Pagmamahal Ng Isang Ama

2019 Preliminary 菲律賓文初選

📜 Pagmamahal Ng Isang Ama
👤 Sonny Peru Cosme

Unang Kabanata: Ang Simula

Hay! Sa wakas, natapos na din ang mga aplikasyon na ito. Nakangiti kung wari sa aking sarili ng matanggap ko mula sa nakangiting imigresiyon opiser ang aking pasaporte. “Congratulations! and welcome to Malaysia, ani nito.

Ito ang simula ng lahat. Ang simula ng buhay ko dito sa Malaysia kasama ng aking pinakamamahal na asawa. Pagkatapos ng kasal namin sa Pilipinas taong 2015, lumipat kami dito sa Johor Bahru para simulan ang aming buhay bilang mag-asawa.

Buwan ng Abril taong 2016 ng ako’y nakahanap ng trabaho. “Congratulations Mr. Cosme and welcome to the family”. Masayang bati ng hayring opiser ng kompanya. “Give your best out of it and make me proud”. Payo nito matapos kung pirmahan ang aking employment letter sa nasabing kompanya.

Ang trabahong ito ay napaka-importante sa akin para sa pagsisimula namin dito at para na rin matustusan ko ang pangangailangan ng aking asawa lalo na at siya’y nagdadalang tao sa panganay naming anak.

Ikalawang kabanata: Ang Pagiging Ama

“Ouch it’s very painful”. Daing ng aking asawa ng umagang iyon. Dear, we need to go to the hospital . Paki-usap ng aking asawa mula sa mahimbing kong pagtulog sa umagang iyon. Madali akong nagpalit ng damit at dinala ko siya sa ospital.

Habang kami ay nasa loob ng labor room, marami akong pag-aalinlangan dahil maraming tanong na bumabagabag sa aking kaisipan.

“Makakaya ko ito”. “Kailangan kong maging malakas.” Sabi ko sa aking sarili habang nasa tabi ko ang aking asawa sa maliit na kwarto ng ospital. “Don’t be afraid dear”. Matatag na sabi ko sa aking asawa habang hawak nito ang aking kamay.

Normal ang pagkakapanganak ng aking asawa. Sa unang apat na buwan ng aking anak, malaki ang naitulong ng aking mga manugang sa paghahatid at pagsundo sa kanila sa tuwing sila’y kailangang bumisita sa pampublikong pagamutan sa Johor Bahru.

Ang tawag sa pagamutan na ito ay “Kilinik Kasihatan”. Libre ang mga gamot at pagkonsulta sa doktor na ibinibigay ng establimentong ito. Ang bawat bata at ina na bumibisita dito ay may kanya-kanyang libro para e-rekord ang mga gamot, pagsusuri ng doktor at bakunang ibinibigay sa bata at ina.

“I’m so thankful to you mum and dad”, “Thank you so much for the support specially in assisting my wife and son to go to the clinic.” Nasabi ko sa aking mga manugang sa umagang iyon ng sabado.

“I’m still new to the company that’s why it’s quite tough for me to take emergency leave. This might be a reason for me to be fired and right now, I can’t afford to be kicked out cause I need to support my wife and my son in our daily finances.” Mahinahong paliwanag ko sa aking mga manugang.

“No problem”, anila sabay tapik sa aking balikat.

Samantala, sa unang taon ng aming panganay, naging maganda ang kanyang paglaki ngunit nang siya ay nakatungtung sa edad kung saan meron dapat siyang mabigkas na salita katulad ng “mama” o “papa”, wala pa kaming naririning mula sa kanya.

Maging ang nurse sa Klinik Kasihatan na nakatuka sa kanya ay nababahala na rin. Dahil dito, naging madalas ang pagbisita namin sa klinik na ito para ipasuri ang development ng aking anak.

Ikatlong Kabanata: Takot at Pagkabahala

Ng nasa labinwalong buwan na ang aking anak, dito ko naramdaman ang takot sa kanyang paglaki. Lagi siyang naglalarong mag-isa at ayaw niyang makihalubilo sa kapwa niya bata. Lagi siyang umi-iyak kung may mga batang gustong lumapit sa kanya. Mahilig siyang magpa-ikot-ikot ng mga laruan na siyang isa sa mga sintomas ng mga mga utistik na bata.

