SA IKA-APAT KONG BUHAY

🇵🇭 2020 Preliminary 菲律賓文初選 🇵🇭

📜 SA IKA-APAT KONG BUHAY
👤 Ivy C. Tandoy

Dalawang Taon n din pala mula nung mawala si Mama.Dalawang taon n din akong lumalaban.Lumalaban ng tahimik sa laban n ako lang ang nakakaalam.Sa laban na hindi nila maiintindihan at mauunawaan kahit kelan dahil hindi nila nararandaman at hindi pa kelanman nararanasan.

Bata pa lang ako laging andyan sa tabi ko si Mama.Natatandaan ko pa noong nag aaral pa lang ako magsalita,habang si Mama ay naglalaba ako naman ay nakikigulo sa ginagawa nia.May nakita akong balat ng shampoo at pinulot ko ito.Pinag aralan ko pano sya basahin at nang hindi ko mabasa itinuro sakin ni Mama ang tamang pagbasa bawat letra.”Ang basa diyan ay Pal-mo-live”sabi nia.At ang senaryong iyon ang paulit ulit kong naaalala sa tuwing naaalala ko si Mama.Kasabay non ang pagpatak ng mga luha ko habang sumisigaw sa sakit ang puso ko.Gusto kong tumakbo sa malayo,isigaw ng malakas ang nararandaman ko upang gumaan ang kalooban ko.

Pito kaming magkakapatid.Ako ang pangalawa sa panganay.Ang dami namin no?Ang sipag kasi ng Papa ko.Pero totoo masipag talaga ang Papa ko sa lahat ng bagay.Madami kaming mgkakapatid pero nakaya niya kami buhayin at pag aralin lahat kahit sobrang mahirap ang buhay.Sa mga gawaing bahay maaasahan din si Papa.Lagi niya tinitulungan si Mama magluto,maglinis at kahit pa nga maglaba.Kung si Mama ay “WonderWoman” siya naman ay “Superman” ng aming buhay.Pero syempre iba pa din ang pagmamahal ng isang ina dahil wala itong kapantay.Puro at pang habambuhay.

Sa ika-pito o bunso naming kapatid nahirapan manganak si Mama.Lahat kami sa bahay lang pinanganak iyon kasi ang uso noon.Simula sa pang lima kong kapatid nasaksihan ko ang panganganak ni Mama lahat yon ay madali lang sakania maliban s bunso naming kapatid.Nang gabing iyon nang panganganak niya itinakbo namin siya sa Hospital.Sumama ako sakanila dahil ayokong iwan si Mama.Hatinggabi na at tulog na ang mga tao.Lulan ng motorsiklo binabagtas namin ang madilim na daan.Yakap ni Papa si Mama na nakabalot ng kumot dahil hindi siya pwede mahanginan at malamigan.Ako naman nakatingin sa aming dinadaanan,nanginginig,umiiyak at natatakot sa pwedeng mangyari kay Mama.Natatakot ano na baka kunin na sa amin ni Lord si Mama at ayoko mangyari yon dahil hindi ko makakaya.Taimtim at tahimik akong nagdadasal na sana umabot kami sa Hospital at maging okey na siya.Napagbigyan ang aking hiling.Umayos ang pakirandam nia at sa wakas bumalik na ang lakas niya.

Pagkatapos ng gabing iyon na hinding hindi ko malilimutan,kinuha ko ang isang notebook ko at doon isinulat ko ang tanging hiling ko kay Lord.Isinulat ko doon na sana huwag na mabuntis ulit si Mama para hindi na ulit niya maranasan ang paghihirap sa panganganak at hindi na malagay sa panganib ang buhay nia.Sinulat ko din doon na sana huwag nio kunin sa amin ng maaga si Papa at si Mama at nangako ako na magpapakabait ako para matupad ang kahilingan ko.Pinilas ko ang pahina na pinagsulatan ko ngunit hindi ko alam pano ipapadala kay Lord ang sulat ko basta ang alam ko nababasa nia yung sinusulat ko at umaasa ako na pagbibigyan ang kahilingan ko..Itinupi ko ang papel at inilagay sa pitaka ko.Iyon ang pinaka una kong naging pitaka ibinigay sa akin ng kuya ko.

Pinagbuti ko ang pag aaral ko,sinikap ko na laging magkaroon ng matataas na marka nang sa gayon maging masaya si Mama at maging proud sa akin.Gusto ko kasi maranasan nia umakyat lagi sa stage tuwing Recognition Day ng eskwela at hindi ako nabigo.Ilang taon din sila ni Papa na umaakyat nang paulit ulit upang isabit ang medalya.Kitang kita ko sa mga mata ni Mama kung gaano siya ka proud at kung gaano sya kasaya.Sobrang ipinagmamalaki niya ako sa mga tao.

