Paglalakbay Para Sa Pangarap

2019 Preliminary 菲律賓文初選

📜 Paglalakbay Para Sa Pangarap
👤 marissa dela cruz

Bata man o matanda, lahat tayo ay may pangarap sa buhay. Pangarap na gusto nating matupad para sa ating sarili at para sa mahal natin. Sa pag abot ng mga ito, iba’t ibang pamamaraan ang ating naiisip. May mga taong nagsisikap makapagtapos ng pag aaral para makakuha ng magandang hanapbuhay. Sa ating bansa ngayon, mababa ang ekonomiya at mahina ang kita kahit mataas na ang iyong napagtapusan. Gayunpaman, may mga taong nagtitiyagang maghanap-buhay sa sariling bayan upang hindi malayo sa pamilya. Karamihan sa atin ngayon ang nakikitang solusyon para makamit ito sa mas maikling panahon ay ang makipagsapalaran sa ibang bansa at masasabi ko na isa ako at ang aking pamilya sa mga ito na sinasabi nilang bayaning buhay na nagsisilbi sa karatig bansa upang maitaguyod ang pangarap na hinahangad namin.

Ako si Marissa, 32 years old, pang pito sa walong magkakapatid ng pamilya Dela Cruz sa bayan ng Bulacan. Bata pa lamang ako ng mamulat ako sa hirap ng buhay. Nakita ko kung pano itinaguyod ng aking mga magulang kaming magkakapatid. Pinilit nilang mapagaral kami sa mga kilalang kolehiyo sa ating bansa. Kayod kalabaw sila para mapagtapos ang panganay namin at dahil sa hirap ng buhay at sa dami namin habang lumalaki kami ipinaintindi nila sa amin ang diwa ng pagtutulungan. Nang makapagtapos si ate,ninais nyang matulungan ang aking magulang sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa Taiwan.

Dati akala ko ang galing ng ate ko kasi OFW na sya. Itinuturing na isa sa mga bagong bayani. Tama naman iyon dahil nang umalis sya, natulungan nya sina nanay at tatay na itaguyod kami. Patuloy kaming nakapag aral. Masaya sya na nakakatulong sya sa amin kahit pa malayo sya sa amin tiniis nya lahat ang lungkot at pagkainip lalo na ang panahon na tingin nya naipagdamot nya sa kanyang nagiisang anak para makatulong sa aming mga kapatid nya. Dahil dito para sa amin isa syang huwaran at bayaning maituturing.

Sobrang ipinagmamalaki namin sya sa lahat ng tulong na ginawa nya para sa amin at bilang ganti minahal namin at inalagaan ng sobra sobra ang kanyang naiwan na anak. Lahat ng pagsasakripisyo nya, lahat ng oras na dapat kasama nya ang kanyang anak pinunan namin para maramdaman ng kanyang anak ang pagmamahal at kalinga ng magulang kahit malayo si ate.

Nagtrabaho sa malayo si ate ngunit kahit san ka man magpunta tunay na hindi ka makakaligtas sa pagsubok ng buhay. Natatandaan ko nasa ikalawang baitang palang ako nun ng ibinalita na may malakas na lindol na tumama sa Taipe at isa sa mga nawawala ay ang aking ate. Dahil sa pangyayaring iyon lahat kami ay nanghina. Araw araw nagdarasal kami na sana buhay pa sya. Umabot ng taon bago kami nakatanggap ng tawag at salamat sa Diyos na dininig nya ang aming panalangin, buhay si ate. May kumupkop sa kanya na Filipino-Chinese at kanya itong nakapalagayan ng loob. Pagkatapos nyang tumawag sa amin di na kmi nagtanong kung anong nangyari at kay tagal nyang di nagparamdam. Kahit ano pang dahilan nya ang mahalaga buhay sya. Napakahirap sa aming pamilya na tanggapin na nawawala ang ate ko ng di namin alam kung buhay pa o patay kaya ng nagparamdam sya di na kmi nagtanong basta masaya kaming ayos sya.