Kunti man ang kaalaman ko tungkol sa ganitong bagay ngunit dahil na rin sa teknolohiya, nagsikap akong maghanap nang ibat-ibang artikulo mula sa enternet patungkol sa isyu ng “Autism Child”. Nasabi ng artikulo na ang mga batang utistik ay kinakailangan mabigyan ng atensiyon at wagas na patnubay ng mga experto. Bukod sa mga theraphy na kailangan nilang pagdaanan, mabubutasan din ang iyong bulsa dahil ang bawat sesyon ay napakamahal.

“Diyos ko po, tulungan niyo po ako”, nakababahalang sabi ko sa sarili ko habang binabasa ang mga nasabing artikulo. Kunti man ang naipon kong pera pero hindi ito naging handlang para magpakonsulta kami sa isang kilalang espesyalista na may kaalaman sa ganitong bagay. Lumiban ako sa aking trabaho para siya ay mapatingan.

“Please ma’am, allow me to take leave this time. I need to accompany my wife and son to be checked. I’m begging you ma’am.”. Paki-usap ko sa intsik kong amo.

“Okay, you can take your leave tommorow. I understand, go ahead.”. Maamong sagot nito.

Kinakabahan ako sa araw na iyon. Hindi ko alam kong makakaya kung tanggapin na may deperensiya ang aking anak.

Pumasok kami sa loob ng isang kwarto na napapalibutan ng ibat-ibang mga laruan kung saan o-obserbahan ang aking anak. Kinausap kami ng doktor na hayaan namin siya na maglarong mag-isa at doon magsisimula ang obserbasyon sa kanya.

Matapos ang halos isa’t kalahating oras, kina-usap kami ng doktor niya. Ayon sa kanyang pagsusuri, ang anak ko daw ay may developmental delay sa pagsasalita at hindi siya sigurado kung ang sintomas na ito ay maaring maging isa sa mga “redflag” para siya ay mapabilang sa mga utistik na bata. Inamin nito na sa kanyang edad, mahirap matukoy ang mga sintomas dahil mayron siyang eye kontak at nakaka-intindi ito ng utos mula sa kanya. Sinabi rin nito na ang paglalaro niya ng paikot-ikot sa mga laruan niya at paglilinya ng mga ito ay hindi sapat para siya ay tukuying utistik na bata.

“Upon my observation, your son is not autistic. He might have some redflags but those does not mean that he is categorised as an autistic child. He may only have speech delay. So don’t worry.” Malumanay na sabi nito.

Sa balitang iyon, nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan at laking pasalamat ko na hindi siya utistik na bata. Magpaganun pa man, kina-usap din kami ng doktor na mas mainam na siya ay mabigyan ng atensiyon para gabayan siya sa kanyang paglalaro. “He does not know how to play” mahinahong sabi nito. Pinayuhan kami ng doktor na gabay lang ang kailangan at kunting pasensiya para sa kanya.

“Give him a chance to join other kids. Let him play with them. If he cries, just let him be. He need to be aware of what is happening around him. He need to raise up his confidence level so that it will push himself to be independent.” Ito ang payo ng doktor sa amin.

Ikaapat na kabanata: Ikalawang Opinyon

Para siguradong maayos ang lahat, kumunsulta rin kami sa pampublikong ospital. Masyadong mahal ang bayad ng konsultasyon sa pribadong ospital kaya naki-usap kami sa nurse ng Klinik Kasihtan na bigyan siya ng rekomendasyon na mapatingnan ng doktor para mabigyan siya ng pagkakataon maobserbahan ng isa pang doktor.

Ganito ang kalakaran dito sa bansang Malaysia, hindi ka basta-basta magpatingin sa pampublikong doktor na walang rekomendasyon mula sa Klinik Kasihatan lalo na sa usaping “Autism”. Ang rekomendasyon ito ang siyang magiging basehan ng doktor kung ano ang kinakailangan para sa pasyente.

