🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭
📜 PAGHILOM
👤 MARY JOY ACOSTA MANA-AY
Sa ikawalong palapag
tahimik kong pinagmamasdan,
ang isang daan at dalawang taong gulang kong alaga,
Habang napawi ng aking atensyon
ang unti unting pag lamon nang maitim na ulap sa kalangitan,
na tila ba na aayon
sa aking nararamdaman,
nagbabalik tanaw sa mga masasayang
ala alang tangi kong kinakapitan
upang mapawi ang kalungkutang nararamdaman,
kasabay ng pag patak ng ulan ang
pag dausdos ng mga luhang galing sa aking mga matang
nangungulila sa pag mamahal.
Kasabay ng aking pag hikbi,
kinuha ko ang lapis at papel para isulat at inilabas ang aking pighati.
Halos labing apat na taon na ang nakalipas,
pero sariwa pa rin sa aking ala ala,
buhay na buhay na tila ba kahapon lang ito naganap.
Sa umpisa hindi ko inakala na hahantong tayo sa pagiging mag nobyo at nobya,
buo ang ating loob sa pag harap
sa mapanghusgang mundo.
Ano ba ang basehan sa pagpili ng taong
karapat dapat para sa atin?
Diploma? ..itsura?
Estado sa buhay?
Eto ba ang naging dahilan kung bakit
tila kay hirap ng pinagdaanan natin ,
dahil hindi ka pumasa sa mga katangian
ng mga taong nakapalibot sa akin?,
sa puntong ito, natuto akong lumaban,
hindi para saktan ang mga taong mahal ko,
kundi para isipin ko naman kung ano ang makakapagbigay sa akin nang totoong kaligayahan,
kaligayahang walang halong pagkukunwari,
kaligayahang tanging ikaw lang ang
nakapag bigay sa akin,
Kaligayahang kailanman hindi naging makasarili,
hindi sa pamamagitan ng materyal na bagay O sa pagpapakilig,
kundi dahil sa buong pagkatao mo
na syang nag bigay kulay sa aking madilim na daigdig.
Sabay natin tinahak ang mundong malupit,
hawak kamay nating hinarap ang hagupit
nang mga pag subok na sa atin ay yumanig,
pero hindi tayo nasindak,
salamat sa pagiging inspirasyon
at isa ka sa nag bigay pugay ng makamit ko ang katibayan ng pagtatapus ko sa kolehiyo,
madami man ang nag duda at nawalan ng tiwala,
Umakyat ako sa entablado at nakuha
ang diplomang tanging maisusukli ko sa pamilya kong kumayod para maisakatuparan ang mga pangarap at tagumpay na nais kong marating.
Araw , buwan at taon ang lumipas,
di man tayo naging handa, pero ginusto nating parehong bumuo ng pamilyang,
ako ang ina at ikaw ang tatawaging ama,
mula doon nabuo ang isang himala,
nangakong habang buhay tayo’y magsasama
sa hirap man o ginhawa ,
sa lungkot at saya
Tayong dalawa hanggang sa dulo ng
Walang katapusan, maging hanggang kamatayan.
Hindi naging madali ang lahat nang bagay,
Pero wala nang atrasan, wala ng bawian.
Pinili kita, paulit ulit
Dahil alam kong basta kasama kita
Mapag tatagumpayan natin dalawa
ang mga hamon na darating sa ating buhay.
Madami ang nagtanong…
Nagtataka, at humusga
Pero sa kabila nang lahat nang iyon
Tayo ay nanatiling buo at nanindigan sa isa’t isa..
Pero minsan umabot ako sa puntong natakot,
Hindi para sa sarili ko ,
kundi para sa pamilyang, gusto nating mabuo.
Di kaila saiyo na ako’y lumaki sa pamilyang
Winasak nang paunti unti,
Nang dahil sa panlilinlang at pagkasakim!
ang dahilan kung bakit halos walong taon kong Ininda ang sakit sa pagkawalay sa inang
Nagsakripisyo at nagpaalipin
sa bansang singapore at taiwan din.
