Ang Dalawang Pares ng Langit at Lupa sa Magkabilang Mundo ng mga Overseas Workers

2019 Preliminary 菲律賓文初選

📜 Ang Dalawang Pares ng Langit at Lupa sa Magkabilang Mundo ng mga Overseas Workers
👤 Raquel Pamesa

Magandang buhay: ito ang pinapangarap ng mga nakakraraming mga nilalang sa mundo, pangarap ng mga taong nabuhay sa di patas na hati na trato ng buhay mula sa pagkakalugmok sa putikan ng kahirapan at walang hinaharap sa kinabukasan, pangarap na napakanda ng isang taong may matayog na hanarin, ay kailangang sumugal at sumuong sa pook ng walang kasiguraduhan kung may kahihinatnan ba o wala. Kakayahan at Tapang lamang ang sandata, ang mga taong ito na may pangarap sa buhay ay kailangang maglakbay sa magkabilang sulok ng mundo, upang mapunan ang pangarap na inaasam-asam. Pero sa bawat paglalakbay ng mga matatapang na bayani ng makabagong mundo, tila Yin at Yang o, Maganda o Pangit na Karma ang nakabuntot sa kanilang pisi ng buhay, na maaaring makapagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang mga buhay, mabuti man ang kakalagyan, o kamalasan ang huling hantungan.

Sa unang dulo ng mundo ng mga overseas worker, meron tayong lugar na kung saan, dito nabubuo ang pagkatao ng isang tao, upang gamitin para harapin ang mapaghamong mundo, na nagiging sandigan ng bawat pamilya, at ito ay tinatawag nating tahanan. Isang lugar na pinuno ng mga alaala sa pagkabata hanggang sa pagtanda, dito nagsimula ang tadhana sa isang mala-epikong paglalakbay sa pagbabagong buhay. Nandito ang ating mga magulang na siyang nagbigay sa ating ng kompletong pagkatao at nagiging gabay habang musmos pa lamang, hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya, gumawa ng sariling tahanan, at tayo rin ay nagiging magulang din sa ating mga supling. Gayon din sa ating mga kapatid, kung meron man kayo, nagkakaroon din ng pagbabago ang bawat isa , at lahat ng magkakapatid ay natutunghayan ang pag-unlad ng bawat isa, at minsan nagkukumpara din.

Nakikita din sa tahanan, kung anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilya para magkaroon ng payak at matiwasay na pamumuhay. Pagkain, Kasuotan, Kagamitan, at minsan nga ay mga kaunting luho sa katawan, ay madalas mapunan sa loob ng isang tahanan. Ito ang nagiging sandata ng pamilya upang harapin ang hamon ng buhay. Lubhang napaka-payak ng kadahilanan, pero ito ang nagiging ugat ng isang tahanan upang ito ay lumago o masira. Kapag ang pangunahing pangangailangan ay napupunan, nagiging matibay ang isang tahanan at ito ay napapabuti pa. Pero kung ang pangangailangan ay hindi napupunan, nagiging mahina ang bawat miyembro ng pamilya, at nagiging dahilan para masimulan ang lamat ng tahanan. Upang mapunan ang kakulangan na ito, kailangang makahanap ng panibagong pagkakabuhayan ang pamilya, at dahil dito, maraming miyembro ng pamilya ang susuungin ang paglalakbay sa kabilang dulo ng daigdig upang mapabuti ang anyo ng kanilang katayuan sa buhay. Sila ang mga pamilyang walang makuhang sapat na pagkakabuhayan sa sariling lugar, at pipiliing maglakbay upang mapunan ang pangangailangan, haharapin ang hamon bilang isang dayo sa lupang sinilangan ng mga taong pinuno ng balat na may iba ang kulay, at kultura na magbibigay sa kanya ng kalituhan at paninibago.

