外籍勞工的生活 Buhay OFW

 2014 Preliminary 菲律賓文初選  📜 外籍勞工的生活 Tula—Buhay OFW 👤 Angeline D.Pitogo Propesyong kinabibilangang may dalang hirap at kaginhawaan Paraang napagdesisyonan matustosan lamang pangangailangan Maging kaginhawaang hangad ng bawat sinoman Na kayhirap makamtan sa sariling bayan Buhay OFW mapalad kung ituring ng karamihan Ngunit di batid pagtitiis kapatid ng kaginhawaan Pangungulila’t kalungkotan na kay hirap labanan Minsan ito’y naging dahilan upang layunin ay malimotan Kaybigat sa kalooban ibang anak at magulang inaalagaan Subalit sariling anak iniwan kahit ito’y musmos pa lamang Isinantabi ang naghihinagpis na kalooban Maibigay lamang ang pangangailangan ng pamilyang mahal Samot saring kasaysayan ating napapakinggan Ilang mga kababayang umuwing bigo at luhaan Sa kagustohang makalimot sa pangungulilang naramdaman Nalugmok sa bisyo’t sa maling barkada’y napabilang Ang ilan ay sadyang nakalimotan Layunin ng paglisan sa pamilyang mahal Pagkat ito’y nakahanap ng panandaliang kaligayahan Kaya’t mithing pangarap naiwaglit sa isipan OFW tinaguriang bayaning buhay ng Inang bayan Pamilya’y isinaalang alang bago sariling kapakanan Di alintana kung anong kahihinatnan sa kamay ng among dayuhan Dugo at pawis ang naging puhonan mabigyan lamang magndang bukas ang pamilyang mahal Kayat mahal kong kababayan sana’y ating pagnilayan Mga pangyayaring nakakalungkot subalit iyon ang katotohanan Ang pagpupunyagi’t pakikibaka sa bansang pinaglilingkoran Huwag hayaang magwakas ng sawi at Read More …

外籍勞工的故事 Kwentong OFW

 2014 Preliminary 菲律賓文初選  📜 外籍勞工的故事 Kwentong OFW 👤 Eddie G. Vanguardia “Tatay, kamusta na po kayo dyan? Sana lagi po kayong mag-iingat at wag nyo po pababayaan ang sarili nyo. Ayos naman po kami nina nanay at Alvin. Grade 6 na po ako sa pasukan at si Alvin naman po ay grade I na. Miss na miss ka na namin tay.” Sulat ng aking anak na panganay na halos paulit-ulit kong binabasa. Na halos hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha sa tuwing ito ay aking bubuklatin. Ito ang huling sulat nya na aking natanggap. Kamusta na kaya ang mga anak ko ngayun? Asan n kaya sila? Ano na kaya ang kanilang ginagawa? Kung hindi ako nagkakamali 38 anyos na ang aking si Mila ngayun, ang panganay kong anak at 33 naman si bunso. Maibahagi ko lng sa inyo kung bakit kami nagkalayo….. tawagin nyo na lang akong Tata Kanor tubong Quezon isang dating nakipagsapalaran sa ibang bansa. Taong 1984 nang nagbakasakali akong mangibang bayan at sinuwerteng mapadpad sa Saudi. Nang mga panahong iyon sulat lamang ng aking anak ang tangi kong komunikasyon sa kanila. Na paminsan-minsan ay sinisingitan din nman ng aking asawa ng kanyang maikling liham na pangangamusta Read More …