Pinapunta nya ang dalawa ko pang kapatid na babae sa Taiwan. Nagtulung-tulong sila para mapagtapos kaming lahat. Tiniis nila na malayo sa amin at sa kanilang sari-sariling pamilya. Dumaan ang Pasko at Bagong taon na di nila kami kapiling. Nilabanan nila ang lungkot at pangungulila sa kanilang mga anak para sa pangarap ng pamilya. Hindi narin ganoon kahirap sa kanila sapagkat tatlo na sila doon na magkakasama kahit papaano ay may kasama sila na pamilya.

Nung mga panahong yon sa amin naiwan ang kanilang mga anak. Ang tatlo kong nakatatandang kapatid na babae ay pare-parehong mga solong magulang. Bukod sa mapagtapos kami ng aking mga kapatid, pangarap din nila na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Bilang ganti tinulungan rin namin sila alagaan ang aking mga pamangkin. Dun ko nakita na napakahirap na lumaking walang magulang.

Sa tuwing sasabitan namin ang aking mga pamangkin sa pagtatapos ng taon sa paaralan, nakikita ko ang lungkot sa mga mata nila dahil di nila kasama ang kanilang mga ina. Nakikita ko ang minsang nararamdaman nilang inggit sa kanilang mga kaklase na kasama ang kanilang mga magulang na umakyat ng entablado. Naisip ko ng mga panahong iyon na kung sakaling ako’y magkakaanak sisiguraduhin kong lagi ako sa tabi nya at hindi palalampasin ang mga importanteng pangyayari sa kanyang paglaki.

Nang kami ay nakatagpos na lahat umuwi ang aking mga ate. Nagtayo nalang sila ng maliliit na negosyo. Nagtagal man sila ng ilang taon sa Taiwan hindi sila masyadong nakapagtabi dahil sa mahal ng binabayaran ng kami’y nag aaral, ngunit kahit papaano ay may naitabi naman sila.

Nagsimula na kaming magkaroon ng trabahong magkakapatid. Tumigil na si tatay sa pag tatrabaho. Ang aming kapatid na lalaki ay nangibang bansa rin at ginamit ang kanyang pinagaralan. Nagtungo sya sa Singapore. Gusto nyang bgyan ng ginhawa sa buhay ang aming mga magulang. Maganda ang napuntahan nya sa Singapore. Napaayos nya ang aming tahanan at nabigay ang gusto ng aking mga magulang. Nagpatuloy ang buhay para sa amin ngunit dumadating din ang mga pagsubok.

Nagkasakit ang aking pamangkin. Sinabi ng doktor na mayroon syang leukemia at mahaba-habang gamutan ang kailangan. Kumayod ng doble ang aking mga kapatid. Nagtulung-tulong kami sa pagpapagamot. Sabi nila ang sakit ng aking pamangkin ay sakit ng mayaman. Kahit anung gawin naming pagkayod kinakapos parin kami. Kaya nagpasya kami ng bunso naming kapatid na mangibang bansa narin.

Naiwan sina ate sa Pinas para alagaan ang aming mga anak. Kami naman ngayon ang nakipagsapalaran sa Macau. Wala sa hinagap ko na iiwan ko ang aking anak. Napakahirap. Napakasakit. Simula sa pagsakay ng eroplano hindi nya ko tiningnan. Solong magulang rin ako at itinaguyod ko ang aking anak na magisa. Kumayod ako sa Pinas para lang di kami magkahiwalay pero para sa pamilya at pamangkin ko kailangan ko syang iwan. Sobrang awa ko sa anak ko ng iwan ko sya. Walong taon palang sya non. Sabi nya sa akin, “Ma, wag mo na ko iwan, tayong dalawa lang ang magkasama lagi. Ayokong umalis ko”. Noon ko naisip ang hirap at sakit na naramdaman ng aking mga kapatid ng sila ay umalis dati. Nagsakripisyo sila para sa amin kahit hirap na hirap silang iwan ang kanilang anak.