Sa mga pagkakataong ito, hindi dapat pinalalagpas ang mga oportunindad na mahirap makuha. Ang mga oportunidad na ito ay may kalakip na pagbabago sa buhay: Isang maleta na pinuno ng damit, upang lisanin ang buhay na kinagisnan; Isang bag na pinuno ng pagkain upang bauin na nagmula pa sa lugar na kanyang kinagisnan, dahil ang mga nakasanayang lasa at linamnam ng buhay sa kanyang tahanan ay hindi niya matitikman sa loob ng maraming taon; isang sisidlan na puno ng pangarap at pag-asa, upang harapin ang hamon ng ibang lupa ng may kaba at walang katahimikan. Ito ay kanyang yayakapin, may alinlangan man o lwala, dahil ang nasa isip lamang ay ang kaunlaran ng tahanan.

Sa kanyang paglisan sa lupang sinilangan, pansamantala din siyang mahihiwalay sa init ng pagmamahal ng mapagkalingang pamilya. Mga yakap sa umaga at dilim, tawanan at hagikhikan, ay magiging pangungulila sa pagtungtong sa sasakyang panghimpapawid.

Pansamantalang iiwan ang pamilya, ngunit hindi ang responsibilidad. Sa paglipad ng eroplano, lilipad din ba kasabay ang pangarap, o maiiwan ito sa lupa?

Mayroon pa bang tiwala na mauuwian ang taong naglalakbay sa malayong lugar, gayong hindi niya mababantayan ang kanyang tahanan?

Walang kasiguraduhan, pero nasa kanyang palad ang magiging sagot ng kanyang kahihinatnan.

Sa pagtapak ng paa sa banyagang tanawin, unang mararamdaman ay ang paninibago. Parang kumakapa sa mga bagay na tila ba parang paslit na inosente sa kanyang makikita. Mapang-akit na mga tanawin ang bubulaga sa unang sulyap, sinasabi na para bang “Maligayang Pagdating sa Aming Bansa”, habang pinagmamalaki ng lugar na ito ang kanilang watawat, tila ba sinasabi na maganda ang inyong kahahantungan sa lugar na ito. Dala ang pag-asa, papasok ang isang dayuhan bilang isang manggagawa, na may hatid na kapakipakinabang na talento, talino, at kasipagan, na sana, naman, masuklian ito ng sapat na kabayaran, upang punuan ang pangangailangan ng pamilya nito sa kabilang dulo ng mundo.

Pero, ang mga pangakong ito ay hindi nakakamit ng ibang tao, at lubhang napakarami ng bilang ng mga ito. Kalungkutan at pangungulila, ito ang pinakamadalas na hinaharap ng mga nangingibang-bansa. Dahil malayo sa piling ng pamilya, natatamaan nito ang kakayahan ng isang manggagawa na gumawa ng kapakipakinabang na Gawain, bagkus, nahihirapan ang kaisipan ng mga taong ito, na siyang hindi magbibigay katahimikan sa kanilang pag-iisip. Meron naming mga manggagawa na napipilitang magtrabaho sa mahabang oras o di kaya naman ay sobrang hirap ng mga gawain, lagpas na sa kalahati ng araw ay kailangan pa ring kumilos na para bang makinarya, at nagiging tulay ito sa pagkasira ng magandang kalusugan. Meron din namang nagtratrabaho sa lugar na dala ay panganib, isinusugal ang buhay sa ngalan ng kita. Meron din namang hindi lang iisa ang ginagawa, pagkatapos ng isang gawain ay papasok naman sa isa pang gawain, na tila ba sideline lamang ito. Ito ay malungkot na katotohanan ng ilan sa ating mga minamahal na pumapasok at nagtratrabaho sa kabilang dulo ng mundo, pawis at dugo ang puhunan para lamang sa simpleng buhay?

Hindi patas ang mundo sa lahat ng nilalang, pero itong mahirap na buhay na binabagtas ng marami ay kung minsan, hindi pinahahalagahan ng mga mahal nila sa buhay, na kanilang iniwan at naiwan sa kabilang dulo ng mundo. May mga katotohanan talaga na hindi masisikmura ng marami, pero kailangang lunukin pa mabuhay, kung mabubuhay ba?