Nag-antay kami ng tatlong buwan para sa kanyang appointment. Gumising kami ng maaga at lumiban ako sa aking trabaho para siya ay mapatingnan.
Sa araw na iyon, di makompirna ng doktor na siya ay isang “special child” dahil sa kanyang lagnat. In-interview kami ng doktor kung bakit sa tingin namin na siya ay kailangang mapatingnan. Sinabi namin lahat ang obserbasyon namin sa kanya katulad nalang ng kanyang pagkahilig sa paglalaro ng paikot-ikot at sa paglinya ng mga laruan niya.

Ayon sa doktor, ilan lamang ito sa mga sintomas ngunit hindi ito sapat na dahilan para siya ay masabing utistik na bata. Gising ang aking anak sa mga oras na iyon at kung tinitignan siya ng doktor, tumitingin rin siya sa mga mata nito. At dahil baguhan siya sa loob ng kwarto, hindi siya komportable dito.

“That is a normal reaction of a child. Don’t worry.”, sabi ng doktor sa amin habang pinapakalma ko ang aking anak.

Kina-usap kami ng doktor na mas mabuting ipatingnan naming ang kanyang tainga na baka merong deperensiya sa kanyang pandinig kaya hindi siya nakakapagsalita. Pinayuhan din kami na bigyan siya ng pagakakataon na isali sa “Occupational Therapy Session” sa loob ng ospital para magabayan siya sa kanyang paglalaro katulad ng unang payu ng doktor mula sa pribadong ospital.

Ikalimang kabanata: Pagsusuri Sa Kanya

Dahil sa payo ng doktor, nag-antay kami ng isang buwan para sa appointment niya upang masuri ang kanyang pandining.

Dahil isa lang ang pwedeng pumasok sa loob ng kwarto, sinamahan ko ang aking anak. Madilim ang loob ng kwarto at tanging isang instrumento lamang ang nakalagay sa gitna at dalawang upuan.

“Huwag kang matakot anak”, malumanay na sambit ko sa aking anak na noo’y halos di ako mabitiwan dahil sa takot niya sa isang madilim at tahimik na kwarto.

“Andito si daddy sa iyong tabi. Di kita iiwan.” sabi ko sa anak ko.

Pinayuhan ako ng nurse na pakalmahin muna namin siya at pagkatapos pinayuhan ako na bawal gumawa ng anu mang ingay at hayaan ko siyang makinig sa mga tunog na ipaparinig sa kanya. Inubserbahan nila ang kanyang mata, and kanyang reaksiyon sa tuwing may mga tunog na pinaparinig sa kanya. Ang tunog na lumalabas ay ibat-iba. Kung minsan masyadong mahina at kung minsan masyadong malakas. Ayon sa nurse, ang tawag dito ay “decibels”. Mayroon siyang isang papel na minimarkahan kung hanggang saan lebel ng tunog ang kanyang naririnig.

Matapos ang isang oras ng obserbasyon sa kanyang pandinig, nasabi ng nurse na normal ito at walang depensiya sa kanyang pandinig. Nasabi rin ng nurse na sa kanyang edad, siya ay napaka alerto sa tunog at ito ay ilan sa mga kahinaan ng ibang bata. Nasabi rin nito na minsan, ang mga bata lalo na sa mga kalakihan, nahuhuli sila sa pagsasalita kumpara sa mga babae kaya pinayuhan ako na huwag masyadong mag-alala.

Ibinigay sa akin ang resulta ng kanyang “hearing test” at ito ang aming isinumite sa doktor niya na kasalukuyang tumitingin sa kalagayan niya sa loob ng pampublikong ospital.

Makalipas ang isang buwan, dumating ang araw na siya ay mapatingnan naman ng Occupational Therapist or kilala bilang OT. Hindi ako nakasama sa kanyang unang sesyon dahil marami na akong liban sa kompanyang pinapasukan ko. Ayon sa aking asawa, nagbigay sila ng ilang paraan na maaring makapagpakalma sa kanya dahil iyak siya ng iyak habang nagaganap ang sesyon na iyon.