Nagpunta kami ng kapatid kong bunso sa Macau. Nagtrabaho kami. Nagpapadala para sa pampagamot ng aming pamangkin at para sa pamilya narin. Sobrang hirap ng buhay na di kasama ang aking anak. Sobrang nangungulila ako sa kanya. Gustung gusto kong umuwi pero hndi maaari dahil iniisip ko ang aking pamangkin. Naisip ko na ngayon na ganito pala ang maging isang OFW. Kailangan magpakatatag dahil napakalayo namin sa mga mahal namin sa buhay. Iba’t ibang tao ang nakasama ko. Iba’t ibang lahi, iba’t ibang pag-uugali. Marami rin akong nakilalang mga Pilipino.

Sa Macau nakita ko lahat. Kung paano ang ginagawa ng ating mga kababayan upang libangin ang kani kanilang mga sarili. May mga nag-aaliw sa pamamagitan ng pakikipagbarkada. Umiinom sila kapag walang pasok, nagsisimba, pumupunta sa iba’t ibang lugar sa Macau para maibsan ang pangungulila sa pamilya. Madami narin akong mga kasama na di kinaya ang lungkot. Ang iba ay nalululong sa masamang bisyo, babae, sugal, at pinagbabawal na gamot. May mga kasamahan ako na nakalimot sa tunay na dahilan kung bakit sila nagpunta dito.Nakalimutan nila ang kanilang pangarap. Ganon pa man, may mga tao paring nananatili ang atensyon sa kung ano ang kanilang dahilan kung bakit sila narito. Marami kong nakilala na nagpupursige para sa pamilya rin kagaya ko. Nilalabanan rin nila ang lungkot, pagod at hirap para makapagpadala sa Pinas at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. May mga kasama akong natupad din ang pangarap na mapagtapos ang kanilang mga anak katulad ng pangarap ng aking mga kapatid sa amin noon. May mga nakapagpatayo ng bahay at nakabili ng sasakyan at mga mamahaling gamit. Nagpursige sila para makamit nila lahat iyon. Ngunit di lahat ay sinuwerte. May mga kasama ako na hindi pinalad. Sa kabila ng pagsisipag may ilan na nawalan ng trabaho, natapos ang kontrata ng walang ipon, at ang ilan sa sobrang subsob sa trabaho napabayaan ang kanilang sarili. May mga kasama ako na sa sobrang pagtatrabaho hindi na kinaya ng kanilang katawan at dito sa ibang bansa binawian ng buhay. Nakakalungkot sapagkat hindi ito ang gustu nating mangyari kapag tayo ay nakipagsapalaran sa ibang bansa. Gustu parin natin na sa pagtatapos ng ating kontrata makakauwi parin tayo ng maayos sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit ang ilan sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya sa Pinas masyado silang nagmamadali. Nakalimutan nilang alagaan ang kanilang mga sarili, nagpabaya sila at masyado nilang inaabuso ang kanilang katawan. May ilan na bumibigay ang katawan, nagkakasakit at pinapauwi na lamang ngunit ang ilan ay umuuwi pero isa ng malamig na bangkay. Marami na akong nasaksihan na ganito rito at nakakalungkot isipin na sa tagal namin dito kapag may nangyaring di maganda walang ibang makakatulong sa amin sa lupang dayuhan na kinalalagyan namin ngayon.