Hindi ko inilihim saiyo ang pinaka masakit
Na pangyayari sa akin, na syang dumurog sa aking pagkatao, na ang kasiyahang nadama
Sa pag dating nang aming ina,
na nag desisyong umuwi at di na muling lilisan,
ay saglit din napalitan nang kalungkotang
sumampal sa aming pag katao,
Wala na ang pamilyang taas noo mong ipinagbubunyi,
naroon ako , nasaksihan ko ang lahat,
na sa kabila nang ilang taong pagbubulag bulagan,at pag bibingi bibingihan sa nagaganap na kalokohan,
tatambad sa akin ang katotohanang
ang unang lalaking pinakamamahal ko,
ang syang dudurog sa puso kong musmos. .
Kitang kita nang dalawang mata ko,
Ang pag pasan ng aking ama sa isang batang babae,
Na gumimbal sa buo kong pagkatao!
Natahimik ako sa mga oras na iyon,
Na tila ba tumigil sa pag ikot ang mundo,
Nanlumo…..nabasag….durog na durog.
Napahawak sa aking dibdib, napabuntong hininga,
Ang tangi ko lang naramdaman ay ang sakit,
Na tila may mga daliring humuhugot
sa ka loob looban ko, hinahagod ang aking sikmura,
Nag iinit ang buo kung katawan sa galit!
Napatingin sa kalangitan, at nagtanong kung bakit?
Sumulyap sa aking ina, ramdam ko
ang kanyang panginginig,
Marahil sa kanya doble ang pait at sakit,
Na ultimo kalangitan nagpabatid ng galit,
malakas na kidlat at kulog ang nadinig
At unti unting pumatak ang mga butil nang ulan,
Na tila ba ayaw nitong makita nang aking ina
Ang aking hinagpis,
ang pag patak ng aking mga luhang
punong puno ng hinanakit.
Kay sakit palang mabigo, lalu na sa una mong pag ibig,
Lalu na ang sanhi ay ang iyong amang
Mula sa umpisa pa lang ay
Iyo nang tinitingala at ipinagmamalaki!
Sa pag harap sainyo,
walang itong bahid ng pagsisisi at pag tanggi.
Kaya hindi na, di na muling ipipilit
Upang di na muling paulit ulit
Na maramdaman ang sakit,
sa bawat hagupit na sinapit na biglang napapawi
Dahil sa yakap nya na kay higpit.
Tigil na, itigil na ang patuloy na pag kapit
Sa pagmamahalang ,tila wala na at ubod na ng pait..
…Di na maibabalik ang mga oras na naitapon
Na tila ba isang bakanteng kahong
Napaglipasan na ng panahon
Sa pagmamahal namin saiyo,
Nalunod at di na naka ahon,
Lumipas ang panahon, nagparaya..
natuto kaming magpatawad, ngunit ang pag limot …
…ay hindi!
Gaanu man kasakit ang pilat ng nakaraan,
Matututo tayo sa lahat ng ating pinagdaanan
Sa pag tatapus ng una kong contrata
tatlong taong nawalay sa pamilya
Ako’y umuwi at sabik na sabik na yumapos
Sa mag ama ko na mahal na mahal kong lubos,
Labing isang araw lang ang ibinigay na bakasyon,
Kung pwede lang pigilan ang oras,
pahabain na tila ba may prosesyon.
Kaya noong huling araw na iyon
Ang aming silid ay napuno ng emosyon.
Tutol ang aking kabiyak na bumalik ako muli ng taiwan
Kung pwede lang sana, ayaw ko din silang iwanan.
Masyadong masakit ang ikalawa kong pag alis
Lalo na’t nadidinig ko ang anak ko sa pagtangis,
Pero kailangan ko pang bumalik
Kaya humingi ako sa kanila muli ng isang halik.
Baon muli ang pag mamahal at pagtitiwala
Na kahit magkalayo man kami ulit …
ay hindi sana agad maglaho na parang bula.
Sa puntong ito ako’y napahinto at tumindig
Lumapit sa akin alaga,
Kay nainai, at napayakap ng mahigpit.
Sa desisyon kong lisanin ang pamilya ko
sa bansang sinilangan, sa ikalawang pagkakataon
Para sa aming magandang kinabukasan,
Ako’y napahinto at napag isip…
Kakayanin ko pa ba ang susunod na mga araw?
