2020 Preliminary

🇵🇭 Preliminary 🇵🇭 Maleta / Joy Maquiniana Salem PAANO NGA BA’NG MANGARAP? / MYLINE S. CABASAG PAGHILOM / MARY JOY ACOSTA MANA-AY Ika-anim Na Utos / Abegail Magno Morcozo HIRAM NA TAGUMPAY / Theryza Mae Murillo Ang Tamang Sapatos / Maria Lourdes Catilo De Gatilyong Barko sa Asul na Pantalan / Ian Gail Cabrera SA IKA-APAT KONG BUHAY / Ivy C. Tandoy Babangin ng babangon / Jojo Noveno Tutanes Agham at teknolohiya ngayon: Isang sanaysay sa pagsusuri ng kasalukuyang estado ng agham at antas ng kalinangang pang-agham sa Pilipinas / Ace Bryan Sotelo Cabal 📍 Ang listahan ng pangalan ay nakaayos ayon sa panahon ng pagsubmite ng kalahok, at hindi kumakatawan sa resulta at pag-antas ng pagsusuri.📆 Pagpapahayag ng mga Pangalan ng Nagkamit ng Gantimpala:Agosto 10 🇹🇭 รอบคัดเลือก 🇹🇭 รักแท้ (Soul mate) / นายศักดิ์สิทธิ์ กุลวงษ์ เสียงหัวใจคนไกลบ้าน / อภิชาติ อาญาพยัคฆ์ เส้นทางชีวิต / อรพรรณ แก้วสม 📍 รายชื่อที่ผ่านการคัดเลือกรอบแรกเรียงตามลำดับเวลาที่ส่ง📆 ประกาศรายชื่อผู้ได้รับรางวัล:8/10 🇲🇲 ပထမဦးဆုံးရွေးချယ်မှု 🇲🇲 သမုဒယ အမော / 楊承明 (YANG CHENG MING) အိပ်မက်တွေ အတောင်စုံတဲ့နေ့ / မောင်ရဲဝင်အောင် ကမ္ဘာပျက်ခြင်း / သက်ပိုင်စိုး မေတ္တာဖြင့်မိုး နှလုံးသားနှင့်ကာ / ကြည်မြတ်မွန် အိပ်မက်မှသည် ရောင်ခြည်ဖြာသော နေ့ရက်များသို့ / မစိုးစိုးဟန်(劉麗君) ရွှေ့ပြောင်းအလုပ်သမားများရဲ့ခံစားချက် / သန်းကြည်မောင် 📍 ပထမအကြိမ်လက်ရွေးစင်စာရင်းသည်မှတ်ပုံတင်ချိန်အရစီခြင်းဖြစ်သည်။ အမှတ်နိမ့်မြင့်နှင့်မဆိုင်ပါ။ 📆 ဆုရနာမည်စာရင်း။ ။ 2020 ခုနှစ် သြဂုတ်လ 10 🇻🇳 Sơ tuyển 🇻🇳 TRUYỆN CỦA MỘC MIÊN / Nguyễn Thị Nhung Bước ngoặt cuộc Read More …

Agham at teknolohiya ngayon: Isang sanaysay sa pagsusuri ng kasalukuyang estado ng agham at antas ng kalinangang pang-agham sa Pilipinas

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 Agham at teknolohiya ngayon: Isang sanaysay sa pagsusuri ng kasalukuyang estado ng agham at antas ng kalinangang pang-agham sa Pilipinas👤 Ace Bryan Sotelo Cabal Ang Agham ay sinasabing katawan ng karunungang pinanday ng panahon at ng mga brilyong utak upang pagsilbihan ang lipunan. Gayon nama, ang teknolohiya ay produkto ng agham na ginawa upang maibsan ang paghihirap ng sangkataohan. Mula sa panahon ng bato hanggang sa makabagong panahon ay pinagsisilbihan na ng agham ang lipunan, mula sa malikot na imahinasyon ng mga luma at bagong tao. Napakarami at hindi na mabilang ang ambag ng agham at teknolohiya sa sangkatohan sa araw-araw nating pamumuhay, mula sa pananamit, pagkain, kapaligiran, medisina, komunikasyon, inhinyerya, at marami pang iba. Naging matagumpay ang lipi ng mga tao dahil sa agham at teknolohiya. Ngunit sa kabila ng pag-usad at pag-unlad ng agham at teknolohiya sa iba’t-ibang panig ng daigdig, nasaan na kaya ang antas ng kamalayan at kalingang pang-agham ng mga Pilipino? Ano na kaya ang estado ng agham sa Pilipinas? Bukas ba ang isipan ng mga Pilipino sa pag-unlad na ito? Tinatangkilik ba ang mga pagbabago at pag-unlad ng mga teknolohiya? Maalam ba ang mga Pinoy sa mga kahulugan Read More …