Sa pamilya, meron lamang asawa at anak na pinapakain, pero may mga pagkakataong pati tatay, nanay, kapatid, tito, tita, pinsan, biyenan, hipag, kamag-anak, isama mo na rin ang inyong alagang aso, pusa, at pati alagang tandang na manok, ay makikihati sa iyong kinita. Pati mga kapit-bahay mo ay makikisawsaw din sa iyong ipinadalang biyaya, na sana ay para lamang sa pamilya mo, ay tila ba gusting maki ambon sa grasya. Mainam rin ito kesa sa wala, pero, may mga taong hindi nawawalan nito, taglay sa buong katawan, tinatawag ito na kayabangan, walang ginawa kundi punan luho ang katawan. Ginagasta ang iyong kinita na iyong iniyakan ng husto, at pagkatapos lulustayin lang sa mga bagay na wala namang katuturan. Ang malupit pa nito, ang mga pinaghirapan mo ay mapupunta sa kabit ng asawa mo, pinapakain mo pa ang pamilya ng ibang tao, na hindi mo naman responsibilidad. Isang malupit na sampal sa iyong pagkatao pag nalaman mo na may dalawa o tatlong pamilya ka nang uuwian. Yung asawa mong pinaganda mo o pinapogi mo gamit ng iyong kinita sa kabilang dulo ng mundo, ay malanding kaibigan mo pa pala ang makikinabang. Pero umpisa pa lang yan ng kalbaryo na iyong maaaring marinig sa tawag ng cellphone. May makakarating na balita na may magkakasakit o sana ay hindi, may mawawala sa iyong pamilya. Para kang pinarurusahan ng langit kahit wala kang kasalanan sa mundo. Gusto mong bumalik sa kabilang dulo ng mundo, pero may kontrata ka o hindi pa sapat ang iyong naiipon. Ang magagawa mo lang ay tumangis o magluksa sa paghihihrap na dinadanas mo ngayon at ng mga mahal mo sa buhay. Meron pang mas malala dito, yung mga yaman na inihahatid mo para magkaroon ng maayos na pamumuhay, ay iginagastos lamang sa pagsusugal o wag naman sana, sa malalang bisyo tulad ng ipinagbabawal na gamot. Maihahalintulad mo ito sa isang puhunan na nagging bato dahil sa maling desisyon ng mga tao sa buhay. Mapapariwara sila sa landas ng buhay, pero ikaw na nasa ibang lugar, walang magagawa, hindi mababantayan ng tama ang mga iniwan, makukulangan sila ng tamang gabay, at sila ang magiging dahilan upang malugmok sa pinakapangit na sitwasyon ng buhay ang buong pamilya. Magsisihan man ang bawat miyembro ng pamilya, ay kailangan nang harapin ang pait ng bukas.

Sa lahat ng kamalasan na hatid ng pamilyang naiwan, ay baka naman hindi totoo, bagkus, yung nasa ibang bansa pa ang masadlak sa tukso, di ba? Maraming mapang-akit na katotohanan ang hatid ng pangingibang-mundo, pero hindi lahat ng ihahain na maganda sa paningin ay mabuti. Mga kagamitan na hinding-hindi makikita sa iyong bayan, mga mamahaling pagkain at inumin, mga kasuotang napapanahon at “branded”, alahas, at iba pa: mga dapat na iniiwasan sana upang makaipon ng kita para sa kinabukasan ng pamilya, ay tila nababasag, dahil sa ito na lamang ang nagiging pantawid sa lumbay na kanilang nararanasan. Pero ito ay isa lamang pansamantalang ilusyon, panandaliang ligaya na ang kapalit ay malaking halaga. Nakakalungkot man isipin na napakaraming bagay na abot-tanaw na ay hindi dapat paglaanan ng panahon at pera, dahil ito ay lubhang napakagastos. Pero sana, malabanan nawa nila ang mga tukso na ito, dahil sa bawat pagtitiis para sa kinabukasan, ay walang pagsisisi sa bukas at sa sarili, Malaya ang kaisipan, payapa ang puso, at dadalhin ang ngiti ng tagumpay, baon sa mahabang taon.

