PASAPORTE NG PANGARAP

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 PASAPORTE NG PANGARAP 👤 Lorna Tulisana   Ni: EL Tee “MADAM, I will take these out! You like to check it first?” Nakita ko na naman kung paanong nandilat ang mga mata ng amo ko habang nakatunghay sa bitbit kong dalawang malalaking plastic bag na kahit hindi bulatlatin ay agad na nitong alam ang nilalaman. “Emily, how many times I told you that I don’t want rubbish in my house!” Humingi na lamang ako ng paumanhin at nangakong hindi na iyon mauulit pa. Mahigit tatlong buwan na rin akong nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hongkong. Natutunan ko ang pag-iipon ng mga lumang diyaryo, lata, bote at plastik sa kakabayan ko na ganoon din naman ang ginagawa. Hindi nga lang ito sinisita ng amo. Dinadala ko ang mga naipon ko nang buong linggo sa junk shop na ilang kilometro rin ang layo mula sa lugar na aking tinitirahan. Nilalakad ko iyon ng kalahating oras. Kailangan kong magtipid dahil bawat sentimong hawak ko ay may halaga para sa aking pamilya na nasa Pilipinas. “You here again.” “Yes, uncle.” Kilala na ako sa junkshop. Mabait ang may-ari niyon. Kaya nalungkot ako nang ibalita nito na magsasara na ang kanyang Read More …

LABAN NG BUHAY

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 LABAN NG BUHAY 👤 Mona Tinosan   Simulan ang umaga sa panalangin, mag pasalamat sa panibagong buhay at bagong biyaya. Ganito ang umpisa ng aking araw. Umaga na naman kailangan ng bumangon para harapin ang trabaho, ako nga pala si mona isang tagapangalaga dito sa Taiwan. Mag asawang matanda ang inaalagaan ko at pangalawang kontrata ko na sa kanila bilang dayuhang mangagawa. Panimulang gawain kay lola: Ika anim ng umaga, pag mamasdan ang matamlay na muka na may nakakabit na tubo sa ilong. Susuklian ng matamis na ngiti at babatiin ng magandang umaga ang 82 taong matandang babae na nakaratay ng mahigit anim na taon sa kanyang sakit. Susuriin ang temperatura at presyon ng katawan, paiinumin ng tubig papalitan ang lampin at lilinisin ang katawan. Sa ika pito ng umaga ipag titimpla ng gatas at mag dudurog ng gamot para sa kanyang agahan at saka itoy ipaiinom.   Panimulang Gawain kay lolo: Pag katapos ko asikasuhin sa unang Gawain si lola, sasamahan ko naman si lolo upang alalayan mag lakad at mag ehersisyo sa labas. At Ipag luluto ng kanyang almusal na lugaw na may kasamang itlog at gulay kasabay ihahanda ang mga gamot at bitamina Read More …

KAILAN KA NGA UUWI?

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 KAILAN KA NGA UUWI? 👤 Cristina F. Rendon   Malakas ka pa noon, iyon ang sariwang bumabalik sa aking alaala. Mula umaga hanggang gabi ka pa ngang namamasada ng tricycle. Kahit mainit ang tanghaling tapat, o malamig kapag madaling araw at hapong umuulan. Wala kang panahong pinapalampas. Babangon sa madaling araw kung kulang ang pambaon namin at uuwi bago kami pumasok sa eskwelahan, may dala na ring pang-almusal. Nagmamadali pa nga tayong kumain para maihatid mo kami at hindi kami mahuli. Ikaw na rin ang namamalengke at nagluluto bago dumating ang oras ng tanghalian. Ang sarap sa pakiramdam kapag lumabas kami ng tarangkahan ng eskwelahan at naroon kang naghihintay. Mula elementary kami hanggang high school, iisa lang ang naging ikot ng buhay mo. Iisa lang ang naging kaaliwan mo sa buhay. Hindi ka naninigarilyo, hindi ka umiinom ng alak, hindi ka nagsusugal. Ang meryenda mong binibili para sa sarili kapag kakainin mo na at naiisip mo kami, uuwi ka pa para pagsaluhan natin. Madalas nag-aalala ako kapag gabing gabi na at wala ka pa. Lalo na kapag malakas ang ulan. Naiisip ko, pwede kayang magkaroon ng laser beam sa paligid ng tricycle mo na sumasangga sa Read More …

Mga Kuwento sa Likod ng kanilang mga Ngiti: Mga Hamon sa Buhay ng mga Overseas Filipino Workers

