四角空間 Apat na Sulok

 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 四角空間 Apat na Sulok

👤 Jean Mantes

Ang pangingibang bansa ang huling paraan ng halos karamihan sa atin upang mgkaroon ng magandang buhay at para sa katuparan ng mga pinapangarap. Ito nga lang ba ang nagagawa nito sa buhay ng kagaya kong manggagawa sa ibayong dagat? Ang kaginhawaan sa buhay?
Sa totoo lang mas gugustuhin kong makarating sa ibang bansa nang dahil sa pamamasyal at hindi para doon magtrabaho. Alam kong mahirap mangyari yon at hindi mangyayari kung wala akong gagawin. Kontento na ako noon na makatanggap ng mga gamit at matikman ang tsokolate na gawa ng mga dayuhan. Mas nagiging masaya ako kung magkakaroon ng dolyar na itatago sa aking pitaka. Yan lang ang kaligayahan ko nung musmos pa ang aking kaisipan.
Sa dami ng umaalis sa Pilipinas para maghanap-buhay at makipagsapalaran sa ibang bansa…naisip ko,ano ang mayroon doon? Bakit halos karamihan nahahalina sa mga bansang yon? Bakit ang iba mas pinipiling manatili nalang sa bansang kinagisnan pagkatapos ng ilang taon lang ng pananatili sa bansang dayuhang pinanggalingan? Bakit ang iba sinasabing mahirap ang buhay sa ibang bansa pero bumabalik pa rin,swertehan nga ba talaga ang pakikipagsapalaran? Ano nga ba ang buhay sa kabilang “mundo” na yon? Dala na rin ng mga pangarap ko at kuryosidad kaya napadpad ako dito sa bansang malapit lang sa akibg sinilangan. May mga katanungan kasi na hindi mo malalaman ang tunay na sagot kung hindi ikaw mismo ang hahanap ng kasagutan,hanggat hindi ikaw mismo ang nakakaranas.
Malapit ng matapos ang aking kontrata at ni minsan hindi ko pa naranasan ang lumabas at makalabas kasama ng mga kaibigan at kakilala. Tanging mga amo ko lang ang nakakasama ko sa pamamasyal. Nakakulong ako sa apat na sulok ng bahay,sa apat na sulok ng aking kwarto ako laging nakatambay. Ito na ang nagsilbing pasyalan ko at simbahan,para sa akin ito na ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko kasi malaya akong gawin kung ano ang gusto ko. Ito na rin ang nagsilbing matalik kong kaibigan,sa tuwing may mga problemang dumarating…tanging ito lang ang nakakasama ko,dito ko naibubuhos ang totoong nararamdaman ko katuwang ng bolpen at papel na naging sandigan ko sa kalungkutan.
Pero alam mo ba sa apat na sulok na ito nakita ko ang SARILI ko,SAKRIPISYO,PAMILYA at sumusungaw na TAGUMPAY,yan ang bumubuo sa APAT na SULOK. Mas naging matatag AKO sa hamon ng kapalaran, mas lumawak ang pakahulugan ko sa buhay at mas naintindihan ko ang kapasidad ko bilang tao. Sa bawat SAKRIPISYOng naranasan ko sa pamamalagi ko dito,sa bawat pangungulila na naramdaman ko at sa bawat sakit na sumubok sa katawan ko,balewala lahat yon dahil kapalit ng mga yan ang mas naayos na buhay at lagay ng PAMILYA ko,sila ang rason kung bakit pursigido ako. Dahil darating ang panahon ang TAGUMPAY na unti-unti kong nakikita ay makakamit ko na kasama sila.
Kabayan, makakapal na kalyo man sa mga kamay at paa,maraming resibo man ng pagpapadala ng kinita mo ang naipon mo idagdag pa ang pondong puyat, pagod at naglitawang mga ugat ang kapalit ng lahat, wag mo ng intindihin ang mga yan. Pasalamat ka, hindi man natin maibigay ang bawat hiling nila, hindi man nila maintindihan ang buhay na dinaranas natin sa paglayo natin sa kanila, ang importante hindi tayo nagkukulang na masuportahan ang pangunahing pangangailangan nila. Matinding lungkot man at hirap ang dinaranas natin sa dayuhang bayan kapalit naman nyan yong pag-asang nakikita nilang makakaraos sa buhay na iniwan natin sa kanila.
Lahat tayo naniniwala sa ganito…LIBRE LANG ANG MANGARAP KAYA KUNG MANGANGARAP KA,LAKIHAN MO NA! Tama,totoo yan pero hindi mo ba naisip na hindi lahat ng nangangarap ng libre ay nagkakaroon ng pagkakataong bilhin at mabili ang mga libreng pangarap na yon? Kaya wag kang tumigil gumawa ng paraan at mapagod sa pakikipagsapalaran. Sa bawat pakikipaglaban mo sa buhay huwag mong kalilimutang dalhin ang TIWALA SA SARILI, MALAWAK NA PANG-UNAWA, DETERMINASYON, KATATAGAN at lalong huwag mong bibitawan ang PANANALIG at PANINIWALA mo sa Lumikha saiyo. Huwag mong kwestyunin ang kakayahan mo, lagi mong tatandaan na tao ka na maraming magagawa at makakaya.
Sa mga gaya kong unang beses palang sumubok mangibang bayan, huwag kayong patukso sa luho, isipin nyo ang dahilan kung bakit mas ninais nyong lumayo para kumita. Unahin ang OBLIGASYON kaysa sumunod sa tawag ng LUHO. Hindi man matupad agad ng bansang napuntahan natin ang mga pinapangarap natin ayos lang kasi kahit paano nasimulan na nating buuin ang mga ito. Kung kagaya mo ako na nakakulong din sa apat na sulok ng bahay, wag mong gawing dahilan yan para maging kahinaan mo. Dahil sa ganyang sitwasyon naging mas handa ako at determinadong harapin at makipagtakbuhan sa loob ng bilog, ang realidad ng buhay…ang hugis ng mundo.
MABUHAY PO ANG LAKAS NG MGA MANGGAGAWA!
TAYO AY NATATANGING BAYANI, SALUDO PO AKO SA KAKAYAHANG TAGLAY NATIN!
KAPWA PINOY…IKAW ANG LAKAS NG ATING INANG BAYAN, PUGAY SA ATING LAHAT!


