang laging sinasabi ng kanyang ina bago ito pumanaw, ang huwag mawalan ng pag-asa. Humiling sa mga bituin at ito ay diringgin. Ngunit bakit parang kay tagal na nitong bingi sa kanyang mga kahilingan?

Sinulyapan niya ang kanyang kapatid na himbing ng natutulog sa kaniyang tabi at tila hindi pansin ang lamig na dala ng hangin. Inayos niya ang maliit na kumot na nakabalot sa katawan nito at hinaplos ang munti nitong mukha. Madudumi ang mga kamay at paa nito.
Pinag masdan niya ang paligid na kanilang kinaroroonan; madumi, maingay at mabaho.
Ito ang kanilang kapaligiran sa nakalipas na tatlong taon.
Inayos niya ang karton at diyaryo na nagsisilbing higaan nila at tumabi sa kaniyang kapatid. Nang maramdaman ang init ng kanyang katawan ay yumakap ito sa kanya ngunit nanatili parin na nakapikit ang mga maya. Umihip ang malakas na hangin, ramdam niya ang lamig ngunit piniling huwag ng makisalo sa maliit na kumot na nakabalot sa katawan ng kanyang kapatid. Muli siyang tumingin sa kalangitan at unti unti ay bumalik sa kanya ang ala-ala tatlong taon na ang nakakaraan…

Maagang pumanaw ang kanyang ina, nagkasakit ito at dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi nila nasuportahan ang pagpapagamot dito. Ang kanyang ama ang tumayong ama at ina nilang magkapatid. Napakasipag nito. Halos lahat ng trabaho ay pinapasok nito masuportahan lamang ang kanilang mga pangangailangan.

Ipinanganak silang mahirap, walang sariling bahay. Nangungupahan lamang sila at lagi pang naaantala sa pag babayad ng upa. Ilang beses silang muntik ng mapaalis sa kanilang inuupahan, nakikiusap lamang ang kanyang ama at ina sa may ari ng bahay.
Kahit sobrang hirap ng buhay ay nakakaraos naman sila. Nakakapag aral pa siya noon sa pampublikong eskwelahan na malapit sa kanilang inuupahan. Gustong gusto niyang makatapos ng pagaaral upang matupad ang kanyang mga pangarap, makahanap ng magandang trabaho balang araw at masuportahan ang kaniyang pamilya.

Noong mawala ang kanyang ina ay natigil na siya sa pag aaral. Pinili niyang tulungan na lamang mag trabaho ang kanyang ama dahil hindi na sapat ang kinikita nito sa pagbebenta ng basahan at isa pa ay naging malungkutin at sakitin ito simula ng pumanaw ang kanyang ina. Tila ba nawalan na ito ng pag asang mabuhay.

Sa edad na pito ay siya na ang sumalo sa lahat ng responsibilidad na dapat ay ginagampanan ng kanyang ama. Nagtinda siya ng candy, diyaryo at basahan sa lansangan. Makalipas ang isang taon ay pumanaw narin ito.
Naulila sila ng lubos. Wala kahit isang sentimo na ipon. Tatlong buwan na silang hindi nakakabayad sa upa ng bahay at ano mang oras ay alam niyang paaalisin na sila ng may ari doon. Kasama ang kanyang kapatid ay umalis sila sa kanilang bahay ng walang tiyak na patutunguhan.

Nagpalaboy laboy sila sa kalye at kung saan saan sila natutulog. Sa pintuan ng simbahan, sa harap ng mga saradong tindahan, sa ilalim ng tulay at minsan kung saan na lamang sila abutan ng dilim. Natuto silang mamalimos upang may makain..
Toootottt! Toootottt!

Ang malakas na busina ng mga sasakyan ang gumising sa kanya. Tumingin siya sa kalangitan, papasikat na ang araw. Umpisa na naman ng bagong umaga. Tulog pa rin ang kanyang kapatid. Itinaboy niya ang langaw na dumapo sa mukha nito.

“Andy! ”

Narinig niyang tawag sa kanya.
“Bilisan mo mahuhuli na tayo. Baka wala na tayong maabutan na basura!”

Siya si Peter. Tulad niya ay isa rin batang lansangan.May mga magulang ngunit ayon dito ay iniwan at pinabayaan na lamang siya.

Ginising niya ang kanyang kapatid.
Dumilat ito at kinuskos ng maduduming kamay ang mga mata..