Pinayuhan ang aking asawa na maghanap ng pribadong ospital kung saan maipagpatuloy nito ang sesyon sa OT.

Mahal man ang bayad kada sesyon, nagdesisyon kami na sumali sa “OT Session” ng Hospital Penawar sa Pasir Gudang. Ito ay isang pribadong ospital sa kabilang distrito ng Johor Bahru at napakalayo sa inuupahan naming apartment. Malayo man ang lugar ng ospital, kailangan kung gawin ito dahil bukod sa mura, kumpleto rin sila sa pasilidad tulad ng dark room, mga laruan, at ibat ibang mga “textures” para sa “sensory program” nila.

Maliit man ang aking kinikita, sinisikap kong i-budget ang aming mga pang-araw araw na gastusin para lamang matustusan ang linguhang bayad para sa sesyon niya sa kanyang pribadong OT. Ibinenta rin ng aking asawa ang ilan sa aming mga kagamitan sa online para makatulong sa aming mga gastusin.

Ika-anim na kabanata: Samut Saring Theraphy

Ang unang araw niya sa nasabing pribadong hospital ay napakahirap dahil natatakot siya.

“Anak, huwag kang matakot, sabi ko sa anak ko”. Tumingin siya sa aking mga mata at doon ako napatulala dahil nabasa ko ang mga katagang “daddy, huwag mo akong iiwan” habang may mga luhang bumabagtas sa kanyang mali-liit na mata.

Yinakap ko siya at binulong ko “huwag kang mag-alala anak, nasa tabi lang kami ni mummy mo” sabay abot ko siya sa kanyang therapist na titingin sa kanya.

Nang mga oras na iyon, pinayuhan kami ng kanyang therapist na lumabas muna. Malakas ang iyak ng aking anak, ang bawat iyak nito na naririnig namin sa labas ay parang mga matatalas na kutsilyong tumutusok sa aking puso.

Masakit na maririnig mo ang iyong anak na umiiyak dahil sa takot pero kailangan kong maging matatag para sa kanya. Nasambit ko sa sarili ko “anak, kailangan kung gawin ito para sa yong kabutihan”. Alam ko na pati ang aking asawa ay naiiyak narin dahil katabi ko siya habang tahimik naming hinihintay na matapos ang sesyon.

Pagkalipas ng isa’t kalahating oras, natapos ang sesyon at pinayuhan kami ng therapist na huwag siyang susuyuin. Hahayaan lamang namin siya na umiyak para alam niya na kailangan niyang maging matatag kahit wala kami sa tabi niya.

Bukod sa OT, pinayuhan din kami na ipasok siya sa isang Speech Theraphy Session o kilala bilang ST. Pagkatapos ng dalawang lingo, pinatingnan namin siya sa isang ST sa pampublikong ospital. Kailangan namin na pumila dahil ang sesyon sa Speech Therapy ay naayon lamang sa araw ng aming appointment.

Naging madali ang unang araw niya kompara sa sesyon niya sa kanyang OT. And kuwarto na pinasukan namin ay napakaliit at ang mga laruan ay parang ordinaryo lamang. Ang paraan na pagtuturo na ginamit ng therapist ay sa pamamagitan ng paglalaro dahil siya ay dalawang taon gulang pa lamang.

Matapos ang kanyang ST sa pampublikog hospital, pinayuhan kami ng kanyang speech therapist na kumunsulta sa pribadong Speech Therapy Klinik para matutukan ang kanyang pangangailangan.

Habang ipinapaliwanag ng therapist ang mga katagang iyon, tumingin ako sa aking anak na noo’y mahigpit na nakayap sa akin. “Pasensiya ka na anak” bulong ko sa sarili ko. Di ko maintinidhan pero naramdaman ko na parang naintindihan ng anak ko ang nasabi ng therapist at tumingin sa aking mata ang anak ko. At bigla siyang umiyak na nagpapahiwatig ng katagang “iiwan mo nanaman ako daddy sa isang therapist”?

