領班 Linpan

 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 領班 Linpan

👤 Jonathan S. Castro

Kaizu! Homien! Chimien! Chimen chi liao! Papien to saw? Araw-araw na katagang naririnig ko. Takbo dito, takbo doon. Kailangang maging maagap dahil sa isang pagkakamali ay Lausai ako sa gabing ito.

Isa akong Tsi-Tsang sa isang factory dito sa Tauyuan, Taiwan.

Tandang-tanda ko pa ang kanilang mga tawanan. Tawanan ng mga Quatsi na walang ginawa kundi ang apihin ako. Sariwang-sariwa pa sa aking isipan kung papaano ako duruin, pagsalitaan ng masasakit na kung isasalin sa wikang Pilipino ay isa raw akong mangmang at walang nalalaman.
Halos tumagos sa aking buto ang pagkapahiya kong iyon. Sa isang gabi na hindi ko naitaas at naibaba ang yapan dahilan ng pagkakaroon ng bula sa material na aking ginawa. Tatlong bula na katumbas ng pagbaba ng aking moralidad sa pagtatrabaho.
Naalala ko kung papaano ako pinapalakpakan noon ng mga officemates ko sa Pinas dahil sa outstanding performance ko sa pangongolekta ng pautang ay siyang kabaligtaran sa nangyari sa akin noong gabing iyon.

Tumayo sa upuan ang isa sa mga Quatsi at nagsabi.. “King of Lausai!”. Ibig sabihin, isa raw akong hari ng kapalpakan!

Simula noon, kada oras ng break ay sa CR na lamang ako nagkukulong. Nananalangin na sana ay malampasan ko ang pagsubok na ito at makaiwas na rin sa mapanghusgang tingin sa akin ng mga Quatsi.
Araw ng padala sa Pinas. Minsan naisip ko, napupunta kaya sa tama itong perang pinapadala ko? Kung batid lang sana ng pamilya ko kung anong sakripisyo ang tinitiis ko para sa kanila.

Second break ko noon nang minsang sa pagbukas ko ng pintuan ng CR ay nakaabang pala sa akin si Kon Tien Shu, isang Taiwanese Linpan. Alam pala niya ang aking sitwasyon at matagal na pala niya akong sinusubaybayan. Banaag ko sa kanya ang likas na pag-uugali ng isang Taiwanese. Para sa akin, likas ang kanilang kabaitan, malasakit sa kapwa, disiplinado at mapagpakumbaba.

Isang nakangiting Linpan ang lumapit at nagsabi sa akin na may kahirapan pa siyang mag-english..” Don’t worry guy, I will help you!”

Lumingid ang aking mga luha at nasagot ang aking mga panalangin ng mga sandaling iyon. Dahil baguhan pa lamang ako dito sa Taiwan at alam niyang hindi pa ako marunong magsalita ng wika nila kaya ako nabubully sa trabaho.
Ipinakiusap niya ako sa opisina na ilipat ako sa ibang factory building at nangyari naman iyon. Napunta ako sa mga Taiwanese Quatsi. Ibang-iba sa mga Quatsi na ibang lahi na unang pinagdalhan sa akin noon. Sila ay malumanay magsalita at mahaba ang kanilang pasensya.

Si Linpan Kon Tien Shu, matangkad, singkit at maputi na Taiwanese ang nagtuturo sa akin kung papaano pa mas gumaling sa pagiging TsiTsang.
Tatlong oras kada araw nag-uusap kami sa pamamagitan ng translation application sa cellphone. Isang makabagong teknolohiya na kung mapaghuhusayan pa ay isang malaking sagot sa problema sa communication barrier at malaking tulong sa negosyo at sa mga OFW saan man parte ng mundo. Kung hindi naman siya ay ang assistant niya na si Tai San ang nagtuturo sa akin. Si Tai San man ay naghahanda na rin maging isang batang Linpan dahil sa angking galing sa pagtatrabaho.
Dahil sa dalawang Taiwanese na ito ay nagkaroon ako ng inspirasyon at natutunan ko muling ngumiti at maibangon muli ang aking moral sa pagtatrabaho.

Isang maaliwalas na umaga habang ako ay nasa bus pabalik sa aming dormitoryo, nakamasid ako sa bintana ng bus at namangha sa bansang ito. Sa kabila ng urbanisasyon ay nagawa nilang mapanatili ang ganda ng kalikasan at iangkop ito sa kanilang sariling istilo at isama sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Habang unti-unting bumubusilak ang mga bulaklak sa parke, salikod nito ang mga nagtatayugang mga gusali na animo’y tanda ng isang bansang may matatag na ekonomiya. Maluwag na kalsada, malinis na lansangan, masarap na simo’y ng hangin, matatayog na gusali, mayamang kultura at higit sa lahat ang mabubuting Taiwanese.

Isang tanong ang pumasok sa aking isipan, kung ako bilang Pilipinas at si Kon Tien Shu naman bilang Taiwan at magtutulungan sa isat-isa, hanggang saan kaya ang maabot ng dalawang bansang ito?
Para sa akin malayo pa ang mararating ng bansang ito. Sa ngayon, kailangan ko munang maging magaling na TsiTsang dahil gusto maging Linpan.

Ito ang aking istorya.