“Jenny dito ka lang ha? Mag hahanap lang si Kuya ng pagkain. Alam ko gutom ka na”
Tumingin ito sa kanya at ngumiti.

“Sige kuya dito lang ako, hihintayin kita.”

Hinalikan niya ito sa noo at lumakad na. Nang makailang hakbang ay muli niya itong nilingon. Inaayos na nito sa isang supot ang karton at kumot na ginamit nito sa pagtulog. Gulo gulo ang buhok nito. Nangilid ang kanyang mga luha, ngunit bago pa man tumulo iyon ay mabilis na siyang lumakad palayo.

Nagkakagulo sa tapunan ng basura. Mga batang tulad niya ay tila kinalimutan na ng lipunan. Hindi pansin ang mabahong amoy na nag mumula dito. Bawat isa ay nag aagawan sa pagpulot ng mga bagay na maari pang ibenta at mapakinabangan tulad ng diyaryo, bote at plastik.
Mabilis na siyang kumilos at nilapitan ang isang tumpok ng basura. Napangiti siya ng makita ang isang manika. Kay ganda nito. Kulay ginto ang kulot na buhok na nakatali ng kulay rosas na laso, kulay rosas din ang damit nito. Maingat na inilagay niya sa supot ang manika. Napangiti siya ng maalala ang kapatid. Sigurado matutuwa ito.

Hawak sa mga palad ang maliit na halagang kinita at ang napulot na manika ay binalikan nya ang kanyang kapatid ngunit wala ito sa lugar kung saan niya ito iniwan.

“Jenny! Jenny!”

Lumingon siya sa paligid ngunit hindi makita ang kapatid.
“Jenny nasaan ka na?” Hinihingal na napaupo siya sa kalsada.

Nilibot ng kanyang paningin ang paligid ay napatayo siya ng makita ang isang batang babae na nakatayo sa labas ng isang restaurant. Hindi siya maaring magkamali si Jenny ito. Mabilis siyang lumakad palapit dito. Nang malapit na ay napag masdan niya itong mabuti. Nakatingin ito sa salaming bintana ng restaurant, tinatanaw ang isang pamilya na kasalukuyang kumakain doon. Ang mata nito ay walang kurap. Nakahawak sa tiyan at panay ang lunok. Nakapaa ito.

“Jenny!”
“Kuya!”
“Diba sinabi ko sa iyo na doon ka lang sa pwesto natin, huwag kang aalis at hintayin mo ang kuya? At saka bakit wala kang suot na tsinelas?
“Pasensya na kuya, gutom na gutom na kasi ako” nakatingalang sabi nito sa kanya habang hawak pa rin ang tiyan. “Yung tsinelas ko nasira na kasi..”

Naaawang niyakap niya ito.
“Heto may dala ng pera si kuya, ibibili kita ng pagkain at tsinelas”
“Talaga kuya?” Namimilog ang mga mata nito sa tuwa.
“Oo at saka may isa pa akong sorpresa sa iyo.” nginitian niya ito.
Nag tatanong ang mga mata nito ng tumingin sa kanya. Nakangiting inilabas niya sa supot ang manikang napulot.
Namilog ang mata ni Jenny ng makita ito.
“Kuya ang ganda! Para sa akin ba ito?”
“Oo para sa aking munting prinsesa”
Niyakap nito ng mahigpit ang manika habang tumatalon talon.
“Salamat Kuya” yumakap ito sa beywang niya.
Niyakap din niya ito ng mahigpit. Sobrang saya niya na makita ang kaligayahan sa mga mata nito.

Takip silim na naman, ang kaninang maingay na paligid ay unti unti ng tumahimik. Nakahiga na siya sa tabi ng kanyang kapatid ngunit hindi dalawin ng antok. Umihip ang malakas na hangin kasabay ng malakas na kulog.

“Kuya!” Takot na sabi ni jenny sabay yakap sa kanya.
“Shhhh! Huwag kang matakot, nandito lang si kuya” bulong niya dito at niyakap ito ng mahigpit hanggang sa muli itong makatulog.

Hanggang kailan sila ganito? Hanggang kailan sila matutulog sa madumi at maingay na lansangan? May magandang buhay pa kaya na nag hihintay sa kanilang mag kapatid? Muli na namang kumulog at kasabay na nito ang pag buhos ng malakas na ulan. Mabilis niyang binuhat ang kapatid at tumakbo sa malapit na tindahan. Sarado na ito. Naupo siya sa maliit na upuan doon habang buhat ang kapatid.

