HIRAM NA TAGUMPAY

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭

📜 HIRAM NA TAGUMPAY
👤 Theryza Mae Murillo

Alas dose ng tanghali’ tirik na tirik ang araw, lasing na naman si Mang Ricardo Renoso o kilala sa pangalan na CARDO, nagising ang anak nito na si Mela sa malakas na sigaw’, (Lasing na boses: MELA!! MELA!! MELA!! nasaan ka bang bata ka! ihanda mo nga ako ng makakain!!! bilisan mo!! bwisit ka talaga sa buhay ko!!) ang batang si Mela ay sampung taong gulang at nagiisang anak na babae ni Mang Cardo. “Itay, lasing na naman ho kayo, halika Itay, ititimpla ko po kayo ng kape’ at ihahanda ko po kayo ng makakaen” sambit ni Mela. Tinulak ng ama si Mela. “Huwag mo akong hawakan!! naupo ang ama at hinantay na maghain” Ito po Itay’, kumaen na po kayo, at magpahinga”. Pasensya na Itay maiiwan ko po muna kayo hahabol ako sa eskwela. “Wala akong pakialam, wala ka naman silbing bata ka!!” at bigla nitong itinapon ang tasa ng kape kay Mela! sumigaw ang bata’ Aray!! Aray!! umiiyak ang kawawang bata. “Itay bakit po ba kayo malupit sa akin, ��������.” “Lumayas ka!! nga sa harapan kong bata ka! �� Malas ka talaga sa buhay ko!” Habang naliligo, umiiyak na naman si Mela, napaso ang balikat nya, patuloy nag handa para pumasok. Naglalakad na at patungong eskwela, nkasalubong si Aling Nena, “Mela, anu na ba nangyayare dyan sa tatay mo! halos araw araw umiinom kaya lagi lasing” Kulang din lage bayad sa renta nyo.” “Kaya nga po ehh! Aling Nena at lage po saken binubunton ang galit nya ��” Wag po kayo mag alala, kapag hindi na po lasing si Itay babanggitin ko po” Hinawakan sa balikat si Mela’ para magpaalam. “Ohsige magingat ka sa daan,.”Aray! Aray ko po!! sambit ni Mela ��. Naramdaman ang hapdi ng hinawakan ni Aling Nena ang balikat nito, gawa ng paso ng mainit na kape.” Yan tatay mo talaga! dahil sa kalasingan nasasaktan ka nya! ” Wala po ito Aling Nena. Okay lang po ako. Cge po papasok na po ako. Patuloy na naglakad si Mela. Hindi ininda ang tirik na tirik na araw, pawisan, walang baon pero nagsisikap makatapos ng pag aaral.

Si Aling Nena ay matulungin, may edad na at nag iisa na lamang sa buhay, matagal na den syang naninirahan sa bayan ng San Teodoro, isang lumang bayan ng Mindoro’ sya ang may ari ng inuupahan nilang bahay. Lumapit si Rose kay Aling Nena ang kapit bahay nila Mang Cardo. Naupo sila sa tindahan nya. “Aling Nena, naaawa na ho ako sa kalagayan ng mag ama, yan si Mela napakabait na bata, masipag mag aral, at matalino. Sabi ng anak ko si Martin madalas na daw ang pagliban sa klase ngayon. Nahihiya pumasok dahil madalas may mga pasa sa braso at binti. Kaawa awang bata. Rinig ko den kanina na lasing na naman si Mang Cardo paniguradong sinaktan na namn si Mela. “Naku! Rose alam ko ang nangyayare’ ilan taon den saken sila nanirahan, at malaki na talaga ang pinag bago ni Ricardo mula ng mamatay si Mayla �� hanggang ngayon ang bata ang sinisisi nya sa nangyare.”Bakit ho Aling Nena?! napaisip si Rose sa kung anung dahilan.” Anim na taon na ang nakaraan, Masayang pamilya sila Mayla at Cardo nuon lalo nung pinagkalooban sila ng anak na babae iyon ay si Carmella ( Mela). Masipag at mapagmahal na asawa yan si Cardo at alagang alaga silang mag Ina. Kaya lang si Mayla ��… napatigil ng bahagya si Aling Nena at bigla naalala ang nangyare” “Ano ho ba ang nangyare sa asawa ni Mang Cardo” “Tanda ko pa nuon mga alas kwatro ng hapon, tanaw ko habang kinukuha ni Mayla ang mga sinampay na labada,” “Magandang araw sa iyo Mayla,” ang bilis ng panahon ano? ang laki na ni Carmella.” Kamusta na den ang asawa mo? ang nakangiting pagbati ni Aling Nena, “Mabuti naman po kame, tama po kayo Aling Nena ang bilis ng mga taon, lumaking masaying bata si Mela, at mag aaral na po sa susunod na taon, si Cardo po maya maya lamang ay narito na yun, nasa trabaho pa sambit ni Mayla’ ng biglang nawala sa paningin nia si Mela,” �� “Nasaan naba ang batang to,? Anak! huwag kang lalayo at lalabas” sabe ng