 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 領班 Linpan

👤 Jonathan S. Castro

 

「開始!」 「後面!」 「前面!」 「幾面資料!」 「廢料多少?」我每天都聽到這幾句話。跑過來又跑過去。動作必須精確,如有差錯,晚上就要「落屎」(註:凸槌)了。
我在台灣桃園一家工廠當「機長」(註:機器操作員)。

我還記得他們的嘲笑聲。品檢員的笑聲,那些整天欺負我、為難我的人。他們用他們的語言指責我、辱罵我,那些諸如「愚蠢、無知」之類傷人的難聽話,都還在我腦海裡。

那天,我幾乎難堪到骨子裡了。有一晚,我忘了將壓板升起降落,導致生產面板出了問題,面板上的三顆氣泡明明白白地標示著我的錯誤,讓我受到嚴重打擊,垂頭喪氣,無心工作。

想起在菲律賓時,我曾經因為出色的表現而獲得同事們的讚賞與喝彩,當時興高采烈的心情,和現在這個晚上正好相反,我的心情盪到了谷底。

其中一個站在椅子上的品檢員喊道:「落屎大王」,意思說我是個常錯誤的大飯桶。

從那時候起,每當休息時間我就躲到洗手間裡,默默地向上帝祈禱,讓我可以戰勝這些難關,並擺脫那些歧視我的品檢員。

又到匯款的日子了。有時候我會想,我辛辛苦苦賺來的錢,家人是不是有好好的利用?不曉得他們知不知道,我為他們犧牲、忍受了多少?

在第二次休息結束時,我打開廁所的門,看見一位台灣領班—孔天樹,他正等著我。原來他已經知道我的處境,而且觀察了一段時間。我看得出來他和大多數本地人一樣,對我來說,他們天性善良、關心他人、遵守紀律,並且謙虛。

面帶笑容的領班走上前來,用他不太流利的英語對我說:「不要擔心,我會幫你。」

淚水溢出我的眼角,那一瞬間上帝回應了我的祈禱。因為我剛來台灣沒多久,他知道我還不會講中文,所以容易被同事們欺負。

他拜託人事部將我調到其它廠房,我也真的被調到台灣籍品檢員那邊。不像之前那些不同國籍的品檢員,台灣籍品檢員講話溫和有禮,並且耐心地指導我。

孔天樹領班是個高大、皮膚白皙、有著台灣式小眼睛的台灣人,他教導我如何變成更好的機器操作員。

我們每天利用手機翻譯程式對話三個小時。這種創新技術如果能改善溝通障礙,對企業和世界各個角落的菲律賓勞工都會很有幫助。如果孔天樹領班沒空,他的助理泰三會代替他教我。泰三是個年輕能幹的助理,正在接受培訓,未來準備當領班。

因為有這兩位台灣人的鼓勵,我又學會了微笑,重新燃起工作的鬥志。

陽光明媚的早晨,我搭上返回宿舍的公車, 望著窗外風景,驚歎不已。儘管城市很現代,但仍能保存自然美景,以適合他們自己的風格,融入日常生活中。公園裡花草爭豔,周圍高樓大廈林立,象徵著穩固的國家經濟。寬闊的馬路、乾淨的街道、新鮮的空氣、高大的樓房、豐富的文化、以及友善的台灣居民。

我的腦海浮現一個問題,如果我代表菲律賓,孔天樹代表台灣,我們彼此攜手合作,這兩個國家可以一同前進到何種程度呢?

對我而言,這國家很親切。現在我的當務之急,是必須先成為一個優秀的機器操作員,因為我想成為領班。

這是我的故事。


(1)
Like all my choices, Jonathan Castro’s Linpan is very honest. It tells a beautiful story of friendship between a Filipino migrant worker and a Taiwanese linpan, from the point of view of the migrant worker. Through his narrative, he was able to tell the hardships that a migrant worker faces living and working in a different country and how a Taiwanese, a linpan at that, reaches out to him and helps him cope with worklife here.

Despite my deficiency in the Taiwanese language, I was able to understand the whole story of Jonathan. He was able to explain to me very effectively the many Taiwanese terms he used in his story. I also like the fact that he used a Taiwanese term as his title and made use of his experience as an example and a metaphor for the possible further strengthening of friendship between Philippines and Taiwan.

The story gives off a positive vibe, a very positive message that equality, respect and friendship can happen and are possible in the workplace.

(2)
His story is about working in the factory being bullied by his co-workers with higher positions like supervisor or department leader. Back in the Philippines, he was the best insurance agent claiming many certificates and award due to his good work. But when he worked in Taiwan as a factory worker, never did it occur to him that he will experience such humiliation because he cannot read and understands Mandarin.

Since he knows that he cannot do anything from being bullied, he tried to learn how to operate the machine whenever the supervisor is teaching him. Still he can hear some criticizing words and what he will do was to go to the comfort room, release his anger, self-pity and prayed to God that someday he will be able to let those people stop bullying him. One time, he went to the comfort room because he was humiliated again. A kind-hearted Taiwanese who is also have a high position waited for him to come out. He said that he knew and saw everything what those people were doing to him and also see how good tempered a person he was. He decided to help him to be moved to his department. Upon hearing those words, he was not able to control his tears because God heard his prayers. He could not believe that there is one kind-hearted Taiwanese that will make his dream come true, hopefully, he wish to become a supervisor one day.

Jonathan completely shows us his true definition of his feelings despite of being alone, bullied and upset, his experienced is really remarkably.

The moral lesson in this essay is that nothing is impossible to God wherever you are, whatever you do as long as you have faith in Him. Work hard and you will see the fruit of your hardships.  Because …“God is good and God is great”.