“Kuya, giniginaw ako” narinig niyang sabi ni Jenny
Basa na ang damit at buhok nito. Niyakap niya ito ng mahigpit . Sa isip ay hinihiling na sana ay huminto na ang ulan.
Hindi na niya mabilang sa kanyang mga daliri kung ilan beses na nilang naranasan ang ganoong sitwasyon. Dapat ay sanay na siya, ngunit lagi pa rin siyang nakakaramdam ng awa sa sarili lalo na sa kanyang kapatid. Lagi na ay hinihiling na sana ay may maayos silang tulugan. Sana ay nakakakain sila tatlong beses isang araw. Sana ay nag aaral sila para sa kanilang magandang kinabukasan. Puro sana. Tumingin siya sa langit, madilim, walang mga bituin. Saan siya hihiling?

“Hoy bata! Umalis na kayo diyan, mag bubukas na ako ng tindahan” unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Tumila na ang ulan at maliwanag na ang paligid. Ginising niya si Jenny.
Hawak kamay na nilisan nila ang lugar na iyon habang abala sa pag iisip kung saan sila hahanap ng makakain.

“Kuya nagugutom na ako” tinig ni Jenny
Naaawang tiningnan niya ang kapatid, hinawi ang buhok nito na nanlalagkit na sa dumi.

“Halika, may pupuntahan tayo.”

Nagtataka ang mga tingin ni Jenny ng marating nila ang kanilang pupuntahan. Sa likod ito ng isang restaurant. Isang tumpok ng mga batang lansangan ang kumpol kumpol sa isang bilog na drum at tila may pinag kakaguluhan.

“Diyan ka lang ha? Hintayin mo ako” sabi niya kay Jenny. Tumango ito sa kanya.

Nakisiksik siya sa mga batang nagkakagulo sa gilid ng drum. Halo halong mga tirang pagkain ang laman nito. Ang iba ay nahulog na sa lupa dahil sa pag aagawan ng mga bata. Ibinuka niya ang kanyang supot na dala at kinuha ang mga pagkain na maari pang kainin. Nang mapuno ay nilapitan niya si Jenny. Ngumiti siya dito at sinabing kumain na ito.
Nakangiting inabot nito ang supot at ngsimula ng kumain.

Alam niyang marumi ang pagkaing iyon ngunit dito sila nabubuhay. Ang pagkaing itinapon na at inayawan ang pumupuno sa nagugutom nilang sikmura, ang patuloy na nag durugtong sa kanilang buhay. Iginala niya ang paningin sa kanilang kinaroroonan. Tulad nila ay pinag sasaluhan na rin ng ibang mga bata ang nakuha nilang pagkain. May ngiti sa mga labi dahil nalamanan na naman ang kumakalam na sikmura.

Gabi na naman…

“Jenny! Jenny! Gumising ka!”
Nanginginig at mainit na mainit ang buong katawan nito.
“Kuya…. ang ginaw…”
Niyakap niya ito ng mahigpit. Lumingon sa paligid.
“Tulungan ninyo kami! tulungan ninyo ang kapatid ko!” Sigaw niya. “Parang awa ninyo na.”

Binuhat niya ito at lakad takbong nag hanap ng mahihingan ng tulong.
Walang tao sa paligid. Hinang hinang napaluhod siya habang yakap ang kapatid.
Tiningnan niya ang maputla nitong mukha. Unti unti pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Nanikip ang kanyang dibdib sa awa at takot na nadarama para sa kapatid. Ito na lamang ang nag iisa niyang pamilya. Ang kasama sa lahat ng oras. Ang munti niyang anghel. Ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban sa hamon ng buhay. Napahagulgol siya. Tumingin siya sa langit. Naroon ang mga bituin. Muli para itong mga perlas na isinabog sa langit. Nakangiti sa kanya. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanilang Ina.
Humiling sa bituin at ito ay diringgin..
Pumikit siya at humiling..

“Bata, bata..”
Nagmulat siya ng mga mata. Isang babae ang nasa harapan niya. Nakasuot ito ng puti na parang kasing puti ng mga bituin sa langit.
“ano ang nangyari sa kapatid mo?”

Napahagulgol na tumingin siya sa langit, sa mga bituin at taos pusong nag pasalamat..