ina. Apat na taon pa lamang nuon si Mela. Nakalabas ng bakuran ang bata… Nang biglang!…… �� “Ano? ano po? nangyare Aling Nena? mabilis na tanong ni Rose.” “Biglang napaluha si Aling Nena habang inaalala ang sinapit ni Mayla, “Si Mela ay sinagip ng kanyang ina nang ito ay nakalabas at malapit sa kalsada’ Kinuha ng bata ang laruang papel na nilipad ng hangin �� Nakita agad ng ina, nawala ito sa kanyang paningin dali dali itong lumabas ng bakuran iniwan muna ang hinangong sampay dahil nakita nia ang papalapit na Truck at may lamang mga bakal. “Carmella! Anak!! hinatak ng mabilis at para makaiwas sa mabilis na Truck, nailigtas ni Mayla ang anak… ngunit ang sasakyan ay mabilis ang takbo, nawalan ng preno ang drayber nito ng makita ang mag ina na nasa harap, Mabilis na sumalpok sa isang poste na malapit sa tahanan nila, at huli na ang lahat dahil nahagip si Mayla, ang ina ni Mela�� “Umiyak ng umiyak ang kawawang bata, nasaksihan ang pangayayare habang nakahandusay na sa kalsada ang ina nito, duguan, at tila ito ay hindi na humihinga dahil natamaan ito ng makapal na bakal mula sa malaking Truck” “Mayla!!! Carmella”!! TULONG! Tulungan nio kame!! paulit ulit na sinasambit ni Aling Nena, habang umiiyak ito at niyakap na lamang ang katawan na puno na ng dugo at nag aagaw buhay na si Mayla.