Tila ako’y napang hihinaan ng loob,
Dahil sa pag balik tanaw, nakadama muli ng poot,
Sa mga tulad nilang sumira ng pamilya,
Na gusto kong tawaging mga salot.
Masyadong masakit ang pilas na naukit
Na habang ako’y tulog at nakapikit
Tila ito’y isang bangungot na paulit ulit.
Ramdam ko ang pag ka dismaya,
ang hirap na magpanggap na masaya,
Dahil ang totoo’y kalungkotan ang syang nadarama.
Sinusubok na naman tayo nang panahon,
Pero hindi ko batid kung bakit biglang
Nahinto ang ating komunikasyon,
Paano natin bibigyan nang solusyon
Ang lumalalang sitwasyon.
Kung hindi ka magiging handa sa mga akusasyon
At ang tanging hiling ko lang ay gumawa
ka nang aksyon, para hindi tuluyang
masira ang ating relasyon.
Eto ang hudyat nang aking pagka aligaga,
Naduwag ako , natakot sa sarili kong multo.
Multo ng nakaraan, na ayaw ko na sanang maulit
Napapikit ako saglit, at nasambit
Dyos ko ,wag sanang maulit
Sa akin ang pangyayari sa aking ina
Dahil baka diko makayanan ang sakit.
Pinaghandaan ko ang mga bagay
na wala pang kasiguraduhan,
Hindi mo ko masisisisi kung ako ay hibang
Sa pagsulat ko nito, sana’y walang basehan
Dahil lahat ng akusasyon ko gawa lang
Ng mapag larong imahinasyon at kaisipan,
Di ko alam kung ikaw ang may sala,
Pero paumanhin sa mga mali kong hinala,
Kaya napa sulat ng mga katagang….
Bakit pa pinatagal,
Kung di na din naman na magtatagal…
kung pwede lang ang oras ay bumagal….
nang sa ganun hindi ako maging sagabal..
sa mga planong,
ikaw lang ang bumuo…ngayon nagdesisyon ka’t
…ako’y iyo na palang isusuko
pa ano na ang aking puso..
Ikaw ang unti unting bumuo…
..sa huli ikaw din pala ang sanhi nang pag guho…
Sabi mo, maghihintay ka sa aking pagbabalik….
buwan at taon ang dumaan,
punong puno sayo ng pananabik…
…umaasa muli sa iyong matamis na halik..
…ngunit sa pagtama ng ating mga
matang sabik na sabik..
masakit na kataga ang iyong nasambit…
…wala akong nagawa kundi, umuwi at humikbi..
dahil sa sakit na nadama ng muli kong pagbabalik..
Diko inaasahan ang mga salitang binitawan….
…habang sa akin pinakikilala ang bago mong kasintahan….
para saan pa na ako ay pinaghintay,.
…mauuwi din pala ito sa walang saysay…
Nagmahal ba ako nang maling tao…
…o, kasalanan kong, pinagsisikan ko ang sarili ko sa taong sarili lang ang pinapahalagahan…
…nagbulagbulagan sa pait ng dating ginawa mong kababalaghan..
..pero di ko kayang bitawan ka, dahil nangako akong ikaw ay pakaiingatan..
..kahit noon gusto ko nang sumoko..
.pero pag naalala ko,
kung paano tayo nag simula ,
nagpakatatag at naging masaya..
…bumabalik ako sa pagiging bulag at tanga..
.. pinipilit kung maging matapang..
…pero ang totoo lahat ng ito’y isang pagkukunwari
Lamang..
Ito na siguro ang tuldok…
…nang sigalot na salot sa damdamin ko..
…itago ko man sa buong mundo ang sakit at pait ng ginawa mo …
..ang pagdurog sa puso ko,
na ikaw lang ang tanging dahilan ng pag tibok…
bakit ka naging marupok,
Pagsubok lang ito, bigla ka naman na upos…
na para bang kumuha ng bato na hinintay ko pa na sa akin iyong ipinukpok
para matauhan sa mga kaganapan
na ang totoo ako ay nahihirapan…
sa pag amin mo nang harap harapan
sana hindi nalang ako lumaban…
salamat na lang sa pag iibigang wala na din naman nang walang hanggan..
…tama na !