“Kuya.. kuya..

Narinig niyang tawag ng kanyang kapatid.

“Tingnan mo kuya ang daming mansanas! Ang tamis! Ang sarap!”

Masayang tiningnan niya si Jenny. Maayos na nakatali ang mga buhok nito. Malinis ang mukha pati ang buong katawan. Sa isang kamay ay hawak ang manika na bigay niya dito.

“Kuya gusto mo ng mansanas? Tingnan mo oh, and dami pa doon.” Itinuro nito ang lamesa.

Hinaplos niya ang ulo nito “Sige..kukuha na lamang si Kuya mamaya”

“Andy pumasok ka na sa loob, kakain na tayo” narinig niyang sabi ng isang babae mula sa kanyang likuran. Humarap siya dito, ngumiti at yumakap ng mahigpit.

“Maraming salamat po sa tulong at kabutihan ninyo sa aming mag kapatid. Kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ang nangyari kay Jenny at sigurado na hanggang ngayon ay nasa lansangan pa rin kami.

Ngumiti ito sa kanya.
“Anak, ako ang dapat mag pasalamat sa inyo dahil sumaya ang buhay naming mag asawa simula ng dumating kayo. Kayo ang mga anak na matagal na naming hinihiling…”

Nag uumapaw ang kaligayahan sa kanyang puso. Sa wakas narinig na rin ng mga bituin ang kanyang hiling. Hindi na sila matutulog sa mabaho at maingay na lansangan. Hindi na sila magugutom. May magandang bukas na siyang natatanaw para sa kanila ni Jenny.

Tumingala siya sa langit at tinanaw ang mga bituin. Mas lalo itong lumiwanag sa kanyang paningin.

Ngumiti siya sa mga ito.

“Salamat, Salamat!” Masayang sigaw niya.


I’m Marisol Liu, i’m 33 years old and I’am from the Philippines. I’ve been living here in Taiwan for almost 6 years now with my husband and children. I came here to work as factory worker despite having a University degree, because finding high paying job in my country is a little harder especially a job that is related to what you’ve studied. You can find them but It takes a lot more time.

My first year here in Taiwan is a bit hard as every country has it’s own culture, language, beliefs and values, understanding all those immediately is very difficult. Many things is different from my home country and I have to learn how things get done here. Even buying simple things is a  real challenge. I missed my family and old friends especially during special occassions like christmas and birthdays were all the members of the family get together. But living in Taiwan alone help me to become independent and it widen my knowledge about their culture and values.

Now, Taiwan is my second home. This is where i met my husband and built my own family..

HUMILING SA MGA BITUIN or WISH UPON A STAR is a story that discusses the life of street childrens. I chose to write about their lives because I’ve seen them myself and it’s heartbreaking. I want the society to know how hard they life is living in the street without knowing where to get their next meal or where to sleep at night. As a person and as a mother, my heart has a soft spot for children especially for those who struggling to survive.  It makes me very sad that they have to live like that; living and begging on the street to live. It’s just so sad that street childrens are being mistreat and negatively viewed by society, they are most often viewed as delinquents, criminals, drug addicts, and simply the rubbish of society.

Each child has their own story why they ended up living in the streets but whatever that story is, childhood have literally been taken away from them.

I truly believed that every child has the right to a safe home and proper education, and like our own child they also need somebody who will protect and love them, somebody who can help them  with the basic necessities of food, health care and a safe place to stay.

I feel much honored to know that I was selected out of many people who joined this contest. I’m so thankful to all the jury who appreciated and voted for my entry. It encouraged me to, not only keep doing the new thing, but to explore, reach beyond my comfort and stretch myself..


📜 向星星許願

👤 LIUMARIE

 

天空繁星點點,星星就像散落的珍珠般耀眼,每一顆光芒,溫柔照在地球上,給予人們一束希望光芒

「不要失去任何希望」。話,是他的母親在前常常叮嚀吩咐他的話。他想問,星星有聽到嗎。為什麼他的願望,終沒能實現,難道星星聾了嗎?