Tatlong taon na ko ngayon dito sa Macau. Marami rami narin akong nakasalamuha. Hindi ko parin nakakalimutan kung bakit ako narito. Para sa aking anak at pamangkin at para sa aking pamilya handa akong magtiis. Lagi kong iniisip ang sakripisyo ng aking mga kapatid noong sila ang nasa malayong lugar. Kaya gustu ko rin masuklian ang lahat ng ginawa nila para sa amin. Tulad nila nagtrabaho ako kahit malayo sa aking pinagaralan. Mahirap magtrabaho sa ibang bansa, madalas may diskriminasyon. Hindi ka pwedeng mamili ng trabaho. Kailangan hindi ka magreklamo. Kahit nakapagtapos ako sa kursong Nursing namasukan ako bilang isang Public Area Attendant sa Macau. Maganda lang pakinggan pero tagalinis ng hotel,tagapulot ng kalat sa casino, minsan basurera, minsan tagalinis ng kubeta,tigalampaso ng sahig. Halos katumbas ng trabaho ng isang janitor sa atin, pero kumpara sa kita mas malaki kesa sa sahod na tinatanggap ng isang nagtatrabaho sa opisina sa Pinas. Hindi ko minamaliit ang trabahong ito dahil ito ngayon ang nagsasalba sa buhay ng aking pamangkin at daan ko para mabigyan ng magandang buhay ang anak at pamilya ko. May plano man akong ipagpatuloy ang aking pinagtapusan hindi pa siguro ngayon o sa susunod na dalawa o tatlong taon. Maliban sa tulungan sa pagpapagamot ang aking pamangkin gustu ko rin sana na maipagpatayo kahit na maliit na bahay ang aking anak at makapag umpisa kahit na maliit na negosyo man lamang bago umuwi ng bansa. Kailangan mapaghandaan ko ang aking paguwi sapagkat alam ko kung balak ko man ipagpatuloy ang pagiging nurse sa tagal kong nabakante kailangan ko munang gumastos para makapagsanay ulit at kumuha ng bagong kaalaman sa mga ospital sa atin bago makapagtrabaho sa ibang bansa. Kaya gusto ko talagang makaipon paunti unti para mas matulungan ko ang aking pamilya at mas mapaghandaan ang pangarap ko para sa aking anak.

Nakakalungkot na hindi ko natupad ang pangako ko na hindi ko iiwan ang aking anak, na lagi ako sa tabi nya sa bawat mahahalagang pangyayari sa buhay nya ngunit paanu ang aking gagawin? Kailangan kong makipagsapalaran upang makatulong sa aking pamilya at para narin mabigyan sya ng mabuting buhay. Walong taon palang sya ng iwan ko sya. Araw araw ko syang tinatawagan para hindi kami mangulila sa isa’t isa. Napakahirap sa lahat ng nanay na OFW na makipagusap sa anak ng magkalayo, gustung mayakap pero sa salita nalang namin nagagawa. Kapag oras na ng pamamaalam sa telepono ni hindi ko man lang mayakap ang aking anak bago sya matulog. Alam ko at nararamdaman ko na sa araw araw naming magkausap ng aking anak nalulungkot sya kahit nakangiti sya. Naging pang araw-araw na buhay na namin yon mag-ina simula paggising, bago sya pumasok sa paaralan, pagkauwi nya ng bahay, hanggang bago sya matulog. Ang aming mga telepono ang naging paraan upang maibsan ang pangungulila naming dalawa. Napakahirap rin sa isang ina na hindi man lang maalagaan ang kanyang anak lalo na sa tuwing magkakasakit sila. Kahit pa nakaalalay ang aking ina iba parin ang kalinga ng isang ina.