May mga kapit bahay naman ang lumapit, at tumawag ng ambulansya sa malapit na ospital ng San Teodoro, sampung minuto ang lumipas dumating din agad ang tulong “Wang! Wang! Wang!” wala na silang nagawa dahil wala ng buhay ng makita nila ang katawan ni Mayla. Hiningian ng pahayag si Aling Nena, kung ano ang tunay na nangyare’ iyak ng iyak pa den ang kawaw ag batang si Mela. Maya maya lamang dumating na ang mga pulis para sa aksidenteng nangyare. Naunang kinuhaan ng pahayag ng mga pulis ang drayber ng truck. Kasabay nito ang pagdating ni Mang Cardo at walang ka alam alam sa mga pangyayare, Sya ay galing trabaho at may dala sanang pasalubong sa mag ina nito, “Teka’ bakit kaya may mga pulis at ambulansya sa bahay namin? pagtataka ni Cardo ng mga oras na iyon, at nakita ang anak na iyak ng iyak at habang si Aling Nena ay kausap na ng mga pulis. Paalis na ang ambulansya para dalhin ang bangkay ni Mayla. Pero napahinto sila ng hinarang ni Cardo ang sasakyan ng ambulansya. “Sandali!! Sandali!! inalam ni Cardo ang nangyare at kinakabahan na ito. May mga kapit-bahay na den ang nakiosyoso sa nangyare at umiiyak na den ang ilang kaibigan nilang mag asawa. “Aling Nena, bakit po ano po ba ang nangyare?” “Cardo! habang umiiyak si Aling Nena at paputol putol na boses nito’ huwag ka mabibigla si Mayla!! Cardo!! ” naaksidente kanina, wala na ang asawa mo! �� boses pa rin ng umiiyak at tila nawalan sya ng anak. “Aling Nena hindi totoo yan!!” “Itay wala na po si Inay yumakap ang bata sa ama. Binuksan ng ambulansya ang sasakyan para makita ni Cardo ang bangkay ng asawa. Pagkakita sa asawa, malakas na sigaw ni Cardo, Mayla!! Mayla!! asawa ko gumising ka!! Iyak na den sya ng iyak at ndi matanggap ang sinapit ng asawa! bumaba ng ambulansya at hinanap ang drayber ng truck. Galit na galit na boses ni Cardo! “Walang kwenta kang tao! Bakit nangyare to sa asawa ko” nais sanang suntukin ni Cardo ang drayber naawat na lamang ng mga pulis. Dinala na sa ospital ang bangkay ni Mayla. Nalaman den ni Cardo ang buong pangyayare matapos ang ilang araw na burol ni Mayla. Nagsimula na ang kalbaryo ng batang si Mela. ��

“Naku Rose’ napahaba na ang usapan naten, anung oras naba at mag sasaing at magluluto pa ako para sa hapunan! Aling Nena ngayon ko lang ho nalaman ang kwento ng mag ama.. Kawawang bata sya ang sinisisi sa pagkamatay ng asawa” “Kya pala ganyan na lamang nya pakitunguhan ang nag iisa nyang anak.” kaya mula nuon naging mas malapit ako sa bata dahil tila nawalan na ng saysay ang buhay ni Cardo napapabayaan na nya ang kanyang trabaho at ang anak nito. “Aling Nena, anu po ba ang trabaho ni mang Cardo?” “Napapadalas po kase ang pagbili ng alak kahit po ata bago pumasok.” “Alam mo Rose isa sa magaling na mekaniko si Cardo sa bayan na ito. kaya lang sa ngayon halos wala na syang ganang magtrabaho.” �� “Ocge ahh saka na ulit tayo mag kwentuhan.

Malapit na mag hating gabe nagising si Cardo ngunit wala pa den ang anak nito.” “Mela Mela!! nasaan kana naman bata ka?! Letche naman buhay to’ nawalan kana ng asawa, wala pang silbi ang anak mo!” Nasa labas ng bahay si Mang Cardo at sya ay naninigarilyo’, kausap si Aling Nena, “Nakita nyo ho ba si Mela?” Alam ko pumasok sa eskwela kanina’ parating na den siguro yun, tekat sandali nagluto ako ng sinigang na isda bibigyan kita, “Cge ho salamat ho tamang tama at masakit pa den ang ulo ko’ Nga pala Aling Nena samakalawa na lang ang bayad namen sa renta.” Ito namn si Cardo bayaran mo na lang ako kapag nakaluwag luwag kana, “Salamat ho ulit” Malapit na mag ala sais ng gabe ng dumating si Mela. “Mano po itay!” Binalewala ang pag mano’ “Punyeta kang bata ka san kaba nang galing ha?” “Tatamaan kana naman talaga saken!” nasaktan na namn si Mela, “Aray!! Itay tama na ho! patawad po dyan lamang po ako kila Ate Rose, dumiretso po kame ng anak nya si Martin sa bahay nila’ kaklase ko po, gumawa lamang po kame ng proyekto pra sa eswela” “Alin? ito ba ha?? kinuha ang bit bit ni Mela, hinagis ito at sinira,” sumigaw si Mela “Itay!! Tama na po’ huwag naman po yan pinag hirapan ko po iyan!! Itay! hindi napo tama ginagawa nio!” “Aba! bata ka sumasagot ka naman”!! Huh? tinadyakan ang anak (hinampas at bugbog ang sinapit ni Mela) dahil ang pakiramdam ni Cardo sumasagot na ito sknia.. Kawawang nakahandusay si Mela!.. “Hindi na po kayo naawa saken itay’! Parang hindi nyo ako anak!! umiiyak na namn si Mela.” “Alam mo bata ka!! ikaw ang may kasalan kung bakit namatay ang asawa ko! ikaw!!” “Sana ako na lang ang namatay at hindi ang Inay’ matagal po ako nag tiis itay! ��” “Oo sana nga ikaw na lang ang namatay!! (galit na sinabe ni Cardo sa anak at umalis na ulit ng bahay) nag dasal si Mela’,” Panginoon patawad kung hihilingin ko po na huwag ng bumalik si Itay, �� pagod na pagod napo ako, ang dami ko na pong mga sugat, pasa at sakit sa mga bugbog puro pag titiis, nagsisikap po ako sa pag aaral, ngunit hanggang ngaun ganun pa den si Itay” �� nakatulog na si Mela sa sobrang iyak.

