Ang Dalawang Pares ng Langit at Lupa sa Magkabilang Mundo ng mga Overseas Workers

2019 Preliminary 菲律賓文初選 📜 Ang Dalawang Pares ng Langit at Lupa sa Magkabilang Mundo ng mga Overseas Workers👤 Raquel Pamesa Magandang buhay: ito ang pinapangarap ng mga nakakraraming mga nilalang sa mundo, pangarap ng mga taong nabuhay sa di patas na hati na trato ng buhay mula sa pagkakalugmok sa putikan ng kahirapan at walang hinaharap sa kinabukasan, pangarap na napakanda ng isang taong may matayog na hanarin, ay kailangang sumugal at sumuong sa pook ng walang kasiguraduhan kung may kahihinatnan ba o wala. Kakayahan at Tapang lamang ang sandata, ang mga taong ito na may pangarap sa buhay ay kailangang maglakbay sa magkabilang sulok ng mundo, upang mapunan ang pangarap na inaasam-asam. Pero sa bawat paglalakbay ng mga matatapang na bayani ng makabagong mundo, tila Yin at Yang o, Maganda o Pangit na Karma ang nakabuntot sa kanilang pisi ng buhay, na maaaring makapagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang mga buhay, mabuti man ang kakalagyan, o kamalasan ang huling hantungan. Sa unang dulo ng mundo ng mga overseas worker, meron tayong lugar na kung saan, dito nabubuo ang pagkatao ng isang tao, upang gamitin para harapin ang mapaghamong mundo, na nagiging sandigan ng bawat pamilya, at ito ay tinatawag Read More …

Paglalakbay Para Sa Pangarap

2019 Preliminary 菲律賓文初選 📜 Paglalakbay Para Sa Pangarap👤 marissa dela cruz Bata man o matanda, lahat tayo ay may pangarap sa buhay. Pangarap na gusto nating matupad para sa ating sarili at para sa mahal natin. Sa pag abot ng mga ito, iba’t ibang pamamaraan ang ating naiisip. May mga taong nagsisikap makapagtapos ng pag aaral para makakuha ng magandang hanapbuhay. Sa ating bansa ngayon, mababa ang ekonomiya at mahina ang kita kahit mataas na ang iyong napagtapusan. Gayunpaman, may mga taong nagtitiyagang maghanap-buhay sa sariling bayan upang hindi malayo sa pamilya. Karamihan sa atin ngayon ang nakikitang solusyon para makamit ito sa mas maikling panahon ay ang makipagsapalaran sa ibang bansa at masasabi ko na isa ako at ang aking pamilya sa mga ito na sinasabi nilang bayaning buhay na nagsisilbi sa karatig bansa upang maitaguyod ang pangarap na hinahangad namin. Ako si Marissa, 32 years old, pang pito sa walong magkakapatid ng pamilya Dela Cruz sa bayan ng Bulacan. Bata pa lamang ako ng mamulat ako sa hirap ng buhay. Nakita ko kung pano itinaguyod ng aking mga magulang kaming magkakapatid. Pinilit nilang mapagaral kami sa mga kilalang kolehiyo sa ating bansa. Kayod kalabaw sila para mapagtapos ang Read More …