Hindi lahat ng lumilisan ay nagiging matagumpay sa kanilang hangarin. Marami sa mga ito ay nagiging biktima ng pagkakataon at kasamaan. Ang kapalaran ng mga nasa kabilang dulo ng mundo, ay kanya-kanyang pwesto sa buhay. May swerte, may malas. Simulan natin bago lumipad sa eroplano, sa lupa pa lang, maraming nabibiktima ng pekeng alok na trabaho. Trabahong sana na makakapagtupad sa mga pangarap, na pinaglaanan ng pera, ay sa katiwalian at kasakiman lang mapupunta. Sa paglipad ng eroplano at paglapag nito, ang mga sakuna ay nakakabit sa sinuman. Walang nakakaalam kung kalian ito mangyayari, at traydor ito kung dumalaw sa sinuman, nakalista na sa listahan ni Kamatayan. At kung hindi man bawiin ang buhay, ay katukut-takot na sakit sa katawan ang mararanasan ng kaawa-awang nilalang, at dobleng pahirap sa gastusin na aabutin sa pagpapagamot. Meron naman na hindi nalalagay ang sarili sa sakuna, ngunit ang kaligtasan ng buhay ay naisasawang-bahala dahil sa tawag ng trabaho, sakit dulot ng kapaligaran, mga pagkaing hindi angkop sa katawan, at anu pang sitwasyon na nakapagdudulot ng samut-saring sakit.

Ang mga sakuna at sakit ay maaring iwasan ng mga nangingibang-ibayo, pero ang kaligtasan, kung minsan, ay hindi dahil sa kapangyarihan ng kalikasan o sa tadhana o kapalaran, bagkus ay nasa kamay ng mga nilalalng na may maiitim na balak sa kapwa. Nakakalungkot isipin na sa mundong pinuno ng pag-ibig, nilikha para maging tahanan, ay mananahan ang mga nilalang na taglay ang kaitiman ng puso, upang makapanlamang sa kapwa, at kung minsan, mas malala pa.

May mga uri ng kasamaan na ang hangad ay manloko sa mga kaawa-awang nangangarap, gagawa ng trabaho na gawa sa imahinasyon at pawang peke ang hatid na pag-asa, at ang mga mabibiktima nito ay mawawalan ng malaking pera, na ipinundar para lamang sa pangarap, pangarap na maaantala dahil sa ito ay tinangay na ng kampon ng kadiliman. Mayroon ding isang uri ng kasamaan na ang hangad ay mang-alipin ng kawpa; dinadala sila sa isang sadlak na lugar upang gawing alila, pagtratrabahuhin ng pagkahirap-hirap, pero wala pala silang makukuha, at bagkus, sila ay ikukulong upang maging alipin ng maruming tahanan, alipin ng ganid na kompanya, alipin ng illegal na pagtratrabahuhan, upang sila ay magtrabaho ng labag sa kalooban at walang laban, magiging tulad ng ibon na inilagay sa hawla, umiiyak at walang laban. Maroon namang uri ng kasamaan na ang hangad ay yurakan ang pagkatao at pagkadalisay ng isang nilalang, pahihirapan ang kanilang aalipustahin, sasaktan ang kaooban, yuyurakan ang kanilang kasuotan, dadaganan ng kanilang mabigat na katawan ang pagka-inosente ng isang tao, para lamang mapunan ang karumal-dumal na makamundong pagnanasa. At ang kasamaan ay hindi nakukuntento sa isang paglabag lamang, bagkus, marami pang nilalabang, na ang katapusan ay hindi masisikmura ng tao kapat ito ay kayang makita: katawan sa loob ng refrigerator, katawang inihiwalay sa dating hulma na parang kinatay na karne, katawan sa tabi ng kalsada na walang saplot sa maginaw o nakasusunog na hangin, katawang nag aagaw-buhay sa loob ng ospital dahil sa pag-atake, katawang nilaspag pati laman ay parang niluray na karne. Nakakatakot, pero totoo, ito ang mga katotohanang kahaharapin ng mga mahuhulog sa kamay ng kasamaan, silang mga demonyo na humuhuli sa mga kalapating dala ay pag-asa, bagkus, pinagkaitan ng buhay. Silang nawalan ng liwanag sa ilamim ng sikat ng araw, bituing nawalan ng kinang na hatid sana ay gabay sa kinabukasan ay siyang ihahatid sa huling hantungan.