Isang umaga, nasa bahay lang si Mela, nakita sya ni Aling Nena, “Carmella teka, hindi ka naman ba pumasok ng eskwela,? nung isang araw hindi kana naman pumasok’ tinatanong ka sken ni Martin. Nasaan ba ang tatay mo?.. malungkot ang muka ni Mela at umiiyak na ito. Lumapit si Aling Nena,” “Anu na naman ba ginawa sayo ng tatay mo”!, puro pasa kana namn Mela, ang braso mo ang muka mo pati binti mo! (Galit na si Aling Nena) hindi na Tama ito Mela… (niyakap ang bata at humagulhol sa iyak si Mela kay Aling Nena) sinasambit na “Sana ako na lang ang namatay!! paulit ulit niang sinasabe) Shhh…. Shhh….. Shhh (Pinapatahan ang bata!) Tahan na Mela, wala kang kasalanan, aksidente ang nangyare nuon, hindi magugustuhan ng Inay mo kung sasabihin mo yan.. Tama na’ Tahan na huwag ka ng umiyak. Ang tatay Cardo mo kase sobra ang pagmamahal niya sa inay mo, Pero hindi tama na isisi nia pa den sayo ang nangyare, matagal na panahon a iyon , Mela andito ako para sayo, para na kitang apo. Tahan na!

Lumipas ang isang buwan hindi pa bumabalik si Cardo sa bayan ng San Teodoro, at sa kanilang tahanan, kahit masama pa ang loob ni Mela, nagaalala na ang bata sa ama, “Panginoon, pagingatan nio po sana si Itay, kung nasaan man sya ngayon’ patawad kung ninais kong huwag na syang bumalik, patawad po!”. Dasal pa den ng dasal si Mela at inabot na ng dalawa hanggang anim na buwan na ndi ito nagpapakita. Nagtanong tanong na den si Aling Nena, at kahit sa trabaho nito walang nakakaalam dahil matagal na den pa lang ndi pumapasok sa trabaho si Cardo.” Nabuhay ng mag isa si Mela, kinakaya nya at pinag patuloy ang pag aaral sa tulong ni Aling Nena at Rose. Isang hapon, Araw ng Linggo, Pumunta ang guro ni Mela sa kanilang tahanan at si Aling Nena ang nakausap, wala ang bata nasa bahay nila Martin. “Tao po!… Tao po!! magandang araw po!, ako po si Mrs.Sevilla, ang guro po ni Mela,” “Magandang araw den po naman Mam, tara po kayo pasok po kayo, maupo po muna kayo, pasensya na po at medyo makalat ang bahay, kukuha lang po ako ng maiinom’! (magalak si Aling Nena ng dumalaw ang guro ni Mela)” Anu po ang sadya naten Mam,? tanong ng matanda, Bigla naman kumatok si Rose sa bahay ni Aling Nena at nadatnan den ang guro,” “Aling Nena!… Aling Nena, Tao po! Mam Sevilla andito po pala kayo, naroon po sa amin si Mela kasama ang anak ko nag aaral sila. (pumasok den sa bahay si Rose dala ang merienda)” Anu ba yang dala mo Rose, maupo ka muna”. “Tamang tama ho itong mainit na pancit Aling Nena pag meriendahin den po naten si Mam Sevilla.” “Marami pong salamat Mrs. Robles” “Naparito po ako para ipaalam na sana po ay may gumabay sa batang si Mela, napaka bait, masiyahin at matalinong bata, nabalitaan ko po kase na ndi nabbumalik ang kanyang ama at mag isa na lamang sya” “Naaawa ako nuon sa tuwing papasok si Mela na may mga bagong pasa at sugat” �� “Sabe ko nuon kay Mela tutulungan ko syang ireklamo sa mga Pulis ng San Teodoro ang ginagawang pambubugbog ng ama. Ngunit ang kawawang bata ay tiniis lahat ng pasanin, gusto nia lagi na manguna sa klase para maipag malaki daw sya ng ama at para mahalin ito” �� (Naiiyak si Aling Nena, habang nakikinig sa gurong si Mrs. Sevilla) Tahimik naman si Rose dahil alam nya ang mga pasanin ni Mela sa ama, sa pagsisikap mag aral, kapag nasa bahay nila si Mela nagsasabe ito sa kanya.