Pagmamahal Ng Isang Ama

2019 Preliminary 菲律賓文初選 📜 Pagmamahal Ng Isang Ama👤 Sonny Peru Cosme Unang Kabanata: Ang Simula Hay! Sa wakas, natapos na din ang mga aplikasyon na ito. Nakangiti kung wari sa aking sarili ng matanggap ko mula sa nakangiting imigresiyon opiser ang aking pasaporte. “Congratulations! and welcome to Malaysia, ani nito. Ito ang simula ng lahat. Ang simula ng buhay ko dito sa Malaysia kasama ng aking pinakamamahal na asawa. Pagkatapos ng kasal namin sa Pilipinas taong 2015, lumipat kami dito sa Johor Bahru para simulan ang aming buhay bilang mag-asawa. Buwan ng Abril taong 2016 ng ako’y nakahanap ng trabaho. “Congratulations Mr. Cosme and welcome to the family”. Masayang bati ng hayring opiser ng kompanya. “Give your best out of it and make me proud”. Payo nito matapos kung pirmahan ang aking employment letter sa nasabing kompanya. Ang trabahong ito ay napaka-importante sa akin para sa pagsisimula namin dito at para na rin matustusan ko ang pangangailangan ng aking asawa lalo na at siya’y nagdadalang tao sa panganay naming anak. Ikalawang kabanata: Ang Pagiging Ama “Ouch it’s very painful”. Daing ng aking asawa ng umagang iyon. Dear, we need to go to the hospital . Paki-usap ng aking asawa mula Read More …

Ang pagmulat

2019 Preliminary 菲律賓文初選 📜 Ang pagmulat👤 Christian Moraña Muñoz Ang tuluyang pagmulat ng kaisipan at paghanap ng sagot sa aking mga tanong sa sarili at mga bagay-bagay sa mundo ay aking natagpuan sa isang banyagang bansa. “Wala ng mas hihigit pa sa tuwa at saya na ibinibigay ng pagtuklas at paghanap sa katotohanan.”ito ang mga salita na madalas nabubuo sa aking isipan.“Ang karunungan ay isang kayamanan na hindi maagaw sa atin ninoman,iyan lang ang maipapamana ko sa inyo mga anak”mga aral na itinuro sa akin ng aking magulang,kahit hindi ko natapos ang aking kursong BSMT dahil sa kakapusan sa pinansiyal noong taong 2006. At ako ay napilitang magtrabaho sa isang pagawaan ng sikat na inumin na prutas sa lungsod ng Pasig ,hindi na ako namili ng magaan o madaling trabaho -dahil wala naman talagang madali na trabaho,hindi ko na din pinairal ang aking pagmamataas ..ang tanging nasa isip ko na lamang ay magkaroon ng hanapbuhay at kumikita para makatulong sa pamilya at balang araw ay nagbabakasakali na makapag-ipon at maipagpatuloy ang kurso ng sa gayon ay may tiket na ako para sa magandang bukas.Ang kursong marino sa Pilipinas ay pinapangarap ng maraming mga magulang para sa kanilang mga anak dahil Read More …

ANG AKING MUNTING KAIBIGAN AT ANG AKING MGA TULA.

2019 Preliminary 菲律賓文初選 📜 ANG AKING MUNTING KAIBIGAN AT ANG AKING MGA TULA.👤 Joan Santillan Amurao Taong 2010, nang unang tumuntong ang aking mga paa sa bansang Malaysia. Kahalintulad ng mga gasgas na dahilan ng karamihan, “Nangibang bayan, dahil sa kahirapan at sa pagnanasang mabago ang estado ng buhay, para sa magandang kinabukasan.” Ganun na ganun din ang ipinupuyos ng aking kaibuturan. Iyun naman talaga ang tunay na dahilan sa mga katulad kong isinilang na hikahos sa buhay. Ang makipagsapalaran at magsakripisyo sa bansang dayuhan ang madalas na naiisipang solusyon. Aminin man natin o hindi, mas malaking halaga ang maaaring kitain kung sa ibang bansa ay maghahanapbuhay. Sa madaling salita, higit sa sapat ang sinasahod para sa isang buwang gastusin sa pamamahay, kahit pakunti-kunti ay may pagkakataon na makapag ipon ng salapi at mas makakapagsimpan kung isasantabi ang luho sa katawan at iwasan na makipagsabayan sa ibang tao na sumusunod sa mga makabagong gamit na teknolohiya. Hindi imposible na matupad ang ating pangarap para sa kinabukasan kung ating itutuon ang ating puso at isip sa kung ano talaga ang naging layunin natin nuong tayo ay mangibang bayan. Dito sa Malaysia, nadama ko ang kakaibang ihip ng hangin, halu-halong nasyonalidad ang Read More …