Sinuyo ko ang aking anak at ipinaliwanag ko sa kanya na ang lahat na ito ay para sa kanya. “Anak, gusto lang naming na siguraduhin ng mummy mo na ang lahat sa iyo ay normal”. Huwag kang mag-alala, lagi kaming naandito ni mummy mo. Yun ang mga katagang sinabi ko sa kanya sabay buhat sa kanya para umalis sa loob ng ospital.

Pagkalipas ng dalawang lingo, pumunta kami sa isang pribadong Speech Therapy Klinik sa Taman Molek at laking gulat namin ng makita namin na ang therapist niya sa pampublikong ospital at pribadong hospital ay i-isa. Ayon sa kanya, mangilan-ngilan lamang ang mga therapist dito sa Johor Bahru kaya sila ay nagpapart-time sa mga pribadong klinik para matulungan ang mga ibang nangangailangan nito.

Pagkapasok naming sa loob ng kwarto, ayaw bitiwan ng anak ko ang aking kamay. Tumingin siya sa aking mga mata at nakikiusap na na huwag akong umalis. “daddy huwag kang umalis, samahan mo ako.” Ito ang mga katagang nabasa ko sa kanya mga mata.”

Lumuhod ako at tumingin sa kanyang mga mata, “anak di ako aalis, sasamahan kita sa loob” sabay ngiti sa kanya habang hawak nito ang aking kamay at pumasok kami sa loob ng kwarto para sa kanyang sesyon.

Aaminin ko na magastos ang Speech Therapy dahil napakamahal ang bayad bawat sesyon. Nasabi ko rin ito sa kanyang pribadong OT at pinayuhan ako na baka pwede ihinto muna ang kanyang sesyon sa kanyang ST dahil ang paraan ng pagtuturo nila ay halos parehas. Nasabi rin nito na makakabuti ito sa bata para ang konsentrasyon ng kanyang development ay sa OT muna para maturuan siya sa mga tamang paraan ng paglalaro at pakikisalamuha.

Dahil sa payo ng kanyang pribadong OT, inihinto naming ang sesyon niya sa Speech Therapy sa pribadong klinik.

Lumipas ang talong buwan, unti unti naming nakikita ang mga pagbabago sa kanyang ina-asal. Alam na nitong makinig sa amin at kahit hindi pa siya nakakapagsalita, alam niya na kung pinapagalitan siya. Nadagdagan din ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili.

Dumating ang araw na siya kailangang tignan ng doktor mula sa pampublikong ospital. Ibinigay namin ang report ng kanyang pribadong OT kung ano yung mga positibo na nabago sa anak ko. Ang report na ibinigay ng Hospital Penawar ay napakakumprehensibo. Binubuo ito ng limang pahina kung saan nakalahad lahat ang pagbabago sa ina-asal ng anak ko at ang mga rekomendasyon ng para sa kanya.

Ayon sa doktor, ito ang nagpapatunay na huwag kaming matakot dahil normal ang aming anak. Pinayuhan kami nito na ipagpatuloy ang kanyang sesyon sa OT sa pribadong at pampublikong ospital para matugunan ng atensiyon ang kanyang mga pangangailangan.

Bukod sa linguhang OT at ST sa pribado at pampublikong hospital, isinali ko rin ang anak ko sa isang maliit na “playgroup session” para makipaglaro sa mga batang ka-edad niya. Magastos man, pero kailangan kung maghigpit ng sinturon para matustusan ang linguhang bayad sa kanyang playgroup.

Ganito ang halos kalakaran ng buhay ko tuwing sabado at lingo para sa kanya. Kung minsan, bigla nalang tumitingin sa aking mga mata ang aking anak na parang sinasabi nito: “Daddy, bakit lagi mo akong iniiwan sa ospital, o maging sa klinik, hindi mo ba ako mahal? Hindi ko na halos mabilang ang mga apointment na pinapasukan natin”. Ang katagang ito na nabasa ko sa mata ay parang mga kurot na kumukurot sa aking puso.

Pinapaliwanag ko sa anak ko: “Anak, ginagawa ito ni daddy at mummy para sa iyo. Para matugunan ang mga pangangailangan mo”.