(Sa bahay nila Martin) “Mela, napansin mo ba si nanay?,” “Oo Martin sabe ni Ate Rose maghahantid daw sya ng pancit sa bahay ni Aling Nena,” (Tugon ni Mela) “Ahh baka nga” “Maiba tayo Mela maraming salamat ha ng dahil sayo mas ginusto ko ng mag aral, napapadali ang mga leskyon naten, kapag tayo ay nasa kolehiyo na, anung kurso ang gusto mo?” “Naku… Martin (Malungkot ang muka ni Mela) ako nga dapat magpasalamat sa inyong mag ina sa patuloy na pag tulong sken lalo na pag may mga sugat ako, at tuwing kumakalam ang tyan ko’ Andyan kayo pra isabay ako sa pagkain, Salamat ha! Hindi ko alam kung makakatapos paba ako hanggang kolehiyo?!, �� ngayon na mag isa na lang aq sa buhay. (Naiiyak na si Mela) “Mela ayaw ko nakakakita ng may umiiyak” kaya tahan na, sige ka papangit ka lalo nyan �� (biro ni Martin) “Ikaw talaga, habang nakatingin sa mga mata ni Martin” “Teka lang ikaw ba?! anu kurso ang gusto mo kunin? seryoso ako!? (nagiisip pa si Martin)” Ahh alam ko na gusto ko maging pulis para, maparusahan ko ang mga masasama gaya ng itay mo ikukulong ko sya” (naitulak ng bahagya ni Mela si Martin) “Hoy! Martin kahit ganoon ang itay, naintindihan ko na ngayon, sa sobrang pagmamahal nya sa aking Inay kaya ganun na lamang ang galit nia ng mawala ito, Nasaan na kaya si Itay ngayon’?” Baka kung napano na sya”? (malungkot ang muka ni Mela) Kahit puro pasakit ang naranasan nito sa kanyang ama nais pa den nya itong makasama. Hindi den nakasama ni Martin ang ama nito, dahil nasa ibang bansa at may iba ng pamilya.