破碎的夢想及四面圍牆 Nabigong Mga Pangarap At Pader sa Paligid

優選 Choice Award 📜 破碎的夢想及四面圍牆 Nabigong Mga Pangarap At Pader sa Paligid 👤 愛彌亞 1 4:00 o’clock ng hapon ayon sa orasang pagkalaki na nakadikit sa pader. Habang ang bawat isa ay mabibilis ang pagkilos upang pumila at maghile-hilera ng sampung tao bawat hilera. Nakatayo ng tuwid sa harapan ng mga opisyal na naka-uniporme ng polong puti at pantalong asul, may mga nakasukbit sa sinturera na mga posas, susi at tila panguryente, walang batuta di gaya ng nakikita sa TV. Hinila ng isang babae si Cez upang makihanay para sa “Roll Call” at dahil baguhan si Cez ay di alam kung saan tatayo, kaya ng hilahin ng babae ay sumunod nalang siya at tumayo rin ng tuwid sa tabi ng babae. Naka-uniporme rin sila, polo na kulay grey at asul na short pants, gomang tsinelas na kulay pula. “Baduy” sa isip ni Cez na tahimik lang sa pila at nakamasid sa mga kasama kung ano ang susunod na gagawin. Attention!!!  sigaw ng matabang babaeng opisyal na ang lagong ng boses na nanlalaki ang butas ng ilong, parang isang matrona sa sine, pero ang isang ito ay cute ang dating at hindi nakakatakot, wag lang magsasalita. Ang isang opisyal na mayhawak Read More …

Pamilya

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 Pamilya 👤 Jia-Ya Wu   Malakas ang buhos ng ulan. Tumitilamsik ang tubig sa maliit na bintanang aking sinisilipan habang lumilipad ang eroplanong aking sinasakyan paparating sa paliparan ng Kaohsiung Airport. Nakaramdam ako ng takot dahil malakas ang hangin sa itaas, naisip ko baka bumagsak ang eroplanong aking sinasakyan. Habang pababa ng pababa ang eroplano, panay ang pagsilip ko sa bintana. Gusto kong makita ang kabuuan ng Kaohsiung mula sa itaas at ng medyo mahina na ang ulan at ng matanaw ko at napagmasdan ang buong kapaligiran ay nakaramdam ako ng pagka dismaya, “wala itong pinagkaiba sa maynila”, tanging naibulong ko sa aking sarili. Dumating ako sa Taiwan taong 2000. Sa edad na 23 mag isa kong nilisan ang lugar ng aking kapanganakan. Ang lugar na aking kinalakhan at kinasanayan. Ang lugar na kung saan ako nagka-isip, nag-aral, at nakatira. Sa lugar na ito nanirahan ang aking mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat ang aking pamilya. Wala akong naramdamang takot at pagkabahala, ang tanging naalala at naisip ko lang nuon, ako ay magtatrabaho sa ibang bansa. Kasama ng ilang mga kababaihan na noong panahon ng pag a-apply ko lang nakilala, buo ang loob ko na Read More …