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 Mga Kuwento sa Likod ng kanilang mga Ngiti: Mga Hamon sa Buhay ng mga Overseas Filipino Workers 👤 汪馬雪麗   Alam mo ba ang buhay ng mga dayuhang manggagawa? May mga bagay na hindi sinasabi ng dayuhang manggagawa sayo. Ako kaya yon? Alam nyo may ikukwento ako sa inyo. Noong bata pa ako lagi kong ipinagdadasal na sana balang araw makapag abroad din ako. Hindi dahil sa hirap ng buhay sa bansang Pilipinas kundi naiinggit ako dahil may magagandang laruan ang kaibigan ko at may mamahaling chocolates. Sa mura kong edad ay natuto akong mangarap na makapag abroad pero sa pagdaan ng panahon hinubog ako ng pagkakataon at ng mga naranasan ko at pakikiba sa ibayong dagat. Mula noon hanggang ngayon marami akong naririnig na nagsasabi ng “Sana balang araw makapag abroad rin ako” mula sa mga kakagraduate lang mula sa mga professionals o kahit nga ang mga nag aaral pa lang na mga kabataan. Kung tatanungin mo naman ang mga kabataan ngayon kung ano ang gusto nila sa buhay nila. Ang ilan ay magsasabi ng gusto kong maging Seaman, gusto kong maging Lawyer, gusto kong maging Nurse, gusto kong maging Engineer at kung ano ano Read More …

Kahirapan:Sakripisyo ng Magulang

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 Kahirapan:Sakripisyo ng Magulang 👤 Jeanylyn Estopia   Mga mahal kung tagapakinig at mambabasa, magandang araw sa inyong lahat lalo na sa lahat ng pamilyang Pilipino. Ano po ba ang sanhi ng kahirapan na ating natatamasa ngayon? Bakit kailangan mag hirap sila inay at itay kung ang ating misyon sa mundo ay ang tumira lang ng matiwasay. Bakit ky hirap makamtan ang kaligayan? I-ilan lang yan sa mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan at hindi ko lubos maintidahan ang lahat ng mga ito hanggang sa ito ay aking naranasan .Kaya nais ko po sana ay pakinggan niyo ang talumpating ito at nawa’y maliwanagan ang marami sa inyo at makapagtanto kung bakit nga ba tayo ganito nag sasakrapisyo. Ako ay nabubuhay sa isang payak na pamumuhay. Ang aking ina at ama isang ordinaryong magsasaka at ang nasa hapag kainan ay kanin at isda, ngunit kahit na ganyan ay ang saya saya ng pamilya walang lungkot sa mga mata. Bawat umaga ay isang pag asa at bawat gabi sa piling nila ama at ina ay isang gintong lumiliwanag sa dilim habang kami ay nagpapahinga na. Ang aking buhay ay parang nakalutang sa ulap sa sobrang sarap ng aking Read More …

PALIPARAN

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 PALIPARAN 👤 Antonio Magallanes Jr   Paliparan; pinaka masaya at pinaka malungkot na lugar sa buong mundo. Mga pangungusap na sumasalungat sa bawat isa. MASAYA? Dahil dito mag uumpisa ang pag abot ng katuparan ng mga pangarap ng bawat OFW. Na sa bawat paghakbang ng mga paa ang patungo sa loob ng eroplano ang sya ding ticket upang maibigay ang magandang edukasyon sa mga anak., MASAYA? Sa kadahilanang sa pag angat ng eroplano patungo sa himpapawid ay siya ding pag pagnanais na maiangat ng bawat Pamilyang Pilipino ang buhay sa pagkakalugmok sa putik ng kahirapan.Na maiangat ang estado sa kadahilanang na pag ikay mahirap wala sa iyo ang prebelihiyong na tanging ang mga nakakaangat lang sa buhay ang nakikinabang. MASAYA? Dahil sa pagkatagal tagal ng panahong pagkakawalay ay muli ng makikita ang mga pinakamamahal sa buhay. Na sa kabila ng mga pera at mga kahong-kahong bagahe ay hindi parin matutumbasan at mapapantayan ang saya at tuwa ng mga maiinit na yakap at matatamis na halik mula sa taong mahabang nawalay sa atin. MASAYA? Na mula sa mga dalang matatamis na tsokolate ay ay muli ding masisilayan ang mga kislap ng mga mata at matatamis na ngiti Read More …

Ulan

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 Ulan 👤 Maribel E. De Vera   Makulimlim ang kalangitan at bahagyang lumalamig ang simoy ng hangin na hatid nito’y haplos ng kaginhawahan sa nahahapo kong katawan. At mula dito sa ikalimampung palapag ng gusaling aking kinaroroonan kung saan ako’y kasalukuyang nananahan ay aking natatanaw ang payapang karagatan sa ilalim ng nagsasayawang kumpol ng mangasul-ngasul at nangingitim nang mga ulap. Isang palatandaan na nagbabadya ang pagbuhos ng ulan. At ang haring araw na papalubog pa lamang ay unti-unti na ring tinatakpan ng maitim na ulap bago pa man nito maipamalas ang kahalihalinang pagpapalit-palit at paghahalohalo ng mga matitingkad at nagniningning nitong mga kulay, na para bang sila’y nagpapaligsahan sa isa’t-isa hanggang sa itago ito ng mga berdeng bundok sa may kanluran at tuluyang maglaho sa likod nito. Hudyat ng unti-unting ring pagdilim ng kalangitan at ng kapaligiran. Malawakang karimlan na siyang pansamantalang maghahari, na magbibigay daan sa tala’t mga bituin kasama na ang buwan na magningning din sa kalawakan upang maipamalas din ang angking kagandahan at mahikang taglay nito sa pagliliwanag ng bawat kislap nito sa karimlan ng gabi. Ngunit nang dahil sa banta ng ulan ang pinakahihintay na nakakabatobalaning pagtatakipsilim ay di dumating. Gayunpaman ay Read More …