他看了在他身邊睡著的妹妹,她熟睡的模樣,似乎感受不到冷風。她蜷曲的身體,只用一小塊小毯子裹著,他輕拂摸著她的小臉。看到她骯髒的手和腳。他環顧四周,驚覺這裡不僅髒,還又吵又臭。這就是他們過去三年的生存環境。他把當作床的硬紙板及報紙收拾、摺好,坐在妹妹旁邊。他抱著妹妹,即使身體正在發熱,但她依舊睡得很熟。大風呼嘯而過,他覺得好冷,但還是忍著無情的冷風,將唯一一條小毯子讓給妹妹。他看了看天空,三年前的一切,至今記憶猶新…

他們的母親很早就去世了,生病加上窮困的環境,無法提供母親任何藥物幫助。他們的父親就這樣,身兼兩職,非常勤奮工作,所有能打工的機會都會去接。只求能讓兩個孩子溫飽。他們出身貧寒,沒有自己的家。只能租小小的小房間,有時還繳不出房租面臨被趕出來的命運,有好幾次,父親、母親只能求房東,讓他們緩幾天繳房租。雖然生活非常困苦,但一家人還是可以勉強度過他們以前還可以在公寓附近的公立學校上課。他多麼想完成學業,實現自己的夢想,有一天能找到一份好工作,賺錢養家人。

失去母親後,他的學業也因此停擺。他只好到處找打工的機會,好幫助他的父親賺微薄的外快,父親在賣一些抹布,自從母親去世後,他就喜怒無常,身體時好時壞。後來的他,失去了求生意志病倒去世兄妹倆從此沒有了父親。七歲時,家裡所有的重責重擔都落在他身上。他試著在街上賣糖果、報紙和破布。一年後,他再也支持不住龐大的壓力。完全被社會孤立的他們。身邊甚至沒有一分錢。有三個月沒有辦法支付租金,他知道,會有那麼一天會,房東會驅趕他們於是,他選擇跟妹妹一起離開卻不知道該何去何從。

他們兄妹倆在街道上漫無目的走著,看晚上停腳何方,就在那裏睡。有時在教堂門口,有時在店面前或是橋下。他們學會了如何乞討養活自己叭叭叭!叭叭叭!早晨刺耳汽車的喇叭聲,總是一早叫醒他。他看著天空,太陽升起,又是一個新的開始。看著還在熟睡的妹妹。臉上有幾隻蒼蠅停留,趕緊伸手驅趕。

「安迪!」這個時候,有個人叫著他的名字。
「我們要快點。再慢也許我們就沒有垃圾可以拿了!」他叫彼得,也是流浪在街上的孤兒。他年輕的父母拋棄了他,從此留他獨自一人長大

他叫醒了妹妹。妹妹睡眼惺忪地用骯髒的手揉揉雙眼。

「珍妮,妳乖乖待在這裡,好不好?哥哥去找食物,我知道妳餓了」珍妮看著哥哥,臉上露出了笑容。
「好,哥哥,我在這裡等你。」他親吻她的額頭,連忙離開。不過走了幾步後,又回頭看著妹妹,正在開始把睡覺所使用的硬紙板及小毯子,小心裝到塑膠袋裡。看著披頭散髮的妹妹,他強著在眼睛裡打轉的淚水,試著不讓它下,快步離開。

一群小乞丐在垃圾場爭先恐後。很明顯的,這些人是一群被社會所遺忘的孩子他們不在乎垃圾散發出的惡臭味。每個人都爭相垃圾堆找出還可以利用或賣出去的廢物,比如報紙、瓶子塑料。他快速的一堆垃圾中,翻撿一包塑膠袋。一看,他忍不住微笑。那是一個非常美麗的娃娃。有著一頭金色捲髮,上頭綁著粉紅絲帶,衣服也是粉紅色。他小心地將娃娃放自己的袋子裡。想,妹妹應該會非常開心收到這份驚喜吧?手裡緊緊著賺來的微薄小錢及放著娃娃的塑膠袋,回到他與妹妹睡覺的地方,但卻沒看到妹妹。

「珍妮!珍妮!」他環繞四周,還是沒有看到妹妹。
「珍妮,妳在哪裡?」找遍所有地方,也不見妹妹的身影,他累得癱坐在馬路上。最後,他的目光突然停留在一處餐館,他看到一名年輕女子站在餐館外面。他絕對不會認錯,那就是珍妮。他迅速走向餐館。看到妹妹隔著餐廳玻璃窗,裏頭有一家人正在快樂的用餐。她閃爍的眼睛專注凝視著一家和樂融融。只見她赤腳的,摸著肚子在吞口水。