Hanggang dito nalang ang pagiging hibang…
Patuloy ang pag bangon..Kahit na nasasaktan…
ang mahalaga bukas, Kaya kong gumising,
Susubukang ngumiti,Kahit wala kana sa aking tabi….
Gawa gawa ko lang to, sarili ko pinahirapan ko!
Hala! At Anung pinanggalingan ng hugot kong ito..
Nag isip ng negatibo, kaya ngayon ay tuliro
Tumulo ang aking mga luha
Bakit ko kailangang maging praning,
Siguro dahil wala ako mapaglabasan ng aking hinaing
…sa sandaling iyon ako’y napa ngiti
Hinusgahan kita, nang walang pasintabi
Masyado akong nag iisip ng mga mali,
Kaya sinimulan kong libangin ang sarili ko,
Facebook, you tube at tiktok..
Tama nga sila , dahil totoong epektibo.
Pinagdadasal ko na lamang na ako’y hindi mapagod
at naway ilayo ako sa tukso,
dahil habang ako ay nabubuhay
manatiling tapat sayo ang aking puso
at yan ay tunay at totoo!
Sa mga tulad kong nasa bansang ito,
Iisa man ang bansang ating pinanggalingan,
Pero hindi lahat pareho ang pinagdadaanan
Bakit ang iba kayang libangin ang sarili
Sa pamamagitan ng paghahanap ng ibang
Babae o lalaki?
Ako sa pagsusulat ko ibinaling..
Wala na bang solusyon?
O ikinahihiya mo ang pinasukang sitwasyon?
Lahat ay pwedeng idaan sa maayos na komunikasyon,
Mag usap kayo at wag ibaling sa iba ang atensyon,
Ang problema nyong mag asawa,
Hindi ma aayos kung ipapasa mo sa iba,
Ang layunin kung bakit nasa ibang bansa
ay mag trabaho,
Hindi ang humanap ng magiging kalaguyo!
Pero kabayan iyong pakatandaan
Ikaw ang mag dedisiyon ng iyong kapalaran.
Di ko man hangad na sila ay husgahan
Pero bakit kaya ang iba takot tanggaping niloloko sila…
Kahit sinasampal na sila ng katotohanang
di na sila nag iisa sa puso ng mahal nila…
Minsan…
Ang hirap talagang sagutin ng mga katanungan,…
bakit ka iniwan…
Lumisan ng di man lang sya nagpapaalam…
Yung niloko ka na lahat lahat…
…pero isang tawag lang
Sinagot mo naman agad agad…
…eh….anu pa nga ba…mahal mo eh..
pero hanggang kelan ka magkukunwaring masaya…
…pag ubos kana at lugmok na sa
pagpapakumbaba at pagpapaubaya…
lalu na….
alam mo sa sarili mo…
Na sa kanya…wala kang pag kukulang….
Ba’t hirap ang iba na makontento…
masaya naman…nung kayo….
…pero sa huli unting unti na din syang lumayo…
Bakit kailangang humantong ,
sa pagpili…sa pagitan niya at sarili mo…
….magising ka…
lagi mong piliin ang sarili mo…
Dahil yan pag nag sawa na…at ayaw na sayo…
…iiwanan ka din nyan…
Itatapon lahat ng meron kayo…
Kaya Mawala man sya sa buhay mo, ipagmalaki mo
ikaw di nawala sa sarili mo…
Bakit ba binibigyan pa ng pangalawang paakataon…
ang mahal mong nawalan sayo ng panahon.
Pero kahit gaanu man kasakit
Wag tayong mawalan ng tiwala sa pagibig
Hindi ko man masasabi kung saan ito hahantong,
Pero patuloy akong aasa,
Na hangang sa huli kami pa din dalawa.
Hindi lang ako ang may ganitong karanasan
Madami rin, at halos di na mabilang.
Kalimutan na ang pilat ng kahapon,
Hayaan itong tuluyang maghilom
ang masasabi ko sa mga tulad kong
Mula sa pamilyang nawasak,
Huwag mapanghinaan ng loob
Ang tinutukoy mong pamilyang nasira
pundasyon lang ang umuga
Hanapan ng solusyon at umaksyon
Upang ang tinitirhan kasama ang inay o itay,
Mapuno ng maliligayang decorasyon.