Ganito ang hatid na paghihirap ng kabilang-dulo ng mundo kapag ang pangarap ay pinalibutan ng maiitim na hangarin at buktot na pagnanasa. Kapag ang mga ninanais ng kasamaan ang masusunod, magiging madali ang paglalakbay ng bawat maglalakbay na tumungo sa kanyang una at huling impyerno.

Ngunit, huwag mangamba, dahil ang mga taong inaapi ay may kaakibat na tagapagtanggol, mga kakampi, kasama sa paglalakbay ng mga lumalaban sa buhay. Ang kailangan lamang gawin ay magkaroon ng kusa na humingi ng tulong kapag nahihirapan, dahil ang paghingi ng saklolo ay isang uri ng katapangan laban sa mapang-aping nilalang na dapat isuka sa labas ng mundo.

At ang pangako ng kabilang-dulo ng mundo? Totoong napakaganda. Ang pangako ng kabilang-dulo ng mundo ay totoo. Maging mapanuri lamang sa lahat ng aspetong inihahain nito, sa mga makakasalamuha, sa kapaligiran at sa mga balak na ilalagay sa kapalaran. Busisiing mabuti kung anu-ano ang mga pangakong lakip nito, kung mas matimbang ba ang kasaganahan kesa sa paghihirap, o kung ang kalakip ng pangako ay tunay ba o huwad. Ang pangako, ay kung minsan, ay nababasag. Hindi masama ang pag-uusisa, lalo na kung kinabukasan at buhay ang itataya. Walang sinuman ang gustong sumugal sa buhay kung ang kahahantungan ay pagkasawi, hindi ba? Ito ay karapatan ng bawat isa, at hindi ito dapat isinasantabi o binabalewala ninuman.

Kung magigng mapanuri ang bawat isa, ang paglalakbay sa kabilang-dulo ng mundo ay isang maiituring na tagumpay sa larangan ng tunay na buhay. Isang epikong paglalakbay na magandang ikuwento sa susunod na henerasyon ng buhay, upang magkaroon slla ng mas mayabong na mga pangarap, at gawing inspirasyon upang mapatakbo ang kanilang susunod na hakbang ng maayos.

Halimbawa, ang paglalakbay sa isang magandang lugar na hindi aakalaing matatanaw ng isang pares ng mata, ay magkakaroon na ng patotoo. Nanabik ang puso sa galak na tanawin ang kagandahan na alok ng mundo, at hindi maiiwasan na kunan ito ng litrato o ng video. At sa sobrang galak ay hindi rin mapipigilan ang sarili na ipamahagi ang mga larawan at video na kasama ang sarili sa anumang uri ng social media, upang punuan ng samut-saring komento at kuru-kuro mula sa mga tao. Makakasalamuha rin ng mga nangibang-lugar ang iba’t-ibang uri ng tao, na may iba’t-ibang uri ng katangian. Magkakaroon ng mga bagong kaibigan, na ang hatid ay ibang uri ng kapatiran at pakikisama, at magiging sandigan sa mga araw na kailangan ng tulong, o magdadala ng kasiyan upang malabanan ang pangungulila sa pamilya. Meron din mga pagkakataon na makakatuklas ng mga iba’t-ibang uri ng paraan ng pamumuhay, na maaaring idagdag sa karakter upang maging mas mahusay pa kaysa sa nakagawian. Malilinang ang talento at kakayahan, dahil makakakita dito ng ibang anyo ng kultura, na makakapaglinang pa sa kahusayan at kakayahan para sa mas epektibong paggawa at pagpapakitang-gilas. Mas magkakaroon ng pagkakataon ang mga nasa ibang bayo na paunlarin ang sarili dahil sa malawak na oportunidad na maari nitong makamit, na makapagbibigay ng mas angat na estado ng buhay. Magiging palaban ang mga taong nakapaglakbay sa kabilang dulo ng mundo, dahil mas marami nang karanasan ang maaari nitong ipagmalaki at ipapamahagi upang magamit sa susunod niyang hakbang sa buhay, sa trabaho man o sa sariling pamamaraan. Maibabahagi din mga nasa mabuting-palad ang kanilang swerte sa buhay, hindi lang sa kanilang pamilya, kundi pati na rin sa kanilang kakilala at pamayanan, na nakakatulong upang magkaroon ng magandang imahe sa mata ng lipunan, kung sa bagay, sila ay itinuturing at tinatawag nating “makabagong bayani”, hindi ba? Hindi man maikakaila sa atin, na ang mga taong nagpapamalas ng kasipagan at kalinangan sa kanilang propesyon at trabaho, ay sobrang nakakatulong sa paglago ng estado ng isang bansa, hindi man nila namamalayan, pero sila ang dahilan kung bakit ang ekonomiya ng isang bansa ay nagiging masagana, malaki at matibay.