「珍妮!」
「哥哥!」
不是告訴乖乖待在我們的地方不要離開,等哥哥回來?還有為什麼沒有穿拖鞋?
「對不起哥哥,我肚子好餓喔」妹妹嘟起嘴巴,一邊摸著肚子一邊可憐的說。
「我的拖鞋也
被我穿破了,所以沒穿」哥哥憐惜的擁抱了她。
「看!哥哥賺了一些錢,我會幫買吃的和拖鞋」
「真的嗎,哥哥?」妹妹用雙喜悅的眼睛望著哥哥。
「當然,我還有另外一個驚喜。」聽到這,她笑開了臉。眼睛睜得圓圓大大,期待哥哥拿出什麼驚喜。他微笑把袋子裡的娃娃拿出來,珍妮眼裡綻放著光芒。
「它好漂亮喔,這個是給我的嗎,哥哥?」
「是的,我的小公主」妹妹緊緊擁抱娃娃,高興地跳躍。
「謝謝你哥哥」她抱著哥哥的腰。他緊緊擁抱他的妹妹。為她眼中的幸福模樣感到一絲安慰

夕陽再次西下,早上嘈雜的環境也慢慢安靜下來。他躺在妹妹的旁邊,但怎麼樣睡不著,強風隨著幾聲響亮的雷聲。

「哥哥!」珍妮害怕的抱著他。
「噓!不要害怕」緊抱著妹妹,低聲地說「哥哥在這裡」直到她入睡。

他們要維持這樣的生活到什麼時候?他們要睡在骯髒和喧鬧的街道到什麼時候?以後有美滿的將來,等待著他們兄妹倆嗎?打雷聲,並沒有因此憐惜他們而停歇緊接在後,是一場傾盆大雨的到來。他趕緊抱起他的妹妹,往附近的商店想躲雨。但是店面是關閉的。他只好抱著他的妹妹,坐在角落的小椅子上。

「哥哥,我好冷。」他聽到珍妮說。眼看她的衣服和頭髮全濕了,他更緊緊的擁抱了她不放。他只希望雨趕快停止。他們經歷過這樣的情況不知多少遍了。他應該已經習慣才對,但他仍然覺得自己好可憐尤其是妹妹。總是希望,能有個安全安定得住所能容身之處。希望他們一天能吃到三次餐。希望他們能上學,為了美好的將來學習。但一切都只是希望。他看著天空,眼前一片漆黑。沒有星星,他要如何許願?

「嘿,孩子!快點離開這裡,我要開始營業了」他的眼睛慢慢睜開,原來雨已經停了,又開始明亮的一天,他叫醒珍妮。他們手牽著手,收拾著他們的東西,一邊想著要去哪裡找可以吃的東西。
「哥,我好餓喔」珍妮抱怨著。他看著可憐的妹妹滿身污垢,淤泥貼滿了頭髮。
「走吧,我們去一個地方」聽到這,珍妮好奇極了,也想趕快抵達哥哥說的地方。他帶著妹妹到一餐廳後,一群流落街頭的兒童正圍繞一桶裝滿廚餘的桶子。
「妳乖乖待在這裡別動,等我」珍妮聽話的向他點點頭。

他試著穿過眾多的孩子,努力強拿落在桶子邊圍的殘渣,有些已經掉落到地上。他打開自己的袋子,挑選出還能吃的食物。袋子裝滿後走向珍妮。他笑著說,「我們可以開動了」看著哥哥,珍妮面露微笑,拿著袋子也開始吃了起來。他知道,這些食物都是人家吃完不要的,但是他們就是靠著這些食物維生,只要不要餓著肚子,能繼續他們的生活就好。他們一邊吃,一邊發現其他小孩也跟著吃起他們袋子裡的食物。他們的嘴角滿意的上揚,因為他們再一次克服困難,好不容易填飽肚子。

傍晚再次來到…

「珍妮!珍妮!快醒醒!」她全身發熱,身體止不住的顫抖。
「哥哥!我好冷…」他緊緊擁抱著妹妹不放,試著向周圍呼救。
「救救我們!求求你們幫幫我的妹妹!」他大聲喊道。
「我求求你們。」他用力舉起妹妹,走著、跑著,聲嘶力竭尋求路人幫助他的妹妹。但是沒人願意向前,他精疲力盡,累到跪坐在馬路邊抱著妹妹。