 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 四角空間 Apat na Sulok

👤 Jean Mantes

 

出國打工是大多數菲律賓人實現願望,以及提升生活水準的最後方法。對一個像我這樣的海外勞工而言,真的是這樣嗎?生活舒適嗎?

老實說,我寧願去另一個國家觀光,而不是在那裡工作。我知道現在很難辦得到,即使我想做,也不會發生。

以前別人送我東西或者請我吃巧克力時,我就心滿意足。如果有一塊錢可放進皮夾裡,我就更快樂。這是我小時候最幸福的記憶。

那麼多人離鄉背井到國外謀生打拼……我在想,那裡到底有著什麼呢?

為什麼現在大多數人如此著迷於出國?為什麼有人到國外工作幾年後,又寧願回到家鄉?

為何有人說海外生活很艱辛,但仍然不斷往返?在外打拚也是看運氣嗎?在另一個「世界」生活到底是什麼樣子呢?帶著我的夢想與好奇心,離開菲律賓到鄰近的國家試試。有些疑問除非親自去找解答,除非親身經歷,否則永遠無法知道真正的答案。

我的工作契約即將期滿,但我從來沒有試過和朋友及熟人一起出遊,只有與雇主家一同出門。我每天都待在老闆的家裡,被侷限在房間的四面牆之中。沒事的時候,我就待在自己的寢室裡,寢室的四個角落,是我的遊樂場和教堂,這也是對我來說最美好的地方,因為我可以自由自在地做我想做的事。四個角落也是我的好朋友,每當有煩惱有問題時,只有它陪伴著我,讓我用紙筆抒發內心真正的感受與悲傷。

但你知道嗎?在這四個角落裡,我看見了:自我、犧牲、家庭和成功。這四樣事情代表了我房間的四個角落)。

我變得更能沉穩應付人生的挑戰,變得了解生而為人的意義,更了解自身的能力。我在這裡經歷的每一次犧牲、每一個椎心之痛、以及身體疾病,都不要緊,因為這換來了我家人穩定的生活,他們是讓我更加堅定的理由。

鄉親們,無論是手腳變得粗壯長繭,一大疊匯款收據,是熬夜、困苦勞累以及雙眼浮腫布滿血絲所換來的,無需在意這些辛勞。感謝上蒼,否則我們無法回應每個請求,他們也不明白我們遠離他們生活的感受,重點是我們沒有錯過他們的基本需要。無論是心痛或遭受的艱辛,我們在外地經歷了不少,希望他們能設法看見我們替他們換來的生活。

我們都相信:做白日夢是不用錢的。所以做夢就要越大越好!的確,這是真的,但是有幾個人能夠實現他們的夢想呢?所以我們要不斷地去思索各種方法,不厭其煩地嘗試。在生活上的每一個挑戰,別忘了要有自信、耐心、決心,尤其是對上帝堅定不動搖的信念。不要懷疑自己的能力,時時刻刻牢記著,你是個很能幹的人。

對那些和我同樣是第一次出國的人,不要被奢侈品誘惑,要牢記你為何離鄉背井。優先考量你的責任與義務,而不是聽從慾望的召喚。就算無法馬上實現我們的夢想也沒關係,至少我們正在向前邁進。如果你像我一樣被困在房子的四個角落裡,不要灰心。正因為這樣的處境,我才能更加堅定勇敢的面對每一場競賽,面對生活的現實以及世界的模樣。

勞工階級萬歲!我們是祖國的英雄,我對我們的能力致敬!
勞工同胞…我們是祖國的能量,大家萬歲! 


Jean Mantes story speaks of a woman’s journey to reach her dreams.
Migration was her dreams of overcoming poverty. Jean was driven by her curiosity and desire to experience working abroad. She also shares her experiences as a first-time migrant and the obstacles she faced every day. She was also curious to know  what was more important to OFWs. But Jean is a simple kind person who loves to ask many questions in life and wanted to experience traveling around, but till today her contract near expires and still she didn’t have a chance to see and explore the beauty of Taiwan. Despite of being isolated in a four corners of her room, her mind is still open to the harsh realities and frustrations her likely to face…”Jean is an achiever against all odds”. Be proud and be strong!

Let Jean, have the chance to embrace and see the beauty of Taiwan…give her a chance