爸爸的神秘箱子 Ang Mahiwagang Kahon ni Itay

🏅青少年評審獎 Teen Choice Award 評審獎 Jury Award 📜 爸爸的神秘箱子 Ang Mahiwagang Kahon ni Itay 👤 Louie Jean M. Decena   “Tao po, tao po! Magandang umaga po! May padala po sa inyo mula po sa Taiwan. May tao po ba dito? Gng. Cruz, nariyan po ba kayo?” Iyan ang mga salita na nagpabalikwas sa amin ni Inay sa aming munting higaan, sabay kaming napatayo at tumingin sa mga mata ng isa’t isa. “Anak, tayo na, madali ka!” May kislap akong nakikita sa mga mata ni Inay. Teka? Kislap ba talaga iyon ng kaniyang mga mata o sariling kislap ng aking mga mata? O pareho? Aba! Hindi na iyon mahalaga, ang mahalaga ngayon ay nariyan na. Nariyan na! Nariyan na ang matagal naming hinihintay ni Inay, walang iba kundi ang mahiwagang kahon ni Itay. Paglabas namin ng aming tahanan, ang bumungad sa amin ay ang aming mga mga kapitbahay, si Aling Bebang na karga-karga pa si Pepay, si Manong Kardo na may martilyo pa sa kamay, ang mga batang may Chinese Garter na halatang Ten-Twenty ang pinagkakaabalahan, pati ang mga hayop na animo’y naiintindihan ang kasalukuyan, tahol dito, tilaok doon, miyaw dito, samo’t saring ingay, bulungbulungan na hindi ko lubusang maintindihan, nakapalibot Read More …

Paglisan sa Bayan ni Juan

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 Paglisan sa Bayan ni Juan 👤 Onasis M. dela Cruz   Kabanata I – Hinaing ng Batang Iniwan Patuloy ang pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata habang ako ay sumisigaw at nagmamakaawa na huwag lisanin ang isang musmos na bata upang makipagsapalaran ng magandang kinabukasan sa ibayong bansa. Mga alaalang namulat at karanasang nag-iwan ng sugat, habang ako ay iniiwan ng aming ina pakiramdam ko ay napakabigat, akala ko nuon araw ay hindi na sisikat, subalit lahat ng pangyayari ay singbilis ng kidlat. Mga panahong hindi ko pa lubusang maunawaan ang mga katagang kanyang binitawan, na siya’y lalayo upang maibigay ang aming mga pangangailangan, walang ibang panghahawakan kundi mga salitang kanyang iniwan. Batid kong walang kasiguraduhan ang aking kahihinatnan, walang katiyakan mundo kong madadaanan, sapagkat bago pa man lumisan ang aming inang nakikipagsapalaran alam kong wala na kaming amang masasandalan. Subalit ano mang pasakit ang nuo’y aking iginigiit, malupit na kapalaran na maaari kong masapit, ay batid kong hindi hihinto ang pag-ikot ng mundo sa hinagpis ng iisang tao. Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pagbukas ng aking puso’t isipan sa katotohanang lumaki ng malayo sa ina at may watak-watak na pamilya. Masalimuot Read More …

Isang Panawagan ng mga Bagong Bayani

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 Isang Panawagan ng mga Bagong Bayani 👤 Dennis John Manaois Go   Dalawang taon na ang nakalipas mula nang lisanin ko ang aking lupang tinubuan, ngunit sariwa pa rin sa aking alaala ang araw na iyon. Anong galak ang aking nadama nang nakatanggap ako ng isang tawag mula sa ahensiyang aking pinaghainan. Isang opisyal mula sa ahensiya ang nag-abot sa akin ng isang mabuting balita, “Makakalipad ka na!” sambit niya. Agad ko itong ibinalita sa aking kapilas ng buhay at sa aming supling na tatlong taong gulang pa lamang noon. Dahil sa labis na kaluguran sa aking puso, hinagkan ko ang aking mag-ina ngunit natanto ko ang panglaw ng kanilang mga mata. Sa mga sandaling iyon, nagdalawang-isip ako at tinanong ang aking sarili kung nararapat nga bang lumayo sa aking pamilya. Payak lamang ang pamumuhay sa aming lugar. Sa umaga ay aligaga ang mga tao na magganyak upang hindi mahuli sa kani-kaniyang paraan ng paghahanap-buhay. Ang gutom na nadarama ay hindi alintana; ang pagal na katawan ay tila binabalewala. Kasabay ng mataas na sikat ng araw ang pag-asang nagbibigay ng dahilan sa bawat isa upang kumayod. Ang bawat patak ng pawis ay katumbas ng isang butil Read More …