Iniwan man tayo ng ating mga ama/ina
Pangarap man natin ay naudlot
Huwag tayong huminto
At sabay nating abutin ang tuktok
Anu man ang sigalot…
Wag hayaang balutin ng takot…
Hindi hadlang ang pamilyang wasak,
Wag nating hayaang itong
maging dahilan ng ating pagbagsak..
Nasa ating mga kamay ang desisyon ,
para makaahon sa kinalugmokang sitwasyon,
Kasama ang ating mga kapatid
Mangakong mag kakakapit bisig..
para tayo’y Lubusang lumigaya
At mabigyan natin si inay o itay
ng buhay na masagana.
Walang perpektong relasyon,
Pero kailangang pag isipang mabuti
ang bawat desisyon,
Hindi hadlang ang distansya
Kung matututo tayong umunawa at mag pasensya,
Kung hanggad nyo ay maging masaya
Isaalang alang palagi ang pamilya,
Tiwala at respeto sa isa’t isa
Yan ang pinakamahalaga..
Habang hawak ko ang panulat
Naalala ko…..
isang dekada na pala, buhat ng kami ay naging isa,
Tanging nagawa ko lang ay sumulat ng isang liham
Para maipahayag ko ng tapat
Ang saloobin ko at nararamdaman
Para sayo mahal ko…Sana mabasa mo ito…
Magkaiba man ang ating mundo,
Parehas naman tayo ng gusto…
Lagpas isang dekada na mula ng mabuo tayo..
napagtibay ng mga unos at bagyo,
di man naging madali ang lahat sa umpisa
di naman natin iniwan ang isa’t isa…
Madami man ang sa kanila ang nagduda…
di maaalis ang kanilang panghuhusga..
dahil ang ating kinalakihan ay magkaiba..
at ang nakikita lang nila ay ang
gusto ng kanilang mga mata..
pilit man tayong niyanig nang mapag birong tadhana
..andito pa din tayo ,
Hanggang sa dulo….patuloy umaasa..
Ang dami man ng mali sayo…
andito lang ako iintindi at hindi ka isusuko..
Mapagod man ako
Sa huli ikaw pa din ang pipiliin ko.
magbilang man tayo ng araw, buwan at taon..
basta hindi lang masaktan ang aking puso…
bitawan ka man ng mga taong malapit sayo..
…andito lang ako, kahit mabigat ang dinadala handa kang masalo..
…..dahil yan ang ating pinangako…
Sa hirap man o sa Ginhawa….
Ikaw at ako…
Hanggang sa dulo…
….madalas ka man pang hinaan ng loob…
andito lang ako susuporta Ng buong buo..
kahit harangan man tayo ng anu mang delubyo..
basta magkatuwang tayo sa pag sugpo…
…madami man silang ibatong masasakit na salita…..
at pilit tayong hihilain pababa…
Lahat ng ito ay baliwala
Dahil …
IKAW AT AKO,
Sandalan natin ang isa’t isa
…at ang importante,
okey tayo…yun ang mahalaga
….kuwestyonin man ako ng paulit ulit kung bakit ako tumagal..
hindi ko kailangang ipaliwanag…dahil wala akong kailangang patunayan…
…basta sa mahal ko handa akong Sumugal ..
at yan ang mga katagang sa kanila susupalpal…
…itigil na ang pagdududa ..At ang mga maling akala..
..dahil ang pag ibig ko sayo,
Mula sa umpisa ay wagas at totoo
kaya wala kang dapat ipag alala…
…ikaw lang..
wala ng iba…kasama ang ating
Nag iisang prinsesa….
Sa patuloy na pag tahak sa daang
Kay daming lubak lubak
Tatahakin natin ng buong galak
Sapagkat hiling natin sa may kapal
Pagibig natin sa isa’t isa…
Aabot pa ng ilang dekada!
Kalimutan na ang nakaraan , umabante
Tuloy na sa paghilom mula sa
Pilat ng kahapon.
📝 Komento mula sa tagasuri|Diomedes Del Rosario
Maganda pagkakasulat ng istorya niya na bagama’t kathang isip ang naglalaro sa dibdib niya na nakakapagpagulo sa anumang mangyayari sa relasyon ng kanyang minamahal, naisulat niya ng maayos ang kabuuang nilalaman ng kanyang istorya