離別 Paglisan

 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 離別 Paglisan

👤 Rosalina A. Dacanay

 

Nakakalungkot lang isipin ang mga araw na nagdaan.Iniwan ko ang mga anak ko na maliliit pa lamang, lalo na yung bunso kong nasa kinder pa lamang noon. Unang alis ko sa bansa, naalala ko ang paalam ko sa kanya ay mamamalengke lang ako ngunit nakalipas ang apat na araw hindi pa rin ako nakakabalik. Sabi na nga lang ng anak ko , ang tagal naman ni mama sa palengke hanggang sa napilitan na rin ipagtapat ang totoo ng aking biyenan na syang aking pinag-iwanan ng mga anak ko.Pagsapit ng graduation wala pa rin si mama buti na lng andon si lola na magsasabit ng kanyang medalya, sa paglipas ng ilang araw naiiyak ako sa kwento ni lola sabi nya umiiyak ang aking bunso sa isang tabi habang nakapila paakyat sa stage,kaya pala sya umiiyak dahil sa backgound sound na kanta ni carol banawan na pinamagatang Iingatan Ka.”Iingatan ka,aalagaan ka aking inay ikaw ang ngbigay ng buhay ko“ yun pa lang lyrics na yun,halos madurog ang puso ko noon habang nakikinig sa kabilang linya dahil di pa uso noon ang skype kaya puro load ako noon sa tuwing katapusan nagbabayad ako ng load na aabot sa 4k nt a month. Elementary graduation, wala pa rin si mama. High school graduation. Nasa ibang bansa pa rin si mama.Sana sa College graduation mo sa awa ng diyos na may kapal sana andyan na ako.
Kinakaya ko ang lahat ng ito dahil na rin sa pag-asang mapatapos ko kayo lahat ng hirap at pasakit aking kakayanin sa tulong na rin ng aking naging amo dito sa Taiwan na magagaling at isa na rin sa magandang pagtrato nila sa akin ay di nila ako tinuring na iba, bagkos kaisa ako sa kanilang pamilya. Subalit naranasan ko rin lahat ng mga nagdaan sa kanilang pagsubok. Isa sa mga naranasan ko ay ang puro linis lang ng bahay at ito ang aking ginawang pampalipas oras sa tatlong buwan. Kumakain habang tumutulo ang luha at nagiisa sa lamesa, dahil nahihiya ako noon makisabay sa mga amo ko, inaabala ko lng ang aking sarili nagkukuskos sa kusina noon habang sila’y salu-salong kumakain at nagkukuwentuhan. Ilang buwan ang nakalipas habang ako’y naglilinis sa kusina bigla nila akong tinawag na sumabay na sa kanila, sabi ko salamat diyos ko at may makakasabay na rin ako sa lamesa kahit na medyo nakakailang pa.
May mas malala pa pala doon na hinding hindi ko makakalimutan na minsan na rin akong napagbintangan sa bagay na diko ginawa.Yung gold na keychain nawala na nasa lamesa lang noong huli kong nasulyapan, kinaumagahan nagtatanong na ang aking amo kung nasaan na ito, pagbaba ko nakita kong gulo-gulo ang aking mga kagamitan dahil di nila ito naayos ng maigi dahil na rin sa kanilang pagmamadali nagisip ako kung ako ba ay kikibo o tatahimik na lang, pero nanaig sa akin na itanong kung sila’y naghalungkat ng gamit ko. Sabi ko sa apo ng amo ko na siyang naghalungkat ay tumawag kayo ng pulis ngayon din at ipapahalungkat ko lahat ng gamit ko dahil hindi nila ako pinaniniwalaan, ngunit sila’y tumanggi.Kinaumagahan nang ang aking amo ay nag-ayang pumunta sa park pagsuot nya ng kanyang pants ay andoon ang kanyang hinahanap na Gold keychain, tapos noon akoy kanyang tinawag para humingi ng paumanhin yumuko pa sa aking harapan na nagsosorry.Sa tuwa ko ay nayakap ko pa ang matanda dahil na rin sa aking kagalakan na sa isang iglap ay nalinis ang aking pangalan.Isip ko’y ako lng ang dayuhan doon na kanilang pinagbibintangan.Simula noon nagkaroon na sila ng tiwala sa akin pati susi sa gate ay pinahawak narin nila sa akin na dati’y di nila kayang ipagkatiwala sa akin.Hanggang tumagal na ako dito na ngayon ay magwawalong taon na. Sa awa ng Diyos ay ganoon padin sila sa akin, mabait pa rin sila sa akin lalo na yung kapatid ng amok ko na si kuku na sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa sa walong taon naming pagsasama at pagkakaibigan. Na pati sa aking panaginip ako’y kanyang dinadalaw at nagpapabili ng noodles na spicy, paborito niya iyon noong siyay nabubuhay pa.
Hindi talaga madali ang pagiging OFW sapagkat kahit gamay na gamay mo na ito, sa tuwing kapiling ko ang mga pamilya ko lubos na saya’t tuwa ang aking nadarama.Pero pag babalik ka na andoon pa rin yung dulot na sakit pag ako’y magpapaalam na. Hay Buhay OFW nga naman ! Pero mas ok na siguro to para sa aking mga anak, Makakatapos silang wala si mama kaysa andyan ako na di naman kayo makagraduate diba.Hold on lang kayo dyan.Darating din ang araw na for good na si mama.Tapos kayo naman ang aalis. Ako nmn ang tatanggap ng inyong padala. Hehehe.Sabi nga ng panganay kong anak “Kapag nakatapos ako ng pagaaral mama umuwi kana at ako naman ang kakayod para sa pamilya natin at ako na ang sasagot sa pagaaral ng aking kapatid.” Haay kay sarap kay sarap pakinggan ng isang ina na ganyan magisip ang iyong napalaki, na kahit wala ka sa kanilang piling ay lumaki silang maayos, may tyaga at higit sa lahat may takot sa Diyos.Kaya tama ang kasabihang kapag maganda ang tinanim maganda rin ang aanihin.GODBLESS SA LAHAT NG OFW AT MIGRANT NG TAIWAN.