Nakakalungkot rin isipin na habang nag-aaral ang aking anak ala ako sa tabi nya. Hindi ko sya nagagabayan tulad ng dati na magkasama kaming gumagawa ng kanyang mga aralin. Kahit na alam kong inaalagaan sya ng aking nanay iba parin ang makita syang lumalaki. Nasa ika-anim na baitang na sya ngayon buti na lamang at kahit sa telepono lang kami nagkakausap hindi naapektuhan ng aking pagiging nasa malayo ang kanyang pag-aaral. Nangunguna sya sa kanyang klase at ipinagmamalaki ko sya. Isa rin ito sa mga karangalan ng isang OFW na makita ang kanyang anak na nagpupursige sa pag-aaral at hindi nagpapabaya. Nakikita namin na sulit ang paghihirap at sakripisyo namin kung nakikita namin ang bunga ng aming pinaghirapan. Lahat nakakaya namin kung ganto lahat ang nakikita namin sa aming mga iniwanan sa Pinas. Maswerte ako sa aking anak at ipinagmamalaki ko sya. Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan nya ako ng anak na maunawain, masunurin at mapagmahal. Naalala ko ng dumalaw dito sa Macau ang aking anak, unang gabi pa lamang na kami ay magkasama yumakap sya sa akin ng mahigpit at sinabi nya sa akin na “Ma, mahal na mahal kita at miss na miss kita sana umuwi kana sa atin dun kana lang magtrabaho. Kapag umaalis ka sa atin hindi na kita hinahatid kasi nalulungkot ako kaya nakakulong lang ako sa room kasi ayaw ko makita kang umalis naiiyak lang ako.” Sobrang sakit na marinig yun sa aking anak at alam ko sa mga katulad kong OFW na solong magulang rin naiintindihan nyo at nararamdaman ang sakit ng marinig ko sa anak ko iyon. Gusto kong sumama sa kanyang umuwi sa Pinas nung time na yon pero wala akong magawa kundi ang yakapin sya ng mahigpit at sabihin lang na magsasama rin kami ulit maghintay lang sya. Gustung gusto ko syang makasama at magabayan sya sa bawat yugto ng buhay nya pero kailangan ko rin isipin ang pamilya ko at ang pamangkin kong may sakit. Napakahirap at napakasakit pero wala akong magawa.

Naiintindihan ko na ngayon kapag sinasabi ng aking mga kapatid noon na kailangan mag-aral mabuti para sulit ang kanilang pinaghirapan. Hindi lang dugo at pawis ang puhunan ng bawat OFW kapag nagtrabaho sa ibang bansa. Napatunayan ko ito sa aking sarili na hindi katulad sa Pilipinas na kapag maysakit pwdeng hindi muna pumasok. Dito sa ibang bansa kahit masama na ang pakiramdam mo kailangan parin bumangon at pumunta sa trabaho. Walang mag alaga sayo dahil mag-isa ka lang. Kapag nagpagamot ka kadalasan hindi namin maintindihan ang doktor, karamihan sa kanila hindi marunong ng salitang English. Napakahirap rin kumuha ng bakasyon. Saglit lang ang pwdeng ilagi sa pamilya. Ilang araw lang namin sila pwde makasama kaya minamabuti ko na papuntahin na lamang dito ang aking anak tuwing bakasyon para makasama sya ng mas matagal. Halos ganoon rin ang ginagawa ng mga kasamahan ko. Mas matagal namin silang makakasama at tingin ko mas makakatipid iyon. Naaalala ko sa tuwing umuuwi ako at dinadalaw ang aking anak. Parang bula lang ang pera kapag nasa sariling bayan. Kada uwi ang laki ng gastos. May mga kapitbahay na akala mo may patago sayo, puro hingi ng pasalubong kahit noong panahon na aalis ka ni hindi man lang naghatid. Sa reyalidad, ganoon ang kulturang Pilipino. Normal na ang sa atin na magbigay kapag tayo ay mayroon kahit hindi tayo pinapakitaan ng maganda. Kaya sa huli aalis na naman tayo ng Pilipinas para bumalik sa bansang pinagtatrabahuhan natin upang kumayod ulit at makapag-ipon. Normal na ugaling Pilipino. Gayunpaman, kahit balik sa normal pagdating sa ibang bansa masaya parin tayo na kahit sandali nakasama natin ang ating pamilya sa Pinas.