Sa bawat ipinapadalang salapi, ay nakakadagdag ito sa kabuuang yaman ng isang bansa. Ang mga manggagawa na tulad nila, ay nagiging tulay sa pagtupad ng globalisasyon, dahil sila ang nagiging sentro ng mga bansa upang magpalitan ng serbisyo at pagpapalawak ng oportunidad sa lahat ng sulok ng mundo. Ang ganitong sistema ay isang magandang daan upang ipamalas ng mga tao sa buong mundo ang kanilang kakayahan, na nagreresulta sa magandang pag-unlad ng magkabilang-dulo ng mundo. Kaya nararapat lamang na bigyan ng papugay ang ating mga mahal sa buhay na sumusuong sa mga lugar na walang kasiguraduhan, ngunit umuwi ng may tagumpay at pag-asa para sa kanyang bayang sinilangan. Ito ang tunay na patotoo sa swerte ng paglalakbay sa kabilang-sulo ng mundo.

Sana sa pag-uwi ng mga mahal sa buhay mula sa malayo, bigyan dapat sila ng masigabong na pagbati mula sa kanilang pamilya. Dahil sa bawat pag-uwi nila, ay nababaon sa limot ng mga pakikibaka nila sa mahirap na hamon ng buhay. Ang simpleng yakap at halik, na pinuno naman ng masagana at mainit na pagmamahal ay masasabing tropeyo nang tagumpay, dahil ito ang bunga ng kanilang pagsisikap sa buhay; ang makitang nagsiyabong din ang kanyang naipunla sa mga mahal sa buhay. At sa pag-uwi, sila ay bagbuksan ng isang pintuan, dahil sa kanilang mahabang paglalakbay, ay marapat lang na ang isang mandirigma ay umuwi naman sa kanyang tahanan.

Sa dalawang pares ng langit at lupa sa magkabilang mundo ng mga overseas workers, nabubuo ang mga istorya ng totoong hamon ng buhay, na dapat ipamahagi sa lahat ng sulok ng mundo.

📝  Komento mula sa tagasuri|Ima Ariate

The short story likens the journey of an OFW to the other side of the world as a journey to heaven and earth. It starts with an individual’s aspirations of having a good life in a world filled with inequality. Those who are dirt poor dream big and take the risk of being in foreign lands despite the uncertainty.

The writer describes the starting point of an OFW – the home – the place that molds your character and is the refuge of each family. Eventually, an individual decides to grab the opportunity that’s hard to come by to address his/her family’s needs.

The writer goes on to describe the sadness and loneliness of an OFW abroad as well as how he/she copes with it. Some immerse themselves in manual labor even if the conditions are very exploitative.

Back home, the OFW is expected to address the needs of an ever-expanding circle of dependents including other relatives and even neighbors. The writer also narrates the sad reality of unfaithful spouses left behind and the consequence of having the resources of the OFW shared not only with the ever-expanding circle of dependents but also with the families of their spouses’ lovers. Conversely, OFWs can also stray from their families not only in terms of relationships but also in terms of being addicted to consumerist trends.

The writer cautions that not all OFWs are successful. Some become victims of fraudsters while some get sick or survive catastrophes.

The other side of the world is not filled with trials. There are many beautiful landscapes and sceneries and encountering other cultures is a wonderful experience. Nonetheless, an OFW always comes home and every time they step on Philippine soil, they forget about the struggle of being away.

The writer uses the consistent metaphor of ‘heaven’ and ‘earth’ to encapsulate the hardships and victories of OFWs. There were minimal mistakes with spelling and capitalization. The use of the third person to refer to the OFW makes the piece relatable.