Hindi man siya nakakapagsalita ngunit meron siyang gustong sabihin sa akin kaso, hindi niya mabigkas ang mga katagang iyon. “Daddy, huwag mo akong iwan, pwede po bang samahan mo ako sa sesyon at maglaro tayo parehas sa loob ng kwarto?” iyon ang mga nababasa ko na pahiwatig ng kanyang mata kaya pinapaliwag ko sa kanya

“Anak, hindi ako pwedeng pumasok sa kwarto dahil kailangan mong sundin ang mga programa ng inihada ng therapist para sayo. Makinig ka sa kanya. Pagkatapos ng iyong sesyon, makikita mo ako. Aatayin kita sa lobby anak.

Yun ang mga katagang lagi kong sinasabi sa kanya bago siya buhatin ng therapist para iakyat sa kanyang sesyon room.

Ika-pitong kabanata: Ang Mgandang Balita

Makalipas ng apat na buwan, unti unti na naming nakikita ang pagbabago sa pakikisalamuha ng aking anak. Hindi na siya natatakot at unti-unti na siyang nagkakaroon ng kompiyansa sa sarili. Nagkikipaglaro na rin siya sa ibang mga bata ngunit kung minsan hindi pa siya gaanong aktibo katulad ng ibang bata.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-usap ng masinsinan ang kanyang therapist mula sa pribadong ospital. Pinayuhan ako nito na maging kalmado at maiging intindihin ang kanyang kalagayan. Buntis noon ang aking asawa kaya ako na mismo ang nag-aasikaso sa mga kinakailangan niyang gawin para mabigyan pansin ang mga pangangailangan ng aking anak lalo na sa usaping “socialization”.

Nabangit nito na wala namang deperensiya sa kanya. Maaring ang ipinapakitang mga reaksiyon ay naayon sa kanyang personalidad. Hindi man siya nakakapagsalita ngunit ang mga kinikilos nito ay nasa normal. Tinanong ko rin siya kung bakit delayed ang aking anak sa pagsasalita at ang sabi nito, wala pang kumpirmadong pagsusuri kung bakit meron mga ganitong kaso sa mga bata.

Ayon dito, ang importante, siya ay nakakasunod sa mga utos, at maging sa tamang paglalaro ng mga laruan. Nasabi nito na maging mapagpasensiya lang kami at pasasaan din at magsasalita ito. Pinaliwanag nito na ang bawat bata ay mayroong kanya-kanyang araw para maabot ang tinatawang na “developmental milestones”.

Napatulo ang luha ko ng nasabi nito na normal na bata ang anak ko. Malaki ang naitulong ng OT at pabisita ko sa ibat ibang klinik at ospital sa halos isa’t kalahating taong paroon parito para sa kanya.

Ayon sa kanya, ang mga ganitong bagay ay malimit na binabalewa ng ibang mga magulang. Ayon din sa kanya, kung minsan ang pagiging delayed sa development ng bata ay maaring dahil sa naapektuhan ito ng siya ay ipinagbubuntis pa lamang ng kanyang ina, personalidad ng anak, kalagayan ng kapaligiran, o maaring minana ito sa mga ninuno namin.

Pinaliwanag din nito na ang OT ay isang magandang sesyon para sanayin ang bata sa tamang paglalaro o pakikisalamuha. Kadalasan ang OT ay nagbibigay ng ibat ibang laro para mahasa ang bata sa kanyang “motor skills, sensory, eye coordination, balancing, at marami pang iba

Lumipas ang dalawang buwan, nabawasan na ang session ng aking anak sa kanyang pribadong OT dahil narin sa mga positibong pagbabago nitong ipinapakita sa bawat aktibidad na inilalaan para sa kanya.

“Anak, meron akong magandang balita sa iyo”. Masaya kong sambit sa aking anak habang hawak nito ang aking kamay sa loob ng lobby ng ospital. “Sabi ng therapist mo, mababawasan na ang sesyon ng iyong OT. Maari na kitang ilabas kada sabado para maglaro sa park kasama ko ng at ibang bata”.Nakangiti kong sabi sa kanya habang ang Therpist na nakitingin sa amin ay nai-iyak.