 2014 Preliminary 菲律賓文初選 

📜 離別 Paglisan

👤 Rosalina A. Dacanay

 

想起過去是件非常傷心的事。我留下年幼的孩子們,老么當時才幼稚園。我記得第一次離開家鄉,我告訴老么我要上市場。過了四天我還沒回家,他就不停地問:「媽媽上市場怎麼那麼久?」留在家照顧孩子的婆婆,才不得已說出真相。

畢業典禮那天媽媽不在,好在奶奶可以上台替他戴上獎牌。過幾天,奶奶告訴我,當老么站在旁邊排隊等上台時,一直流眼淚。因為那時正播放凱洛巴納丹(Carol Banawa)主唱的歌《我要守護/保護您》(Iingatan ka):「我要守護/保護您,我要孝順您。母親,因為是您給了我生命。」 我記得那些歌詞,聽了好心疼。

由於那時還不會使用skype,所以我每個月底要繳台幣四千元的電話費。小學畢業時,媽媽仍然不在;中學畢業時,媽媽一樣在國外。希望你大學畢業時,上帝允許我回祖國了。

所有困難我會勇敢承擔,因為我希望你們能完成學業。我會擔起所有的痛苦,幸好還有老闆的協助。老闆聰明、能幹,對人也和善。他們對待我不像一般人,彷彿我是他們家的一份子。

可是我也經歷了不少艱難的挑戰。有三個月的時間,我不停地清潔打掃家裡來打發時間。自己一個人一面吃飯、一面流眼淚。因為剛來的時候,不好意思和老闆們一起吃飯,每次雇主他們吃飯聊天時,我就在廚房裡忙著刷洗。過了幾個月,有天他們忽然叫我和他們一起吃飯。謝天謝地,終於有人陪我吃飯了,雖然一開始有點尷尬不自在。

有一件更糟的事情我永遠不會忘記,我曾經被指控我沒做過的事。我瞥見桌子上一個金色的鑰匙圈,第二天我的老闆問我它在哪裡。

後來,我看見我的東西被翻得一團亂,我默默地收拾東西,不知道該不該問個究竟?結果我還是鼓起勇氣,問他們是否搜查過我的寢室。我告訴老闆的孫子,請他立刻叫警察來徹底檢查我的東西,我知道他們不信任我,但他們拒絕了。

隔天早上老闆準備到公園去,他穿上褲子時,發現金色鑰匙圈在褲子口袋裡。他馬上叫我,還低著頭向我道歉。我開心地擁抱老人家,心裡歡呼著自己的清白,因為在那個家裡我是唯一的外人。

自從那次之後,他們就很信任我,連大門的鑰匙都交給我,之前他們不敢這樣做。現在,我已經在他們家服務將近八年的時間,這八年來,他們每天都像自家人般地對待我。特別是姑姑,老闆的姐姐,她對我特別好。雖然她現在已經不在人世,但是她經常出現在我的夢中,拜託我幫她買她最喜愛的香辣泡麵。

離鄉背井當外勞不容易,雖然工作已經很熟練。每次回國和家人相聚,我無比快樂歡欣,而離別的時候又非常傷心難過。外勞生涯真不好過,但是為了我的兒女們的幸福,這是最好的方法。

媽媽在外地工作可以讓孩子們讀完書,但我如果和你們住在一起,你們可能就要輟學。記住:媽媽總有一天會待在家裡,換你們離家工作,我在家等你們匯錢給我用。我的老大有一次說:「如果我畢業了,媽媽妳就回來,換我出外工作賺錢,提供生活費以及弟妹們的學雜費。」我聽了好欣慰,心想我犧牲的一切沒有白費,孩子懂得珍惜我的苦難辛勞,好好長大,成為孝順有擔當的人。俗語說得好:種瓜得瓜,種豆得豆。上帝保佑在台灣的菲律賓勞工和所有在外國打工的菲律賓人!


Like any other million Filipinos seeking for a beautiful and bountiful future for their families, Rosalina left for abroad and her reason for looking for a greener pasture outside her country was her children. Her parents took good care of all her children while she was working abroad. But time flies fast, her children graduated from Elementary, High School and College without their mothers’ presence. So being away from your family and loved ones is really heartache.

In Taiwan, Rosalina’s story continued to keep on staying closer to her employer, despite of so many hardships and trial she then recognized as a true member of the family. Letting her to join them in food table, and keeping the house keys, but before that she still remember, the time when she was allegedly accused of stealing her employers gold chain, but  thanks be to God and the truth prevails. Her employer immediately asks for her forgiveness and thanking her for being kind and honest to them.

Rosalina’s children didn’t see how humble and great their mothers are, but in the eyes of our Lord nothing will keep hide.

“In Every Punishment There is always a Good Reward”