SA UNANG PAGKAKATAON

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 SA UNANG PAGKAKATAON 👤 Anna Mae Bayadog Angana   PANIMULA Ang kwentong ito ay tungkol sa aking mahigit dalawang taong panirahan at pagtrabaho bilang isang Overseas Filipino Worker sa Macau. Ito ay unang beses na makapunta ako ng ibang bansa. Sa darating na ika-31 ng Mayo sa taong ito ay matatapos na ang aking kontrata. Naisipan kong magsulat ng kwento tungkol sa aking mga karanasan dito. Ito rin ay upang mabasa ng aking nag-iisang anak ang tungkol sa aking pangungulila at sakripisyo na ginawa ko para sa pamilya. Masaya akong maibahagi ang aking mga hindi makakalimutang karanasan at pakikibaka bilang manggagawa sa isang dayuhang bansa. Ito na ang isa sa mga magandang nangyari sa aking karera. Sa mga may balak bumisita at magtrabaho sa Macau, makakatulong din ito sa inyo dahil isinulat ko rin dito ang makikita sa bansang ito. Ang mga dapat at hindi dapat ninyong gawin. Sana maaliw kayo sa aking kwento. UNANG KABANATA ANG AMING PAGDATING Ika – 9 ng Agosto 2015 – Ang araw kung saan unang beses akong makapunta sa ibang bansa. At ang bansang ito ay sa Macau. Unang beses kong narinig ang bansang ito. Dahil siguro hindi ako nagbabasa Read More …

PAG-ASA AT PANGARAP

 2018 Preliminary 菲律賓文初選  📜 PAG-ASA AT PANGARAP 👤 Irene N. Malbog   Ang istoryang ito ay hango sa aking totoong buhay. Mula noong ako ay nag-aral, huminto ng pag-aaral, nakapag trabaho ng part-time, full-time hanggang sa magkaroon ng sariling pamilya at nag desisyon na mag trabaho bilang domestic helper. Taong 2004 noong ako ay huminto sa pag-aaral. sa kadahilanang pinansyal. Ang aking kurso ay Electrical Engineering Techonology. Nakapag trabaho ng full time, part time, at may pag kakataon pa na ako ay naging working student, dahil pinipilit ko pa ring tapusin ang aking pag-aaral pero hindi talaga kaya. Tumulong rin ang aking kasintahan sa aking pag-aaral noon sa pinansiyal at sa emosyonal dahil pinipilit ko pa ring tapusin ang aking nasimulan pero hindi ko pa rin natapos ang aking pag-aaral, isang taon at kalahating buwan na lang sana graduating na ako. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, mas pinili ko na lang na mag-trabaho para maktulong sa magulang. Lima kaming mag-kakapatid, ako ang pangatlo. Ako lang din ang pinalad na umabot ng 3rd year college. Wala sa amin ang nakatapos ng kolehiyo, yung iba hanggang highschool ang tinapos. Ako third year college at ang panganay namin ay nakapag first year Read More …

鞭打的痕跡 Latay sa Laman

評審獎 Jury Award 📜 鞭打的痕跡 Latay sa Laman 👤 Melinda M. Babaran   Ang tagal kong nakatitig sa maletang walang laman. Hindi ko maumpisahan ang aking pageempake. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon ang tila nagtatalo sa loob ko na nakatago sa blankong pagtitig sa kawalan. Masayang malungkot, nag-aalala at takot. May oras ka ba? Pwede bang samahan mo muna ako? Kwentuhan muna tayo. Uuwi na kasi ako ng Pinas. Tapos na kasi ang kontrata ko bilang isang factory worker sa isang malaking kumpanya ng Integrated Circuits dito sa Taiwan. Malungkot. Kasi kailangan ko ng iwan ang bansang naging tahanan ko ng mahigit isang dekada. Kailangan ko ng iwan ang bansa na kung saan ako naging tunay na malaya. Masaya sanang umuwi sa tahanang kinalakihan ko. Makakita ng mga pamilyar na mukha ng mga kamag-anak at kaibigan. Kahit na mas maraming hindi magagandang ala-ala ang isa-isang bumabalik sa isipan ko lalo ngayong malapit na ang pagbabalik ko. Masaya. Sana. Kaso andun ang tatay ko,kaya natatakot ako. Ang weird di ba? Takot ako sa sariling ama ko. Alam mo kasi hindi niya ako tanggap. Hindi nya matanggap na tomboy ang anak nya. Kelan ko pa nalaman na ganito ako? Read More …