Nang matapos ko ang High School nagpasya ako na ipagpatuloy ang pag aaral ng kolehiyo sa Manila.Gusto ko mag aral na hindi umaasa sakanila dahil ayoko n mahirapan pa si Papa.Sinuportahan nila ako sa naging desisyon ko at ibinigay ang buong tiwala na makakaya ko dahil alam nila ang abilidad ko at kilala nila ako alam nila na magtatagumpay ako.Lumuwas ako ng Manila at nakipagsapalaran.Sinikap ko mag aral habang nagtatrabaho.Sa Auntie ko na kamag anak ni Mama dun ako nakitira may sarili siyang negosyo.Sa canteen ng delivery freight services nia doon ako ng trabaho habang nag aaral.Madami akong bagong nakilalang mga tao.Hindi naging madali ang buhay ko.Hindi pala ganon kadali mag aral habang nagtatrabaho.Hindi pala ganon kadali malayo sa pamilya.Hindi pala ganon kadali na malayo kila Papa at Mama.Walang mag aalaga pag magkakasakit ka.Walang mag aasikaso pagdating mo galing eskwela lahat ako ang gagawa.Hindi katulad pag kasama si Mama ang gaan ng lahat,doon ko naisip na sobrang halaga ni Mama na noon hindi ko masyadong napapahalagahan at napapansin yung mga pag aalaga nia.Iba tlga magmahal si Mama.

Habang nasa kolehiyo ako,natapos na din ng pangatlong kapatid ko ang High School at tulad ko lumuwas din siya ng Manila at pareho kami ng layunin gusto din niya mag aral sa sariling sikap nia.Ang pagkakaiba nga lang sa ibang tao siya namasukan.Ngunit hindi kinalaunan at hindi inaasahan magkasakit siya sa hindi malaman na dahilan.Bumalik siya ng probinsya para siya ay maalagaan.Ang kapatid ko na iyon ay lagi ko kaaway kumbaga sa mgkakapatid kami ay aso at pusa na mas madami pa ang away namin kesa sa pagkakasunduan.Mabait sya at alam ko na sa ugali ko ang problema at iyon ang labis ko na pinagsisihan.

Lumipas ang mga araw ngunit hindi pa din nalalaman ang sakit niya kahit sang Hospital ay walang malinaw na sagot sa sakit niya.Bigla na lang bumagsak ang katawan nia.Ang dating malaman naging buto’t balat at hindi na makilala dahil ang laki ng pinag iba ng muka nia tila ba siya ay tumanda.

Kasabay non tinalikuran ko muna ang pag aaral nagpasya ako na ihinto muna.Gusto ko magtrabaho muna para makatulong kahit papaano sa pagpapagamot ng kapatid ko.Batid kong ayaw nila ni Mama ang naging desisyon ko pero wala sila nagawa para pigilan ako.Masyado na sila problemado sa mga nangyayari.At ang desisyon kong iyon ay hindi din nagustuhan ng Autie ko na tinirhan ko hindi kasi ako ngpaalam nang maayos sakanila.Umalis lang ako at hindi na bumalik.

Nahirapan ako maghanap ng trabaho sapagkat hindi ko pa naman natapos ang kolehiyo.Gustong gusto ko na makapasok para makatulong ako sa pagpapagamot ng kapatid ko.Matagal tagal na din ngunit hindi pa din siya gumagaling.Sunod sunod ang naging kamalasan ko.Halos wala na akong pera at wala pa din trabaho.Pati kwintas na regalo sakin ni Mama ninakaw ng taong hindi ko kilala.Ninakaw din ang pitaka ko.Ang pitaka ko na kahit walang laman sobrang nalungkot ako at naiyak ako dahil andun nakaipit yung sulat ko kay Lord na ginawa ko nung bata pa ako.Pano na ung mga hiling ko?