Ibang iba kapag nasa sarili kang bansa at kasama ang pamilya pero para sa kanila pinipili natin malayo para mabigyan sila ng magandang buhay at kaginhawahan. Sinasabi ng ilan na kapag nasa bansang dayuhan tayo maswerte at maganda ang buhay natin dito pero ang totoo kayod kalabaw tayo at ibayong pagsisikap ang ating ginagawa. Nagsasakripisyo at nagtitiis tayo ng lungkot, pagod, at pangungulila sa pamilyang naiwan natin. Kadalasan pati gutom hindi natin iniinda lalo na sa iba sa atin na hindi naman sanay sa pagkaing dayuhan. Ibayong pakikibaka ang ating ginagawa para lang maitaguyod ang ating pamilya katulad ng mga bayaning nagsakripisyo para sa bayan maituturing din tayong mga bayani na handang magtiis at makipagsapalaran para sa pamilya at kinabukasan ng ating mga anak, mga kapatid, mga pamangkin, para sa ating pangarap. Nangarap kaming magkakapatid ng magandang buhay para sa aming pamilya at dahil sa pangarap na yon nakipagsapalaran kami sa lupain ng mga dayuhan. Iba ibang lugar ang aming napuntahan pero san man dako kami napadpad hindi kami nakalimot sa tunay na dahilan ng aming paglalakbay at ito ay ang aming pamilya ang nag-iisa naming pangarap. Alam ko na sa bawat OFW na lumilisan ng bansa, sa bawat nanay na iniiwan ang kanyang anak, sa bawat ate na iniiwan ang kanyang mga kapatid, at sa bawat anak na iniiwan ang kanilang magulang, anu pa man ang dahilan ng kanilang pag alis ng bansa makikita pa rin na ito ay para sa pangarap na gustu namin matupad. Pangarap na pinipilit naming matupad kapalit ang hirap at pangungulila. Gagawin namin ang lahat maisakatuparan lamang ito. Ang aming paglalakbay sa lupain ng dayuhan ay maituturing na isang pakikibaka o pakikipagsapalaran, walang katiyakan ngunit patuloy parin kaming umaasa na may magandang oportunidad na naghihintay sa amin sa banyagang lupain na aming pupuntahan. Ako, maging ang aking mga kapatid at magulang ay mga saksi sa hirap ng buhay sa labas ng bansa. Ipinagmamalaki namin ang bawat isa sa amin na nakapagtiis at hindi nawalan ng pag asa sa pag abot ng aming mga pangarap sa buhay. Naniniwala ako na darating din ang panahon na uuwi ako ng Pilipinas at makakasama ko narin ang aking pamilya lalo na ang aking anak. Idinadalangin ko rin ang katuparan ng mga pangarap ng aking kapwa OFW.

📝  Komento mula sa tagasuri|Ima Ariate

This piece is a slice-of-life narration of Marissa, an OFW from Bulacan. She opens the text with an observation that all of us have dreams and aspirations in life. She then zooms in to how her parents worked hard to send her and her seven siblings to the best schools that they could afford. Early on, she realized that helping each other as a family is essential in reaching their aspirations.

After her elder sisters finished schooling, they proceeded to work abroad so that they can alleviate their family from poverty. She also recounted their family’s fear of losing one of her sisters after they lost contact with her when a strong earthquake shook Taipei. Eventually, all her sisters found jobs in Taiwan while her brother worked in Singapore.

She never thought about leaving the Philippines and her daughter until her niece was diagnosed with leukemia. All of them had to work doubly hard in their respective host countries for the medication and for their respective families.

What is striking about this piece is how the siblings upheld family values and balanced this with their personal needs. The Filipino tradition of extended families living under one roof or of closely knit families within the vicinity of each other is alive in this story. This is a testament that Filipino values are not completely eroded by individualism.

Another way of looking at it is the fact that they had to pool their resources together because health care services are not provided by the government but by big private hospitals that would ensure profit first. Pooling this family of OFWs’ resources together also matters when it comes to child care. As Marissa mentioned, they tried their best to fill the void in the hearts of her sisters’ children when their sisters are away. She herself experienced the heart break of leaving her child to work in Macau and she articulated her sadness in the text in a very relatable way.

Lastly, Marissa mentions that her elder sisters are all single parents. It shows how labor migration is feminized. Consequently, it is the women who balance the brunt of labor exploitation overseas and parenting across borders.