Nagpatuloy ang buhay ni Mela, sa pagkakataon iyon si Aling Nena na ang kumupkop sa kanya itunuring na parang sariling apo nito, naiparamdam ni Aling Nena ang pagmamahal ng pagiging isang Ina at Lola sa Batang si Carmella. Masayang masaya sya dahil nakatanggap si Mela ng scholarship para sa kolehiyo na kahit anung kursong ang ibig in nya matutupad na. “Maraming maraming salamat po sa inio Aling Nena, mapag pa patuloy ko na po ang pag aaral, magsisikap ako at para maging propesyonal balang araw” “Alam kong matutuwa ang Itay, Nasaan man sya ngayon.” “Lumipas ang ilan taon walang balita kung nasaan na nga ba si Cardo? Ano nga ba ang nangyare sa kanya?” “Carmella, huwag ka mawalan ng pag asa maaaring darating ang panahon magkikita den kayo ng iyong ama” (habang yakap si Mela). Nagdaan ang mag taon. Sa nalalapit na pagtatapos ni Mela. Dumalaw ang dalawa sa puntod ng kanyang Ina na si Mayla. Nag dala ng bulaklak at kandila. “Inay, kamusta kana?, heto ako ngaun malapit na ako maging isang doctor, Alam kung ito ang pangarap mo para sa akin, at matutupad na. Mapalad ako at si Mama Nena ang tumayo Kong magulang, at naramdaman ko ang pagmamahal at pag aauraga ng isang Ina, mula ng ndi na bumalik ang Itay. (Kausap ang puntod ng Ina) “Huwag ka mag alala Mayla’ malapit na maging doctora ang anak mo alam kong proud ka sa kanya” (Nakangiti at masaya si Aling Nena.) Dumating ang araw na hinihintay ni nila, nag tapos na si Mela sa kursong medisina at naging isang ganap na Doctora (Carmella L. Renoso M.D) Isa sya sa kilala at magaling na Doctor sa bayan ng San Teodoro. Ang kaibigan namn nitong si Martin ay ganap ng Pulis gaya ng pangarap nya nuon at nagbibigay serbisyo sa kanilang lugar”. Pag katapos ng trabaho sa ospital umuwe ng bahay si Mela. “Mama Nena, narito na po ako.” Kumaen na po tayo” (Nagusap ang dalawa matapos kumain at naging sentimental si Aling Nena) “Apo! Wala na siguro akong mahihiling pa sa panginoon, doble ang saya ko dahil naging parte kayong mag ama sa buhay ko, wala man akong naging pamilya kayo ang naging pamilya ko. Ang bilis ng panahon, batang ka lang nuon Mela, ngayon ay isa ka ng ganap na Doctora. Alam kong balang araw mahahanap mo den ang itay mo, at proud yun sayo” (Naiiyak si Mela sa mga nasambit ni Aling Nena.) “Mama Nena”, bata pa lang po ako lagi na kayong nandyan, mula ng mamatay si Inay, at sa mga panahon malupit si itay hindi niyo ako pinabayaan, kayo ang tumayong magulang para sa akin, hanggang ngayon’ “Hiram ko po sa inyo ang tagumpay na ito at buong buhay ko pong tatanawin na utang na loob kung ano man po ang narating ko ngayon (Niyakap ng mahigpit si Aling Nena, at naging emosyonal ang dalawa) �� Nagpunas ng luha ni Aling Nena,” “Tama na po ito, nagkakaiyakan na po tayo,” Tara na po sa kwarto at magpahinga na po kayo.