Nagkatrabaho n ako sa wakas ngunit hindi pa din magaling ang kapatid ko at lalong lumala ito ilang buwan na din siyang nakaratay sa Hospital at tanging patal nlng ng gatas ang kayang tanggapin ng bibig niya upang makakain.Awang awa amo sa kapatid ko.Naiiyak ako.Randam ko din ang sakit na nararandaman ni Mama habang pinagmamasdan ko siya.Natatakot siya na mawala ang kapatid ko.Sa pagkakataong iyon hindi ko alam kung pano ako makakatulong ang alam ko lang ang lungkot ng mga nangyayari ang dilim ng buhay namin at hindi ko alam kelan darating ang liwanag.Ang liwanag na sasagot sa aking mga katanungan kung bakit nararanasan ko lahat ng paghihirap na iyon.Gusto pa namin siya ilipat sa ibang Hospitl ngunit kapos na sa pera.Sinubukan ni Papa humingi ng tulong sa Auntie ko ma tinirhan ko ngunit tumanggi sya dahil sa nagawa kong pg alis sakanila na hindi ngpa alam ng maayos.Kaya ngpasya na lang ang Papa mo na ibalik ng probinsya ang kapatid ko at doon na pang alagaan.

Isang araw habang nasa biyahe ako.Patungo ako sa kompanya ng napasukan ko upang kunin ang ilang araw ko na sahod.Lulan ng pampasaherong sasakyan bigla ko na lng naisipan hanapin ang I.D ko sa hindi malamang dahilan.Iniisip ko na pag hindi ko dala ID ko pag may nangyari sa akin sa oras na iyon walang pagkakakilanlan sa akin ,Hindi ko din alam kung bakit ko naisip yon parang ang weirdo.Hanggang sa pagbaba ko at pagtawid ko hindi ko nabatid ang paparating na sasakyan kung saan sobrang bilis ng takbo niya na tila wala na ako magagawa kundi tanggapin ang katotohan na mababangga na ako at iyon na ang huling pagkakataon n makikita ko ang paligid ko.Biglang parang tumigil ang mundo nang dahan dahan na tila isang pelikula ang daming pumasok sa isip ko sa loob ng isang segundo lang.Parang ng rewind lahat ng nangyari mula nung pinanganak ako.Ganon pala pag mamamatay na.

Ngunit isang himala at hindi ko mapliwanag ang nangyari.Ang alam ko nasagasaan na ako kitang kita ko sa mga mata ko ang puting kotse na sobrang bilis ang takbo.Hindi ko na din nagawang iligtas ang sarili ko dahil huli na an lahat nakita ko na din ang liwanag na tila nasa langut na ako pero bakit nasa gilid na ako nakahandusay pero walang bakas ng kahit ano.Ano ang nangyari?Paano nangyari?Tila isang magic sa pelikula ang nangyari sakin bumangon ako pero malabo ang paligid.Hindi pa din ako nahihimasmasan sa nangyari .Tila ba walang dugo na dumadaloy sa akin.Nanginginig ako nghihina na parang ang lalim ng pinanggalingan ko.Masasabi kong isa itong pangalawang buhay ko.Nasa ikalawang buhay na ako.Pinilit ko mkapaglakad hanggang sa makarating ako sa kumpanya na pupuntahan ko.Tulala pa din ako at hindi makapagsalita.Ang daming tao pero tila wala ako marinig hanggang sa may maamoy ako.Pamilyar sakin yung amoy.Kilala ko kung kaninong amoy yun.Yun ang amoy ng kapatid ko na nasa Hospital.Tandang tanda ko at hindi ako pwedeng magkamali.Bakit andun ang amoy ng kapatid ko?

Nang araw din na iyon pag uwi ko,pagsapit ng gabi nakatanggap ako ng mensahe galing sa bahay.Isang malungkot na balita.Wala na ang kapatid ko.Hindi!Hindi ito totoo!Yun ang nasa isip ko.Nuon ko naisip na iniligtas ako ng kapatid ko sa aksidente.Ang amoy na iyon totoo na andun siya at nagpapa alala na mahal na mahal niya ako.Kahit na ang sama ng ugali ko sa kaniya sa huling pagkakataon ipinarandam nia kung gaano nia ako kamahal.Ang sakit sakit sa puso!

Pagtapos ng libing doon ko pa lang narandaman ang lahat ng sakit at pighati.Kinailangan ko umalis ng bahay agad dahil iyon ay pag aari ng Auntie ko at wala ako magawa.Galit sya sakin dahil sinisi ko sila noong mamatay ang kapatid ko.Madudugtungan pa sana buhay niya kung tinulungan nila kami.Nadala ako sa galit ko kaya nakapag sabi ako ng hindi maganda sakanila.Wala ako pinagsisisihan dahil iyon ang totoo kong nararandaman galit ako sakaniya..