他看到臉蒼白的妹妹。眼淚再也止不住的流下,他是如此心疼及憐惜妹妹的遭遇。好害怕失去他唯一的家人,陪伴著他經歷一切遭遇的唯一家人。她是他的小天使,也是他能繼續為生活奮鬥,勇敢面對挑戰的理由。他哭泣不成聲。他抬頭看著天空,看著閃爍的星星,依舊像珍珠般散落在天空,彷彿對他微笑。他記得媽媽告訴他「星星許願,它會幫助你實現願望…」他閉上了眼睛,許願

「孩子們,孩子們!」睜開眼睛,一個女人出現在他面前。她身穿白色,顏色白得像天上的星星。
「你妹妹發生什麼事?」流著眼淚,抬頭看了看天上的星星,打從心底真誠、由衷的感謝!
「哥哥!哥哥!」現在的他,聽著妹妹開朗的叫著自己的
「哥哥你看這裡有好多蘋果喔!又香!又甜!」他快樂看著眼前的珍妮,整齊的綁著頭髮,有著乾淨的臉龐和手腳裡抱著是哥哥給她的娃娃。
「哥哥,你要吃蘋果嗎?哦,看,那裡有更多。」妹妹指著桌上的蘋果盤。他溫柔撫摸著她的頭,說「好,哥哥要吃等一下自己拿」
「安迪快點進來,我們要吃飯了」這時,他聽到一女子從身後輕喚。他轉身面對女子,微笑著緊緊將她擁抱。
「謝謝妳的幫助,願意收留我們兄妹。如果不是妳,珍妮也許活不了到現在,可能到現在,我們仍然流落街頭。」著他微笑
「兒子,是我要謝謝你們才對,因為你們的到來,讓我們夫婦倆的生活多采多姿,你們是我一直以來向上帝祈求的願望

他幸福滿溢的微笑著。星星終於聽到他的願望。他們再也不用流落街頭;不用睡在又臭又髒又吵雜的街道;再也用不著挨餓。他跟珍妮,終於有了美滿的未來。他抬頭看了看天空,看著天上閃爍的星星微笑「謝謝你,謝謝你!」他高興地對天喊道。


我是劉瑪莉索,今年33歲,來自菲律賓。我跟丈夫和孩子們已經在台灣生活將近6年。我曾來這裡做過工廠工人的工作,儘管擁有大學學位,但是因為在我的國家找高薪工作是有點困難的,特別是涉及到你研究所學的工作。你可以找到那工作,但它需要花更多的時間。

我在台灣的第一年有點辛苦,因為每個國家都有它自己的文化、語言、信仰和價值觀,立即了解這些是非常困難的。很多事物與我的家鄉不同,我必須學會這裡的事情該如何完成。即使只是買簡單的東西,也是一個真正的挑戰。我想念我的家人和老朋友,特別是在特殊節日,例如聖誕節和生日,家庭所有成員齊聚一堂。但是,在台灣獨自生活幫助我變得更獨立,使我對於他們的文化和價值觀上的知識更加廣闊。

現在,台灣是我的第二故鄉。這此我遇到了我的丈夫,並建立了自己的家庭..

HUMILING SA MGA BITUIN或向星星許願是一個討論流浪兒生活的故事。我選擇了寫他們的生活,因為我曾親眼目睹這令人心碎的一幕。我希望社會知道他們在街上的生活是多麼艱難,不知道下一頓飯在哪裡,不知道晚上在哪裡睡覺。作為一個人,作為一個母親,我對小孩情有獨鍾,尤其是對那些艱難度日的孩子。他們只能那樣生活,這讓我很難過,為了生存在街上乞討。這太令人難過了,流浪兒正被這社會虐待,負面看待著,他們最常被視為違法、犯罪、吸毒者,或者根本被視為社會的垃圾。

每個孩子都有他們自己的故事,為什麼他們最終流落街頭,但無論這故事是什麼,在字面上童年已經離他們遠去。我真的相信,每個孩子都有權利有一個安全的家和適當的教育,就像我們自己的孩子,他們也需要有人保護、疼愛,有人能協助他們提供基本必需品,食物、醫療保健和安全的住宿環境。

當我知道我從文學獎比賽的眾多參賽者中被選中,我感到很榮幸。我很感謝所有欣賞並投票支持我獲選的評審。它不僅鼓勵我繼續做新的東西,更要探索、超越自我的舒適圈,盡自己最大全力..

 

發表迴響

你的電子郵件位址並不會被公開。 必要欄位標記為 *