Ang Tamang Sapatos

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭

📜 Ang Tamang Sapatos
👤 Maria Lourdes Catilo

“Guys pahinga muna tayo, mga 30 minutes!”Ang hudyat na kanina ko pa hinihintay.

“Hay, salamat”, ang tangi kong nabanggit habang sumasalampak ng upo sa isang medyo nilulumot ng kahoy na nakatumba.

Ilang oras na rin kaming naglalakad paakyat ng bundok at aaminin kong medyo napapagod na ang binti ko. Batid kong ganun din ang mga kasama ko base sa mga reaksyon nila ng pasasalamat habang naghahanap ng mauupuan upang magpahinga. Ang pag akyat ng mga bundok ay hindi madaling libangan at hilig pero para sa amin isa itong challenge. Masaya itong gawin, na para bang nagpapaalala sayo na sa bawat hirap ay may kapalit na kaligayahan, sa case namin is yung fullfilment kapag nakarating ka sa tuktok at tinatanaw mo na ang tanawin sa baba. Ang sarap sa pakiramdam na para bang ikaw ang reyna ng lahat ng natatanaw mo, hahaha charot!

Inunat ko ang naninigas ko ng mga binti. At habang tinititigan ko ang nanlilimahid ko ng sapatos ay naisip ko na buti nalang tama ang isinuot kong sapatos kaya hindi ako masyadong nahihirapan maglakad.

“Malayo paba tayo ateng?”, narinig kong tanong ng isa naming kasama.

“Medyo malayo pa”, sagot ng guide namin. “Halos kalahati palang tayo, mga apat na oras pa.”,dagdag pa nya.

“Hala! Malayo pa pala pero lawit na ang mga dila natin”, biro ng isa pa naming kasama.

Sabay sabay kaming nagtawanan sa tinuran nya. Medyo malapit kasi sa katotohanan ang sinabi nya, as in literal na malapit ng lumawit ang dila namin, mga pawisan na kami sa kabila ng malamig na temperatura sa bundok.

“Words of motivation naman dyan ateng”, pabirong sabi ng isa.

“Ok, isipin nyo nalang na sa tuktok ng bundok na ito ay naghihintay sa inyo si forever nyo na si Mr. Right”, wika ng guide namin.

Kanya-kanya na sila ng tugon at biruan dahil sa sinabi ni ateng. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ng kaibigan ko nung isang araw, na baka daw sa pag akyat-akyat ko ng bundok ay duon ko matagpuan si Mr. Right ko. Hays! Ano bang akala nya? Na si Tarzan ang Mr. Right ko o mas malala kung unggoy. Ganun ba talaga kahirap matagpuan ang kapalaran ko na kailangan ko pa talagang galugarin ang maraming bundok. Bakit nga ba kailangan natin mahanap yung taong nakalaan sa atin para masabi natin na kumpleto na tayo? Bakit marami ang nakakatagpo ng kapareha pero nauuwi din lang naman sa hiwalayan? Paano mo nga ba masasabing natagpuan mo na ang tamang nilalang na nakalaan para sayo?

Nanininiwala ako na lahat ng mga hayop at taong nilalang ng Dyos ay may kapareha, parang si Adan at si Eba. Parang itong sapatos ko may kapartner din, eh sino ba naman ang gagawa ng sapatos na walang kapartner diba? Syempre maliban nalang dun sa mga special cases, kaya kung wala kang kapareha ay isipin mo nalang na special case ka, saklap bes! Pero atleast special ka diba? Bakit nga ba isinisilang tayo na hindi natin kasama yung taong nakalaan para sa atin tapos gugugulin natin ang buhay natin sa paghahanap sa kanya. Sana tulad nalang tayo ng sapatos na magkapartner at magkasama na agad simula sa umpisa para hindi na tayo nagkakamali at nahihirapan. May mga masuswerteng natatagpuan nila yung tamang tao para sa kanila. May mga malas na hindi talaga nagtatagpo at meron din naman na akala nila natagpuan na nila pero “wow mali” pala. Pero bakit nga ba hindi natin natatagpuan yung para sa atin o bakit nga ba tayo napupunta sa maling tao? Palagay ko ganito kasi yun, mayroon kasing tanga at meron din namang sobrang wise, na sa sobrang talented ay napaka advance mag isip. Nagtataka ka kung bakit? Marahil sasabihin mo na “anong connect, tanga kaba?”. Ganito kasi, yung iba sobrang advance mag isip, nakakita lang ng pogi na nagpalundag ng puso ay nag assume na kaagad, nag conclude na kaagad na sya na si “Mr. Right”. “It feels right” daw kasi, kaya ayun sunggab na agad. Tapos ang ending ay hindi pala sya yun tapos inagawan nya na talaga yung kapalaran nung tao. Then it’s a domino effect. You are both the victim and the villain kasi biktima ka ng pagkakamali ng iba pero ikaw din ang salarin ng pagdurusa ng iba. Parang sapatos lang yan na iniiwan ng mga tao pansamantala sa labas ng mga pampublikong lugar. Kapag may isang ngakamali ng kuha inintensyon man o hindi ay dun na magsisimula ang gulo, yung inagawan nya ay syempre mangunguha narin ng iba kaysa wala syang maisuot, ganun din ang gagawin ng iba. Ilan lang yung masuswerteng nahahanap parin yung talagang sa kanila. Yung iba ay maswerte pero yung sa iba ay wala lng talagang nagkakainteres na kunin yung sa kanila kasi baka luma na o pangit na. Pero hindi rin lahat kasi kapag no choice na kahit sira at pangit may kumukuha parin para lang may maisuot. Tapos meron ding agawan, syempre awayan at angkinan ng hindi naman sa kanila. May mga matatapang pa na ipinaglalaban yung alam naman nila na hindi talaga sa kanila, diba magulo?