Sa isang pinsan ko sa Manila ako pansamantalang nakitira.Nawala na ang lahat sa akin.Nawala na ang kapatid ko.Nawala na yung pangarap ko na matapos ang pag aaral.Wala akong trabaho.Wala akong pera.Wala na akong pang kain.Wala sa tabi ko ang pamilya ko.Dissappointed ako sa sarili ko.At alam ko kahit di nila sabihin pakirandam ko disappointed din sila Mama sa akin sa mga naging desisyon ko.Ang dating pinagmamalaki nila ay walang wala na.Wala nag natira sa akin.Kasabay pa nito ang pagluluksa at pagsisisi sa lahat ng masamang nagawa ko sa kapatid ko.Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng ngyari.Galit ako,galit ako sa lahat ng ngyari,galit ako sa sarili ko.Galit ako kay Lord.Bakit hinayaan nia na marandaman ko lahat ng ito at maranasan ng pamilya ko.Ilang araw na ako hindi lumalabas ng bahay,hindi din kumakain.Naubos na ang luha ko at wala na ako mailabas.Isang gabing malakas ang ulan kung saan patak lng nito ang naririnig.Tila ba inaakit ako ng kutsilyo at kinuha ito.Naisip kong tapusin na ang buhay ko.Wala na akong silbi.Gusto ko na matapos lahat ng sakit na nararandaman ko.

Nagising na lang ako na buhay pa ako.Hindi ko naituloy ang binalak ko na pagtapos sa buhay ko.Sa ikalawang pagkakataon nakaligtas nanaman ako sa pagkamatay ko.Masasabi kong ikatlong buhay ko na to.

Nagdaan ang mga araw at nakabangon n din ako.Muling nakapag umpisa ng bagong kabanata.Natuto sa pagkakadapa.Pinagsikapan kong makabawi kila Mama.Pinagsikapan kong makapagtrabaho sa ibang bansa.Gusto ko maituloy at matupad ang mga pangarap ko sakanila.Gusto ko mabigyan ng magandang bahay at maayos na buhay si Papa at si Mama pati na din mga kapatid ko.

Nakaalis ako ng bansa at andito ako sa Taiwan.Akala ko magiging okey na ang lahat.Akala ko matutupad na ang pangarap ngunit mas malala pa ang aking pgkakadapa na tila hindi na ako makabangon.Nag uumpisa pa lang ako tupadin pa isa isa na maibigay ang mga mkka pagpasaya kay Mama pero bakit ang damot ng tadhana.Nagkasakit din si Mama ng tulad sa sakit ng kapatid ko.Hindi malaman kung ano kaya hindi alam kung paano magagamot.Ang sakit diba?may pera na pang pagamot pero yung sakit ni Mama walang gamot.Bakit ang damot.Bakit si Mama npakabuti ni Mama.

Bilang nasa ibang bansa sobrang hirap at bigat sa pakirandam na hindi ko maalagaan si Mama.Kelangan nia ako sa tabi nia pero hindi ko magawa.Gusto ko umuwi at alagaan siya pero paano ang pang gastos sa gamot nia.Ako lang ang inaasahan sa bahay.Pikit mata kong tntanggap ang sitwasyon na mahirap.Kelngan maging matatag.Nang halos hindi na talaga makakain si Mama hindi ko na kinaya pinilit kong makauwi sa sobrang pag aalala.Hindi ako mapakali at hindi ano matatahimik pag di sya nakita at nakasama.Ngunit ang araw ng uwi ay may limit lang at bilang lang kelanangan ko sulitin ang mga araw.

Nang makauwi ako halos hindi ko makilala si Mama.Kung ano ang itsura ng kapatid ko noon ay nakikita ko sakania.Sobrang payat,buto’t balat at maga ang mga paa nia.Pinilit kong itago ang emosyon ko.Hindi ko pwedeng ipakita sakania na naiiyak ako.Halos hindi ko siya kayang tignan.Tulala ako at hindi din ako mkapagsabi mg naratandaman ko kahit kanino kahit kay papa.Pinapakita ko sakanila na matatag ako.Kahit ang totoo hindi ko matanggap ang mga nakikita ko.Gusto ko mgwala bakit ganito.Ano bang nagawa ko para maranasan ang lahat nang ito.