“Anak, pwede na tayong maglaro sa “park” embes na dito sa ospital.” Masaya kong nasambit habang nakaluhod ako sa kanya para makita niya kung gaano ako kasaya sa oras na iyon.

Bilang ama, malaki itong pagbabago sa kanya. Kahit isang salita man ay isa nang regalo para sa amin na makita siyang nagsasalita at naibabahagi nito ang nais nitong ibahagi sa kanyang kausap. Malaki ang maitutulong nito para mabawasan ang mga pag-iyak niya kung hindi namin naiintindihan ang nais niyang gawin, kaininin o laruin.

Ika-walong kabanata: Pagsilang Ng Kanyang Kapatid

Taong 2018 ng lumabas ang ikalawa naming anak. Alam ko na mahihirapan ang aking panganay na anak na mag-adjust sa pagsilang ng kayang nakakabatang kapatid ngunit kailangan naming siyang sanayin na meron na siyang kapatid na dapat niyang alagaan.

Hindi man siya nakakapagsalita ngunit ang mga tawa, ngiti ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ko para pag-ibayuhin ang aking trabaho para matustusan ang kanyang mga pangangailangan.

Araw araw, binabasahan ko siya ng mga librong pambata, kinakantahan, at kung minsan nakikisabay siya sa akin kahit na hindi niya nasasambit ang tamang liriko ng nasabing kanta.

Araw araw, kami ay nananalangin na sana balang araw, makapagsalita siya at maipahayag niya ang kanyang gustong sabihin. Araw araw, nagpapatugtug ako ng mga musika para makarinig siya ng ibat-ibang mga tinig at hindi lamang ang boses namin ang naririnig niya. Malapit na siyang magtatlong taon at ni isang salita, wala pa siyang nasasabit kahit isa.

Malambing na bata ang aking anak. Matigas man minsan ang kanyang ulo ngunit alam ko na ito ay bahagi ng mga karanasan ko bilang isang ama para mabigyan siya ng magandang buhay.

Ngayon na lumalaki narin ang pangalawa kong anak, doon na niya unti unting nagpapakita ng mga pangitain na siya ay nagseselos sa tuwing kinakarga ko ang kanyang ‘ading’ (nakakabatang kapatid). Sa paraang ito, nagbibigay siya ng mga positibong reaksiyon na dapat niyang ipakita na katulad din ng ibang mga bata. Kung minsan, sinasadya kong kargahin ang kanyang “mie mie” (wikang Mandarin na ang ibig sabihin ay nakakabatang kapatid na babae) para alam niya na hindi lang siya ang may kailangan ng atensiyon.

Ika-siyam kabanata: Patuloy na Umaasa

Aaminin ko rin na kung minsan, pag kumakain kami sa labas, ako ay nai-ingit sa ibang mga bata kung papaano tawagin ng kanilang anak ang kanilang mga magulang tulad ng “daddy” o “mummy”.

Kung minsan, nakakasawang sagutin ang mga tanong ng mga kapitbahay o maging ang mga kasamahan sa trabaho o kung saan mang lugar kami mapadpad tungkol sa kondisyon ng aking anak. Mga tanong katulad ng “bakit hindi pa nakakapagsalita ang inyong anak? Pinatingin niyo na ba siya sa espisyalista? Baka naman meron siyang deperensiya? Ito ay ilan lamang sa mga tanong kung saan paulit ulit na tinatanong sa amin at parang mga balisong na sumasampal sa aming mukha.

Magpaganun pa man, ako bilang ama ang sumasagot at hindi ako nahihiya dahil ginagawan ko ito ng paraan at embes na ako ay mahiya, binibigyan ko sila ng mga aral na ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat binabalewa. Alam ko na sa kanyang kalagayan, mas lalo nitong kailangan ang aking suporta.

Alam ko na ito isa lamang sa mga pagsubok para sa paghahanda ng mas malaking pagsubok sa aming pagsasama bilang mag-asawa.

Hindi man nakakapagsalita ang aking anak sa edad niya ngayon, ngunit umaasa parin ako na sana dumating ang araw na siya ay makapagsalita at tatawagin akong “daddy” at tatawagin niya ang kanyang ina na “mummy”.