Babangin ng babangon

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 Babangin ng babangon👤 Jojo Noveno Tutanes Babangon nang BabangonIsang maikling nobela ni Jojo Tutanes tungkol sa buhay ng isang OFW.Hango ito sa tunay na buhay ng isang kaibigang malapit sa aking puso.Unang Kabanata: Ang Simula ng Isang Pangarap Isang musmos lamang ako na nakatira sa isang maliit na kubo sa probinsya ng Laguna. Mallit lang ang aming tahanan, gawa ito sa kawayan habang ang bubuong nito ay gawa sa pawid o pinatuyong dahon ng nipa. Mayroon din kaming maliit na bakuran na may mga tanim na kamote, sitaw, mais at iba pang mga gulay. Maliban dito ay may tatlo rin kaming alagang manok at inaani namin ang itlog nito upang ipangsama sa aming pang kain. Simple lamang ang dahilan ng aking kasiyahan noong ako ay maliit pa– madalas akong mamitas ng bulaklak na Santan sa aming bakuran at hihigupin ko ang matamis na likido mula sa loob nito at pinagdududugsong dugsong ko rin ito upang gawing pulseras. Ang pulang kulay ng bulaklak nito ay magandang tingnan sa aking kayumangging balat na kumikintab kapag natatapatan ng sinag ng araw. Kapag sapit ng hapon ay tatawagin ako ng aking ina upang kumain ng merienda. Paborito ko Read More …

SA IKA-APAT KONG BUHAY

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 SA IKA-APAT KONG BUHAY👤 Ivy C. Tandoy Dalawang Taon n din pala mula nung mawala si Mama.Dalawang taon n din akong lumalaban.Lumalaban ng tahimik sa laban n ako lang ang nakakaalam.Sa laban na hindi nila maiintindihan at mauunawaan kahit kelan dahil hindi nila nararandaman at hindi pa kelanman nararanasan. Bata pa lang ako laging andyan sa tabi ko si Mama.Natatandaan ko pa noong nag aaral pa lang ako magsalita,habang si Mama ay naglalaba ako naman ay nakikigulo sa ginagawa nia.May nakita akong balat ng shampoo at pinulot ko ito.Pinag aralan ko pano sya basahin at nang hindi ko mabasa itinuro sakin ni Mama ang tamang pagbasa bawat letra.”Ang basa diyan ay Pal-mo-live”sabi nia.At ang senaryong iyon ang paulit ulit kong naaalala sa tuwing naaalala ko si Mama.Kasabay non ang pagpatak ng mga luha ko habang sumisigaw sa sakit ang puso ko.Gusto kong tumakbo sa malayo,isigaw ng malakas ang nararandaman ko upang gumaan ang kalooban ko. Pito kaming magkakapatid.Ako ang pangalawa sa panganay.Ang dami namin no?Ang sipag kasi ng Papa ko.Pero totoo masipag talaga ang Papa ko sa lahat ng bagay.Madami kaming mgkakapatid pero nakaya niya kami buhayin at pag aralin lahat kahit sobrang mahirap Read More …