Nakaupo ako sa sala at nakatulala,pansin ko ang aking larawan na tila bagong gawa lang.Nakita pala ako ng isang kapatid ko habang pinagmamasdan ito.Sinabi niyang pinagawa iyon ni Mama inutos sakaniya at pinamadali na ipagawa para kahit paano may regalo siya sakin pag uwi ko dahil hindi nia ako maipagluluto.Sobrang napaiyak ako!kahit may sakit siya iniisip pa din niya na mapangiti ako.Inaalala pa din nia ako.Si Mama ang taong hindi ngkkwento ng problema habang nasa malayo ako.Pg tumatawag ako puro masasaya ang knkwento nia para mapatawa ako dahil alam niang nalulungkot ako dito.

Sinulit ko ang bawat araw na kasama ko siya.Iniluwas ko sya ng Manila para maipagamot.Pati sa albularyo nagbaka sakali ako.Dumayo kami kahit napakalayo.Sinulit ko ang mga araw na pwede ko siya alagaan at mabigay ang lahat ng gusto.Kita ko sa mga mata nia ang saya na kasama ako na nasa tabi nia ako.Magana siya lagi kumain at nagkaroon ng bagong pag asa na gagaling.Sa tuwing gabi pag tulog siya hindi ko mapigilang umiyak habang pinagmamasdan siya.

Ang sakit na makitang nahihirapan siya.Ang sakit sakit sa puso.Hindi nga problema ang pinansyal pero wala nman doktor na mkapagsabi kung ano ang sakit niya kaya hindi malaman kung paano magagamot si Mama.

Dumating ang araw na kelangan ko na bumalik ng Taiwan.Ang bigat sa pakirandam na iiwan ko siya na ganon ang sitwasyon niya.Randam ko din ang lungkot nia.Niyakap ko sya bago umalis.Yakap n hindi ko na mauulit .Huling yakap kay Mama.Walang kapantay na sakit.Ang sakit sakit.

Hindi ko pa din pinakita ang emosyon ko sakanya.Sa sasakyan papuntang airport ako humagulgol ng iyak.Duon ko ibinuhos ang lahat

Halos ilang buwan din ang lumipas.Patuloy na lumaban si Mama.Gusto pa nia mabuhay at matatag paniniwala nia na gagaling pa siya.Araw araw ko siya tntawagan at pinapaalala na gagaling sya.Ngunit dumating ang araw na pahina na sya nang pahina hanggang sa nakatatay nlng sya at hindi na makapag salita.Pero matatag si Mama kahit ganon sitwasyon nia pinilit nia n mkipag usap gamit ang kamay nia.Sinsusulat nia bawat sasabihin nia.

Araw araw nababalot ng kadiliman ang buhay ko.Hindi ko alam kung kelan mgliliwanag.Pinilit ko mgpakatatag.Pero dumating ang araw na binawian na din ng buhay si Mama.Ni hindi ko siya nakita at nayakap.Ni hindi ako nkapag paalam.Ilang beses nia din tinatawag pangalan ko at hinintay na dadating ako pero hindi ko alam kung pano ko siya mapagbbgyan.Ang hirap ng siywasyon.Gusto ko umuwi nung araw n hinahanap nia ako pero hindi pwede.Ang sakit ng puso ko.Yung sakit na habang buhay ko mrarandaman.Nung mawala siya,nawala na din ang kalahati ng buhay ko.

Walang gabi na hindi ako umiiyak.Nagdaan ang mga araw,buwan at taon ay lumipas pero yung sakit na nararandaman ng puso ko sariwang sariwa pa sa kahapon.Ang sakit at hirap mawalan ng isang ina.Walang kapantay na sakit.Walang salita na makapagpapa gaan.Walang sino man ang makakapawi.

Yan ang araw araw kong laban.Ang labanan ang walang katapusang sakit.Tatawa saglit tapos iiyak ulit.Pero kelangan magpatuloy.Kelangan bumangon.Nagalit sa Panginoon pero ibinalik ang pananalig.Umaasang balang araw masasagot ang lahat ng tanong.Umaasang sa magiging ika apat kong buhay ay makikita ko muli ang kapatid ko at si Mama at kami’y magsasama muli.Sa pagkakataong iyon wala nang sakit.

Sa ika-apat kong buhay.Hanggang sa muli.


📝 Komento mula sa tagasuri|Nene Ho

A story of a very talented girl who is one of the 7 siblings, and wrote a secret letter to the Lord, hoping that her parents would not do another baby anymore. She worked her way out to go attend school. She worked to support herself, suppor her family including her sick sister. She met an accident, but looked like nothing happened to her and thought that was her second life which God gave her to be able to fulfill some responsibilities of her family. The sister died and she could not accept it, the next she almost committed suicide and escaped death. The Mother was dieing. She went home from Taiwan, after she left, the mother passed away, and ask herself, why all these happened to her.