Dumating ang ika tatlumpung kaarawan ni Carmella. Naghanda si Aling Nena ng salo salo imbitado ang ilang malapit na kaibigan at katrabaho nito sa ospital, naroon den si Rose ang nanay ni Martin at katulong sa paghahanda. Tinawagan ni Martin si Carmella “Hello, Dra. Mela?! (nakangiti ang binata) �� pwede kana ba sunduin at mamaya may regalo ako sayo” at alam kong ikatutuwa mo!? (“Sige.. Martin isang pasyente na lang at tapos na ang shift ko.”Sige susunduin kita inuna ko na sa bahay nio ang regalo ko sayo’ alam kong espesyal yun para sayo.” “Naku Martin siguraduhin mo lang”. (“Nakangiting sagot ni Mela”. (Nasundo na ni Martin si Mela at pauwe na sila ng bahay at habang nasa sasakyan) “Mela, Happy Birthday, may ideya kana ba ano ang regalo ko?” “Alam mo Martin kahit wala nga okay lang, ikaw talaga nag abala kapa” “Aba sympre naman, espesyal ka sa buhay ko” (Namumula ang muka ng dalaga) “Ikaw talaga puro ka biro” “Hindi ako nagbibiro Carmella, Mahal kita” Seryoso ako sayo” (Malapit na ang dalawa sa bahay, nagulat si Mela sa ipinagtapat ni Martin) “Andyan na ang dalawa parating na” sabe ni Aling Nena. (Bumaba ng sasakyan si Mela at bumungad ang isang lalaking nakatalikod) (Bumabati na ang mga bisita,) “Happy Birthday Doc”, Maligayang kaarawan sayo Carmella” Doc, tara na maraming handa” Parang walang naririnig si Carmella nakatingin sya sa lalaking nakatalikod at pag harap nito.. “Maligayang kaarawan Anak! (Niyakap nito si Carmella) Ang lalaking iyon pala ay si Mang Ricardo ang itay ni Mela na nawala ng dalawangpung taon)” “Itay kayo po ba talaga iyan? (Umiiyak na si Carmella at ndi makapaniwala sa taong kayakap nia) Umiiyak na den sila Aling Nena, nagulat den si Rose na bumalik na pala si Mang Cardo.

“Ito na po siguro ang pinaka masayang kaarawan ko at pakiramdam ko buo na ang pamilya ko, Itay! ang tagal kitang hinanap’! (Puno ng kasiyahan ang puso ni Mela) Salamat sa Dyos at buhay ka at walang nangyare sayo” (Nagkwento na den ang ama sa dahilan ng pagkawala nito) Si Mang Cardo ay nakulong sa malayong bayan mula sa San Teodoro, sa kasong may kinalaman sa droga, nabigyan ng parol kaya nakalayang muli, si Martin din ang tumulong pra mahanap sya at mapabilis ang proseso ng kanyang papel. Lubos na nagpapa salamat si Aling Nena sa ginawang patulong ni Martin para matupad ang matagal ng hiling ni Carmella na makitang muli ang ama.

“Patawad Anak,! patawarin mo ako sa lahat ng mga naging kasalanan ko sayo, mula pagkabata mo, malaki ang pagkukulang ko sayo bilang ama, sa mahabang panahon. Habang akoy nakakulong buong puso akong nagsisisi sa mga nangyare. Ngayon nakalaya na ako, nais ko lamang ang makita ka at humingi ng tawad sayo at magpasalamat kila Aling Nena. Isa ka ng Doktora, proud na proud ako sayo ngayon Anak! (Iyak ng iyak si Carmella) “Itay, matagal ko na po kayong pinatawad at hindi po ako nag tanim ng galit sa inyo’ Mahal na mahal ko po kayo” “Mahal na mahal din kita Carmella”. Ayun na nga araw na pinakahihintay ni Mela ang makita ang ama at maging proud ito sa kanya. Naging inspirasyon ni Mela ang muli nilang pagkikita para mag patuloy ito sa buhay, natutong nangarap at nagtagumpay. Masayang masaya ang lahat sa nasaksihan nilang muling pagkikita ng mag ama. Mula ng araw na iyon, mas lalong hinangaan ni Mela si Martin at nag simula na ang kanilang pag iibigan. Sa buhay ng tao darating ang pagkakataon na dumadaan tayo sa masalimuot na nakaraan, gayunpaman hindi tayo papabayaan ng ating Panginoon, siya ang nagbibigay ng tamang daan, tamang pagkakataon at makikilala natin ang tamang tao para sa magandang bukas.


📝 Komento mula sa tagasuri|Nene Ho

A mother was killed trying to save her daughter from the coming car. The father then maltreated his daughter who was then raised up by the neighbor until the daughter became a doctor, the father realized everything after all, and was also forgiven by his daughter. Life was so heavy to bear, that if this happens to another person, surely the person could not stand it, and in spite of all the odds the daughter struggled so hard that she now has a good life.