De Gatilyong Barko sa Asul na Pantalan

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 De Gatilyong Barko sa Asul na Pantalan👤 Ian Gail Cabrera Payapa ang paligid sa tabi nang asul na pantalan. Marahang umiihip ang maalinsangang hanging-dagat sa aking balat. Malagkit at mainit sa pakiramdam. Tinatapik tapik naman nang mga alon ang konkretong mga pader nang pangpang. Wari’y sinusuyo nang dagat ang pantalan mula sa mainit nilang pagaaway sa nagdaang gabi. Pangkaraniwan ang ganitong eksena sa panahon nang tag-araw dito sa pantalan. Dinudumog din ang pangpang nang mga matantandang nageehersisyo. Binabanat ang mga kasukasuang nangangalawang. Binabati ang mga kumare at kumpadre sa lenguaheng di ko maintindihan. Sila’y masayang nagkekwentuhan at nagtatawanan. Walang bakas nang pagaalala sa mga pustisong mga ngiti. Ngiting bumabanat sa balat na kinulubot nang panahon. Walang marka nang takot sa mga singkit na mga mata. Walang marka nang dapat katakutan. Ibinaling ko ang aking mga mata sa kaliwang banda. Sa di kalayuan, nakita ko ang malaking estasyon nang tren. Sa taas neto’y mala-kahon na mga tahanan. Maayos ang pagkahelera at pagkasiksik dahil limitado ang ispasyo. Wala nang bakanteng lote sa lugar. Ang mga burol at bundok na hitik sa tahanan , ay hitik din sa mga berdeng puno at damo. Masayang umaawit ang mga Read More …

Ang Tamang Sapatos

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 Ang Tamang Sapatos👤 Maria Lourdes Catilo “Guys pahinga muna tayo, mga 30 minutes!”Ang hudyat na kanina ko pa hinihintay. “Hay, salamat”, ang tangi kong nabanggit habang sumasalampak ng upo sa isang medyo nilulumot ng kahoy na nakatumba. Ilang oras na rin kaming naglalakad paakyat ng bundok at aaminin kong medyo napapagod na ang binti ko. Batid kong ganun din ang mga kasama ko base sa mga reaksyon nila ng pasasalamat habang naghahanap ng mauupuan upang magpahinga. Ang pag akyat ng mga bundok ay hindi madaling libangan at hilig pero para sa amin isa itong challenge. Masaya itong gawin, na para bang nagpapaalala sayo na sa bawat hirap ay may kapalit na kaligayahan, sa case namin is yung fullfilment kapag nakarating ka sa tuktok at tinatanaw mo na ang tanawin sa baba. Ang sarap sa pakiramdam na para bang ikaw ang reyna ng lahat ng natatanaw mo, hahaha charot! Inunat ko ang naninigas ko ng mga binti. At habang tinititigan ko ang nanlilimahid ko ng sapatos ay naisip ko na buti nalang tama ang isinuot kong sapatos kaya hindi ako masyadong nahihirapan maglakad. “Malayo paba tayo ateng?”, narinig kong tanong ng isa naming kasama. “Medyo Read More …

HIRAM NA TAGUMPAY

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 HIRAM NA TAGUMPAY👤 Theryza Mae Murillo Alas dose ng tanghali’ tirik na tirik ang araw, lasing na naman si Mang Ricardo Renoso o kilala sa pangalan na CARDO, nagising ang anak nito na si Mela sa malakas na sigaw’, (Lasing na boses: MELA!! MELA!! MELA!! nasaan ka bang bata ka! ihanda mo nga ako ng makakain!!! bilisan mo!! bwisit ka talaga sa buhay ko!!) ang batang si Mela ay sampung taong gulang at nagiisang anak na babae ni Mang Cardo. “Itay, lasing na naman ho kayo, halika Itay, ititimpla ko po kayo ng kape’ at ihahanda ko po kayo ng makakaen” sambit ni Mela. Tinulak ng ama si Mela. “Huwag mo akong hawakan!! naupo ang ama at hinantay na maghain” Ito po Itay’, kumaen na po kayo, at magpahinga”. Pasensya na Itay maiiwan ko po muna kayo hahabol ako sa eskwela. “Wala akong pakialam, wala ka naman silbing bata ka!!” at bigla nitong itinapon ang tasa ng kape kay Mela! sumigaw ang bata’ Aray!! Aray!! umiiyak ang kawawang bata. “Itay bakit po ba kayo malupit sa akin, ��������.” “Lumayas ka!! nga sa harapan kong bata ka! �� Malas ka talaga sa buhay ko!” Habang Read More …