Well, usapang sapatos parin. Ang paghahanap ng right one ay parang paghahanap din ng sapatos, kailangan yung sakto sa size mo, sakto sa panlasa mo at sakto sa pamumuhay mo kasi kung hindi ay ikaw din ang mahihirapan tapos kapag nasaktan ka ay itatapon mo nalang sya basta o iiwan sa isang tabi, masasayang lang sya bes. May iba na mas komportableng suotin ang sapatos na hindi akma sa kanilang kasarian pero hindi naman komportable sa mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa paligid. May ibang mas pinipili ang comfort over style, yung iba naman ay “tiis ganda”. Basta maganda at uso kahit hindi komportable ay sige lang. Mas binibigyan nila ng importansya yung makikita ng ibang tao kaysa sa sarili nilang kaligayahan. May iba naman na kayang piliin pareho ang comfort at style, well, mayamanin ika nga, mayamanin sa pera at kagandahan. Wag ng mainggit! Ganun talaga, may mga taong masuswerte at may tao namang malas, mayroong sakto lang at meron din namang pinagsakto lang. Yun mga nagkakamali ng napipili at isinuot na sapatos at napapaltos ay may pinipili nalang mag sandalyas, may iba naman na mas gusto nalang mag tsinelas kaysa masaktang muli, mayroon naman na wala ng ibang pagpipilian kundi mag aapak nalang dahil wala na talaga, saklap diba bes? Pero baka kaya hindi ka natatagpuan o hindi mo nahahanap si Mr. Right ay dahil abala kang ipagsiksikan ang sarili mo kay “Mr. You Thought is Right” at abala kang piliting mag work out ang relasyon nyo ni “Mr. Wrong”. Minsan kasi kapag may natagpuan na tayong maayos na tao ay ayaw na natin silang bitawan kasi nakakatakot na mawala pa sila, nakakapanghinayang kasi diba? Imaginin mo ang sarili mo na makatagpo ng sale na sapatos, yung maganda at sikat ang tatak kaya lang ay medyo masikip o maluwag sayo pero pwede naman pagkasyahin kahit medyo hindi kumportableng isuot. Diba nakakapanghinayang na bitawan kasi kapag binitawan mo at ibinalik sa lagayan ay tyak may ibang kukuha nito, kaya malamang ang ending ay bibilhin mo ang sapatos na yun kahit alam mong mayroon naman na pwedeng bumili nun na sakto sa kanilang size. Tapos hindi mo rin naman matatatagalang suotin kasi nga hindi ka kumportable, tapos si sapatos ay tatambay nalang sa taguan mo at aamagin, mas sayang diba? Ganun sa lovelife, minsan yung akala mong si “ Mr. Right” sa umpisa kapag tumagal pala ay nagiging “Mr.Something Went Wrong” na. Hay! Ano nga ba talaga? Paano nga ba malalaman kung sya na talaga, kung dapat ba syang ipaglaban, kung karapat dapat ba syang paglaanan ng oras at panahon? Worth it ba na masaktan tayo at mapaltos dahil sa kanya? Pwede ba nating sundin ang puso natin na pumili ng gusto nya o pagtiwalaan natin ang utak natin na magdesisyon? Ano sa palagay mo? Mahirap no? Kasi minsan tanga lang talaga ang puso natin tapos may utak nga tayo na dapat mag rule pero minsan mas malakas parin talaga ang puso natin na binubuo ng mga muscles kaysa sa utak natin na binibuo ng soft tissues. Kaya maraming nagkakamali, maraming iniiwan, maraming umaasa at maraming naghihiwalay dahil walang poreber! Joke lang, magre reak ka naman agad, hindi ako bitter, gusto ko lang talagang I-flex ang bago kong hiking boots.

“Guys, akyat na ulit tayo! sigaw ng guide namin.

Tapos na pala ang tatlumpong minutong pahinga. Kung ano ano ng mga naisip ko ng dahil sa “Mr. Right” na yan. Hala akyat na ulit. Kaya ko to, suot ko ang tamang sapatos.


📝 Komento mula sa tagasuri|Nene Ho

Life was compared to a pair of shoes, that if they fit the person comfortably life is smooth, so if someone likes to have a certain pair of shoes, she should buy them just like love, you will get what you deserve. If the shoes don’t fit a person’s feet there would be pain, as in a partner in life, it would not be easy to live a good life.