Ika-anim Na Utos

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 Ika-anim Na Utos👤 Abegail Magno Morcozo Hindi pinangarap pero ito ang natupad, dahil sa kamaliang hindi naman hinangad Aking ginawang kasalanan sa hayop maihahalintulad, paghingi nang kapatawaran makakamit ba agad? Ang pagkakamaling aking nagawa’y walang patawad, konsensya’y dadalhin san man ako mapadpad Pagmamahal na matagal ko nang hangad, naramdaman sa kanya’y tila walang katulad. Lalaking aking iniibig ay may sabit, Ngunit ‘di ginusto ang maging kabit Unang pagkikita ay agad naging malupit, bumigay agad sa kanyang munting kalabit Sa kama ako’y kanyang pwersahang hinaklit, pinaramdam nya’y abot ‘gang langit Hindi iniisip ang maaring maging kapalit, ang wisyo at kamalayan hinayaang maiwaglit. Hindi pag-ibig ang aking unang naramdaman, kundi makamundong pagnanasa’t tawag ng laman Ang unang pagkikita’y muli pang nasundan, mga yakap at halik aming pinagsaluhan Yakap nyang napakahigpit saki’y nagbigay kasiyahan, nawalang saysay dangal na aking iningatan Halik nyang pumukaw sa aking kaselanan, dali-daling ibinigay ng walang pag-aalinlangan. Ang pagtanggal ng saplot sa’king katawan ,hudyat ng relasyong lubos na pagsisihan Ang bawat indayog nang aming kalamnan, nagbigay sigla sa natutulog na kamalayan ang paglabas-masok sa mundong magiging taguan, tanda ng isang pagsasamahang hindi matatawaran Alam kong labis nila akong kasusuklaman, sa pangyayaring hindi ko Read More …

PAGHILOM

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 PAGHILOM👤 MARY JOY ACOSTA MANA-AY Sa ikawalong palapag tahimik kong pinagmamasdan, ang isang daan at dalawang taong gulang kong alaga, Habang napawi ng aking atensyon ang unti unting pag lamon nang maitim na ulap sa kalangitan, na tila ba na aayon sa aking nararamdaman, nagbabalik tanaw sa mga masasayang ala alang tangi kong kinakapitan upang mapawi ang kalungkutang nararamdaman, kasabay ng pag patak ng ulan ang pag dausdos ng mga luhang galing sa aking mga matang nangungulila sa pag mamahal. Kasabay ng aking pag hikbi, kinuha ko ang lapis at papel para isulat at inilabas ang aking pighati. Halos labing apat na taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa aking ala ala, buhay na buhay na tila ba kahapon lang ito naganap. Sa umpisa hindi ko inakala na hahantong tayo sa pagiging mag nobyo at nobya, buo ang ating loob sa pag harap sa mapanghusgang mundo. Ano ba ang basehan sa pagpili ng taong karapat dapat para sa atin? Diploma? ..itsura? Estado sa buhay? Eto ba ang naging dahilan kung bakit tila kay hirap ng pinagdaanan natin , dahil hindi ka pumasa sa mga katangian ng mga taong nakapalibot sa akin?, sa Read More …

PAANO NGA BA’NG MANGARAP?

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭 📜 PAANO NGA BA’NG MANGARAP?👤 MYLINE S. CABASAG Simula sa mura kong kaisipan Dama ko na ang matinding kahirapan Nagtatanim sa bukirin Iyan ang pangunahing gawain Nag-aalaga ng mga hayop Iyon ang bilin sa amang pumalaot Tumulong sa magulang Upang may pagsasaluhan Sa hirap na aking dinanas Pangarap ko kaya ay mabigyang lunas? Nagmula sa simpling tahanan Patungo sa pampublikong paaralan Baon ko ang pangarap na aking sisimulan Minsan ko ng napapanaginipan Ano kaya ang buhay sa karangyaan? Mas masarap na pagkain at inumin At naglalakihang tinapay at kakanin Samantalang tuyo at daing ang lage kong kinakain May masarap na ubas at mansanas Habang kamote at saging lang ang aking panghimagas Ano kaya ang pakiramdam na makahiga sa malambot na kama at upuan Samantalang magagaspang at matigas na kahoy ang aking naranasan Makasakay sa matulin at magarbong sasakyan Habang ako’y hiningal sa malayo kong nilalakaran Ito ang dalawang istado sa buhay ng tao Ang manatili sa kahirapan o mabuhay sa karangyaan Kasabay ng pagsikat at paglubog ng araw na lage kong tinatanaw Pangarap ko kaya ay mabigyang linaw? Ito ang tanong na bumabagabag as aking isipan Na may halong takot at pangamba Ang aking nararamdaman Read More …